Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Friday, 25 December 2015

Isang Tula Para sa Aking Puso Ngayong Pasko

06:28 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , , No comments

Isa lang naman ang hiling ko ngayong pasko,
'Yon ay magpatuloy nawa ang ating nasimulan,
Hanggang sa habambuhay ako ay nasa puso mo,
Sa mainit at mahigpit mong yakap ako ay lunurin, 
Hindi ko kailangan ng materyal na bagay,
Basta paggising ko ikaw ang kapiling, 
Sa bawat pagsubok tayo ay magkaramay,
Sa ilalim ng mga bituin, pangalan ko'y sambitin,
Dumating man ang maraming problema,
Alam ko lahat ng ito at kakayanin,
Ipangako mo sa akin na hindi ka magsasawa,
Ibibigay ko sa'yo anuman ang naisin,
Ikaw lang ang laman ng aking mga pangarap,
Pero kung sakali mang sa bandang huli,
Hindi sapat ang aking halik at yakap,
Sabihin lang at h'wag nang patagalin,
Kakayanin kong mabuhay at lumipad,
Hindi mapapangakong ako ay lilimot,
Pero kasali ito sa pipiliting matupad,
Ang ating mga karakter at nakaraang masalimuot.
Sa pagtatapos ng taong ito, hahawakan ang iyong kamay,
Nais pa rin kitang pasalamatan sa lahat,
Sa regalong saya, lungkot, tawa at luha, samu't saring emosyon,
At sa pagmamahal na dadalhin natin sa susunod na taon. 

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn