Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Friday, 1 January 2016

SAKIT NG KAHAPON (Chapter Thirteen: Pagsisisi, Pagtanto at Pagmamahal)

Nang gabing iyon ay nakilala ni Ginny ang Ina ng kambal na pinsan ni Jordan. "Ako nga pala si Grace, kapatid ko ang Ina ni Jordan." Napansin niya agad ang makapal na lipstick nito, maikli ang buhok, at may balingkinitang katawan. Nakataas ang kaliwang kilay nito na nagpapaalala sa kanya ng mga kontrabida sa mga telenobela. Hindi mapigilan ni Ginny na maging mapanghusga dahil sa panglabas na anyo nito. Ngumiti ito sa kanya nang iniabot ang kanyang kamay, sa isip ni Ginny, ito ang tipo ng tao na magbubuko ng sikretong tinatago niya. 
"Kinagagalak ko po kayong makilala. Ako po si-" ang tanging nasabi ni Ginny. 
"Kilala ko kung sino ka, ikaw ang girlfriend ng aking nag-iisang pamangkin. Ginny, tama ba?"
"Opo." tipid niyang sagot. 
"Ilang buwan na ang tiyan mo?" tanong nito sabay himas sa kanyang tiyan.
"Four months na rin." tugon niya. Buti na lamang at dumating na si Jordan sa kanyang tabi, hindi na niya alam kung ano pa ang puwedeng sabihin sa tita nito. Nakaka-intimidate naman kasi ang anyo nito. Pinagalitan ni Ginny ang sarili, hindi ito telenobela Ginny! 
"Hi Auntie Grace, how are you?" masiglang bati ni Jordan na siyang kakaligo lamang. Naamoy ni Ginny ang mabangong after shave nito, at hindi niya mapigilang maisip ang nangyari kanina sa may bukid, ang paghahalikan nila ni Jordan. Unang beses nangyari iyon sa kanilang relasyon, at meron siyang kakaibang nararamdaman, magkahalong panglalamig at kuryente sa kanyang buong katawan. 
"I'm good hijo. It's good to know that you're finally back! Alam mo naman hindi ako magaling sa pangangalaga ng Hacienda. All I know is how to spend the money that's coming in!" malakas na halakhak ang pinakawalan nito. 
"Don't worry, Auntie. Ako na ang bahala magmula ngayon. I won't let you down. All you need to do is relax and make a shopping list for yourself." Yumakap si Grace kay Jordan na tila ba galak na galak.
"Thank you my favorite nephew!" anito. "Let's go and eat at baka lumamig pa ang pagkain."

Sa ilang sandali na nakasama ni Ginny si Grace ay tila napagpalagayan na niya ito ng loob. Hindi pala talaga ito masungit, mukha lang itong hindi "approachable" dahil sa masungit na mukha nito. Nasiyahan pa nga siya dahil marami-raming tips din ang binigay nito sa kanya tungkol sa pagbubuntis. Lalo siyang nakaramdam ng "guilt" dahil lahat ng tao dito sa hacienda ay nagpakita ng maganda sa kanya, at heto siya, isang mapanglinlang na kaluluwa. Paano kaya kung nakilala niya si Jordan sa panahong dalaga pa siya, noong hindi pa sila nagkakakilala ni Lorenz? 
Pagkatapos ng hapunan ay dumiretso na si Ginny sa kwarto para matulog. Naghanda siya para magshower nang makita niya na nagri-ring ang kanyang telepono. Nang makita niya ang numero ay biglang nanlamig ang kanyang pagkatao. Si Lorenz, tumatawag. Hindi niya ginustong sumagot sa tawag nito, pero mag-isa lang siya sa kwartong iyon at interesado rin siya sa mga puwedeng sabihin nito. Pinindot niya ang answer button. "Hello?"
"Hello Ginny? Kumusta ka na?"
"Lorenz, okay lang ako. Ikaw, kumusta ka na?"
"Ginny, nagi-guilty ako sa mga ginawa ko sa'yo."
"Lorenz, hindi ka na dapat ma-guilty pa. Kaya kong palakihin ang bata nang mag-isa at hindi ko na kakailanganin ang anuman galing sa'yo. Masaya na akong nabubuhay nang wala ka."
"Paano mo nagagawang pakawalan ang kahapon Ginny? Naaalala mo pa ba when we made love? Totoo lahat ng pinakita ko sa iyong pagmamahal. And now we're having a baby..." Biglang kumulo ang dugo ng dalaga. 
"Nababaliw ka na ba Lorenz? Nakalimutan mo na ba ang naging pag-uusap natin? Nakalimutan mo na ba ang lahat ng sinabi mo? Ang sabi mo hindi kayang iwanan ang pamilya mo, na dapat ay sinabi mo na sa akin noong una pa lang na may pamilya ka na. Niloko at pinaglaruan mo ang damdamin ko! Ang sabi mo rin hindi mo kayang tumayong ama, na magpapadala ka lang ng pera. Nakalimutan mo na ba ang paguusap nating iyon Lorenz?"
"Alam ko na sinabi ko ang mga iyon sa'yo at pinagsisisihan ko na ang mga sinabi ko." Narinig ni Ginny ang sinserong boses nito. "Pero ngayon, handa na akong iwan ang lahat para sa'yo..."
"Hindi ako makakapayag na gawin mo 'yan sa pamilya mo Lorenz, at isa pa hindi na kita mahal. Naka-move on na ako, okay na sa akin na hindi maging tayo."
"Bakit, may mahal ka na bang iba?" Napabuntong hininga si Ginny sa kanyang narinig na tanong. Mahal na nga ba niya si Jordan? Hindi pa siya ganoon kasigurado. 
"Ang importante masaya na ako dito Lorenz. Sana 'wag mo na akong guluhin pa. Ayoko na ng kahit na anong may kaugnayan sa'yo." Iyon lang at binaba na ni Ginny ang telepono. Alam niyang mali ang ginagawa niya dahil kahit na anong mangyari ay anak pa rin ni Lorenz ang nasa sinapupunan niya, at mali ang alisan niya si Lorenz ng responsibilidad lalo na ngayon at handa na ito. Pero naniniwala siya na mas mali kung sisirain niya ang pamilya na meron ito, hindi siya makakapayag.
Muli ay nag-ring ang kanyang telepono, si Lorenz ay tumatawag ulit pero pinili niyang hindi na ito sagutin. Tumawag pa ito ng ilang beses bago tuluyang tumigil. Pinaalala ni Ginny sa sarili na kailangan na niyang magpalit ng panibagong numero para hindi na siya makontak muli nito. Ilang sandali lang ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Lorenz. Nanlamig ang buong katawan niya habang binabasa ito:
Ginny, patawarin mo sana ako sa lahat ng mga nagawa ko sa'yo. Isang malaking pagkakamali na tinalikuran kita nang sabihin mo sa akin na buntis ka. Hindi totoo na meron na akong pamilya. Naging excuse ko lang 'yon dahil hindi pa ako ganoon katapang para harapin ang responsibilidad ng pagiging ama. Sa loob ng ilang buwan ay nakapagisip-isip na ako. Handa na akong panagutan ka. 
Nanginginig ang mga kamay niyang binitiwan ang telepono, at dahan dahan siyang napaupo sa may kama. Totoo kaya ang kanyang nabasa? Ano na ngayon ang gagawin niya? Lumipas ang ilang oras na nakatitig siya sa may kisame nila, pilit na iniintindi ang sitwasyon. Tumunog muli ang kanyang telepono, hudyat na may mensaheng pinadala muli si Lorenz. Binuksan niya ito:
Handa na akong ipakilala ka sa buong mundo Ginny... sana pag-isipan mong mabuti. I'm sorry if it took me a long time to realize that I do love you. Sana maniwala ka.
Hindi pa man nakakabawi, ay nagulat siya nang biglang pumasok si Jordan sa may pinto. Nagagalak itong pumasok na agad na lumapit sa kanya para yumakap at humalik. "Puwede na natin ituloy ang naudlot kaninang tanghali." bulong nito sa kanyang tainga. Hindi siya umimik. Sa halip ay sinunggaban niya ng halik ang lalake. Pilit na binubura ang mga pangyayari, ilang segundo lamang ang lumipas. Dahan dahan siyang ihiniga nito sa may kama, habang tila mauubusan ng hininga nung siya ay halikan nito. Naglakbay ang mga labi ni Jordan sa kanyang leeg, habang ang mga kamay nito ay naglakabay sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Ang kaliwang kamay ay sa matumbok na suso ni Ginny, habang ang kanang kamay ay sa kanyang mga hita.
"Jordan..." Napatigil ang lalake sa ginagawa.
"Ano 'yon sweetheart?" 
"Na-realize ko lang..."
"Ano 'yon?"
"Mahal na pala kita." Napangiti ang lalake sa inusal ni Ginny at muli ay hinagkan siya nito sa labi, mas malalim at mas nakakalunod. 
"Finally." tugon nito. Hinubad ni Jordan ang blusa at palda ni Ginny, bumungad ang magandang katawan nito kahit ito. Napansin rin niya ang umbok sa may puson nito. Hinagkan niya ito. "We're going to be a family, I love you sweetheart and I love you baby." Tinulungan ni Ginny na hubarin ang polo ng binata pati na rin ang pantalon nito. 
"Jordan, kahit na anong mangyari, gusto kong maalala mo lagi na mahal kita. Okay?"
"Huwag kang magsalita Ginny na para bang iiwan mo na ako bukas. I want you to know too that whatever happens, I will never let go. Mahal na mahal kita..."
Ipinasok ni Jordan ang mga daliri nito sa loob ng salawal ni Ginny, minasahe ito at saka dahan dahan pinasok. Napasinghap si Ginny sa naramdaman na kakaibang sensasyon. "Ohhh Jordan..."

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn