Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Wednesday, 1 June 2016

SAKIT NG KAHAPON (Chapter Twenty Five: Tuluyong Paghilom)

Ginny POV
Sa tuwing pinagmamasdan ko ang anak kong si Martin, pakiramdam ko ay ako na ang pinakamaligayang tao sa mundo. Kay sarap niyang titigan, at malaman kung ano ang susunod niyang gagawin, ano ang susunod niyang hakbang. Mahigit isang taon na ang nakakalipas mula nang iniluwal ko siya sa mundong ito, hindi ko akalain na ang taong magdudulot sa akin ng matinding sugat at sakit, ay siya ring magbibigay sa akin ng biyaya. Isang taon na lang at magtatapos na rin ako sa kursong kinukuha ko, hindi madali ang pagsabayin ang pag-aaral at pag-aaruga ng pamilya, pero laging buo ang suporta ni Jordan kaya tila wala na rin akong mahihiling pa. May kolehiyo sa Nueva Ecija kung saan ko pinagpapatuloy ang pag-aaral ko. Bumibisita lamang ako ng Cavite kung kailangan kong bisitahin sina Lola at si ate Nina. Sa kabilang banda, natuloy naman ang pagluwas ni Mama patungo sa Amerika. Miss ko na siya, pero aabutin pa raw ng isang taon bago siya makakuha ng leave para makapagbakasyon muli sa Pinas. Nakikita kong masaya naman si Mama dahil nung isang araw na tumawag siya ay nagkuwento siya sa akin na meron siyang nakaka-date. Siguro pakiramdam niya ay mas malaya na siya dahil hindi na rin niya ako kailangan pag-aralin, sinasagot naman ni Jordan ang pagpasok ko sa kolehiyo kahit pa sinabi ko sa kanya nung una na hindi naman kailangan. Sinisikap ko na lamang na tulungan siya sa pamamalakad ng hacienda kapag may libreng oras ako. 
Hindi naging madali ang makisamang muli sa pamilya ni Jordan pero nakikita ko naman na pinipilit nila para magkaroon ng kapayapaan dito sa bahay. Masaya sila sa pagdating ni Martin, aliw na aliw ang mga kasambahay at manggagawa ng hacienda sa kanya, pero kung meron mang tumatakbo sa kanilang mga isip ay hindi naman nila napapahalata. 
"Sweetheart, magpahinga ka na. Ako naman dito kay baby," sabi ni Martin pagpasok niya ng kwarto. Alas otso na ng gabi at katatapos lang namin maghapunan. 
"Huwag kang mag-alala, napatulog ko na naman si baby. Ikaw ang dapat na magpahinga dahil buong araw kang nasa labas, kumusta ang harvest?"
"Hindi pa rin kami tapos hanggang ngayon, mukhang kakailanganin namin bukas ng mas maraming tao." Lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang tanggalin ang puting polo niya na balot ng pawis at alikabok. Kinuha ko ang basang tuwalya at pinunasan ang kanyang likod. Nang magdami ang aming mga balat ay nagbigay ito ng kakaibang sensasyon, isang pamilyar at mainit na sensasyon. 
"Sa tingin ko ay oras na para mag-shower ka. Diyan ka lang at bubuksan ko ang heater at pupunuin ang bath tub." Tumungo ako sa banyo at ini-on ang heater. Binuksan ko ang shower at pinakiramdaman ang tubig, saka ito tinapat sa tub. 
Mula sa labas ay narinig ko siyang magsalita, "Sweetheart, you don't need to do all of these. Pagod ka na kay baby, and besides I can do this by myself." Lumapit ako sa kanya at ipinalibot ang aking mga braso sa kanyang leeg, malumanay ko siyang isinayaw habang nakatitig sa mga mata niya. Hindi siya umimik at sa halip ay ginantihan rin ako ng titig. Bakit ba ang amo ng kanyang mga mata? Tila pinaghalo ang kapilyuhan at pagiging maginoo ang kanyang mukha, tila diyos naman ang kanyang pangangatawan na siyang naging epekto ng pagtulong sa mga manggagawa ng hacienda. At kahit pa kupas na ang kanyang pantalon ay hindi niya ito alintana, para sa akin ay isa siyang anghel na naligaw dito sa lupa. Maya maya at nagsalita siyang muli, "Tell me what's on your mind?"
"Iniisip ko lang na kung gaano ako kasuwerte dahil ikaw ang narito sa tabi ko. Ikaw? Anong iniisip mo?"
"I'm thinking the same. How I'm so lucky to have this wonderful woman in front of me right now. You are my lucky charm, ever since you came into my life, life has given me the meaning and motivation to push through."
"Minsan, ang tadhana mismo ang nagtutulak sa atin para magkasama tayo."
"How can I forget those eyes when I saw you in the library? How can I forget those lips when I bumped into you in the bus? God, I love every inch of you," napatawa ako sa sinabi niya. "And why are you laughing?"
"Baka kasi masundan na agad si Martin."
"That's a good idea, but maybe not yet. I would love to stare at that body na hindi ka buntis. I mean I do love you during your pregnancy, but your body now is... is just divine, it always pushed me to leave work on time." Tiningnan ako ng pilyo ni Jordan, at saka ako hinatak papasok sa banyo. 
"Anong gagawin natin?"
"Alam kong alam mo, kung ano ang balak kong gawin sa'yo. I'm sorry if I have been busy these past few days." Dinala niya ako sa may harap ng salamin kung saan ay tinititigan namin ang isa't isa. Sinimulan niya akong hagkan sa leeg ng dahan dahan. Nakakakiliti. Muli ay naglakbay ang kanyang mga kamay sa hubog ng aking pangangatawan. Ang puti at maikli kong bestida ay kanyang itinaas, saka niya ako inalalayan na isalampak ang dalawa kong braso sa may dingding. Hinubad niya agad ang kanyang pantalon at ang kanyang salawal, at muling nagsalita, "I hope you're ready for this." Hindi na ako nakasagot pa, dahil ipinasok niya agad ang kanyang ari sa akin na siyang naging dahilan ng impit kong sigaw. 
"Ahh..."
"Say it again, sweet heart."
"J-Jordan, sige pa..." At muli niya akong binayo habang nakikita ko ang repleksyon namin sa salamin. 
"Mahal na mahal kita, Ginny," pagpapatuloy niya. 

Nang sumunod na araw ay nagising akong walang kasama sa kwarto. Nasaan na ba si baby Martin? At nasaan si Jordan? Tumungo muna ako sa banyo at saka ako naghilamos. Pagkatingin ko sa salamin ay naalala ko ang nangyari kagabi, at sabay napangiti habang binabalot ng kuryente ang buong katawan ko. Sa bandang kaliwa ay natanaw ko ang bath tub kung saan kami humantong kagabi matapos ang eksena sa harapan ng salamin. Hayyy, nasaan na ba ang mag-ama ko? Gusto ko sana pagkagising ko ay sila ang una kong masilayan. 
Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Agatha. "Agatha, nakita mo ba si Jordan at si Martin?"
"Kaaalis lang po nila, mamayang hapon pa raw sila babalik," tugon ni Agatha. 
"Aba, hindi man lang nagsabi sa akin ni Jordan?"
"Hinabilin ka niya sa akin, ang sabi niya ay ihatid ka sa school. May pasok po kayo 'di ba?"
"Oo nga pala, sige mag-aayos na ako. Baka ma-late pa."

Sinubukan kong tawagan si Jordan pero hindi naman siya sumasagot. Naging abala na rin ako sa klase kaya hindi na ako nagka-oras na tumawag pang muli sa kanila. Alas tres natapos ang klase ko at pagkalabas ko ng classroom ay nakita kong agad si Agatha. "Agatha? Hinatid mo na ako kanina, kaya ko naman umuwi mag-isa."
"Pinapasundo po kayo ni Madaam Felicidad sa akin, may emergency daw po eh," nag-aalalang tugon ni Agatha.
"Ha? Anong nangyari? May nangyari bang masama?" Bigla kong naisip si Jordan at ang anak kong si Martin. "Nasaan sila?"
"Halika na, at wala na tayong oras." Nagmamadaling tumungo ang dalawa sa may parking lot at sumakay ng sasakyan. 
"Ano ba ang nangyari? Magsalita ka, Agatha!" Kabado kong tanong. Diyos ko, wala naman sanang mangyaring masama sa kanila. Hindi ko kakayanin... "Saan ba tayo pupunta?"
"Sa hacienda na tayo didiretso, hindi ko po alam kung papaano ko ipapaliwanag sa inyo. Pasensya na..." Kinuha kong muli ang telepono ko at sinubukan i-dial ang numero ni Jordan pero hindi siya sumasagot. Hindi ugali ni Jordan ang hindi sumagot ng telepono lalo na kung ako ang tumatawag. Nanlalamig ang bawat kalamnan ko, Diyos ko...

Pagpasok ng sasakyan sa tarangkahan ng hacienda ay wala akong makita ni isang tao hanggang sa makarating kami may harapan mismo ng mansion. "Dito po." Hinila ako ni Agatha patungo sa likod bahay kung saan naroroon ang malaking hardin. 
"Bakit tayo papunta ng hardin?" takang tanong ko. Ilang metro pa ang tinakbo namin hanggang sa makarating kami sa hardin na puno ng lobo, iba't ibang kulay ng ilaw at laso. At puno rin ito ng tao. Una niyang nakita ang kanyang Lola Malyn, ang kanyang Mama, ate Nina, Gigi at ang isa pa niyang ate na si Rosa. "Mama? Akala ko ba nasa Amerika ka? Anong ginagawa ninyong lahat dito? Hindi man lang kayo nagsabi na pupunta kayo."
"Nasurpresa ka ba Tita Ginny?" tanong ni Gigi na agad kong hinagkan at kinarga. Saka ko lang napansin ang magaganda nilang kasuotan. Lahat sila ay nakaputi at magarbo ang pananamit. "May okasyon ba? Meron bang may birthday dito sa hacienda na hindi ko alam?" Hindi na nila ako sinagot. 
Sa isang banda ay nakita ko si Jordan na naka-tuxedo. Swabe ang kanyang hitsura, ngayon ko lang ata siyang nakita na naka-pormal na pananamit. Sa tabi niya ay si Martha na karga karga si Martin. Saka ako nakahinga nang maluwag, buti naman at mukhang okay lang sila. Lumapit sa akin si Jordan nang nakangiti, handa na akong pagalitan siya dahil kanina pa siya hindi sumasagot ng telepono. 
"Anong nangyayari dito, Jordan? Pinag-alala mo ako ng sobra ngayong araw na 'to. Hindi ka sumasagot ng phone, hindi ka man lang nagpaalam."
"I'm so sorry sweet heart, I needed some time to fix all of these. At isa pa, hindi ko kayang magsinungaling sa'yo kung ano ang tunay kong ginagawa once na magtanong ka na sa akin. You know, I can't lie to you."
"Eh ano nga ba itong ginagawa mo?" Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Saka ko lang na-realize na nakapalibot sa amin ang lahat ng tao sa hardin na iyon. Lahat sila ay nakatingin sa amin, nakangiti, parang may hinihintay. Lumuhod si Jordan sa harap ko at saka inilabas ang isang maliit na kahon mula sa kanyang bulsa. Totoo ba itong naiisip kong gagawin niya? 
"Ginny, will you marry me here... now?" Hindi ako nakasagot agad, samu't saring emosyon ang umaalpas sa aking puso. Para akong mahihimatay dahil hindi na ako makahinga. HIndi ko na alam kung iiyak o magtatatalon sa tuwa. "If you say yes, we can get married right away. Handa na ang lahat." Tama si Jordan, handa na nga ang lahat. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang mga puting upuan, isang puting carpet sa may gitna nito na pinapaligiran ng puting petals ng bulaklak. Sa bandang dulo ay may malaking arko na gawa sa bulaklak. 
Napangiti ako sa lalakeng nasa harapan ko. "I don't think you would take no for an answer."
"Wala ka na rin choice. Also, I'm the best man to love in this world, I think you already know that."
"Tumayo ka na,"
"You have not even said yes yet?"
"Yes, sweet heart."
"Say it again? Say it louder."
"Yes!" mas malakas kong sabi. Napatalon sa galak si Jordan at saka ihinampas ang kanyang kamao sa hangin na para bang nanalo siya sa lotto, naghiyawan at nagpalakpakan naman ang mga taong nasa paligid namin. 
"Yesss!!!" Agad niyang hinila ang baywang ko at hinagkan ako sa labi. "Now, get dress sweet heart, we'll start the wedding soon."
Hanga rin ako talaga kay Jordan, pinagplanuhan niyang mabuti ang araw na ito. Pati ang wedding gown ko ay ayos na rin. Perpekto at elegante ang strapless na damit na abot hanggang sa talampakan ko. Inayusan ako agad ni Agatha at makalipas ang halos isang oras ay nakalabas na rin ako ng kwarto. Mabilis niyang nakulot ang mahaba kong buhok habang humihingi siya ng tawad sa pagpapakaba sa akin kanina sa school.
"Ayos lang 'yon, alam kong nautusan ka lang."
"Masayang masaya ako para sa'yo Ginny. Sana malampasan niyo ang kahit na anong pagsubok na dumating sa buhay ninyong mag-asawa."
"Salamat, Agatha."
Sa paglubog ng araw nang hapon na iyon ay ang oras na sumumpa ako sa Diyos na habambuhay kong mamahalin si Jordan katulad ng pagmamahal na binigay niya sa akin. Sa totoo lang, sino ang mag-aakala na makakabangon ako matapos ang pagkakalugmok? Hindi ko inakala na mabubuo muli ang aking pusong nawarak ng kahapon. Naiisip ko pa rin paminsan-minsan si Lorenz, alam kong magiging mabuti siyang ama sa kanyang mapapangasawa. Kailan lang ay nabalitaan kong lumipad na siya patungo ng Europa, ang tanging hiling ko lang ay maging masaya siya. 
Masaya akong nakabangon muli, hindi madali pero nagawa ko dahil kay Jordan at sa pamilya kong laging nariyan para sa akin. Sa paglalakbay kong ito, nalaman ko na kahit pa marami ang nagmamahal sa iyo, sa bandang huli ay ikaw at ikaw lang din ang makakatulong mismo sa sarili mo na bumangon. Ikaw lang ang makakapag-desisyon sa kung paano mo patatakbuhin ang buhay mo. Marami kang puwedeng pagpilian, pupuwede kang madapa at piliing ilugmok pa ang iyong sarili, o bumangon at magmahal muli. 
Sa yugto ng buhay kong ito, tuluyan na ngang naghilom ang sakit ng kahapon. 
- THE END - 

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Adventure Time - Lady Rainicorn