Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Wednesday, 15 March 2017

EKSPEDISYON - Biyahe sa Nakaraan (With Excerpts!)

I have an announcement. 

I am pregnant with another book!!! 

The book entitled, EKSPEDISYON - Biyahe sa Nakaraan is launching on April 1 at Mystic Brew Cafe, in BF Homes, Parañaque. Remember when we had an online workshop for writing a memoir? This book is a product of that workshop I organized. In the end, we came up with seven memoirs altogether. The title "Ekspedisyon" is a Filipino term to Expedition, a book about a journey to the past, traveling/ excavating/ exploring our memories that made us what we are today. It was difficult firstly because I am not comfortable with sharing a thing I can't even face myself. We are all humans, we all have that memory we chose to forget but needed to be addressed. I don't know why I did it anyway, but if there's one thing I benefited from writing a short memoir, it was the feeling of relief that finally, I could face these demons who have been haunting me. 

Here are the titles of our memoirs in the collection:

AMOR INFINITUS - Christian Loid Valenzuela
MGA LIHIM NG KAHAPON - Jonalyn Mencias
MUSIKERA - Raine Rillera
KAILAN BA NAGING HULI ANG LAHAT? - Analy Midsapak
AVE MARIA - Gab Barrantes
ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NI SUZI - Suzi Oliva

UNANG HALIK - Cindy Dela Cruz 


 Order the book by clicking the link: 




Excerpt no. 1 (From Unang Halik):
AUG 2008. KUMAIN kami ng tinola habang nanonood ng Disney channel - Minute Men ang palabas. Naaalala ko tuloy (na naman) tuwing Sabado pumupunta ako sa kanila at kakain kami ng masarap na tinola. Tapos manonood lang kami ng TV at hihiga kami sa sofa. Nang mga oras na iyon, ramdam ko ang bilis ng oras. Alas dos na ng hapon. “Ligo na tayo,” pangungulit ko sa kanya pero ayaw niya pa.
“Masakit ang ulo ko,” sabi niya kaya pumunta kami sa kwarto niya para umidlip muna. Pero matagal bago ako makaidlip. Niyakap ko siya agad nang maramdaman ko ‘yong takot na ayoko sanang maramdaman. Tumulo ang nagbabadyang luha.
“Bakit ka umiiyak?” tanong niya.
“Kasi mami-miss kita eh,” sagot ko na parang bata.
“Mami-miss din kita. Kung puwede nga lang ay sasama na ako sa iyo pabalik,” tugon niya sa malungkot na tinig. “Hayaan mo, magkakasama rin tayo nang mas matagal.” Tumango ako habang patuloy pa rin ang pagluha. Hanggang sa ako’y makatulog.

Sumapit ang alas tres ng umaga, oras na para umalis. Naka-impake na rin ang lahat ng aking gamit. Mahamog nang lumabas kami sa bahay nila. Suot ko ang pulang jacket niya. Akala namin wala kaming masasakyan pero ilang sandali lang ay may jeep na dumaan. Mga pupunta ata sa palengke ang mga nakasabay namin, habang ‘yong iba ay luluwas ng Maynila. Yakap niya ako dahil sobrang nilalamig na talaga ako. Kung kailan ko kinakailangan ng traffic, doon naman wala. Madalang ang mga sasakyan at ang bilis ng patakbo ng jeep. Bakit walang traffic? Hindi nagtagal nakarating din kami sa Baclaran at mula doon, sumakay kami ng taxi papuntang airport. Malamig sa airport. Siguro dahil madaling araw pa lang o dahil kinakabahan na ako sa mga susunod na pangyayari. 


Excerpt no. 2 (From Ave Maria):
“BUNTIS AKO.” ANG bungad niyang salita nang magkita kami. Napangiti ako, kasabay ng pag-iisip ng kung papaano ko sasabihin sa nanay at tatay ko na buntis ang katipan ko. Nagtanong ako sa kanya kung ano ang gagawin at sinabi niya na gusto niyang ituloy ang hindi inaasahang regalo na iyon.
Parehong labing-walong taon kami noon. Parehong bubot na bubot pa ang kaisipan at wala pang alam sa kung ano ang sistema ng mundo. Kumukuha siya ng kursong Nursing, at ako naman ay Education ang balak tapusin. Pansamantala akong natigil dahil kailangan bayaran ang mga utang ng pamilya namin sa kooperatiba na kinabibilangan ng nanay ko. 
Lumipas ang ilang buwan at hindi pa rin nalalaman ng mga magulang ko ang nangyari. Tanging mga kaibigan lang namin ang nakakaalam at ang may-ari ng tindahang tinatambayan namin na malapit sa bahay namin. Ka-chika-han ng may-ari ang nanay ko kapag nagagawi siya sa kabilang kalsada. 
Gaya ng ibang sikreto, nalaman din ng mga magulang ko ang sitwasyon na kinasasadlakan ko. Hindi ko alam kung papaanong tingin ang gagawin ko sa nanay at tatay ko simula nang malaman nila ang tinatago ko sa tuwing kumakain kami ng hapunan. Pakiramdam ko ay kinakain ako ng lupa sa tuwing mapapadaan ang nanlilisik na mata ng tatay ko sa akin. Doon ko natikman ang kauna-unahang sampiga ng totoong lalaki sa buong buhay ko. Sinampiga ako ng tatay ko habang nakaupo ako sa gatuhod ang taas na harang sa pintuan ng bahay namin. Talo ko pa ang tumugtog buong gabi sa pag-ugong ng tainga ko sa tinamong sampiga. 
Sampiga: may kalakasan kumpara sa sampal, isa sa mga arsenal ng tunay na lalaki para ipadama ang pagkasura nila sa taong minamahal nila. Madalas makatikim nito ay ang mga anak na lalake na gaya ko.
Ayaw kasi na nakikita ng tatay ko na umiiyak ang nanay ko. Bakit daw hindi ko sinasabi sa kanila ang pinagdadaanan ko? At bakit ibang tao pa ang nagsabi sa kanila? (Walang duda na ang tinderang chismosa ng tindahang tinatambayan namin ang nagsuplong sa akin!) Pakiramdam nila tuloy ay wala silang kuwentang mga magulang para hindi pagkatiwalaan ng napakahinang loob na anak.

Matapos ang “acceptance issue” at ang siyam na buwan ay nanganak na si Kras. Lalaki ang anak namin. Tuwang-tuwa ang lahat sa tangos ng ilong niya. Kamukha ko raw (malamang ako ang tatay e.) Lingid sa aking kaalaman ay may nakaumang palang problema sa akin, sa aming dalawa at sa mga magulang ko. Napag-alaman namin na may sikat siya kaya pala matindi ang paninilaw ng kanyang mga balat at mga mata. Noong una akala namin ay kulang lang siya sa sikat ng araw pero hindi pala. May sakit siyang “biliary atresia” na kadalasang dumadapo sa mga sanggol na may edad tatlong buwan pataas at kung hindi agad siya maooperahan ay tatagal lamang ang buhay niya ng dalawa o tatlong taon. Iyon din ang simula ng pagkakalaboan ng relasyon naming dalawa. Napuno ng pagdududa ang pag-uwi ko ng ala-una ng umaga mula sa trabaho na sa katanuyan ay nag-o-overtime ako para lumaki ang sasahurin sa fast food na pinagtatrabahoan.


You are invited to our book launch! 


0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Adventure Time - Lady Rainicorn