Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Friday, 1 January 2016

SAKIT NG KAHAPON (Chapter Fourteen: Ang Nakaraan sa Kasalukuyan)

     Naging abala si Ginny nang mga sumunod na araw, nakapag-enroll siya sa isang online class para kahit hindi siya nakakapasok sa eskwelahan ay hindi pa rin siya mapag-iiwanan. Nagpalit na rin siya ng SIM card na dapat ay matagal na rin niyang ginawa. Ngunit kahit pa anong gawin niya ay hindi pa rin niya maiwasang isipin ang huling mensahe ni Lorenz, kung saan inamin na nito na wala talaga itong pamilya, na naduwag lang pala ito kaya nagsinungaling sa kanya. At ngayon daw ay handa na ito. Halos mabaliw siya sa kakaisip. Isipin pa lang niya na maghihiwalay sila ni Jordan ay nasasaktan na siya, dahil oo, mahal na niya ito. Mahal na mahal. Pero tama ba na manatili pa siya dito? 
     "May problema ba sweetheart?" anito sa kanya, isang umaga habang nagbibihis ito. Kagagaling lang nito sa may banyo, bagong ligo, nakatapis pa ang ibabang bahagi nito ng tuwalya. Lumapit ito sa kanya at saka siya hinagkan sa tabi ng labi niya. Sa halik na iyon ay tila ba nanalaytay na naman ang isang uri ng kuryente sa kanyang buong katawan. "Kanina ka pa tulala? Parang ang lalim ng iniisip mo."
     Hindi siya agad nakatugon, sa halip ay dinama ni Ginny ang braso nito, hinaplos mula sa taas hanggang sa baba. "Sino bang hindi matutulala sa katulad mo Jordan? Sa tuwing tinitingnan kita, para akong nasa langit. Ngayon ko lang na-realize na ang napakaswerte ko sa'yo."
     "Lumabas lang ako ng banyo, ayan na agad ang sinasabi mo. Ano, sabi ko sa'yo eh, mai-inlove din tayo sa isa't isa. I'm so glad we took the chance, I have never fallen in-love as hard as this."
     "Paano kung gaano tayo kabilis ma-inlove sa isa't isa, ganoon din tayo kabilis ma-fall out of love? Minsan, hindi ko maiwasan na mag-isip, natatakot ako." Dahan dahan siyang ihiniga ni Jordan sa may kama, habang ang kanang kamay naman nito ay tinanggal ang tuwalyang nakapalibot sa ibaba nito. 
     "Do you think I'm going to believe that? That day won't come sweetheart." bulong nito sa tainga niya. "We will grow old together, papatunayan natin na may forever. Magkakaroon tayo ng maraming anak, you know why? 'Cause we're going to make love every day of our fucking lives..." 
     "You're unbeliev-" Hindi na natapos ni Ginny ang mga sasabihin niya dahil sinunggaban na siya agad ng halik ni Jordan, halik na humihimay ng kanyang pagkatao. Lunod na lunod siya sa bawat halik at yakap ng asawa, at pansamantala ay nakalimutan niya ang kanyang mga problema. 

     Nang sumunod na buwan ay napagdesisyunan ni Ginny na bisitahin ang kanyang Lola Malyn. Abala si Jordan sa hacienda kaya naman labag man sa kalooban niya, ay pinayagan na rin niya si Ginny. Dalawang gabi lang naman mawawala ang nobya. Masayang masaya si Ginny dahil sa wakas ay makikita na niyang muli ang Lola, ang kanyang ate Nina at ang pamangkin nitong si Gigi na kahit halos araw araw naman niya nakakausap sa telepono, ay mas nanaisin pa rin niyang makita ito sa personal. Pinahatid siya sa driver ng hacienda na si Mang Kanor. 
     Nasurpresa nga ang matanda sa pagdating ni Ginny. Laking galak nitong hinagkan ang apo at kinumusta. "Mabuti naman at pinayagan kang bumiyahe dito apo. Sobrang na-miss kita!" 
     "Pasensya na po kayo Lola kung tumagal ng dalawang buwan na hindi ako nakakadalaw. Abala sa Hacienda si Jordan, habang ako naman ay nag-aaral online para hindi naman ako mapag-iwanan." tugon ni Ginny. Sa sala ay nadatnan niya ang kanyang Ate na kasalukuyang nagluluto ng turon, na siyang balak ilako nito sa hapon. 
     "Mabuting balita at nag-aaral ka nang muli!" 
     "Lumalaki na rin ang tiyan mo Ginny. Halatang halata na, aba!" masayang sabi ni Nina. "Kailan ka ba manganganak?"
     "6 months na siya ate, naka due siya ngayong September." nakangiting sagot ni Ginny. "Magkakaroon ka na rin ng pamangkin, sa wakas!" 
     "Magkakaroon na rin ng kalaro itong si Gigi."
     "Kumusta naman kayo dito Ate? Anong oras ka maglalako ng paninda mo?"
     "Maya mayang alas kwatro pa, mabenta ang turon dito sa subdivision natin. Teka nag meryenda na ba ang driver ng sinasakyan mo? Teka at bibigyan ko ng turon."
     "Hindi pa nga po eh. Saglit lang siyang magpapahinga dito at magda-drive na siya sa malapit na motel diyan sa may labasan."
     "Alagang alaga ka talaga ni Jordan, tingnan mo at binigyan ka pa ng sariling driver."
     "Sobrang maalaga nga po ng taong 'yon eh. Hindi niya po ako pinapabayaan Lola."
     "Teka muna, may ikukuwento ako sa'yo apo. Alam mo ba na may bumisita dito kahapon lang, na isang lalake? Lorenz daw ang pangalan, hinahanap ka. Naka-taxi tapos maayos ang porma. Sino ba 'yon apo? Ngayon ko lang naalala ikuwento." Nanlamig ang buong katawan ni Ginny. 
     "A-ano pong sabi niyo sa kanya Lola? Sinabi niyo po ba kung saan ako naroroon?"
     "Hindi, aba hindi ko naman kilala, bakit ko sasabihin? Hindi ko naman naaalala na may kaibigan kang may ganoong pangalan." Napabuntong hininga si Ginny, kahit konti ay nakahinga siya ng maluwag. Paano nga ba nalaman ni Lorenz kung saan siya nakatira? 
     "Ano, kilala mo ba si Lorenz apo? Kaano-ano mo siya? Sa tingin ko ay hindi mo naman siya kaklase dahil parang mas matanda pa sa'yo ng ilang taon."
     "Pinakilala po siya sa akin ng mga kaibigan ko nung nakaraang taon, opo kilala ko po siya pero hindi ko siya kaklase."
     "Bakit kaya 'yon nagpunta dito? Ano naman kaya ang sadya niya sa'yo?"
     "Hindi ko rin po alam Lola." mabilis na sagot ni Ginny. "Sandali lang po at pupunta muna ako sa kwarto, medyo masakit po ang balakang ko sa mahabang biyahe."
     "O siya sige apo, magpahinga ka na muna." 
     "Salamat po Lola." Tumungo si Ginny sa kanyang kwarto at doon nahiga, at mabilis na nakatulog.

     Nagising na lamang siya nang may narinig na katok mula sa pintuan ng kanyang kwarto. Napabalikwas siya at sa pinto ay nakita niya ang kanyang Ate Nina. "Ginny, may bisita ka." anito. At hindi pa man natatanong ni Ginny kung sino ito, ay bumungad na sa likod ng kanyang ate ang pagmumukha ni Lorenz. Hindi siya nakapagsalita agad, pero dahan dahan siyang bumalikwas. "Iiwan ko na muna kayo dito."
     "Anong ginagawa mo dito Lorenz? Hindi ba sinabi ko sa'yo na ayoko na ng kahit na anong koneksyon pa sa'yo?" mahinang sabi ni Ginny nang makasigurong wala na ang kanyang ate. Inayos niya ang kanyang buhok na nagulo mula sa pagkakahiga. Walang anu ano'y niyakap siyang agad ni Lorenz. 
     "I'm so sorry Ginny, I'm very sorry." Hindi na napigilang humagulhol ng binata. "Ang laki laki ng kasalanan ko sa'yo." Napapikit si Ginny, hindi malaman ang gagawin. Hinimas nito ang likod ni Lorenz, sinusubukan patahanin. 
     "Lorenz, umupo muna tayo, puwede ba? Halika at mag-usap tayo." Napaupo silang dalawa sa kama. Naglabas na rin ng panyo si Lorenz dahil hindi na nito mapigilan ang mga luhang sunod sunod na tumulo mula sa kanyang mga mata. Naging mahirap ang mga nakaraang buwan para sa kanya. "Ano bang nangyayari sa'yo?"
     "I just need one more chance Ginny, gusto kong mabuo tayong muli."
     "Napag-usapan na natin ito Lorenz. Naging klaro na sa isipan ko dati na ayaw mo, na hindi ka pa handa. Nagsinungaling ka na may pamilya ka na. Tapos ngayon nagbago ang isip mo? Hindi mo ko puwedeng paglaruan ng ganoon ganoon lang."
     "Alam ko naman na mali ang ginawa ko sa'yo, at kahit ilang beses pa akong humingi ng tawad dito, maiintindihan ko kung hindi mo 'ko agad mapapatawad. Sinabi ko na may pamilya na ako pero hindi 'yon totoo. Natakot lang talaga ako, wala pa akong maayos na trabaho nu'n, pariwara pa ako sa buhay. Limang taon na ako sa kolehiyo pero hindi pa rin ako nakaka-graduate. Hindi pa kita kayang buhayin, at lalong wala pa akong maipagmamalaki sa'yo. Wala pa, kahit na ano Ginny." Hindi pa rin tumitigil sa pagluha si Lorenz. "Matapos ang huli nating pagkikita, lalo akong napariwara. Naglasing ako, gumamit ng droga, hanggang sa hindi ko na matagpuan ang sarili ko." 
     "Lorenz..."
     Hinawakan ni Lorenz ang dalawang kamay ni Ginny at saka ito hinagkan. "Ikaw lang Ginny, at ang magiging baby natin ang makakapagligtas sa akin. P-please help me."
     Umiling si Ginny at binitawan ang mga kamay ni Lorenz. "Sinabi ko na sa'yo na may mahal na akong iba Lorenz. Hindi ka puwedeng umalis sa buhay ko at i-expect na kahit na anong oras ay puwede kita tanggapin. Nang umalis ka, nasaktan din ako. Hindi lang ako ang iniwan mo, pinili mo rin na hindi panagutan ang anak mo."
     "Pero Ginny, ikaw lang ang makakatulong sa akin-"
     "Lorenz, hindi ka bumabalik sa isang tao dahil sa tingin mo ay siya lang ang makakapagligtas sa'yo. Hindi sapat ang rason mo-"
     "Ginny, I love you."
     "Uulitin ko Lorenz, hindi na importante ang mga katagang 'yan dahil iba na ang nilalaman ng puso ko, at mahal niya kami pareho ni baby. Isang bagay lang ang dapat mong gawin sa ngayon, eto ay ang mag-move on. Pasensya na Lorenz, wala ka nang maaasahan pa sa akin."
     "Hindi ako susuko Ginny, alam mong lagi akong magpapakita sa'yo, hindi puwedeng hindi ako makilala ng anak natin."

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn