Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Monday, 4 July 2016

TABLETAS (Dagli)


   Pinilit kong ipikit ang aking mga mata dahil ayoko pang matapos ang panaginip na 'to. Gusto pa kitang makita, makausap at madama. Kahit sa panaginip lang. Lumipas ang ilang oras pero kahit anong gawin ko ay hindi na ako makatulog. Napamura akong bumangon at kinuha ang isang maliit na bote na naglalaman ng mga tabletas na pampatulog. Kumuha ako ng lima at inisang subo ito na parang chichirya.
     Nang imulat kong muli ang aking mga mata ay nasa tabi na kita. Hindi ko alam kung nasaan na tayo, pero wala akong pakialam. Ang importante sa akin ay magkasama na tayo. Agad kitang niyakap at hinagkan. Niyaya mo akong lumabas at maglakad sa hardin na puno ng mga makukulay na bulaklak. Maganda at maaliwalas ang panahon.
     "Ayoko na bumalik, isama mo na ako sa kaharian mo," pagmamaka-awa ko. "Hindi ko na kayang mabuhay sa reyalidad kung saan wala ka."
     "'Wag kang mag-alala, hindi ka na babalik pa sa reyalidad. Magmula ngayon ay habambuhay na tayong magsasama dito, sa panaginip mo." Sa tinugon mong iyon ay biglang nagdilim ang paligid at ang mga bulaklak sa hardin na aming nilalakaran ay naging mga puntod. 

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Adventure Time - Lady Rainicorn