Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Tuesday, 7 June 2016

The Aswang Virus - A Philippine Apocalyptic Story (Two: Eksena sa Bar)


SANDY RAE CRUZ P.O.V.
Kanina pa ako nakatitig sa bintana, hawak ang papel at lapis, wala na akong maisip para sa susunod na eksena na isusulat ko. Mahirap talaga magsulat ng love story lalo na kung heart broken ka sa tunay na buhay. Nakaka-letse. Pero, trabaho ko 'to at deadline ko na next week. Malamang ay magwawala na naman ang agent ko, malaki rin ang nakukuha niya sa aking pera dahil mabiling mabili ang mga nobela ko. Naririndi na rin ako sa paulit ulit na naririnig ko sa playlist ko. Minsan talaga nakakasawa na rin ang mag-stay sa bahay, wala na rin akong social life. Ah, alam ko na!
Tumungo ako sa ref, pero na-dismaya lang ako sa nakita ko. Wala na palang laman ang ref. Hindi ko pala nasabihan si Inday na mag-grocery bago siya mag day off. Mukhang wala akong choice, kung 'di ang lumabas ng bahay. Tumingin ako sa orasan, magda-dapithapon na pala. Ilang sandali na lang at lulubog na ang araw. Bukas na kaya ang The Grill? Nauuhaw ako, kailangan ko ng maiinom.
'Wag mo akong husgahan agad, hindi naman talaga ako lasenggera. Nakaka-bored na ang buhay na ito, paulit ulit, nakakasawa na. Gusto ko ng thrill at nakukuha ko 'yon kapag nakainom na ako. Kung anu ano na kasi ang naglalaro sa isipan ko. Tapos, mas madali akong nakakapagsulat, mas madali akong nakakatapos ng nobela. Minsan, dalawang linggo lang ang tinatagal at nakakapag-produce na ako ng isang nobela, na siyang gustong gusto naman ng mga fans. Mag-isa na lang ako sa buhay ko na ito, masaya na ako kapag alam kong may naghihintay ng bagong gawa ko. Laki ako sa Lola, kaya lang isang taon na ang nakakalipas mula nang namatay siya. Mahal na mahal ko si Lola Carmen, marami siyang itinuro sa akin at kahit hirap na ay pinagtapos niya ako ng pag-aaral. Kaya lang noong namatay siya, hindi ko na alam bigla ang gagawin ko sa buhay ko. Kung kailan wala na siya ay saka pa ako nag-rebelde. Saka ko pa ginawa ang mga bagay na alam kong hindi niya magugustuhan.
Isa na rito ang pag-inom.
Nag-check muna ako ng sarili sa salamin, nakita kong maganda pa rin kaya kinuha ko na agad ang susi ng kotse at saka tumungo sa garahe. Nakatira ako sa Villa Maria, isang bayan isang oras ang layo mula sa Metro Manila. Hindi gaanong matao ang lugar na ito kumpara sa mga karatig na lalawigan ng Cavite at Laguna. Malalapad ang kalsada kaya walang traffic, at maraming puno sa kapaligiran. Presko ang hangin, at malapit isang malawak na lawa. Kaya lang hindi mo maiiwasan ang mga istupidong tao na nakatira dito. Katulad na lang isang lalakeng pagewang-gewang sa paglalakad na tumawid pa sa harapan ko. Binusinahan ko siya, pero tinitigan niya lang ako, saka ibinuka ang bibig na para bang sumisigaw, pero walang boses na lumalabas mula dito. Inulit ko ang pag-busina at saka sumenyas na bilisan niya sa paglalakad. Muli ay tiningnan niya ako ng masama na para bang handa na siyang kainin ako. Nang magkaroon ng kaunting espasyo ay mabilis akong nag-drive palayo. Wala ako sa mood makipag-away. God, I just want a drink! 
Sa wakas ay nakarating na rin ako sa wakas sa The Grill, ang katangi tanging bar dito sa lugar namin. Bago lang itong The Grill, dati kapag gustong mag-inuman (sosyal style) ng mga tao dito sa lugar namin ay pupunta pa sa Maynila, dahil wala namang ibang choice. Kaya naman magmula nang magbukas ang bar na ito ay walang araw na hindi ito napupuno.
Ngayon lang. 
Bakit ganoon? Dati, kahit alas sais na, marami nang tao dito. Apocalypse na ata, sabi ko sa isip nang natatawa.
Nakita ko ang may-ari ng bar na si George na nagpupunas ng mga baso. Madalas kapag nakikita ko siya ay abala siya sa pagtitimpla ng mga inumin. Kakaiba talaga ang araw na ito. Nasaan na ang mga tao? "Hi George!" paglalandi ko sa kanya. Sana makalibre, haha! 
"Sandy, buti dumating ka. Wala sa staff ko ang pumasok, ako lang ang mag-isa dito." 
"Pansin ko nga, kanina habang nagda-drive ako, isang tao lang ang nakita ko sa kalsada. Sabi ko nga, may kakaibang nangyayari ngayon dito eh. Hindi kaya mali lang ako ng gising?" Umupo ako sa isa sa mga stall at pumangalumbaba sa harap niya. "I'm thirsty." 
"Ayan ka na naman Sandy, ilang beses ko ba dapat sabihin sa'yo na negosyo ko ito at wala ng libre sa panahon ngayon." 
"Eto naman biro lang! Fine, isang shot muna siguro ng tequila." 
Kumunot ang noo niya, "Dala mo ang kotse mo ah! Iinom ka tapos magda-drive ka?" 
"Don't preach, George. Just give me my drink!" 
"Grabe siya o, ang harsh niya. Hindi ka naman ganyan dati!" 
"Wala na ang dating ako, ang kulit mo naman." 
"Bibigyan kita ng libreng drink sa isang kondisyon," aniya. 
 "Ano?" malambing kong tanong na may matching kindat pa. 
"Libreng juice lang ang mabibigay ko sa'yo." 
"George, ang KJ mo na ah. Babayaran na kita, bigyan mo lang ako ng tequila." Napailing na lang siya at saka nagsimulang maghanda ng inumin. Treinta aƱos na si George, konti lang ang agwat sa akin pero dahil sa bigote at sa karunungang taglay niya, para ko na siyang tatay kung magsalita. "Kung buhay lang si Lola Carmen, makukurot ka niya sa singit sa mga pinagagawa mo ngayon." Inabot na niya sa wakas ang isang shot glass ng tequila. 
"Cheers?" Sabay naming inimom ang mga laman ng baso namin. "There's nothing wrong with my life, George. Baka sa'yo, meron," pang-aasar ko. 
"Mas gusto ng lola mo na umalis ka na sa bayang ito, gusto niya na maglakbay ka, gusto niya na makakilala ka ng maraming tao. Sa paningin ko ay kinukulong mo lang ang sarili mo sa bahay na 'yan maghapon." 
"Marami naman akong nakakausap at nakikilala ah, 'yon nga lang, galing sila sa sarili kong imahinasyon." Humalakhak ako nang malakas. 
"Isa pa ngang tequila!" 
"Nababaliw ka na talaga."
Nakailang shot pa ako, bago ko naisipang pumunta sa banyo. Marami rami na rin pala akong nainom, ramdam ko na ang hilo ko. Siguro tatagay pa ako ng isa at uuwi na rin ako. Inaantok na ako. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin, namumula at nag-iinit na ang pisngi ko. Pagsilip ko sa cellphone ko na walang signal, nakita ko na alas otso na pala nang gabi. Oras na nga para umalis ako.
Pagkalabas ko ng pinto ay hindi ko na makita si George. "George, aalis na ako ha. Magkano ang bill ko?" Walang sumagot, kung 'di puro kaluskos lang ang narinig ko. Hinanap ko kung saan naroroon si George. Wala pa rin laman ang loob ng bar. Pumunta ako sa kusina kung saan ko siya nakita, pero nagulantang ako sa nakapatong sa kanya - isang nilalang na malaki ang buka ng bunganga, nakalabas ang matutulis na pangil, mahaba ang buhok at naka-hubo't hubad, pinagpi-piyestahan ang lamang loob ni George na wala nang malay. Napasinghap ako, hindi malaman ang gagawin. Nagkatinginan kami ng aswang at nginitian niya lang ako, tila nagsasabi na ako na ang isusunod niya.
Nawala ang pagkalasing ko at agad kinuha ang malaking kutsilyong nakapatong sa mesa. Hindi ako nagdalawang isip na tagain ang nilalang kung saan natamaan ko siya sa kanyang balikat. Mabilis siyang tumalon at nadikit sa may kisame. Diyos ko, dapat ba ay magdasal na ako? Hindi, ano nga ba ang panglaban sa aswang? Lumabas ang kanyang mahabang dila pilit akong inaabot, mabilis ko itong tinamaan ng dala kong kutsilyo. Tagumpay ako sa pagputol nito, pero agad itong tumubo muli. Holy moly!
Kung hindi ako kikilos agad ay siguradong mamamatay ang kagandahan ko, hindi ako makakapayag! Tumalon sa baba ang aswang at nagsimulang umatake, natamaan ko siya sa braso at sa tiyan pero mukhang balewala sa kanya. Hanggang sa buong lakas kong tinamaan ang ulo niya, tumalamsik ang dugo, pero idiniin ko lang nang idiniin ang patalim sa kanyang utak. Ngumawa ito na parang isang bata, hindi siya napakali at agad niya akong hinampas dahilan para mapunta ako sa isang sulok ng bar. Nanatili ang kutsilyo sa ulo niya at mukhang napuruhan na. Dali dali akong tumayo at lumabas ng bar. Ini-start ko ang makina ng sasakyan at mabilis na humarurot paalis. Hindi ko alam kung saan ako sunod na pupunta. 


















AUTHOR'S NOTE: 
Get earlier updates by subscribing to my wattpad account: https://www.wattpad.com/myworks/68562980-the-aswang-virus-a-philippine-apocalyptic-story

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Adventure Time - Lady Rainicorn