Ilang linggo na ang nakakaraan mula nang mapanalunan ko ang libreng dalawang gabi na pag-stay sa isang hotel sa Bangkok, ang Banyan Tree. Sa totoo lang ay nahatak lang ako ng katrabaho ko na si Ming, ang sabi niya, marami daw akong matututunan sa roadshow na ito. Sa bandang huli ng event na iyon ay nagkaroon ng pa-raffle kung saan nadampot ang name card ko. Kilala ang brand na ito sa mundo, lalong lalo na sa Asya dahil sa mala spa-themed ng lahat ng hotel nila. Hindi pa ako nakakatungtong ng Thailand kaya naman ay nagdiwang ako sa napanalunan ko, kaya lang, hindi pupuwedeng sumama sa akin si hubby dahil wala na siyang leave. Inimbitahan ko na lang ang dalawa kong kaibigan na sina ate Doris at ate Carla, sa tingin ko kasi ay mas "less-stress" kapag kaibigan mo ang kasama mo sa pagta-travel. Wala akong dapat sawayin at sarili ko lang ang aasikasuhin ko. Tamang tama, buwan ng Oktubre, buwan ng kaarawan ko. Ito ang aking magiging birthday trip. Ayos 'to!
Nag-book kami ng ticket gamit ang Emirates airline, isang sosyaling eroplano pero nakuha namin ng mura dahil sa promo. Dalawang gabi lang ang napanalunan ko kung kaya ay binayaran namin ang pangatlong gabi, para sulit na sulit ang mahabang weekend. Nang makasakay kami sa eroplano ay una kaming binigyan ng mainit na tuwalya para ipamunas sa aming mga kamay, kasunod nito ang pag-abot sa amin ng pagkain at syempre, champagne! "Cheers!" Itinaas namin ang baso at saka nag-selfie bago ininom ang laman nito. May pagkakalog sina ate Carla at ate Doris kaya madali lang sila pakisamahan. Kikay din sila katulad ko. Siguro, kung ilalarawan ko ang sarili ko gamit ang isang salita, ito ay "easygoing", siguro dahil kikay man ako, ako yung tipo ng tao na puwede mong pakainin kahit saan. Nung panahon na ito ay hindi pa uso sa akin ang magreklamo. I was an easygoing person. Eto ang una naming trip na magkasama, lingid sa aking kaalaman ay hindi rin ito ang magiging huli dahil masusundan pa pala ito ng maraming paglalakbay sa hinaharap.
Hatinggabi na nang makarating kami sa Bangkok. Sinundo kami ng isang sasakyan na siyang nai-book ko nung isang linggo pa. Pagdating namin sa hotel ay nagcheck-in na kami agad. Sa kwarto naman ay agad kaming nag-shower at saka natulog, magiging mahaba ang araw namin bukas. Nung sumunod na araw ay binisita namin ang mga popular na lugar sa Bangkok. Maganda ang Bangkok, moderno ang siyudad at mukhang okay ang mga tao. Sumakay kami ng local ferry at nakita ang mga sikat na templo. Malaking porsyento ng mga taong nakatira dito ay may relihiyong Buddhist, kaya nagkalat ang mga templo kung saan makikita mo ang estatwa ng Buddha, yung iba ay gawa sa ginto. May naging istorya pa nga ang naging guide namin dito sa Bangkok, ang bansang Thailand daw ay hindi nasakop ng kahit na anong bansa dahil maayos na negosasyon daw ang ginawa ng hari nila. Para hindi sila sakupin ng mga dayuhan, ang hari daw ay nagbigay ng ginto, kaya dumating ang panahon na naubos ang ginto sa kanilang bansa. At least naman daw ay hindi naging alipin ang kanilang bansa, hindi ito nasakop katulad ng mga karatig bansa. Pinapatunay nito na noong unang panahon ay may maayos na sistema ang Thailand.
Nang gabing iyon ay nagdesisyon kaming kumain sa rooftop restaurant ng Banyan Tree. Hindi na kami nag-ayos, basta shorts at tsinelas lang ay gora na. Sa kasamaang palad ay hindi kami pinapasok, bawal daw ang naka-tsinelas lang. Kailangan daw smart casual. Litsi. Tinamad na kaming bumalik sa kwarto para magbihis pa ulit, kaya doon kami sa plan b. Plan B. :)
Nagbasa basa pa kami ng tripadvisor bago kami pumunta dito, at isa sa mga bukambibig sa website na ito ay ang mga bars kung saan nagkalat ang mga babae at lalake na nagdadamit na babae. Marami sa lalake na nagdadamit bilang isang babae ay mas sexy pa, yung iba ay kalahati lang ng katawan ko, kaya naman nahiya ako sa kanila teh. Payat pa ako nung panahon na ito, pero mas sexy pa yung bakla sa akin. I felt ashamed. Pero nawili naman talaga ako ng sobra. Nang gabing iyon ay naglakad lakad kami habang kumakain ng street food. Yung ibang binabae ay sumasabit sa kung saan may pagsasabitan, lumalambitin sa pole at umiikot-ikot pa. May magi-split sa harap mo tapos kikindat. Parang circus. Nakatakip lang ang bandang dede at puke, tapos mataas ang mga suot na boots. Wala akong masabi. Totoo nga ang mga narinig ko. Available na available ang babae dito sa Bangkok, kaya naman ay puntahan ito ng mga foreigner. Makukulay ang mga ilaw sa kalsadang iyon, para kang nasa wonderland.
Nang makarating kami sa dulo ay medyo nadismaya na kami. Iyon na pala 'yon. Uuwi na ba kami? Bago pa kami nagdesisyon ay may lumapit sa aming lalake na may dalang flyers. "You want to see a show, you want to see a show?" paulit ulit niyang tanong. Nagkatinginan kaming tatlo at saka tumango.
"Birthday ko naman eh."
"Oo nga, birthday mo naman."
"Birthday mo naman, Cin."
Hindi ako gaanong sigurado sa mangyayari, pero ano ba, birthday ko naman. Sinundan namin ang lalake at tumungo kami sa isang madilim na bahagi ng kalsadang iyon. "It's USD 30, comes with drinks, okay?" aniya. "Remember, no picture picture, no camera, okay?"
"Okay." Para kaming mga bata na sumunod lang sa kung anong sabihin niya. Nagbayad na kami ng pang-entrance, pagkatapos ay umakyat kami sa hagdanan patungo sa taas, kung saan rinig na rinig ko ang malakas na tugtugan. Kinakabahan ako na nae-excite. Makakakita kaya ako ng machong lalake dito?
Pagpasok naming tatlo ay halos bakante ang buong bar, may isang mag-jowaers ang nakaupo sa may bandang harapan. Ang entablado naman ay bakante pa rin. Ahh, hindi pa nagsisimula ang show. Umupo kami sa bandang gilid malapit sa entablado. Meron ding pole sa gitna kaya siguro 'yan, may dirty dancing. Maya maya lang ay tinanong na kung ano ang order namin, nag-order kaming tatlo ng malamig na beer. Ilang sandali pa ang lumipas ay may pumasok na tatlong lalakeng foreigner na naghahagikhikan. Ayan, dumadami na ang audience, baka puwede nang magsimula ang show na ito.
Unang lumabas ang isang babaeng kasingtangkad ko lang ata, pero sexy na sexy ang pangangatawan, tapos maikli ang buhok. Naka itim na bra at naka pekpek shorts, pansin ko rin na naka paa lang siya. Ano kaya ang gagawin ni ateng? Nagsasayaw sayaw siya may harapan nang malamya, parang kulang sa vitamins. Nang lumakas lalo ang tugtugin ay mukhang nagkaroon na siya ng gana. Nagsimula siyang hablutin ang pole at doon nagpaikot ikot. Wala pang masyadong espesyal dahil nakita na namin ang ganito kanina. Tahimik lang kami sa mga upuan namin, naghihintay ng susunod na mangyayari. Dumating na ang beer namin, kaya nag-cheers kami ulit. Umagos ang likido ng beer sa aming mga lalamunan. Ang sarap, refreshing!
Walang anu-ano'y biglang naghubad si ateng ng shorts. Isinama na rin niya ang kanyang panty. OMG. Pinakita niya ang isang saging at saka ito binalatan, pagkatapos ay humiga siya sa entablado at bumukaka sa harap ng kisame. Ipinasok niya ang hubad na saging sa kanyang ano at gamit ang kanyang ari ay hinagis niya ang saging sa hangin. Hindi namin alam ang tamang reaksyon kaya ginaya na lang namin ang ginawa ng ibang foreigner, pumalakpak na rin kami. Ilang beses niya pa ito inulit bago siya nagsawa. Sumunod niyang ginawa ay kumuha ng maliit na bola, at gamit uli ang kanyang ari ay nai-shoot niya ito sa isang basket. Hindi ko alam na may kakayahan pala ang aming puke na gumawa ng ganito. Unbelievable. Muli, ilang beses niya ito inulit saka kami nagpalakpakan.
Sa wakas ay tumayo na siya at nagsuot ng panty at pekpek shorts. Sumayaw uli siya ng malamya, saka lumabas naman ang isa pang babae. Nag sexy dance na muna siya, humawak sa pole, at nagpaikot ikot, pilit na inaabot ang itaas, pero dudulas naman ang kanyang katawan paibaba. Mahaba ang kanyang buhok at tulad ng naunang pumasok ay tanging ang dede at ari lamang ang nakatakip sa kanyang katawan. Katulad din ng naunang babae ay naghubad siya ng shorts at panty. Sa pagkakataong ito ay ginamit naman niya ang kanyang ari sa pag-magic. May ipapasok siya pagkatapos ay may ilalabas.
Hindi ko na masikmura.
Maya maya lang ay lumapit sa amin tatlo ang unang babae at nagtanong kung gusto pa namin ng isang beer. Mapilit siya, mukhang may commission sila kung bibili pa kami ng inumin. Sabi ni ate Carla, "It's her birthday!"
"What's her name?" tanong ng babae.
"My name is Cindy."
"What?"
"Cindy." Nilakasan ko na. Tumabi siya sa akin at tinanong ako kung gusto ko pa raw ba ng beer tapos i-treat ko daw siya. "No, I had enough. Maybe you can have a drink and I'll pay for it."
"Really? You buy me a drink?"
"Sure, it's my birthday so let me buy you one." Para siyang bata na sumaya, humingi siya sa waiter ng beer at saka ko naman binigay agad ang bayad. Nakaka-stress. Napapasubo ako dito ah. Baka akalain pa nito, lesbiana ako. Nag ngingitian na lang kami, pero sa isip isip ko, anong oras kaya ito matatapos? Yung babae sa entablado inimbitahan yung isang lalakeng foreigner na i-catch daw ang bola na lalabas sa puke niya. Ginawa naman ito ng lalakeng foreigner, ayun, ligalig na ligalig.
Sa wakas at natapos din ang gabing iyon. Hindi na namin tinapos ang show, sapat na ang ilang stunts na nakita namin. "Nag-enjoy ba kayo?" tanong ko kina ate Carla at ate Doris.
"Parang ewan naman yung show, parang hindi ko na kaya panoorin," sabi ni ate Carla.
"Oo nga, di ko alam kung paano nila 'yon nagagawa sa katawan nila," sabi naman ni ate Doris.
"Basta, one show is enough. Tama na, ayoko na. Nakakaloka!" tugon ko. Nang gabing iyon ay nakakita kami ng isang Indian restaurant. Ikinain na lang namin ang frustration na naramdaman namin. Pilit naming binura ang alaala ng show na iyon.
“Ang Unang Halik” ay isang kolesyon ng mga memwa ng paglalakbay ni Cindy Dela Cruz https://www.wattpad.com/myworks/59219673-unang-halik
Ramdam ko ang lamig ng ihip ng aircon habang unti unti kong idinilat ang mga mata ko. Lalo kong hinigpitan ang paghawak sa maliit at kulay asul na kumot na sa tingin ko ay para lamang sa mga "slimmer" na pasahero. Napatingin ako sa bintana ng eroplanong sinasakyan ko, tanaw mula sa itaas ang mga ilaw sa kalye ng kung ano mang bansa ang nasa may baba namin. Hindi ko lang makita ng klaro dahil hinubad ko kanina ang salamin ko bago ako naka-idlip. Tumingin ako sa kaliwa ko kung saan nakaupo ang katrabaho kong si Ming, pero wala pa rin siya hanggang ngayon. Akala ko kanina ay bumanyo lang siya ah? Bakit kaya inabot na ito ng ilang oras sa banyo, kung nasa banyo man siya?
Naramdaman ko na naman ang pangamba dahil naalala kong nakasakay kami sa eroplanong ito hindi para magbakasyon, kung hindi para mag-tour lead. Sa totoo lang, eto ang pinaka-iiwasan ko dahil unang una sa lahat, tinuturing ko ang sarili ko na isang introvert. Hirap ako makisalamuha lalo na sa isang grupo ng tao. Mahabang istorya kung paano ako napunta sa tourism industry, pero anim na taon na rin ako sa industriyang ito. Ito na ang bumuhay sa akin. Sa unang kumpanyang pinasukan ko ay nasa reservation department lang ako, pero sa pangalawang kumpanyang pinapasukan ko ay overall kami - magmula sa pag-set ng presyo, pag-book ng mga flight ticket, hotel, transportasyon at tours, hanggang sa pagto-tour lead ng isang trip. Hindi biro ang maging isang tour leader dahil ikaw ang aalalay sa mga cliente mo, kung may mga tanong man sila ay kailangan mong sagutin, kung meron man silang problema ay kailangan mong bigyan ng solusyon. Sa totoo lang ay nasa "training" pa lang ako, kaya naman kasama ko ang assistant manager ng kumpanya. At ang destinayon namin? IRAN, isa sa mga bansang pinangarap kong puntahan dahil sa mayamang kasaysayan nito, pati na rin sa kasalukuyang estado nito. Maraming takot na pumunta sa bansang ito dahil sa mga propaganda sa telebisyon o sa mga pelikula. Kumbaga, hindi maganda ang tingin sa bansa nila, ang paniniwala ng nakakarami ay delikado ang magpunta dito. Pero dito mo makikita ang sikat na Persepolis kung saan naroroon ang iba't ibang estatwa o "ruins" na nanggaling pa noong 515 B.C. Nabalitaan ko rin ang mga nagagandahang carpets na presyong ginto, ang disyerto, ang magagandang siyudad, palasyo at mga hardin. Excited na talaga ako.
Pero kaya ko ba ang hamon na 'to? Well, nandito na rin naman ako eh, nakasakay na ako sa eroplanong papunta ng Doha, Qatar kung saan kami sasakay ng eroplanong papunta sa Shiraz, ang unang lugar na pupuntahan namin sa Iran.
Balik tayo sa may bintana. Gusto kong makita ng malinaw ang mga ilaw sa baba. Kinapa ko ang kinaroroonan ng salamin ko, yung maliit na compartment na nasa likuran ng upuang nasa harap mo. Kinapa ko ang compartment mula kaliwa hanggang sa kanan, pero wala akong nakapa. Kinapa ko pa siyang muli at sa pagkakataong ito ay ginamit ko na rin ang mga mata ko. Binuksan ko ang ilaw sa may itaas, lumiwanag naman ang kinaroroonan ng upuan ko. Nakakapagtakang wala sa compartment ang salamin ko, dito ko lang iyon sinabit kanina. Tiningnan ko ang katabing upuan, wala rin dito.
Holy sh*t.
Baka nahulog lang sa baba. Kalma, Cindy.
Tinanggal ko ang kumot at nilagay sa kabilang upuan. Tinanggal ko ang seatbelt at saka hinanap ang salamin ko sa ilalim ng upuan. Pero, wala. Wala ang salamin ko sa ilalim ng upuan. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang "flashlight" nito, binusisi kong mabuti ang ilalim ng upuan ko, ng upuan ni Ming, ng upuan sa harap ko, ng upuan sa harap ni Ming, pero wala. Isang malaking WALA. What the f!
Gusto ko ng magwala nang mga oras na 'yon. Hindi ako puwedeng mag-survive ng walang salamin. Malabo masyado ang mga mata ko para mag-survive sa sampung araw na trip na ito. Hindi ko kakayanin. Ako pa naman ang assistant tour leader. Mangiyak-ngiyak na ako.
Cathay Pacific ang sinasakyan naming eroplano, ang seat configuration ay 2 - 4 - 2, ibig sabihin may pasilyo sa pagitan ng 2 at 4; at 4 at 2. Basta 'yon na 'yon. Nakaupo kami sa may pinakakanang 2. Kung wala sa ilalim ng mga upuan namin ang salamin ko, ay nasaan ito? Dumako ang paningin ko sa upuang sumunod sa upuan ni Ming. Tulog na ang mga taong nakaupo dito, halatang napagod sa kakanood ng libreng palabas sa monitor na nasa harap ng upuan nila. Yung isang lalakeng may bigote at may suot na salamin ay naghihilik na. Dahan dahan akong dumapa at tiningnan ang ilalim ng upuan niya...
At ayun! Nakita ko na ang nawawala kong salamin. Ginusto ko itong yakapin pero pagkahawak ko sa kanang temple (iyong sinusuksok sa tainga para maisuot ang salamin), biglang nahulog ang kaliwang temple. OMG! Kinuha ko ang nahulog na parte at agad na umupo sa upuan ko.
Sinubukan kong idikit ang hinge sa may screw. Pero hindi siya epektibo dahil nabasag na rin ang pinaglalagyan ng screw. Sampung minuto kong pinipilit, pero hindi ko siya maisasalba... kung walang scotch tape. Pinindot ko ang button para tumawag ng staff - hindi ba ganoon naman sa mga maayos na airline? Mababait ang mga flight attendant? Ang Cathay Pacific ang isa sa mga pinakamagaling na airline sa buong mundo, miyembro ito ng One World Alliance - kasama ang mga sikat na airline sa buong mundo. Walang sampung segundo ay may lumapit na lalakeng flight attendant sa kinauupuan ko.
Nahihiya man ako ay kinapalan ko na ang mukha ko. "Is there anything I can help you, Ma'am?"
Ngumiti ako, "My glasses are broken, and I need a scotch tape to fix it." Pinakita ko sa kanya ang salamin ko. Sinubukan niyang ayusin ito pero na-realize niya rin siguro na imposible na itong ayusin kung walang scotch tape.
"Ma'am, I do not have any tape here at the moment, but I have stickers. Maybe we can use that."
"Sure, that's fine." May choice pa ba ako?
"Okay, I will be right back."
See? That's why hindi ako puwedeng maging tour leader, dahil sarili kong problema ay hindi ko masolusyunan! Napakagat labi ako... sinusubukang pakalmahin ang sarili. Lumaki akong "pampered", nandiyan si yaya palagi para magluto, maghugas ng plato at maglinis ng bahay. Naaalala ko pa noong nasa high school ako, kinailangan umuwi ng probinsya ng kasambahay namin, kaya naman ay ako ang naatasang magsaing sa umaga para sa almusal namin bago ako pumasok sa eskuwelahan. 14 años na ako nu'n at marunong naman ako magsaing, pero siguro dahil sa antok, nakalimutan kong lagyan ng tubig ang kaldero. Nag-amoy sunog na bigas muna bago ko naalalang nakalimutan ko pa lang lagyan ng tubig ang sinaing ko. Nalaman ito ni Mama at kinahapunan nang umuwi ako galing eskuwela ay nakita kong may bago na kaming kasambahay. Oo ganoon ako ka-pampered. Iba ang pampered sa spoiled, hindi ako spoiled na bata.
Bumalik si kuya staff dala dala ang salamin ko na may nakabalot na sticker. Hindi pantay ang pagkabit ng temple pero dahil ito sa sirang lagayan ng screw. "I'm sorry, but that's the best that I can do-"
"No, no. It's good enough. It's totally fine. Thank you so much for your help!"
Ngumiti pa siya ng isang beses (yung sincere ha!), bago umalis.
Tiningnan kong muli ang salamin ko. Mukhang okay na, sapat na muna ang sticker ng Cathay Pacific sa ngayon. May scotch tape kaming dala pero nasa maleta ito, baka mamaya pagdating namin sa Shiraz puwede ko na itong lagyan ng mas madikit na scotch tape.
Maya maya lang ay nakita ko nang naglalakad pabalik si Ming. Nakuwento ko sa kanya ang nangyari sa salamin. Tinanong ko siya kung saan siya galing pero hindi ko na maalala ang sinagot niya. Nang mga oras na ito, alam kong hindi na ako puwedeng umatras sa pagiging tour leader. Kailangan magawa ko ang nakaatas na trabaho sa akin. Ipinagkatiwala ako sa trabahong ito kaya kailangan ay gawin ko lahat ng aking makakaya. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may flight attendant na tutulong sa akin, hindi sa lahat ng pagkakataon ay may kasamabahay na puwedeng tawagin, kailangan ko ring tumayo sa sarili kong paa. Ito ang unang kamalasan ng paglalakbay ko patungong Iran, panigurado, meron pang pangalawa, pangatlo, at marami pa. Hindi puwedeng sa unang kamalasan ay sumuko na ako.
Sinuot ko ang salamin at hindi na ito tinanggal pa, sinubukan kong tumingin sa may bintana muli, pero hindi ko na matanaw ang mga ilaw sa ibaba.
Hindi malaman ni Lorenz kung ano ang dapat niyang gawin. Ilang araw na siyang naglalasing at hindi lumalabas sa loob ng kanyang kwarto. Ilang beses na rin niyang nasuntok ang pader dahil sa galit at pagsisisi sa kanyang puso. Nasa kanya na si Ginny noon, bakit siya naduwag na ipaglaban ito sa kanyang sarili? Ilang kaha ng sigarilyo na ba ang naubos niya, at ilang tawag sa telepono ni Ginny ang kanyang nagawa, paulit ulit din niyang naririnig ang boses ng operator na nagsasabing nagpalit na ng numero ang may-ari ng numerong kanina pa niya dina-dial.
Sino ba kasi ang lalakeng 'yon, at bakit kay bilis naman niya akong ipagpalit? Magkakapamilya na sana kami, pero pinakawalan ko pa siya. Wala kang kuwentang tao Lorenz!!!
Nasa ganoong pag-iisip siya nang katukin siya ng kanyang ina sa kwarto. "Anak Renz, okay ka lang ba diyan? Papasukin mo muna si Mommy." Hindi umimik si Laurence. Bakit sa pagkakataong ito ay tila nagkakaroon na ng pakialam ang kanyang Ina sa kanya? May kaya sa buhay at may pangalang inaalagaan ang pamilya ni Lorenz. Ang pamilyang Morales ay kilala sa mundo ng politika, ang kanyang Ina ay isang senadora, samantalang ang kanyang Ama naman ay isang congressman.
"Mom, I want to be alone, please." maya maya ay tugon ni Lorenz.
"Bakit sabi ni Joana sa akin ay ilang araw ka nang hindi lumalabas ng kwarto mo? Please, let me see you, my son. Open the door." mahinahong sabi ni Belinda. Wala nang nagawa si Lorenz kung hindi ang pagbuksan ng pinto ang kanyang ina. Pinapasok niya ito sa kanyang malawak, ngunit magulong silid. Pinilit itago ni Belinda ang pagkadismaya sa nakita, sa pagkakataong ito ay hindi niya pagagalitan ang kanyang anak. Mas kailangan ng anak niya ang kanyang tulong, at hindi ito ang tamang oras para pagalitan siya dahil sa magulong silid. Niyakap niya agad ang anak at tiningnan ng mabuti ang mukha nito. Kitang kita niya ang namumugtong mga mata at nalanghap niya agad ang alak na siyang ininom nito. "Now, what's the problem of my unico hijo?"
"I fell in love Mom, and I made a mistake. I let her go and now that I want to take her back, pero ayaw na niya." Napaupo ang mag-ina sa gilid ng kama. "I have made a big mistake." Kinuwento ni Lorenz ang buong pangyayari habang tahimik lamang na nakikinig si Belinda. Inaamin ni Belinda na hindi sa lahat ng oras ay lagi siyang naroroon para sa kanyang anak, ngunit kung may isang pagkakataon man na gusto niyang patunayan sa kanyang anak na mahal niya ito, ay ito na iyon. Napabuntong hininga siya nang marinig na nakabuntis ito, subalit nanlumo rin siya nang malaman ang sinapit ng relasyon. "And it's too late that I have realized that I do love her." pagtatapos ni Lorenz. Sinubukan niyang lumagok muli ng alak pero pinigilan na siya ng Ina.
"Stop it hijo. Alcohol will not help you take her back. Ang dapat mong gawin ngayon ay ayusin ang sarili mo. You have to show Ginny that you really love her, because so far sa mga kinuwento mo sa akin, you have not really proven anything to her yet at kahit ako man ang nasa kalagayan niya ay tatanggihan din kita. You have to tell her the truth, ang tunay na dahilan kung bakit ka naduwag, na may inaalagaan kang pangalan."
"Mom, what if the media finds out? Pagpipiyestahan nila ang pangalan natin."
"No hijo. They can say whatever they want, but you should not care what other people think. You have to do what is right and claim your right as the father of the child. Hindi ko akalain na lola na pala ako." tugon ni Belinda na may ngiti.
Isang katok ang nagpagising kay Ginny nang umagang iyon. Napatingin siya sa may orasan at nakitang alas diez na pala, tinanghali na naman siya sa paggising dahil sa pagpupuyat kaka-review kagabi. "Ma'am Ginny, si Agatha po ito. Pasensya na po sa paggising ko sa inyo, may bisita po kayo sa baba." Napakunot ng noo si Ginny, nag-unat at saka naglakad patungo sa may pintuan. Malaki na nag kanyang tiyan kaya naman medyo hirap na rin siya maglakad. Pagbukas niya ng pintuan ay bumungad ang mukha ni Agatha na tila nag-aalala.
"Sino raw iyon Agatha?"
"Lorenz daw po ang pangalan niya, kasalukuyan po siyang naghihintay sa inyo sa library." maikling tugon ng kasambahay.
Nanlamig bigla ang buong katawan ni Ginny, hindi malaman kung papaanong natunton siya ni Lorenz dito. "Nasaan si Jordan?"
"Nasa farm po."
"Sige tawagan mo siya at ako naman ay papanaog sa baba, magbibihis lang ako." Mabilis na naghilamos at nagbihis si Ginny at agad na pumanaog sa may library. Bago pa siya pumasok sa may pintuan ay nakita niyang nakatalikod si Lorenz, nakaharap ito sa may bintana. Malayo ang hitsura nito kumpara sa huli nilang pagkikita. Sa ngayon ay mukha na itong matikas, na tila ba pinaghandaan ang pagkikitang ito.
Agad itong humarap sa kinatatayuan niya nang maramdaman nito na may tao sa likod niya. Bahagya itong ngumiti, hanggang sa magsalita si Ginny. "Lorenz, anong ginagawa mo dito?"
"Ginny, I'm here to ask you to come with me."
"Nababaliw ka na ba?"
"I'm damn serious, Ginny and this time I won't take no for an answer."
"Or else what Lorenz? Ano ang gagawin mo?" Pilit na pinipigil ni Ginny ang sarili na magmukhang natatakot sa gagawin nito.
"Alam kong alam ng kabahayang ito na si Jordan ang ama ng dinadala mo. Ngayon, kung sasama ka sa akin ay mananatiling sikreto ang nalalaman ko."
"So, ayan ba ang panlaban mo sa akin ngayon? Ibla-black mail mo ako para lang sumama sa'yo? Desperado ka na ngang talaga Lorenz."
"Ginny, all I ask is one day na patunayan ko sa iyo na ako ang nararapat para sa'yo at sa baby natin."
"Lorenz, we already had our chance." maikli niyang tugon.
"Isang araw lang Ginny and then you can decide whether I can be in your life or not. Alam kong matagal ka nang nakapagdesisyon, pero all I ask is one day to prove my love for you."
"Dapat mong malaman na hindi na ako ang Ginny na nakilala mo noon. I was naive, mabilis mauto ng mga mabulaklak mong salita. Dapat mo rin malaman na kahit ano pa ang gawin mo ay hindi magbabago ang isip ko-"
"I know you're going to say that, kaya nga I am willing to do anything basta sumama ka lang sa akin. I will shout to the world na ako ang ama ng baby na dinadala mo kung hindi ka sasama sa akin."
"Nakikita mo ba ang kalagayan ko Lorenz? Hirap na akong maglakad dahil isang buwan na lang at lalabas na si baby."
"Walang problema, hindi naman tayo maglalakad. May sasakyan na naghihintay sa labas-"
"Hindi mo siya dadalhin sa kahit saan man." putol ni Jordan na humihingal dahil sa takbong ginawa niya mula sa tarangkahan ng mansion. "At papaano ka nakapasok dito huh?"
"Jordan, pare, hindi ako nandito para makipag-away sa'yo. Alam nating lahat kung sino talaga ang ama ng dinadala ni Ginny, at isang araw lang naman ang hinihingi ko and I will leave the two of you alone." Aambang susuntukin na sana ni Jordan si Lorenz ngunit hinawakan na siya nang mahigpit ni Ginny.
"Hindi na kailangang umabot sa gulo ang lahat ng ito, Jordan. Sasama ako kay Lorenz sa huling pagkakataon para lang tumahimik na siya." sabi ni Ginny.
"Hindi ako papayag sweet heart. Who knows what this bastard will do to you kapag nasolo ka na niya?"
"Alam kong hindi niya ako magagawang saktan ng pisikal Jordan. Huwag kang mag-alala at agad akong tatawag sa iyo kapag may nangyari."
"Ayokong magsisi sa huli Ginny-"
"Isang araw lang ang hinihingi niya at pagkatapos nito ay habambuhay na siyang aalis sa mga buhay natin Jordan. Sige na, payagan mo na ako."
Hindi makapaniwala si Martha at Agatha sa mga narinig mula sa katabing kwarto ng library. Nagkatinginan ang dalawa, magkahalong pangamba at panghihinayang sa mga narinig. Tila ba nagkaroon ng kompirmasyon ang mga haka haka sa loob ng hacienda, totoo ngang hindi anak ni Jordan ang dinadala ni Ginny. "Ano pong gagawin natin Ate Martha? Ipagtatapat niyo po ba kay Ma'am Felicidad at Sir Carlito?"
"Agatha, sa pagkakataong tulad nito ay hindi tayo dapat nakikialam, labas na tayo sa kani-kanilang sikreto. Hayaan na lamang natin na sila ang gumawa ng kanya kanya nilang hakbang. Malalaki na sila at alam na nila ang kanilang ginagawa." tugon ng ginang. "Sana lamang ay hindi masaktan si Jordan sa bandang huli, ngayon ko lang nakitang nabuhayan ng loob ang batang iyan. Kung si Ginny lamang ang makakapagpasaya sa kanya, wala na tayo doon sa kung sino talaga ang ama ng batang kanyang dinadala."
![]() |
Photo from: http://www.comingsoon.net/tv/news/466287-narcos-posters-netflix |
The Netflix series "Narcos" is just insane. I never knew who Pablo Escobar was until I watched the whole 10 episodes. The story was based on a true to life story of the most notorious drug lord in South America during the 80's in Colombia. It was fascinating, despite of the worst things the main character did. Remember Breaking Bad? Pablo Escobar was worst showing no conscience at all to those who try to capture or betrayed him. Mercy was never in his vocabulary. He was so powerful and rich that he tried to control the Colombia government. Netflix was so successful in creating a villain, that in fact while watching the series, I wouldn't want Pablo to be dead, I just want the series to go on and on. The DEA became the villain in trying to stop him, and I would just be amazed by how Pablo would be one step ahead. Netflix has created a perception where you would want to side with bad, even though you know he's the worst person who lived. It showed Pablo's philosophy, he treats himself like a god. I even found myself admiring the machismo, even if in the real life, I think I would throw up if I met a person so full of himself (Sorry, I live in this side of the world where women do things for herself and don't usually fall for this). I believe there will be a second season, so yes, I'm looking forward to it.
When I searched about what the family have been to now, I found articles and more shows to watch. Here's one article: http://xpatnation.com/a-look-at-pablo-escobars-family-21-years-after-his-death/#.T86h09U4B stating how the consequences affected Pablo's family 2 decades after his death. Also, I found a documentary entitled "Sins of my Father" where his son related his experience. After watching the series, I found myself curious with all these as I have always been interested about history.
[During one of the training at work, our boss mentioned history of eastern Europe and I'm surprised that I have not heard about it, which means I need to learn more. Chinese history is one area I might want to focus on later, however I couldn't find any good materials to start with. Stuff in Wikipedia sounds complicated. You see, I would need a good storytelling, in order for me to get interested and to be able to invest my time.]
Mac suggested that I look into http://www.snopes.com/ to find if an article I found online is a fact or a hoax. I found nothing on it. Instead, I went to reddit and there's so much articles about Pablo Escobar in there. I also found out that Wagner Moura, who played Pablo Escobar effectivly in the Netflix series supports 50forFreedom which fights modern day slavery. Anyway, I love how the characters in the series speak Spanish, men, those curse! As you know there is a small percentage of Spanish in the Filipino language. How they say "Puta" which translates to "Bitch" with that expression is so... amusing, I remember how my Mom would shout at me, calling me that word. Haha!
I rate Narcos 5 out of 5.
In
philippine fiction,
Philippine literature
SAKIT NG KAHAPON (Chapter Fifteen: Sapat na ang Minsan)
Tahimik na lumabas si Ginny mula sa kwarto, ilang oras nang nakakaraan mula nang umalis si Lorenz. Tahimik ang buong bahay, at tanging paglalaro ni Gigi lamang sa sala ang maririnig. "Ginny, may gusto ka bang sabihin sa amin?" tanong ni Lola Malyn na nakaupo kanina pa sa may sofa. Kaharap nito si Nina na siyang umaalalay kay Gigi sa paglalaro. Nanlamig ang buong katawan ni Ginny, tila siyang nanigas sa pagkakatayo.
"Narinig namin ni Lola nag pag-uusap niyo ni Lorenz." sabi ni Nina. "Totoo bang siya ang ama ng dinadala mo?"
"Alam mo apo, hindi ka naman namin hinuhusgahan sa mga desisyon mo, kasi pinili mo naman iyan. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit sa loob ng ilang buwan ay nagawa mo kaming pagsinungalingan." Hindi na napigilan ni Ginny ang maluha, sunod sunod na patak ng luha ang pinakawalan ng kanyang mga mata. Lumakad siya nang parang bata patungo sa kanyang lola at saka yumakap dito habang humagulhol.
"Sorry po Lola, sorry po!" aniya sa kanyang mga hikbi. "Ayoko lang na ma-disappoint kayo sa akin. Isang malaking pagkakamali po ang nagawa ko, nagsinungaling ako sa inyo noon." Humagulhol siya nang tuluyan, samantalang si Malyn naman ay nanatiling isang bato. "Pinili akong hindi panagutan ni Lorenz ngayon. Takot na takot po ako..."
"Napakasakit ng ginawa mo Ginny, hindi lang ako ang niloko mo, pati ang Mama mo, at ang buong mundo Ginny!" pasigaw at galit na galit na giit ng matanda.
"Ayoko lang po na ma-disappoint kayo sa akin, lalong lalo na at malaki ang tiwala niyong makapagtapos ako ng pag-aaral. Hindi ko po malaman ang gagawin ko noon." Napayuko si Nina sa narinig, alam niyang isa siya sa dahilan kung bakit napakalaki ng ekspekstasyon ng lahat kay Ginny, natatakot ang lahat na baka magaya ito sa kanya at sa isa pa nilang kapatid na mabilis nagsipag-asawa matapos makapagtapos ng pag-aaral.
"Mahal kita apo, ngunit hindi pa kita mapapatawad sa ngayon. Pagbalik mo sa hacienda nina Jordan ay dapat maipagtapat mo sa kanila ang katotohanan o habambuhay kang magdurusa sa kasinungalingang iyong pinaninindigan." Tumayo si Malyn at nagtungo sa kwarto. Naiwang impit na umiiyak si Ginny habang si Nina naman ay umupo sa kanyang tabi, hinahagod ang kanyang likod.
"Tama na ang pag-iyak, makakasama iyan sa baby mo." anito.
Nang sumunod na araw ay maagang nagising si Ginny, tutungo kasi siya sa clinic para makapagpa-check up. Sinamahan siya nina Mang Kanor at ni Nina. Ngayon na nila malalaman kung ano ang kasarian ng magiging anak niya. Sa ultrasound room ay doon siya nahiga habang si Nina naman ay hawak ang kanyang kamay. Malaki na nga talaga ang kanyang tiyan at nahihirapan na rin siyang maglakad kung minsan. "Aba, sumisipa si baby mo o!" puna ni Nina na siyang ikinangiti naman ni Ginny.
"Excited na atang lumabas." Nakangiting tugon niya. Pinahiran na siya ng malamig na ultrasound gel sa tiyan at saka pinagana ang mismong ultrasound sa tiyan niya. Halos maluha siya nang makita niya ang hitsura ni baby. Nakita niya ang buong katawan nito, napakaliit at tila natutulog.
Itinuro ni Doktora Sanchez ang lugar ng ari ng sanggol. "Congratulations, it's a boy Ginny!"
"Wow, lalake ang anak ko!" Walang mapaglagyan ang saya ni Ginny. Napayakap naman sa kanya si Nina.
"Ang gwapo naman ni baby, mag-isip na tayo kung ano ang ipapangalan natin sa kanya!" masayang sabi ni Nina. "Sa wakas at may kalaro nang lalake si Gigi!"
"He looks healthy and normal. Nasaan pala ang ama ng bata? Bakit sa pagkakataong ito ay hindi mo siya kasama?"
"Lumipat na po kasi kami sa probinsya Doc, nagkataon lang na binisita ko dito sina Lola kaya naisip kong magpa-appointment na rin."
"That's very good. Kailangan ituloy mo lang ang pag-inom ng mga supplements na iniresta ko sa'yo at walang magiging problema si baby. I'm sure the father is very excited to have the first child to be a boy. Lalake rin ang panganay ko kaya I can totally relate. Sa bahay parang dalawang anak na lalake ang meron ako dahil nakikisabay din ang asawa ko." Hindi na muling umimik si Ginny, napaisip siya kung ano kaya ang magiging kinabukasan ng kanyang anak, ng kanyang magiging pamilya. Hindi siya sigurado kung tatagal sila ni Jordan.
Kumain ang mag-ate sa isang restawran malapit sa may clinic pagkatapos. Kanina pa napapansin ni Nina na balisa ang bunsong kapatid. "Naguguluhan ako ate, natutunan ko nang mahalin si Jordan pero pakiramdam ko ay wala pa ring kasiguraduhan ang kinabukasan ko sa kanya. Pakiramdam ko any time from now, may karapatan siyang umalis sa buhay ko. Baka kung gaano siya kabilis dumating ay ganoon din siya kabilis na aalis"
"Kay Lorenz ba ay wala ka nang nararamdaman talaga? Hindi mo mailalayo sa kanya ang bata, bilang ama kasi ay meron pa rin siyang karapatan sa dinadala mo."
"Sa pag-uusap namin kahapon, sabi niya ay kaya na raw niya akong panindigan. Kaya lalo akong naguguluhan..."
"Isipin mo kung ano ang mas makakabuti sa'yo at sa magiging anak mo. Tandaan mo na ang lalakeng pipiliin mo ay ang lalakeng makakasama mo habambuhay." paalala ng kanyang ate. "Minsan, hindi sapat na mahal mo ang isang tao, isang bata ang palalakihin niyo Ginny. Hindi siya laruan na basta basta puwedeng iwanan. Kailangan niya ng taong mapagkakatiwalaan, isang lalakeng tatayo bilang ama niya kahit anong mangyari."
Nang sumunod na araw ay nagpaalam na si Ginny sa kanyang pamilya, maaga pa lang ay babalik na siyang muli sa Hacienda. Hindi pa rin siya masyadong iniimik ng kanyang Lola, at sabi ng kanyang ate ay hayaan na muna itong makapag-isip isip dahil hindi pa nito tanggap ang mga nangyari. "Hayaan mo na lang muna, sigurado akong darating ang panahon na mapapatawad ka rin niya."
"Basta ate, ikaw na muna ang bahala kay Lola ha? Huwag mo siyang pababayaan."
"Oo, ako ang bahala. Ikaw ang mag-ingat, okay?"
Ilang sandali pa ay lumarga na sila ni Mang Kanor. Nagaalala na rin siya kay Jordan dahil kagabi pa hindi sumasagot sa mga text niya ang nobyo. "Ano na kaya ang nangyari sa lalakeng iyon? Ni hindi man lang sumasagot sa mga text at tawag ko."
"Baka naman po abala lang sa trabaho." tugon ni Mang Kanor.
"Baka nga po." Naisip buksan ni Ginny ang kanyang account sa Facebook, hindi naman niya karaniwan itong ginagawa pero baka nag-update si Jordan. Blogger si Jordan noon kaya alam niya na madalas ito kung mag-update ng mga ginagawa nito sa social media. Napasimangot siya nang makita ang mga naka "tag" na larawan sa profile nito. Ang unang larawan ay may isang babaeng balingkinitan ang katawan na nakasuot ng itim at hapit na damit ang nakaakbay kay Jordan. Mahaba ang buhok nito at makapal ang pulang lipstick na gamit. Sigurado siyang hindi pa niya ito nakikilala o pinakilala man lang ni Jordan. Lumakas ang kabog ng puso niya at kumuyom ang dalawang palad matapos ibaba ang cellphone. Kaya pala hindi naka-reply ang loko kagabi, may kasama siyang iba. May kasama siyang maganda at sexy na babae, mukhang single pa pati.
Unti unting nanlumo si Ginny sa kanyang kinauupuan. Bumalik na naman sa kanyang pag-iisip na kahit na anong oras ay puwede siyang iwan ni Jordan. Naalala niya bigla ang mga katagang sinabi ng kanyang ate kahapon.
"Bakit hindi mo bigyan ng pagkakataon si Lorenz? Minahal mo naman siya dati, hindi ba?"
Iyon ang mga katagang namutawi sa bibig ng kanyang ate, kung saan ang tanging tugon niya lamang ay,
"Ate, hindi naman ako bola na puwedeng ipagpasa-pasahan. Kung hindi man kami magwork-out ni Jordan, ay sisiguraduhin ko na hindi ako mapupunta kay Lorenz."
"Pride lang ang nasa isip mo Ginny." Oo, pride at ego na ang kailangang paganahin ni Ginny pag nagkataon. Marami namang single mothers na pinapalaki mag-isa ang kanilang mga anak. Kung nakaya nila ay makakaya ko rin.
Ilang oras pa ang itinagal ng biyahe kung saan siya nagkaroon ng maraming reyalisasyon. Anuman ang mangyari sa kinabukasan ay wala na siyang kontrol dito, anuman ang mangyari ay kailangan niyang tanggapin ng buong puso. Dumating si Jordan sa buhay niya nang walang pasabi. Dumating ito para gamutin ang kanyang nagdurugong puso. Dapat nga ay masaya na siya dahil pinaranas nito sa kanya kahit sandali lang, ang isang pag-ibig na totoo. Kung sakali mang mawawala ito sa kanyang buhay, ay wala na rin siyang karapatan pang magreklamo.
Nang nakarating na sila sa hacienda ay hinanap agad ni Ginny ang nobyo. "Nakita niyo po ba si Jordan?" tanong ni Ginny sa mayordomang si Martha.
"Naku, abala po siya sa warehouse, ma'am Ginny. Harvest na naman kasi kaya abalang abala ang mga manggagawa ng buong hacienda. Hayaan mo at papatawagan ko kay Agatha. Tumungo ka muna sa kwarto at magpahinga."
Iyon nga ang ginawa ni Ginny, nagshower na muna siya at saka humiga sa malambot na kama. Habang himas himas ang kanyang tiyan ay nadatnan siya ni Jordan na nakahiga. "Hi!" bati nito sa kanya.
"Hello." walang emosyon niyang tugon. Bigla na naman niyang naalala ang nakita niyang larawan kaninang umaga. Hinagkan siya ni Jordan sa labi at saka nagsimulang magtanggal ng damit. Napansin ni Ginny ang pawisan nitong pangangatawan, tila ba buong araw na nakabilad sa araw. Napagdesisyunan niyang umupo.
"O, huwag ka nang umupo, humiga ka na lang. I'm sure napagod ka sa biyahe mo kanina. Stay put ka lang sweet heart, magsho-shower lang ako." Habang nasa banyo si Jordan ay inisip ni Ginny kung kokomprontahin niya ba ang lalake sa nakita sa Facebook nito. Hindi na sana siya mag-aabala pa pero hindi niya mapigilan ang sarili. Tumayo siya at tumungo sa may pintuan ng banyo. Doon ay tahimik niyang pinanood ang pagsho-shower ni Jordan.
"May party ka palang dinaluhan kagabi?"
"Ha?" Pinatay ni Jordan ang tubig at saka nagsimulang magsabon.
"Sabi ko, may party pala kagabi, hindi mo man lang ako nagawang i-text man lang."
"Ah oo, last minute invitation ng katabing hacienda." tugon ni Jordan. "Birthday kasi ni Bernadette."
"Siya ba yung nag-tag ng picture sa'yo sa Facebook?"
"Yeah."
"Yeah, nakita ko siyang nakaakbay sa'yo."
"Magkababata kasi kami nu'n, talagang close kam dati." aniya. "Ang tagal naming hindi nagkita, mula nang umalis ako sa poder nila Lola ay hindi ko na rin sila kinita."
"Ah ganoon ba?"
"You're jealous, aren't you?"
"Ano naman ngayon kung nagseselos ako?"
"You don't have to be jealous, sweet heart. She will remain as a friend, just a friend, okay?" Tumango lang si Ginny. "Alam mo, kung hindi ka lang buntis ay baka hinila na kita dito sa loob ng shower. Magbabanlaw lang ako, wait for me there." Mabilis na nagbanlaw si Jordan at saka nagpunas ng katawan. Agad nitong pinuntahan si Ginny na nakaupo nang muli sa may kama.
"Now, tell me again what you wanted to say?"
"Pakiramdam ko pinaglalaruan mo ang damdamin ko sa sinabi mong iyan. Ano naman ngayon kung nagseselos ako? May karapatan naman siguro ako 'di ba? Kung tumawag ka lang kagabi para magsabi sa akin na may party ay maiintindihan ko naman, pero hindi ka man lang nagparamdam!" naiiyak na sabi ni Ginny.
"Ngayon ko lang nalaman na cute ka pala kapag nagseselos ka." Hinagkan ni Jordan ang mga kamay ni Ginny. "But, pls. know that I'm really sorry baby. Huwag ka naman mag-isip ng kung anu-ano. Nasa warehouse ako kahapon nang sinabihan ako ni Martha na nabalitaan daw ni Bernadette na nandito na ulit ako. Pinagbigyan ko na kaya naman galing sa warehouse ay dumiretso na ako sa party. Siguro naman napansin mo sa picture na haggard na ako di ba?"
"So, ang rason mo ay nakalimutan mo lang akong replayan, ganoon ba?"
"Yes." Napabuntong hininga si Ginny. Dahil sinabi ni Jordan sa kanya ang totoo ay kailangang ipagtapat niya rin dito ang tungkol kay Lorenz. Hindi makatarungan kay Jordan kung itatago niya ito at malaman pa sa iba.
"May gusto sana akong ikuwento sa iyo kahapon." simula ni Ginny.
"Ano 'yon?"
"Nung isang araw ay bumisita si Lorenz sa bahay namin. Hindi ko alam kung paano niya natunton kung saan ako nakatira-" Tuluyan nang nag-iba ang mukha ni Jordan.
"Ano naman ang mga sinabi niya sa'yo? Akala ko ba may pamilya na siya?"
"Ang sabi niya ay hindi raw totoo na may pamilya siya, na nirason niya lang sa akin 'yon dati dahil hindi pa siya handa dati-"
"Eh gago naman pala siya! Kung akala niya makukuha ka niya sa akin, sorry Ginny, but that's not going to happen!"
"Shhh, hindi mo kailangang sumigaw, okay?"
"I hope you told him about me, and that you love me."
"Oo, sinabi ko sa kanya na may mahal na akong iba, at hindi ko na siya kailangan pa sa buhay ko." Napapikit si Jordan at nagsimulang hagkan si Ginny. Basa pa ang buhok nito kahit pa nagpunas na ito ng katawan kanina sa banyo.
"I hope you're not thinking about going back to him Ginny." Napailing lang si Ginny. "God! The pain of losing you, I don't think I can bear it. Palalakihin ko nang maayos ang baby natin Ginny, kikilalanin niya akong ama."
"Alam ko, Jordan. By the way, the baby is a he." nakangiting sabi ni Ginny.
"Wow, talaga? Mag-isip na tayo ng ipapangalan sa kanya! Puwedeng Jordan II?"
"Baliw ka talaga!" Nakatawa nang muli ang dalawa.
"Next time, hindi ka na uuwi mag-isa. Kapag bibisitahin mo sina Lola Malyn ay sasamahan na kita. I promise that."
"You don't need to promise me a lot of things Jordan." aniya. "Hindi na ako naniniwala ngayon sa mga pangako."
"Bakit? Dahil promises are made to be broken? Well, if that's so, hindi na ako mangangako."
"Tama, just do it."
"Jordan Dela Fuente II." ulit muli ni Jordan, at muli, sila ay napahagikhik.
Hey.
How was your first two weeks of January so far?
Weather in my side of the world got colder and I'm struggling especially in the morning, when I need to wake up and go to work. I love my job, but really, I feel so sick every morning. I would throw up, followed by an unbearable headache that even my coffee couldn't cure it. I'm not pregnant, don't worry. Sometimes, I think it would be a waste of time going to a doctor, firstly the medical fee is expensive and they pretty much act like a robot. The last one I've been to was the one near Kwai Fong MTR station, he would ask and I would answer, he would then type my answers in the computer, repeat 'til fade. Sometimes, I wonder if he was googling my symptoms and all that. In the end, he gave me a bunch of medicine, that I know that if I took all of those, my kidney won't be able to make it. In the end, of those 50 tablets, I only took 2 paracetamols. Of course, I'm not crazy.
At the beginning of the year, Mac and I went to this dentist who is my colleague's friend. And men, she really treat us right. In the end, I concluded that it's better if you go to a recommended doctor by your friend or family, I guess those professionals will do their job better if they know they have been recommended by someone they knew. The only disadvantage with going to Stella's clinic is it's too far for us, they're near the Shenzhen boarder and it took us more or less an hour to get there.
A good news: Netflix finally reached Asia! I signed up and have been enjoying the first month for free. So far, I am done watching "How to Get Away with Murder" and "Making a Murderer". The first one, is a tv series with smart characters, while the latter is a documentary with stupid justice system. I think Steven Avery - the convicted in the documentary deserved a lawyer like Annalise Keating. Yes, a female lawyer, that's right!
![]() |
That was Mac and I during our check-up |
The above shows the 'glow in the dark' world map I purchased in Log On. I find it inspiring and educational at the same time to stare at this. I am very much excited with my planned travels for this year, I have a feeling that my target destination will be reachable this year. That of course means, I need to save lots of money, which means, no shopping unless it's necessary, and try to cook at home as much as we can.
Another highlight of the first two weeks was when I took photos of Lucille Jade, my friend's daughter one Sunday afternoon. She's really cute! The afternoon was also spent catching up with friends, talking about career, travels and babies. A lot of them were anticipating that I would be the next one to get pregnant, but then again... maybe not this year. It's an ultimate dream to be a mother but there's always this statement by my Mother when I was a teenager and dating. "Don't get pregnant, if you don't have money. Don't get pregnant when you're still studying. Don't get pregnant when you're unstable." These statements stick with me and have become a philosophy. She got a point, but I found myself finding excuses every time, and I am not getting any younger. Sometimes I feel scared. That it may not be for me... that I may end up alone. On my own.
Sigh.
Enough of that negativity.
Let's keep on looking at the positive side, shall we? (I told you, my life's a series of ups and downs!)
I have been writing too. I pledged to write 10,000 words with the theme "first" in wattpad. I decided to write the first experiences during my travels, the memoir is entitled "Unang Halik" or "First Kiss" in English. I still have a long way to go, but I really am enjoying it, although sometimes I have to admit that I was running out of ideas.
I will upload it in the blog once I'm done with it. I'm quite positive about this.
Mac and I met some old and new friends too. See our smiles below. I think we both enjoyed that evening. It has been a long time since we last went out with "our" friends. Sometimes I would only have "my" friends and him tagging along. This time it's more of common friends so it feels different. We felt like grown ups. I know, we're actually grown ups, but sometimes, that 18-year old you got stuck to the bones, that we almost have that feeling of being young. Forever. Sometimes, Mac would tell me he wanted to be an immature forever, oh how I wanted to slap him in the face!
Before we went out that evening, Mac and I visited ate Doris in the hospital before her operation in the gall bladder. Ate Doris was one of my travel buddies, she's the age of my Mom, but we hang out like we're the same age. I learned a lot from her, from her life experiences and we care deeply for her. She's still in the hospital now recovering from the operation.
My Dad got something in his stomach too. I have not seen him yet, unfortunately even if they only live 15 mins. walking distance from my home. I saw him last New Year's eve when they visited me in my little flat. I cooked spaghetti and fried chicken and even made a salad.
"We just became so busy that we forgot our parents are getting old. "
I called him last night but he only called me back this morning. A simple conversation went on, asking how he was feeling, if he already ate, if it still hurts. He then reminded me to pay my storage bill which I always mean to forget, then the "I love you's" before hanging up the phone. This 2016, I should make it a point to give my family the time.
I think for the year 2016, being kind to others should be added to my New Year's Resolution too. I want to be more selfless, and start focusing on how to help others.
I know one of my writing tip is having a structure, but I wrote this post without really thinking of a structure. This post shows the random experience I get to have in two weeks,
"A series of ups and downs, of happiness and sadness, then the realization. Anyhow, there's no choice but to enjoy the bittersweet."
I'll end this post now. I hope you enjoyed and see the positive in your first two weeks of the year too. May we have more lessons to learn this 2016!