APO NI DARNA (Dagli)

07:22


     Sa isang interview ng isang sikat na talk show ay tinanong ako kung pagod na ba ako sa trabaho ko bilang isang superhero. Sagot ko naman "Hindi, bakit naman ako mapapagod? Nakakatulong ako sa mga taong nangangailangan."
     "Pero maraming nagsasabi na kampon ka raw ni Satanas? Gaano katotoo ito?"
     "Bahala na silang humusga, hindi na bago ang isyu na ito. Naghahanap sila ng ikakasira ko, basta mahal ko ang ginagawa ko."
     Limang taon na pala ang lumipas mula ang interbyu na iyon, masyado pa akong bata at inosente, naniniwala na laging mananalo ang mabuti. Hindi ko akalaing magbabago ang mga pananaw ko. Limang taon ko na nililigtas ang bayang ito pero wala pa rin pagbabago. Nalaman ko na hindi mo maililigtas ang isang bayan na ayaw magpaligtas. Hindi ko akalain na ang mga taong niligtas ko ang siya ring magpapabagsak sa akin. Kahapon lang ay tinawag ako sa Malacañang kung saan ipinasa ko na rin ang aking resignation letter.
     "It's a shame na isusuko mo na agad ang Pilipinas, Randa. Maraming nagtitiwala sa'yo. Paano na ngayong wala ka? Sino na ang maaasahang magliligtas sa Pilipinas?" sabi ni Mr. President.
     "Tatlong henerasyon na ng pamilya namin ang nagsisibili sa Pilipinas, pero naghihirap pa rin kami. Baon na kami sa utang at nasa ospital pa si Lola Darna. Maga-abroad na lang ako Mr. President. Nag-apply na ako pa-Amerika. Bukas na ang alis ko." 

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

Follow me on Instagram

Subscribe