Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Friday, 15 April 2016

SAKIT NG KAHAPON (Chapter Twenty Three: Lakas ng Loob)

"Kumusta ang pakiramdam mo, sweetheart?" Sa wakas ay dumating na rin si Jordan sa ospital. Kanina pa niya ito hinihintay, mula nang umalis si Grace ay hindi na masyadong nakaimik si Ginny, aminado siya sa sarili na natatakot siya sa mga susunod na puwedeng mangyayari. Nang gabing iyon ay sa isang motel sa harap ng ospital na muna nagpatuloy ang pamilya ni Ginny. Matapos nitong kumain sa labas ay bumalik ito sa kwarto para dalhan si Ginny ng pagkain, pero umalis din ito kaagad dahil pagod na rin ang lahat. Napansin ng kanyang Lola Malyn ang malungkot na mukha ni Ginny, pero idiniin niyang pagod lang siya. 
Napakalaking kaginhawaan ang naramdaman niya nang makita muli ang nobyo, na napayakap siya dito nang mahigpit. "Oh, may problema ba?" anito. 
"Wala naman," tugon niya habang nakatingin sa mukha ni Jordan. "Na-miss lang kita."
Umupo ito sa upuan katabi ng kama. "Kumusta na si baby Martin?"
"Heto, pinadede ko na, himbing na himbing sa pagtulog." 
Sandaling naghari ang katahimikan sa loob ng kwartong iyon, habang pinagmamasdan ng dalawa ang natutulog na sanggol sa tabi ni Ginny, payapang payapa, walang kaalam alam sa nangyayari sa mundo. Parehong nahulog sa malalim na pag-iisip ang dalawa, napakaraming bagay ang bumabagabag sa kanilang puso't isipan. Tumungo si Jordan sa may banyo at naghilamos, matapos nu'n ay pinatay niya ang ilaw sa kwarto at itinira lang ang lampara sa gilid ng kama. Isiniksik niya ang sarili sa kama kung saan naroroon si Ginny at Martin. Hinayaan lang ni Ginny nang yakapin siya nito, ngunit nakahiga man sila pareho ay parehong bukas ang kanilang mga diwa at mata, nag-iisip,, habang parehong nakatingin sa may lampara sa gilid ng kama. 
Napabuntong hininga si Ginny, at saka nagtanong kung ano ang iniisip ni Jordan. "Iniisip ko ang hinaharap. Paano kung mawala ang posisyon ko sa hacienda, Ginny? Mamahalin mo pa ba ako? Papayag ka kaya sa inalok ko na ako ang maging ama ni Martin?"
"Ano ba namang klaseng tanong 'yan? Alam mong minahal na kita nung una pa lang. Naaalala mo ba nung nasa isla tayo, nagi-star gazing habang nakahiga sa buhanginan? Sa tingin ko ay mahal na kita noon, pero siguro matapos lahat ng pinagdaanan ko ay tinanggihan ko agad ang proposal mo." Napangiti si Jordan sa tinuon ni Ginny, dahilan para humigpit pa lalo ang yakap niya. 
"You are my one and only, Ginny. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Hindi ako naniniwala sa soulmate dati. Alam kong may pag-ibig, pero I never thought it will come to me. If there's one thing I'm sure, iyon ay ikaw lang ang gusto kong makasama habambuhay."
"Habambuhay. Ang daling sabihin, ano?"
"Madaling sabihin, pero kakayanin."
"Alam na nila ang sikreto natin. Kanina ay nagpunta dito ang tita mo-"
"Oo, kinausap din ako ni Grandma at Grandpa, alam na rin nila. Syempre, hindi nila gusto ang mga nangyari, ang pagsisinungaling natin at ang mga puwedeng sabihin ng ibang tao."
"A-anong gagawin natin? Natatakot ako na baka ilayo ka nila sa akin."
"Nakikita mo ba kung nasaan ako ngayon Ginny? Nandito ako sa likod mo, yakap yakap ka." Kinuha ni Jordan ang kanang kamay ni Ginny at nilaro laro ang mga daliri nito. "See, my hand fits yours. Tayo talaga ang para sa isa't isa, sweetheart."
"Alam ko."
"Hindi tayo dapat matakot."
"Alam ko. Kaya lang naisip ko, ang dami pang mangyayari. Hindi pa nga ako graduate sa college eh. Paano kung makalipas ng ilang taon, maging katulad na tayo ng ibang mag-asawa, away bati, away bati? Tapos, may family issues pa. God, gusto pa ni Mama na isama ako sa ibang bansa kung sakali mang hindi tayo mag work out. Maraming hindi naniniwala sa pagmamahalan natin Jordan. Maraming umaasa at naghihintay na maghiwalay tayo at hindi ko sila masisisi."
"'Wag mong isipin ang mga iyon, Ginny. Hindi naman talaga magiging madali ang lahat."
"Paano kung sa bandang huli ay kamuhian natin ang isa't isa? Paano kung sa panahong iyon ay magbaliktanaw tayo sa sandaling ito, tapos maisip natin na sana pala umatras na tayo habang may pagkakataon pa?"
"Those things are possible, pero paano natin malalaman kung hindi naman natin susubukan? We have to be strong and brave, we have to give it our all, bago natin masabi na wala na. Hindi puwedeng dito pa lang ay susuko na tayo." Hindi nakaimik si Ginny, nagpatuloy sa pagsasalita si Jordan. "The truth is, I do admire my Grandma and Grandpa for making it this far, kahit pa noon ay may natatapakan silang tao. Parehong pareho sila ng ugali. They are each other's soulmates. Look at them, they support each other and they are in their seventies. Sa totoo lang, that will be the least of my concern now. What I'm more afraid of is baka maduwag kang ipaglaban ako. I saw how easy it is for you to back out, lalo na sa ating dalawa. I sometimes feel that it's easy for you to throw 'us' away."
"Don't judge me Jordan," tugon ni Ginny. "Hindi madali ang mga napagdaanan ko, pero kaya kong makipagsabayan sa pagmamahal na inaalay mo."
"That's good to hear my dear. Bukas, uuwi na tayo at kakausapin natin nang masinsinan sina Grandma at Grandpa, hopefully they will change their mind. They will have to like you, or aalis tayo sa hacienda. Sa tinapos ko at koneksyon ko ay hindi ko naman kakailanganin ang tulong nila, but let's give them a chance tomorrow."
"Okay, let's do it." Sa pag-uusap na iyon ay parehong nabuhayan ang dalawa. Kung meron man silang isang bagay na napatunayan, iyon ay mas lumalakas sila sa piling ng isa't isa. Kay Jordan lang humuhugot ng lakas si Ginny. Si Jordan naman, hindi man ipakita ay pinanghihinaan din ng loob, pero sa tuwing nakikita niya si Ginny at si Martin, ay nahahanap niyang muli ang lakas ng loob na kailangan.
"We'll do this together, my love." Humalik si Jordan sa tainga ni Ginny, saka isinunod ang halik sa leeg nito. "Amoy gatas ka," bulong pa nito.
"Ayoko man sabihin ay kailangan mo masanay diyan."
"Kapag naka-recover ka na, you'll see, we'll make love like there's no tomorrow."
"Ikaw talaga." Napahagikhik ang dalawa. 
"Shhh, baka magising si baby."

Note from the author: Nawa ay antabayanan niyo ang huling dalawang kabanata ng istoryang ito. Muli, kung nagustuhan niyo ang istoryang ito ay, huwag kalimutang i-click ang vote button. Iniimbitahan ko rin kayong i-follow ako dahil marami pa po akong isusulat sa taong ito. Heto po ang listahan ng mga istoryang isinulat ko:
PUBLISHED BOOKS
- Pendulum
- Titser, May I Go Out
- 31st

LIST OF OTHER BOOKS
- Sakit ng Kahapon
- Building 325
- The Meatball Club
- A Campus Story
- Bedroom Stories 
- Mga Alaala ng Takipsilim
- Bedsheet at iba pang Maikling Kuwento

CINDERELLA SHAINE SERIES
- Cinderella Shaine I
- Cinderella Shaine II

BEST FRIENDS & BOYFRIENDS SERIES
- Man Haters
- Man Eaters
- Woman Power

Maraming salamat po ulit sa pagbabasa! :) 

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn