Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Tuesday, 29 December 2015

SAKIT NG KAHAPON (Chapter Twelve: Umagang Kay Ganda)

   Nang gabing iyon ay magkatabing natulog sina Ginny at Jordan. Eto ang pangalawang beses na magtatabi sila sa iisang kama, at hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin si Ginny sa tuwing magdadantay ang kanilang mga balat. Mabilis na nakatulog si Jordan habang si Ginny naman at tahimik na pinagmasdan ang lalake. Kahit ilang buwan na silang magkasama, may mga bagay pa rin na tila ba bago sa kanya. Eto ang unang beses niyang napansin na mahahaba pala ang mga pilikmata nito. Mahinang hilik ang pinapakawalan nito at kung makagapos ito sa kumot, tila ba ito ay maaagawan ng candy. "Ang cute pala nito matulog..." bulong ni Ginny sa sarili. Nang gabing iyon ay mahimbing ding nakatulog si Ginny at lingid sa kanyang kaalaman ay maging si Jordan ay pinagmamasdan din siya. 
     Nagising si Ginny nang umagang iyon na wala si Jordan sa kanyang tabi. Mataas na ang sikat ng araw na siyang pumapasok sa loob ng kwarto. Nag-unat si Ginny at saka napagdesisyunang bumangon. Nag-ayos siya ng kanyang sarili at saka siya lumabas ng kwarto para hanapin kung nasaan si Jordan. Walang ano-ano'y nakasalubong niya si Martha sa may hagdanan. "Magandang umaga Ginny! Kumusta ang tulog mo?"
     "Sa sobrang sarap po ay tanghali na akong nagising, magandang umaga rin po sa inyo."
     "Tama ka, ang alas nuwebe dito sa hacienda ay tanghali na para sa nakararami. Si Jordan ay alas singko pa lang ay gising na."
     "Pasensya na po, nakakahiya naman-"
     "Ano ka ba iha, wala kang dapat ipagpasensya. Hindi kita masisisi dahil napaka-komportable naman talaga ng kama ni Jordan, bagong dating lang ng kama galing London, pina-order ng lola niya. Anyway, halika na, mag almusal ka muna."
     "S-sige po."
     Mag-isang nagalmusal si Ginny nang umagang iyon at hindi siya sanay. Sana man lang ay nagpaalam muna sa kanya si Jordan bago ito umalis, inis na usal ni Ginny sa sarili. Sa malaki at mahabang hapagkainan kasi ay siya lang ang mag-isang nakaupo. Pinagsilbihan siya ni Agatha, isa sa mga katiwala sa bahay na naka-uniporme pa. Hindi malaman ni Ginny kung mahihilo o kung ano, hindi siya sanay na siya ay pinagsisilbihan ng ibang tao. "Agatha, nag-almusal ka na ba? Bakit hindi mo ako sabayan dito?"
     "Nag-almusal na po ako Madaam." mahinhing tugon nito.
     "Naku, 'wag mo na akong tawaging Madaam, baka magkasing-edad lang tayo. Ginny na lang."
     "Sige po." nakangiting pagsang-ayon nito. "'Wag niyo pong kalimutang uminom ng gatas para sa baby. Galing po 'yan dito mismo sa farm, fresh pa po. Lahat po ng nakahain ngayon dito ay galing mismo sa farm ng mga Dela Fuente."
     "Sige, salamat. Alam mo ba kung nasaan si Jordan?"
     "Kasama po ng papa ko si Sir Jordan, mamaya po ay ipagda-drive ko po kayo kung saan sila naroroon. Pinagbilin po kayo niya sa akin kaninang umaga na ihatid ko po kayo sa may bukid." 
     Matapos mag-almusal ay tumungo na ang dalawa sa may norteng bahagi ng hacienda. Malawak na bukirin ang kanilang dinaanan sakay ang isang puting van. Dahan dahang magpatakbo si Agatha dahil may pagkalubak lubak ang daanan. "Mahigit isang daang ektarya ang lupaing pagmamay-ari ng hacienda." pagkukuwento nito. "At mahigit isang daang katao rin ang trabahador dito. Sa galing ng pamamalakad nina Madaam Felicidad at Sir Carlito, ngayon po ay tahimik at mapayapa ang buong hacienda. Masaya ang mga trabahador dito, kumpara sa mga karatig hacienda. Maayos silang magpa-suweldo, minsan po ay may bonus pa." masayang pagkukuwento ni Agatha. "Dito na nga po ako lumaki, ang ama ko ang siyang pinuno ng mga magsasaka dito. Bata pa lang po kami ay magkalaro na kami ni Sir Jordan."
     "Ganoon ba?" Sinusubukang i-imagine ni Ginny ang batang Jordan. Hindi niya maiwasang isipin kung gaano ito ka-swerte dahil malalawak na bukirin ang tinatakbo nito. "Siguro makulit siyang bata ano?"
     "Tama po kayo, lagi nga siyang napapagalitan ng lolo at lola niya eh."
     "Matigas marahil ang kanyang ulo." at kahit hanggang sa ngayon, gusto niyang idagdag pero hindi na lamang niya isinaboses.
     "Mas lalo pa pong tumigas ang ulo mula nang mamatay ang kanyang mga magulang. Nakakaawa siya noon, madalas siyang nagkukulong sa kwarto, laging umiiyak. Sinisisi niya ang lolo at lola niya sa pagkamatay nila."
     "Bakit naman niya sinisisi ang lolo at lola niya? Wala naman sigurong kinalaman ang mga matatanda, di ba?" 
     "Mahaba at masalimuot po ang nakaraan ng haciendang ito. Sorry po, hindi ko na dapat in-open ang topic. Mapapagalitan po ako kapag nalaman nila na nagkuwento ako sa inyo. Pasensya na po ulit."
     "Sige ibahin na lang natin ang topic ng usapan." tugon ni Ginny. "Nag-aaral ka pa ba?"
     "Opo, part time student ako at mamayang hapon nga po ay may klase ako. Scholar nga po ako doon sa paaralang pinapasukan ko eh." pagmamalaki ni Agatha. 
     "Ang sipag mo naman. Paano mo napagsasabay ang trabaho at pag-aaral?"
     "Simple lang naman po, gusto kong matupad lahat ng pangarap sa akin ni Mama at Papa. Hindi sapat ang kinikita ni Papa sa mahal ng tuition ko kaya kinailangan ko rin na magtrabaho sa Hacienda. Hindi naman mabibigat ang mga gawain ko, nage-enjoy po ako dahil marami rin akong natututunan dito." Biglang naalala ni Ginny ang kanyang pag-aaral, malamang ay hindi na siya makakapasok sa susunod na semester dahil halata na ang umbok ng kanyang tiyan. Marahil sa susunod na taon na lamang siya magsisimulang muli. Napakalaki ng kanyang panghihinayang, nagkaroon siya ng oportunidad na makapag-aral pero nagpabuntis lang siya sa isang walang kwentang tao. At heto si Agatha sa kanyang harapan, nagsusumikap mag-aral. Na-realize ni Ginny na kahit buntis siya ngayon ay hindi dapat siya umasa kay Jordan nang basta basta. Kailangan ay makapagtapos pa rin siya para mabigyang karangalan ang kanyang Ina na nagsusumikap sa Singapore. 
     Tumagal ng sampung minuto ang kanilang pagbi-biyahe at sa wakas ay narating na rin nila ang isang maliit na bungalow. Sa likod nito ay isang tila warehouse kung saan maririnig ang tunog ng iba't ibang hayop. Nakakita siya ng baka, kabayo, baboy at mga manok. Sa di kalayuan ay natanaw niya si Jordan na nakasakay sa isang kabayo at nang makita siya nito ay agad siyang kinawayan. Sakay ng kabayo ay agad na tinungo ni Jordan si Ginny. "Kumusta mahal na prinsesa?" Sa paningin ni Ginny ay tila ba napakakisig ni Jordan, nakasuot ito ng maong na pantalon, checkered na polo at kulay kape na boots. Kulang na lang ng sumbrero ay magmumukha na itong "cowboy". Natawa si Ginny sa nakita, pakiramdam niya ay para siyang nasa isang palabas ni Nicholas Sparks. Pakiramdam niya ay isa siyang leading lady, isang prinsesa. "Ano, napopogian ka na naman sa akin?"
     "Loko ka talaga!" sambit ni Ginny. Bumaba si Jordan mula sa kabayo. 
     "Salamat Agatha sa pagdala kay Ginny dito."
     "Wala po yun sir, sige po puntahan ko muna si Papa sa loob ng warehouse." anito. 
     Nang makalakad nang palayo si Agatha ay pinakilala naman ni Jordan si Ginny kay Judith, ang kabayo nito. "Siya nga pala si Judith, bata pa lang ako magkaibigan na kami. Judith, ito naman si Ginny, ang fiance ko." Tumango ang kabayo na tila ba nakakaintindi ito. 
     "Sayang hindi ko pa siya masasakyan sa ngayon." sabi ni Ginny habang hinihimas ito sa likod. 
     "Saka na lang kapag nanganak ka na. Sa ngayon, delikado pa para sa'yo. Pagkapanganak mo ay ako mismo ang magtuturo sa'yo kung paano sumakay sa kabayo." 
     "Alam mo may atraso ka pa sa akin?"
     "Ano 'yun?"
     "Wala ka man lang pasabi na aalis ka pala kaninang umaga. Naiwan akong mag-isa sa may kwarto."
     "Ang lakas kasi ng hilik mo, hindi na kita magising."
     "Kahit man lang maliit na note, wala. Muntikan na akong mag panic."
     "I'm sorry sweetheart. Promise, hindi na mauulit." anito sabay hablot sa kanyang baywang. Nagkalapit ang kanilang mga mukha at nadama ang hininga ng bawat isa. "Na-miss kita."
     "Isang umaga lang tayo hindi nagkasama, na-miss mo na ako agad?" 
     "Tama ka, hindi ako dapat agad na umalis nang hindi nagpapaalam sa'yo. I was tempted to plant a kiss to your lips but I didn't, and now I regret that." Lalong nagkalapit ang kanilang mga mukha, hanggang sa ilang pagitan na lang ang kanilang mga labi. 
     "Tuluyan ka na bang na-inlove sa akin?" seryosong tanong ni Ginny.
     "I have already fallen for you since the day I saw you in the library." sagot naman ni Jordan. Sa pagkakahawak sa kanya nito ay tila may kuryenteng bumabalot sa kanyang buong katawan at pagkatao. Hindi na makatiis si Jordat na agad niyang sinunggaban ng halik si Ginny, malalim at mapusok na tila ba wala nang bukas. Ipinasok nito ang kanyang dila sa uhaw na labi ni dalaga, tila naghahanap ng atensyon habang kanyang kanang kamay naman ay naglalakbay sa likod nito, ihinahagod hanggang sa makarating sa mabilog na umbok nito. Hinapit nito ang kanyang pigi, dahilan upang maramdaman ni Ginny ang umbok sa may pantalon ni Jordan. 
     Tumigil si Jordan sa paghalik sa kanya. "I really want to make love with you right now." tila naiinis na sabi nito. "Come with me, doon tayo sa may kubo." Hindi sumagot si Ginny, sa halip ay sumunod lamang siya kay Jordan. Naglakad sila patungo sa may kubo na ilang metro lang ang layo sa kanilang kinatatayuan. Binuksan ni Jordan ang pintuan ng kubo pero laking gulat niya nang makita ang dalawang pinsan, sina Bianca at Danica na tahimik na nagbabasa ng kanilang aralin sa loob.
     "Hi kuya Jordan!" buong galak na bati ng dalawa na agad na yumakap sa kanya. 
     "G-girls, I didn't know you're here. I thought you have classes?" litong tanong ni Jordan.
     "Kuya, it's Saturday today, we don't have classes on weekends." tugon ni Bianca. Kinse Anyos na ang kambal na anak ng kanyang Auntie Grace and Uncle Herbert. Sa dalawa, si Bianca ang may pagka-kikay na siyang naka spaghetti strap at maikling shorts, habang si Danica naman ang may pagka-tomboy na siyang nakasuot naman ng jogging pants at t-shirt. 
     "And what are you doing here? Bakit hindi kayo doon sa library mag-aral?"
     "We like it here kuya, fresh air and more quiet." tugon ni Danica. "And is she Ginny? Your girlfriend?"
     "Yes, she's Ginny. Ginny, mga pinsan ko nga pala, Danica and Bianca." 
     "You're beautiful ate Ginny! I heard you are going to have a baby soon. Oh I can't wait to have a baby in this house." masayang tugon ni Bianca. 
     "Thank you! It's nice to finally meet you." bati ni Ginny. Hanggang sa mga oras na iyon ay natatawa pa rin siya sa dismayadong mukha ng kasintahan. 
     "Don't fret, I MUST have you tonight." bulong ni Jordan sa kanyang tainga.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn