Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 24 January 2016

SAKIT NG KAHAPON (Chapter Sixteen: Isa Pang Pagkakataon)


    Hindi malaman ni Lorenz kung ano ang dapat niyang gawin. Ilang araw na siyang naglalasing at hindi lumalabas sa loob ng kanyang kwarto. Ilang beses na rin niyang nasuntok ang pader dahil sa galit at pagsisisi sa kanyang puso. Nasa kanya na si Ginny noon, bakit siya naduwag na ipaglaban ito sa kanyang sarili? Ilang kaha ng sigarilyo na ba ang naubos niya, at ilang tawag sa telepono ni Ginny ang kanyang nagawa, paulit ulit din niyang naririnig ang boses ng operator na nagsasabing nagpalit na ng numero ang may-ari ng numerong kanina pa niya dina-dial. 
     Sino ba kasi ang lalakeng 'yon, at bakit kay bilis naman niya akong ipagpalit?  Magkakapamilya na sana kami, pero pinakawalan ko pa siya. Wala kang kuwentang tao Lorenz!!!
     Nasa ganoong pag-iisip siya nang katukin siya ng kanyang ina sa kwarto. "Anak Renz, okay ka lang ba diyan? Papasukin mo muna si Mommy." Hindi umimik si Laurence. Bakit sa pagkakataong ito ay tila nagkakaroon na ng pakialam ang kanyang Ina sa kanya? May kaya sa buhay at may pangalang inaalagaan ang pamilya ni Lorenz. Ang pamilyang Morales ay kilala sa mundo ng politika, ang kanyang Ina ay isang senadora, samantalang ang kanyang Ama naman ay isang congressman. 
     "Mom, I want to be alone, please." maya maya ay tugon ni Lorenz. 
     "Bakit sabi ni Joana sa akin ay ilang araw ka nang hindi lumalabas ng kwarto mo? Please, let me see you, my son. Open the door." mahinahong sabi ni Belinda. Wala nang nagawa si Lorenz kung hindi ang pagbuksan ng pinto ang kanyang ina. Pinapasok niya ito sa kanyang malawak, ngunit magulong silid. Pinilit itago ni Belinda ang pagkadismaya sa nakita, sa pagkakataong ito ay hindi niya pagagalitan ang kanyang anak. Mas kailangan ng anak niya ang kanyang tulong, at hindi ito ang tamang oras para pagalitan siya dahil sa magulong silid. Niyakap niya agad ang anak at tiningnan ng mabuti ang mukha nito. Kitang kita niya ang namumugtong mga mata at nalanghap niya agad ang alak na siyang ininom nito. "Now, what's the problem of my unico hijo?"
     "I fell in love Mom, and I made a mistake. I let her go and now that I want to take her back, pero ayaw na niya." Napaupo ang mag-ina sa gilid ng kama. "I have made  a big mistake." Kinuwento ni Lorenz ang buong pangyayari habang tahimik lamang na nakikinig si Belinda. Inaamin ni Belinda na hindi sa lahat ng oras ay lagi siyang naroroon para sa kanyang anak, ngunit kung may isang pagkakataon man na gusto niyang patunayan sa kanyang anak na mahal niya ito, ay ito na iyon. Napabuntong hininga siya nang marinig na nakabuntis ito, subalit nanlumo rin siya nang malaman ang sinapit ng relasyon. "And it's too late that I have realized that I do love her." pagtatapos ni Lorenz. Sinubukan niyang lumagok muli ng alak pero pinigilan na siya ng Ina. 
     "Stop it hijo. Alcohol will not help you take her back. Ang dapat mong gawin ngayon ay ayusin ang sarili mo. You have to show Ginny that you really love her, because so far sa mga kinuwento mo sa akin, you have not really proven anything to her yet at kahit ako man ang nasa kalagayan niya ay tatanggihan din kita. You have to tell her the truth, ang tunay na dahilan kung bakit ka naduwag, na may inaalagaan kang pangalan."
     "Mom, what if the media finds out? Pagpipiyestahan nila ang pangalan natin."
     "No hijo. They can say whatever they want, but you should not care what other people think. You have to do what is right and claim your right as the father of the child. Hindi ko akalain na lola na pala ako." tugon ni Belinda na may ngiti. 


     Isang katok ang nagpagising kay Ginny nang umagang iyon. Napatingin siya sa may orasan at nakitang alas diez na pala, tinanghali na naman siya sa paggising dahil sa pagpupuyat kaka-review kagabi. "Ma'am Ginny, si Agatha po ito. Pasensya na po sa paggising ko sa inyo, may bisita po kayo sa baba." Napakunot ng noo si Ginny, nag-unat at saka naglakad patungo sa may pintuan. Malaki na nag kanyang tiyan kaya naman medyo hirap na rin siya maglakad. Pagbukas niya ng pintuan ay bumungad ang mukha ni Agatha na tila nag-aalala. 
     "Sino raw iyon Agatha?"
     "Lorenz daw po ang pangalan niya, kasalukuyan po siyang naghihintay sa inyo sa library." maikling tugon ng kasambahay. 
     Nanlamig bigla ang buong katawan ni Ginny, hindi malaman kung papaanong natunton siya ni Lorenz dito. "Nasaan si Jordan?"
     "Nasa farm po."
     "Sige tawagan mo siya at ako naman ay papanaog sa baba, magbibihis lang ako." Mabilis na naghilamos at nagbihis si Ginny at agad na pumanaog sa may library. Bago pa siya pumasok sa may pintuan ay nakita niyang nakatalikod si Lorenz, nakaharap ito sa may bintana. Malayo ang hitsura nito kumpara sa huli nilang pagkikita. Sa ngayon ay mukha na itong matikas, na tila ba pinaghandaan ang pagkikitang ito. 
     Agad itong humarap sa kinatatayuan niya nang maramdaman nito na may tao sa likod niya. Bahagya itong ngumiti, hanggang sa magsalita si Ginny. "Lorenz, anong ginagawa mo dito?"
     "Ginny, I'm here to ask you to come with me."
     "Nababaliw ka na ba?"
     "I'm damn serious, Ginny and this time I won't take no for an answer."
     "Or else what Lorenz? Ano ang gagawin mo?" Pilit na pinipigil ni Ginny ang sarili na magmukhang natatakot sa gagawin nito. 
     "Alam kong alam ng kabahayang ito na si Jordan ang ama ng dinadala mo. Ngayon, kung sasama ka sa akin ay mananatiling sikreto ang nalalaman ko."
     "So, ayan ba ang panlaban mo sa akin ngayon? Ibla-black mail mo ako para lang sumama sa'yo? Desperado ka na ngang talaga Lorenz."
     "Ginny, all I ask is one day na patunayan ko sa iyo na ako ang nararapat para sa'yo at sa baby natin."
     "Lorenz, we already had our chance." maikli niyang tugon. 
     "Isang araw lang Ginny and then you can decide whether I can be in your life or not. Alam kong matagal ka nang nakapagdesisyon, pero all I ask is one day to prove my love for you."
     "Dapat mong malaman na hindi na ako ang Ginny na nakilala mo noon. I was naive, mabilis mauto ng mga mabulaklak mong salita. Dapat mo rin malaman na kahit ano pa ang gawin mo ay hindi magbabago ang isip ko-"
     "I know you're going to say that, kaya nga I am willing to do anything basta sumama ka lang sa akin. I will shout to the world na ako ang ama ng baby na dinadala mo kung hindi ka sasama sa akin."
     "Nakikita mo ba ang kalagayan ko Lorenz? Hirap na akong maglakad dahil isang buwan na lang at lalabas na si baby."
     "Walang problema, hindi naman tayo maglalakad. May sasakyan na naghihintay sa labas-"
     "Hindi mo siya dadalhin sa kahit saan man." putol ni Jordan na humihingal dahil sa takbong ginawa niya mula sa tarangkahan ng mansion. "At papaano ka nakapasok dito huh?"
     "Jordan, pare, hindi ako nandito para makipag-away sa'yo. Alam nating lahat kung sino talaga ang ama ng dinadala ni Ginny, at isang araw lang naman ang hinihingi ko and I will leave the two of you alone." Aambang susuntukin na sana ni Jordan si Lorenz ngunit hinawakan na siya nang mahigpit ni Ginny. 
     "Hindi na kailangang umabot sa gulo ang lahat ng ito, Jordan. Sasama ako kay Lorenz sa huling pagkakataon para lang tumahimik na siya." sabi ni Ginny. 
     "Hindi ako papayag sweet heart. Who knows what this bastard will do to you kapag nasolo ka na niya?"
     "Alam kong hindi niya ako magagawang saktan ng pisikal Jordan. Huwag kang mag-alala at agad akong tatawag sa iyo kapag may nangyari."
     "Ayokong magsisi sa huli Ginny-"
     "Isang araw lang ang hinihingi niya at pagkatapos nito ay habambuhay na siyang aalis sa mga buhay natin Jordan. Sige na, payagan mo na ako."

     Hindi makapaniwala si Martha at Agatha sa mga narinig mula sa katabing kwarto ng library. Nagkatinginan ang dalawa, magkahalong pangamba at panghihinayang sa mga narinig. Tila ba nagkaroon ng kompirmasyon ang mga haka haka sa loob ng hacienda, totoo ngang hindi anak ni Jordan ang dinadala ni Ginny. "Ano pong gagawin natin Ate Martha? Ipagtatapat niyo po ba kay Ma'am Felicidad at Sir Carlito?"
     "Agatha, sa pagkakataong tulad nito ay hindi tayo dapat nakikialam, labas na tayo sa kani-kanilang sikreto. Hayaan na lamang natin na sila ang gumawa ng kanya kanya nilang hakbang. Malalaki na sila at alam na nila ang kanilang ginagawa." tugon ng ginang. "Sana lamang ay hindi masaktan si Jordan sa bandang huli, ngayon ko lang nakitang nabuhayan ng loob ang batang iyan. Kung si Ginny lamang ang makakapagpasaya sa kanya, wala na tayo doon sa kung sino talaga ang ama ng batang kanyang dinadala."

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn