Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 2 December 2012

A Winter Love Story


"Paano mo ba kasi nakilala yang Vhin na yan? At bakit three months pa lang kayo nagkakakilala ay naisipan mo ng magpakasal sa kanya?" tanong sa akin ni Joana matapos kong sabihin sa kanya na ikakasal na ako. Pare pareho lang ang reaksyon ng mga taong napagsasabihan ko na ikakasal na ako. Sino ba naman ang hindi magugulat eh totoo naman ang sinabi niya na three months pa lang kaming nagkakakilala? "Kung kayo nga ni Jeff na limang taon mo ng boyfriend ay hindi ko nakitaan na ikakasal na kayo? Anong meron si Vhin? At cute ba siya?" tanong uli sa akin ni Joana kahit ba hindi ko pa nasasagot ang nauna niyang tanong.
"So gusto mo ikwento ko pa sayo kung paano kami nagkakilala ni Vhin? Baka matawa ka lang at baka mabatukan mo pa ako." tugon ko.
"C'mon Tiphany! Mag best friend tayo! Umuwi lang ako ng Pinas para magbakasyon ay nagkaganyan ka na, trust me. Hindi lang kita babatukan." at sabay kaming napahagikhik sa kakatawa.

Bisperas na ng Pasko sa Hong Kong dahilan para magmadali ang mga tao sa paguwi kahit ba Alas singko pa lang. Maaga kaming lahat pinauwi dahil isa ata yun sa unwritten na patakaran sa tuwing sasapit ang bisperas ng pasko. Kinabukasan naman ay walang pasok. Gustuhin ko mang umuwi ng Pinas ay di ko nagawa dahil mahal ang ticket at hindi rin ako pinayagan na mag leave ng isang linggo. Nakakainis. Siksikan sa MTR pero nakisiksik na din ako dahil ako ang magluluto ng Noche Buena naming magkakapamilya. Magkakaroon pa ng party pero ang cook ay di pa nakakapagluto, sabihin na rin nating hindi pa ako nakakapamalengke. Sobrang busy din naman kasi ako these past few days. Di ako magkanda ugaga matapos lang ang trabaho ko sa tatlong araw na holiday. Nasisiksik ko na nga ang lalakeng nasa harap ko ay todo tulak ang siksik pa din ang mga taong papasok sa train.
"Shit-" narinig kong usal ng lalakeng nasa harap ko. Sa sobrang sikip ay di ko na namalayan na dikit na dikit na pala ang mga katawan namin, pasalamat sa makapal na winter clothes na suot ko dahil kung hindi ay mafe- feel niya na ang aking dibdib. Walang hiya. Para kaming magsyota na nagaway lang kaya hindi magkatinginan. Halos magkadikit na ang mga ari namin nito ah! Sinubukan kong iatras ang sarili ko pero sa halip ay lalo akong tinulak ng nasa likod ko at isiniksik sa lalakeng nasa harap ko. Tapos may narandaman pa akong parang hinihipuan niya ako mula dahil nadadampi ang kamay niya sa singit ko.
"What the fuck are you doing?" saway ko. "Stop that!"
"I"m sorry, it's just itchy." sagot niya. May pagka tsinito ang lalakeng nasa harap ko, matangkad sa akin ng isang dangkal, naka gel ang buhok, naka americana ang lolo mo at mabango siya in fairness.
"Ano kaya pabango ng lalakeng 'to?" bulong ko na kunyari'y galit. Hindi bale na, hindi naman niya ako maiintindihan eh.
"Calvin Klein Eterntiy, Miss." tugon niya. Napatitig ako sa kanya at hindi ako agad na nakapagsalita.
"P- Pilipino ka ba?" mukhang tanga kong tanong at dahan dahan naman siyang tumango. "Oh I see." sabi ko na napalunok. Lang 'yang yan... nakakaintindi pala 'to ng tagalog.
"Uh miss if you don't mind, medyo lumuluwag na kasi eh pwede ka ng umurong, natatamaan ko na kasi ang boobs mo."
"Ang bastos mo ah!" sabi ko na napatingin ng masama sa kanya saka napaatras. Noon ko lang na realize na lumuwag na pala talaga dahil nagbabaan na ang mga tao. Tumalikod na ako at pumunta sa ibang parte ng train. Mabuti na ang makalayo sa lalakeng bastos na yun, sayang cute pa naman siya. Pinilit kong pumikit dahil medyo stressed na din naman ako mula sa trabaho at isa pa kahit di ko sinasadya ay napapatingin ako sa lalakeng bastos na nakausap ko kanina. Pero ba't ganito feeling ko ayaw pumikit ng mga mata ko. Hay dinilat ko na lang ang mga mata ko at napatingin sa lalakeng yun. Kasalukuyan siyang may kung anong tinitingnan sa kanyang i phone at sa ngayon ay nakasaksak na ang earphone sa dalawang tainga niya. Hindi nga ako namalikmata kanina, ang gwapo nga ng lalakeng 'to. Hmp, manyak nga lang, asar! Nachansingan pa ako kanina. Napabuntong hininga ako, para kasing may kung anong pakirandam na nagising sa aking katawan pag naaalala ko yung pagdampi ng kamay niya sa may bandang singit ko. Leche ka Tiphany, ang libog mo.
Sa pagmumuni muni ko ay di ko napansin na nahuli na pala niya akong nakatingin sa kanya. Damn! Sinubukan kong magiwas ng tingin pero huli na talaga. Naglakad siya palapit sa akin na nakangiti. "Merry Chirstmas, miss. Pwede bang mag request ng regalo mula sayo?"
"H- ha? Ano naman yun?"
"Your name and number is enough." aniya na nakangiti pa din. Gusto kong matunaw sa pagkakatayo kong yun nang biglang mag preno ang tren at napasubsob siya sa akin. Lalo ko tuloy naamoy ang pabango niya na para bang sinasadya niya. Ilang segundo din siyang nakadikit sa akin bago ako nagsalita na baka nawiwili na siya.
"Alam mo hindi naman ako cheap na babae na basta basta mo lang makukuha ang pangalan at number at masyadong special ang info ko na yun na hindi ko pinamimigay sa kung sino sino." pagsusungit ko dala lang siguro ng pagkatigang ng ilang buwan na nga ba?
"Okay, ganito na lang. Ano ang gusto mong gawin ko para ibigay mo sa akin ang hinihingi kong impormasyon?" tanong niya na sa wakas ay medyo umatras na din ng kaunti sa akin. Thank God!
"Ano ba naman ang mapapala mo kung ibibigay ko sayo ang impormasyon na yan, aber? Bakit tatawagan mo ko, gagawing text mate, feeling mo naman easy to get ako?"
"Miss, wala akong ganyang intention, masama bang makipagkaibigan eh pareho lang naman tayong Pilipino na nasa ibang bansa. Dapat nagkakaisa tayo."
"Ngeh, ganoon ba yun?"
"At isa pa, bisperas ng pasko ngayon. Ikaw din manghihinayang ka at hindi mo pa grinab ang opportuinidad na ito."
"Alam mo ang hangin hangin mo din talaga no? Sobra eh, di na tayo kasya sa loob ng tren na 'to dahil sa laki ng ulo mo. Bumaba ka na nga." angil ko.
"Alam mo miss, isipin mo na lang life is short. Ako kasi ang tipo ng tao na pag may nagustuhan ay gumagawa agad ako ng hakbang and to tell you the truth I'm just 24 pero tatlo pa lang ang nagiging girlfriend ko."
"Tingin mo maniniwala ako sayo, eh ako nga ay lampas na sa calendaryo ang mga naging boyfriend ko, ikaw pa. Sus, wag mo na ako bolahin."
"Pwede mong itanong sa bestfriend ko o sa mga kapatid ko kung ilan na nga ba talaga." Eh talo ko pala ang lalakeng 'to eh. Anyway sinama ko na din kasi doon ang mga naging boyfriend ko sa text, sa chat, sa facebook at kahit ang childhood bf ko. Si Jeff lang naman talaga ang tumagal sa akin ng ilang taon. "Uhm ganito, gusto mo magkape muna tayo sa starbucks?"
"No, may party kami tonight and I'm the cook. Ni hindi pa nga ako nakakapamalengke eh." sabi ko.
"Eh di samahan na lang kita, tutal there will be no party for me. It's going to be fun kung magkakasama tayo."
"Nababaliw ka na ba? Baka nalilimutan mo, wala pa atang limang minuto tayong nagmeet tapos iimbitahan na kita agad sa party  sa bahay namin? Baka mamaya sindikato ka pala."
"Alam mo para malaman mo na seryoso ako," dinukot niya ang wallet sa bag niya at iniabot sa akin ang kanyang Hong Kong ID. Tiningnan ko ang pangalan niya. Vhin Marquez ang pangalan niya at ang cute niya sa pic niya, in fairness. Hay naku mag hulus dili ka Tiphany!
"Ano gagawin ko dito?"
"You may keep that para kung sakaling may gawin akong masama, pwede mo ko ipakulong." aniya. "So please pagbigyan mo na ako, I have nowhere to spend my Christmas so you're my last chance. Wala dito ang family ko, nasa LA, at ang mga friends ko ay maga- out of town at sa totoo lang ay ayokong magisa."
"Bakit naman kasi ako pa eh?"
"God know why he chose you."
"What?"
"Oh ignore it, just say yes." napapatingin na ang mga tao sa loob ng train at sa totoolang ay nakakahiya na dahil ang lakas na din naman ng boses niya.
"Okay okay okay! Payag na ako."
"Yes!" aniya at nagpalakpakan ang ilang tao sa loob ng train. Oh men...

"So what's your name nga pala?" tanong niya sa akin, kasalukuyan ko na siyang kasama sa plaza para mag grocery. At in fairness, kahit saglit pa lang kaming nagkakausap ay madami na din kaming napagkwe- kwentuhan. Bata pa lang siya nang lumipat sila mula sa Cavite papuntang Hong Kong at dito na din siya nag highschool at nag college na hindi naman niya natapos dahil sa mahal ng tution pero nakahanap naman siya ng magandang trabaho sa isang leading travel agency. Bumalik na daw sa Pinas ang mga magulang niya for good pero mas pinili niya ang tumira na lang sa Hong Kong dahil dito na rin kasi siya nasanay.
"It's Tiphany, 'kaw?"
"Vhin, short for Marvhin. May "H" yung Vin ah." sabi niya.
"Nice name parang jejemon lang." sabi ko.
"Yours too. Kapangalan mo yung pusa namin dati." aniya.
"Ah ganoon? Nagbago na ata yung isip ko. Wag ka na lang kaya sumama sa akin mamaya?"
"Eto naman o. Totoo naman yung sinasabi ko eh, mahal na mahal ko yung pusa ko na yun." sabi niya. "Pusakal lang siya pero sadly I have to leave her sa Pinas to my Aunt pero dumating yung time na hindi na siya umuuwi eh so ayun ngayon ko lang uli siya naaalala. Best friend ko kaya yun."
"Oo na, swerte ng pusa mo ah, kapangalan ko pa."
"Oh yeah, pero ngayon may bago ng Tiphany sa buhay ko." aniya sabay tawa na di mo alam kung joke ba yun or what. I just think na baka kulang lang sa pansin ang lalakeng 'to. "Eto na lang ang brand na kunin mo, promise mas okay yan!" turo sa isang brand ng tuna.
"Oy mister, recipe mo ba 'to? Ako ang magde- decide okay?"
"Eto naman suggestion lang." tugon niya na parang nagtatampo. Kinuha ko ang lata ng tuna na sinuggest niya at ibinalik ang mga naunang pinili ko.
"Sige na nga, pag hindi naging maganda ang kinalabasan nito ah, patay ka sa akin.
"Yeheyyy!" Niyakap niya ako sabay halik sa pisngi ko sa sobrang kasiyahan niya.
"Ano ba, hindi mo na ako kailangan halikan no. Back off, please." sabi ko sabay punas ng laway niya sa pisngi ko.
"Sorry ah, natuwa lang ako masyado. Ganito talaga ako eh, sweet, hehehe."

Kinuwento ko din sa kanya na panganay ako sa tatlong magkakapatid, kinuwento ko din na wala pa akong menstruation ay nandito na ako sa bansang ito, dahil Chinese ang Dad ko at magandang Pilipina naman ang Mom ko. "Nagtratrabaho ako sa isang magazine na pinupublish everyday, isa ako sa mga assistant editor doon."
"Wow talaga? Mahilig kang magsulat?" Tumango ako. "Mahilig akong magbasa."
"Talaga? Ako din eh, you should see my big library at our house. Collector din ako ng books."
"Alam mo siguro soulmate tayo, we're like a match."
"Wag mo nga akong bolahin, tulungan mo na lang ako sa mga bitbit kong ito."

Tulad ng inaasahan, pagdating ko sa bahay ay binagyo ako ng katanungan kung sino ang cute na lalakeng kasama ko. "Hi cutie, or should I say hottie?" ang Tita ko na nakikinoche buena na nga lang sa amin, ay humahadera pa kay Vhin.
"Ilang taon ka na dodong? Taga dito ka ba sa Hong Kong? Kayo ba nitong anak ko na ito? Eh wala pa nga siyang nakukuwento sa akin eh, teka ikaw ba si Jun?" sabi naman ni Mommy.
"And where the hell did you meet this guy 'che (panganay na babae sa Chinese)? At super cute? Kuya may kapatid ka ba?" sabi naman ng kapatid kong sumunod sa akin. Hindi na nahiya.
"Teka teka isa isang tanong lang mga kapamilya, umupo muna kayo, I'll do the cooking and he, Vhin Marquez will answer all your questions."
"Teka Tip, iiwanan mo lang ba ako dito?" bulong niya sa akin. Pilya akong ngumiti sa kanya.
"Nagpumilit kang sumama di ba? Pwes, do this for me."

Gumawa ako ng salad, nagluto ng spaghetti at nag bake ng pizza. Magsa saing na din sana ako nang biglang sumilip si Vhin sa kusina, na mukhang nagmamakaawa, nahaharas na ata siya ng mga myembro ng pamilya ko. Natawa ako, "Halika nga dito." Lumapit naman siya sa akin, tamang tama na katatapos ko lang maghugas ng kamay, ipinahid ko sa kanya ang dalawang basang kamay ko.
"Awww, ang sama mo din ano?" May kung ano siyang kinuha sa likod ko ng biglang may pinahid siya sa mukha ko. Tomato sauce. At napuno ng halakhak ang kusina, nagbatuhan kami ng harina sa mukha isama mo na ang pasimpleng punas ng ketchup, ilang sandali lang ay hindi mo aakalaing malinis na kusina iyon kanina, para ka lang nasa duguang disyerto dahil napuno ng harina ang ketchup ang buong paligid. Saktong hinahablot niya ang plastik na bote ng ketchup sa akin nang biglang pumasok sa kusina si Daddy. Huli na ng marealize ko na para kaming naka dog style except we have our clothes on. Sumama ang tingin ng Daddy ko, pinaalis si Vhin sa kusina at tinawag sa kinaroroonan niya. Patay na.

Nang bumalik siya ay nakabihis na siya ng bagong damit na sa tingin ko ay pinahiram sa kanya ni Dad. "Ano daw sabi?"
"Sabi niya, behave lang daw tayo."
"Oh talaga? Yun lang?"
"Tsaka tulungan daw kitang maglinis dito."
"Haha, buti naman."

Sa wakas ay natapos din ako sa pagluluto, sila ang naghain habang ako ay nagsho shower. Paglabas ko ay mabangong mabango na ako at napaupo na sa dining table. "Shall we eat?" tanong ko.
"Teka 10 seconds na lang pasko na." sabi ng bunso naming kapatid na lalake. "Bilang tayo." At sabay sabay kaming nagbilang, "Ten, nine, eight, seven, six, five, four, three, two, MERRY CHRISTMAS!!!" sabay sabay naming sigaw. Nag group hug ang buong pamilya kasama si Vhin kung saan mula sa kabilang side ay naka thumbs up sa akin. Ako naman ay kumindat sa kanya.

Matapos ang selebrasyon ay nagdesisyon na si Vhin umuwi. "Uuwi ka na Iho? Eh di ba wala namang pasok bukas? Dito ka muna, dito ka na matulog." yaya ng aking mahal na Mommy.
"Mom? I think he have to go, tutal may pasok ka naman bukas di ba?"
"Oo nga naman po Tita, nakakahiya naman po. Malapit lang naman dito ang bahay ko, magta taxi na lang po ako."
"Sure ka?"
"Opo. Ihahatid naman po ako ni Tiphany di ba?"
"May choice ba ako?" tugon ko.

Pagdating namin sa baba ng building ay agad siyang dumiretso sa swing sa may playground. Akala ko ba uuwi na ang lalakeng ito? Mukhang gusto pang makipaglaro sa akin. "Wala pong lalapit na taxi sayo diyan sa playground."
"Upo ka muna dito Tiphany." aniya. Napaupo naman ako sa swing na katabi niya. "Alam mo I wanted to thank you pero hindi ko alam kung papaano."
"Thank you? Para saan?" kunyari'y tanong ko.
"For giving me this chance, nagtiwala ka agad sa akin, bihira yun sa panahong ito."
"Pasalamat ka na lang kay God at gwapo ka, kung hindi siguro naku, tumawag na ako ng pulis." Natawa siya sa sinabi ko. Lalong lumalamig ang gabi, kung kaya naman ay lalo kong niyakap ang sarili ko. Isang jacket lang ata ang suot ko which is hindi sapat para sa mababang temperaturang ito. Nakita ko na lang na hinubad ni Vhin ang suot niyang jacket at ibinalot niya ako dito na naging sanhi ng paglapat ng aming mga katawan. Napatingin ako sa kanya, hindi ako makapagsalita. Naisip ko totoo nga kaya ang soulmate? Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya eh kani kanina ko lang siya nakilala. Pakiramdam ko matagal ko na siyang kakilala, pakiramdam ko matagal na kaming magkaibigan at madami na kaming alam tungkol sa isa't isa. Parang siya yung tipo ng tao na matagal ko ng hinahanap. Hindi Tiphany, wag kang umasa, baka bukas pag gising mo, magiba na ang feelings mo? Tulad ng nararamdaman mo sa ibang naging boyfriend mo. Panigurado bukas makakalimutan ko na siya, at makakalimutan na din niya ako. Ganoon naman yun eh di ba? There's no such thing as a fairytale, bata lang ang naniniwala doon at sa tingin ko matanda na ako para doon. Ayokong paasahin ang sarili ko, baka nga nananaginip lang ako eh, ilusyon lang ang lahat ng ito.

Hinawakan niya ang baba ko at itinaas na naging dahilan kaya naging malapit ang mukha namin sa isa't isa. Napalunok ako. Malakas ang tibok ng puso ko. Nanlalamig ang buong katawan ko. Actually, nanlalamig at nagaalab ako at the same time. Akalain mo yun? Ang weird. So weird. Binasa niya ang kanyang labi at nakatitig lang kami sa isa't isa. I feel hypnotized, and a little bit of paralyzed, hindi ako makagalaw, parang sa bangungot, hindi ko maigalaw ang katawan ko. I was praying inside my head, Lord sana po kung iki kiss niya ako, ituloy niya na, para akong bampira, uhaw na uhaw na.

Sa wakas ay naglapat din ang aming mga labi, mainit at maalab ang bawat halik niya sa akin na para bang tulad ko ay uhaw din. Eto ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng kuryente sa mga lalakeng nahalikan ko. Para akong nakalutang sa hangin. Ilang segundo lang ay naramdaman ko na ang pagpasok ng dila niya sa bibig ko na agad naman niyang binawi, saka ko lang nalaman tapos na pala ang kiss na iyon. Tinapos na niya. Mabuti naman dahil kung hindi pa kami tumigil ay malamang patulan ko na ang play ground, baka ako pa ang maghubad ng suot niya. Damn it, damn it! "Yun na pala yun." naisatinig ko.
"Baka kasi pag nakuha mo na ang pagkalalake ko, baka umayaw ka na. Mabuti na yang may nare reserve pa ako sa mga susunod pang araw." aniya. Natawa ako sa inusal niya. Tama ba yun? Ako pa??? Nagmadali siyang pumunta sa terminal ng taxi at agad pumara ng masasakyan. Nakasakay na siya sa loob ng abutan ko siya.
"Teka," sabi ko. "Nakakahiya man sabihin, but I need your number."
"You already have it, sinave ko kanina sa phone mo while you're not looking. I got your number na din so don't worry, I'll call you tomorrow pag gising ko." sabay kindat at killer smile. Sinara ko na ang pinto ng taxi, at kumaway na lang sa kanya at saka tumalikod. Kahit umalis na ang taxi na sinasakyan niya at ramdam ko pa din ang presensya niya, dahil siguro sa jacket na nakasuot sa akin. Amoy na amoy ko pa din siya. Napatili ako sa sobrang kilig.

Matapos kong ikwento kung paano kami nagkakilala ni Vhin tila hindi ko pa din naco convince si Joana na tama ang naging desisyon kong magpakasal. Mukha pa din siyang natatae pag iniisip na magpapakasal na ako. "So yan talaga ang reaksyon mo?" natatawa kong tanong. Hindi ko din naman siya masisisi, kung siya din siguro ang magpapakasal sa isang lalake na nakilala niya three months ago, ay baka sakalin ko pa siya.

Pero iba si Vhin...

Alas tres na ng hapon nang magising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nagkusot ako ng mata at nag stretching ng kaunti nang maaalala ko kung ang mga pangyayari nang nakaraang gabi. Bigla akong napangiti. Totoo ba talaga ang lahat ng iyon? O nasobrahan lang ako sa trabaho at nagaadik na ako, kung anu ano na ang naiimagine ko. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung meron ba akong missed call or text pero napalitan lamang ng buntong hininga ang ngiti ko nang wala akong makita ni isang paramdam mula sa kanya. Gising na kaya siya? Anong oras na ah. Naalala ko ang sinabi niya sa akin kagabi, tatawag daw siya pagkagising niya. Grabe, sabi ko na nga ba, he is just too good to be true. Masyado siyang mabait at gwapo para sa akin. Kung gaano siya kabilis dumating, ganoon din siya kabilis nawala. Ganoon naman yun di ba? Nainis lang ako sa sarili ko, bakit naman kasi ako agad nag assume? Feeling ko naman ang ganda ganda ko, ang haba haba ng hair ko. Tumingin ako sa salamin, hindi naman ako pangit, sexy ako at malakas ang sex appeal. Oo ganyan ang tingin ko sa sarili ko, teka ano itong nasa gitna ng noo ko? Tiningnan ko ito ng mabuti, hindi naman siguro ito chikinini no? Kasi wala namang humalik sa akin sa noo kahapon, feeling ko talaga. Tagyawat lang yan Tiphany, wag kang mag ilusyon.

Bigla kong naalala ang halik niya sa akin kahapon, sa lips pa yun! SA LIPSSSS! Hindi sa noo.

Narinig kong kumalam bigla ang sikmura ko, gutom na ata ako. Tumayo akong muli mula sa pagkakahiga, buti na lang walang pasok ngayon. Sariling sarili ko ang oras ko. Manonood na lang siguro ako mamaya ng mga tv series. Kung anu ano ang iniisip ko nang buksan ko ang pinto. Nagulat ako sa nakita ko, parang may nagtitipon tipon sa sala namin. Lahat sila ay kumakain ng tig iisang pizza slice, at sa di kalayuan ay nakita ko si Vhin. Ang kanina ko pang iniisip, kaya naman pala hindi nagpaparamdam, nandito pala siya sa bahay namin, nakikiupo na naman sa aming sofa. "Good morning!" bati niya sa akin. "Este good afternoon na pala!"
"At anong ginagawa mo dito?" pasungit kong tanong pero deep inside, kinikilig ako, nangangatog ang tuhod ko, buti na nga lang at hindi ako nabubulol.
"Uhm, dinadalhan ko lang naman sila ng pizza. Okay lang naman di ba?"
"Ganoon? Pumunta ka lang dito para sa dalhan sila ng pizza?"
"Wala namang masama doon anak, halika umupo ka muna dito, alam ko gutom ka na." yaya ni Mommy. Wala akong nagawa kung hindi umupo, kumuha ako ng slice ng pizza at saka kumain.
"Tabasco?" tanong ni Vhin.
"Sure."

At nang dahil sa pizza, pinayagan ako nina Mommy na lumabas kasama si Vhin. I can't believe it, nasuhulan lang sila ng konti, botong boto na sila kay Vhin. Matapos kong maligo ay lumabas na kami. "Teka saan ba tayo pupunta?"
"Sa simabahan, mag simba tayo." aniya.
"Ganoon?"
"Yup and then we can watch a movie o kaya mag coffee? Nang makilala kasi kita kahapon, I just can't stop thinking about you, kahit magkasama tayo iniisip pa din kita."
"Hanggang ngayon?"
"Yup, it may seemed corny pero kung ikaw man lang din ang magiging dahilan, then I don't care."
"Mukha ka na ngang tanga eh." natatawa kong sabi.
"Sana okay lang sayo na bisitahin ko ang pamilya mo paminsan minsan. Nakakatuwa sila kasama, lalo na yung Daddy mo, ang galing pala mag chess."
"Ah oo, adik yun doon eh. Ako lang itong walang interes."
"Baka kasi lagi kang natatalo." Tiningnan ko siya ng masama. "Just kidding."

"Ano, dinala ka niya sa simbahan on your first date?" isa na naman sa natataeng reaksyon ni Joana.
"Yeah, nagulat din ako." sabi ko. "Actually first time kong magsimba kasama ang boyfriend. Kahit naman kasi si Jeff na five years kong nakarelasyon, never nagyaya sa simbahan. Kung naaalala mo ang kwento ko sayo dati, lagi lang yun magyayaya manood ng sine, kumain sa labas, repeat until fade."
"I must say impressive siya ha!"
"Told you so." sabi ko. "Siguro naman I deserve this dahil sa dami ng naranasan kong kamalasan sa mga lalake dati di ba?"
"Oo nga eh. Hindi ko akalaing si Jeff pa ang makikipag break sayo noon. Ang lakas ng loob niya, well look at him now, walang trabaho, tambay lang. Well it's his mistake that he left you for that bitchy Mitch, and I think he deserve it. Buti nga sa kanya."
"Kaya nga eh, akala ko kami na ang magpapakasal noon, akala ko talaga siya na. Binigay ko pa man din ang lahat, pati virginity ko."
"Pasalamat ka na lang at hindi ka niya nabuntis."
"Not meant to be lang talaga siguro, kaso sayang lang ang binuhos kong oras sa kanya."
"Tapos malalaman mo no na nakabuntis pala siya?"
"Yeah, that explains kung bakit nakakaramdam ako ng kakaiba na para bang may tinatago ito sa akin."

"Anong magazine ka nga pala nagsusulat?" Nasa cafe na kami at katatapos lang mag simba. Bigla akong kinabahan. Dapat ko bang sabihin sa kanya? Nakakahiya, kahit nga sa ibang miyembro ng pamilya ko, hindi ko ito sinasabi.
"Gusto mo ba talaga malaman?"
"Oo naman." Gusto ko pa sana itago ang conservative image ko sa kanya but I guess i don't have any choice.
"Sa Sex and Stuffs."
"Oh, talaga?" hindi naman siya mukhang nabigla. "Anong section?"
"Assistant editor ako, tsaka may column din ako doon, yung ask ms. bubblegum." Bigla siyang natawa sa sinagot ko. Noong una mahinang tawa lang pero maya maya ay napapahalakhak na siya sabay palo sa mesa.
"Sorry, sorry ha. To be honest with you, nagbabasa ako ng mag na yun at hindi ko maimagine na ikaw pala si Ms Bubblegum doon, ang taga bigay ng advice sa mga wala pang experience." Biglang nawala ang kaba ko kanina, napalitan ng pagkalito.
"Eh bakit ka natatawa?"
"May isa pa akong aaminin sayo, isa ako sa masugid mong tagabasa." aniya. "Naaalala mo ba si Mr Tut? Kung hindi ako nagkakamali, na publish siya last three months, nagtatanong siya kung okay lang ba ang makipag sex sa first date."
"Ah oo naaalala ko, sinabi ko pa doon na kung gusto mong maging one night stand ang lahat eh di makipag sex ka, pero kung gusto mo ng matagal ang relasyon, mas mabuting wag na muna."
"Tama!" sabi niya. "Sa totoo lang, ako yun eh."
"Ikaw si Mr Tut??" Tumango siya, lumapit siya sa akin at nagsalita ng pabulong.
"Aaminin ko sayo, noong una pa lang kitang nakita, gusto ko ng iparamdam sayo ang sarap, kaya lang naalala ko ang turo ni Ms Bubblegum, wag makipag sex sa unang date."
"Does that means no sex for tonight huh?"
"No sex for tonight." Nadismaya tuloy ako bigla, kasalanan ko pa pala. Anyway, tama naman talaga ang sinabi ko, di ba? This only means we will still see each other again. "May ibibigay pala ako sayo."
"Ano yun?" May kinuha siya sa paper bag na kanina pa niya dala dala at iniabot sa akin ang isang maliit na halaman na nasa pot.
"I am giving you this." aniya, hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito. "True love waits. Sa oras na tinubuan yan ng bulaklak, I promise you, we'll make love. Sisiguraduhin kong hindi mo yun makakalimutan."
"That's bull$hit!" nasambit ko ng medyo malakas, hindi tuloy naiwasan na pinagtinginan kami ng ilang tao sa cafe. "That's bull$hit." This time, it's almost a whispher.


"Sa tingin mo ba mamumulaklak ito?" tanong ko sa officemate kong si Monica, isa siya sa mga close friends ko dito sa publishing company. Kinuwento ko sa kanya ang mga pangyayari sa akin nang mga nakaraang araw, lalo na nung christmas vacation. Kinuwento ko sa kanya ang tungkol sa amin ni Vhin, at heto kilig na kilig siya.
"Parang hindi. Eh one week mo ng inaalagaan yan di ba?" aniya.
"Oo kaya, naiinis na nga ako eh. Feeling ko ito yung tipo ng halaman na hindi namumulaklak." Lunch break namin kaya naman malaya kaming nakakapag kwentuhan. Magiisang linggo na nga mula nang nakilala ko si Vhin at halos every other day ata kami lumalabas. Nang huling labas namin ay nanood kami ng sine sa isang mall at pagkatapos ay kumain kami ng ice cream. Sa isang linggo na iyon ay lalo kaming naging close sa isa't isa at dahil isang linggo pa lang kaming nagkakakilala ay namamangha pa din ako pag may nalaman ako tungkol sa kanya. He's still full of surprises. Kahit nga itong halaman na binigay niya sa akin eh, na pabulaklakin ko daw at saka niya daw ako pagbibigyan. Okay, hindi naman talaga ako malibog. Sa mga nakaraan kong boyfriend, hindi naman ako ganito, hindi ako balisa, hindi ako nagmamadali. Actually it takes months bago ako pumayag na makipagtalik or something. At marami sa mga boyfriend ko ay hindi naman umaabot ng months. Oo pihikan naman kasi ako eh, pumapayag akong makipag date, pumapayag akong makipag boyfriend, nagbibigay naman kasi ako ng chance, pero makitaan ko lang sila ng mali, wala na, ayoko na. Naniniwala ako sa kasabihang para makita mo ang taong karapat dapat sayo, you have to kiss a lot of frogs, still keeping in mind, na sa taong mapapangasawa ko na ibibigay ang lahat.. Pero si Vhin lang ang nagalis ng pagiging conservative ko, siya yung tipo ng tao na effective ang like at first sight, well, like muna, hindi naman ako sure kung love ko na siya. Siguro sa mga relasyon ko dati ay nasaktan na rin ako ng ilang beses, masakit, nauna nga sa mga sakit na iyon ay si Jeff. Tsk! Anyway bakit ko ba inaalala ang past? Past is past na nga di ba?
"Bakit hindi mo tanungin si Michael? Yung IT? Ang tanging IT ata sa mundo na mahilig sa halaman?"
"Yung taong yun? Ayoko nga, kakahiya." Ang tinutukoy niya ang lalakeng tagaayos ng computer namin pag nasisira, ang lalakeng laging may dalang shoulder bag na panglalake, ang lalakeng madalas na naka slocks at polong long sleeve, ang lalakeng naka one side at naka gell ang buhok, pinakamabangong lalakeng nakilala ko hanggang sa nakilala ko si Vhin. Si Michael din ang lalakeng patay na patay ako pero hindi ako pinatulan, mukhang hindi niya napapansin dati na pag hindi ako busy ay sadya akong kumukuha ng tubig sa dispenser na malapit sa upuan niya, baka lang kasi mapansin niya ako.
"Nakakahiya kasi crush mo siya? Wag mong sabihin hanggang ngayon ay crush mo pa din siya?"
"Excuse me, move on na ako sa kanya. Tsaka bading yun for sure, tingnan mo nga kalalakeng tao mahilig sa halaman."
"Eh anong tawag mo sa mga magsasaka? Bading din? Umayos ka nga Tiphany!"
"Haha, oo nga ano?"
"Dali na tanungin mo na kasi. Teka tatawagan ko." At yun nga ang ginawa ng bruha kong kaibigan, tumawag sa IT kahit lunch break. "Ano kasi may tatanungin kami sayo tungkol sa halaman, major major problem. Talaga? Punta ka dito ha! Okay sige. Salamat, bye!"
"Ano, pupunta siya?"
"He said he's on the way."

Ilang sandali lang ang lumipas at dumating na nga siya. Ibinungad ko naman agad sa kanya ang halaman. "Tulungan mo naman kami o. Kailangan ko siyang pamulaklakin, alam mo ba kung papaano?"
"Halaman mo yan?" aniya na parang hindi makapaniwala. At sa unang pagkakataon ay tumingin siya sa akin, mata sa mata. Dapat ba akong magpasalamat sa halaman? "Ang gandang halaman nito, this kind is rare. You're lucky to have this." Kung alam ko lang na halaman ang weaknesses niya, eh di sana naglagay na ako ng garden sa office table ko.
"Talaga?" nasabi ko.
"So ano nga gagawin namin diyan?" sabat ni Monica.
"Sorry to tell you pero ang tipo ng halaman na ito ay yung tipong hindi natutubuan ng bulaklak."
"W- what? Sigurado ka?" I reacted sarcastically.
"Yeah, pero kung gusto mo ng plants na may flowers, I can offer you advices." aniya at kahit hindi pa ako umo oo ay nagsimula na siyang magsalita tungkol dito. Ako naman ay tila namula sa pagkakaasar ko kay Vhin. Kung totoo ang sinasabi nitong si IT guy aka Michael, ano ngayon ang intention nitong si Vhin? Naasar ako bigla, niloloko lang ata ako ng lalakeng yun. Bigla na lamang lumakas ang tibok ng puso ko. Naiinis ako sa kanya, Vhin, humanda ka. Masasaktan ka sa akin eh.

At dahil tapos na ako sa trabaho ko, pinayagan na akong umalis ng maaga sa office. Hindi pa ako nakakapunta kina Vhin pero sa dami ng napagkwentuhan namin ay nasabi na din niya sa akin ang address niya. Siya lang din ang tanging lalake na anuman ang sabihin sa akin, ang reaction ng utak ko ay parang recorder. Name memorize ko naman agad.
Agad akong tumungo sa apartment niya, sa may Paris building, eighteenth floor, flat 2. O di ba? Pagdating ko doon ay agad akong nag door bell at tulad ng inaasahan ay naroon nga siya. Hindi pwedeng hindi, dahil holiday ngayon sa buong bansa, sa uri ng trabaho ko lang kasi masyadong demanding. Araw araw kasi kaming nagpu publish ng mga bagong article dahil masyado itong in demand.
"Oh, what a surprise!" aniya. Naka boxer shorts lang siya habang wala naman siyang suot na pangitaas. Parang kagagaling pa lang niya sa kama. "Good morning!" bati niya.
"Anong good morning? 2 pm na po!" tugon ko ng malakas.
"O, eh bat ang sungit mo?" tanong niya habang binubuksan ang pinto para papasukin ako. Kinuha ko sa bag ko ang halaman na binigay niya sa akin at inilapag sa coffee table na nasa gitna.
"O wala pang bulaklak yan ah, bakit binabalik mo na?"
"Siraulo ka pala eh, nag research ako! At ang sabi hindi naman daw yan namumulaklak! Now sabihin mo nga sa akin, niloloko mo ba ako? Nanggu good time ka ba? Ano ba? Alam mo madali lang naman sabihin kung ayaw mo sa akin, hindi yung dadaan daanin mo pa ako sa bulaklak, ginagawa mo lang akong tanga! Kami ng bulaklak na ito pareho mong ginamit at ginawang tanga!" sunod sunod kong sabi habang ang mukha niya naman ay tila natatawa.
"Tiphany, relax ka lang please."
"Pwede ba wag mo akong tawanan, eto lang masasabi ko sayo, wala kang kwenta! Hindi kaya impotent ka lang kung kaya naman ayaw mo kong-" hindi ko na natapos ang susunod ko pang sasabihin, walang anu ano kasi ay sinunggaban niya ako ng halik sa labi, maiinit na halik. Ako naman ay tila yelo na hindi nakagalaw. Pakiramdam ko ay para akong na istroke. Una ay dahan dahan siyang humalik na ilang sandali pa lang ay nakaramdam na ako na nababasa na ang undies ko. Nang magkaroon ng pagkakataon ay umiwas ako at agad na tumayo. "Tapos ngayon, hahalikan mo lang ako? Sorry, but I have to go." Bago ko pa kinuha ang bag ko ay nahablot na niya ako sa braso at sa lakas niya ay napahiga ako sa sofa, nag mukhang dehado ako sa posisyon dahil agad siyang pumatong sa akin.
"C'mon Tiphany, ngayon ka pa ba aayaw? I'm just waiting na makilala ka pa ng lubusan. I know the plant reason is lame, pero I just believe na friendship first before anything else. Naniniwala ako na kailangan matatag ang isang foundation."
"And now you're giving the foundation reason? Bakit hindi mo na lang ako diretsuhin kasi?" Right then and there I grabbed his head and pulled it closer to me. And then we kissed once again, hindi yung halik na dahan dahan tulad ng ginagawa namin nang nakaraang araw, this time it is what you called, 'nagaalab'. It's like being in heaven and hell at one time. Umabot sa leeg ang halik niya, habang ako naman ay tinutulungan ang dalawa niyang kamay na tanggalin ang polo shirt ko na suot ko kanina sa office. Kasunod noon ay ang slocks ko at ang boxer shorts na suot niya. Bigla kong naramdaman ang winter, at sa tingin ko ay siya din kung kaya siguro ay binuhat niya ako sa loob ng kwarto. Kinuha niya ang comforter at doon sa ilalim ay nagtago kami. Doon namin pinagpatuloy ang mainit na paghahalikan, maya maya lang ay wala na kami pareho ng saplot, nang bigla siyang tumigil at tinitigan lang ako. Hindi ako na conscious o kung ano pa man, why would I be, when he's looking at me like I'm the most beautiful goddess he have ever seen?
"Ang ganda mo talaga Tip-"
"Just shut up and lets continue, shall we? Ayan ka na naman binibitin ako." And so we continued kissing, habang ramdam na ramdam ko ang matigas niyang ari na tumutusok sa aking hita. He caressed my breast, and then kissed it like he's a baby. Bumaba ng bumaba ang halik niya hanggang sa napataas ang pwet ko dahil nakarating din siya sa wakas sa dapat niyang kalagyan. Sumagi tuloy sa isip ko na buti na lang pala at nag shave ako. Naramdaman ko ang dila niya doon habang ang daliri naman niya ay lumalabas pasok. Wala akong magawa kung hindi mag kawala ng isang ungol o di naman kaya ay mura. "F*ck you Vhin, f*ck you."
"That's what I'm doing Tiphany, that's what I'm doing." sagot niya habang bumalik siya sa labi ko at saka uli yun hinagkan ng malalim...

Matapos magusap ang aming mga katawan, ay nagusap naman kami ng tungkol sa aming mga sarili. Nakahiga ako sa kanya habang nakapalupot naman sa katawan ko ang dalawa niyang mahahabang braso. "Bago ako nagtrabaho sa agency na yan, nagtrabaho muna ako sa isang school, naging maintenance guy ako doon."
"Talaga? Hindi ko ma- imagine."
"Oo, yun yung simple pa lang buhay ko, kontento na ako sa kung ano ako noon, first job ko din kasi. Maglilinis lang ako o di naman kaya ay magaayos ng mga sirang bagay. Kaya lang dumating ang time na na bored ako, kaya naghanap ako ng trabaho sa bar."
"Naging macho dancer ka?"
"Sana." natatawang sagot niya. "Kaya lang simpleng waiter lang ako."
"Ganoon ba? Kahit waiter ka ngayon ay papatulan pa din kita, alam mo ba yun?"
"Oo naman, alam ko naman na malakas ang appeal ko sayo." aniya na nagyayabang. "Pero alam mo, nakakapagod pala yung ganoong buhay, sa bar ka nagtratrabaho, sa gabi ka gising, sa umaga ka tulog, ang bilis ng oras."
"I guess kahit ano ang maging trabaho mo sa mabilis na siyudad na ito ay bibilis talaga ang oras." tugon ko. "Teka sa bar ba may naging girlfriend ka?"
"Maniwala ka man o sa hindi, ako ang tipo ng tao na hindi mahilig."
"Hindi halata sa performance mo kanina." sabi ko.
"Oh, so sinasabi mo na napasaya kita kanina?"
"Oo na. So ano, kaya ka ba umalis doon sa trabahong yun ay dahil marami ka ng naging girlfriends?" Naiinis ako sa sarili ko sa pagiging curious tungkol sa kanya, pero I just want to know kung sino ang naging girlfriend niya, kung magaganda ba sila? I just feel so insecure and vulnerable after we made love. Feeling ko ayaw ko na siyang mapunta sa iba. Wala pa siyang sinasabing mahal niya ako or something, hindi ko alam kung bakit pero ayoko na siyang mawala sa sistema ko.
"Ang sinungaling ko naman kung sasabihin kong wala akong nagustuhan o wala akong niligawan. Bata pa ako noon, magkaganoon pa man, tulad ng sinabi ko sayo, konti pa lang naging girlfriend ko. At lahat ng iyon ay tapos na." Hinagkan niya ako sa noo na ikinawala ng pagiging insecure ko. Napakasarap pala ng ganito.

Ilang sandali pa ay nakatulog na ako. Mahimbing ang tulog ko at ang ganda din ng panaginip ko nang biglang may narinig akong kalabog. Napabalikwas ako at napatingin sa gilid ng kama kung saan naroroon kanina si Vhin, bigla akong kinabahan dahil wala siya. Isa isa kong pinulot ang damit ko at agad agad na nagdamit. Nakarinig ako ng ilan pang kalabog, at iyak ng babae, maya maya ay parang pagtatalo. Guni guni ko lang ba ang lahat ng iyon? Sana naman... Sana. Binuksan ko ng kaunti ang pinto at saka sinilip kung sino ang naroroon. Hindi ko kilala ang babaeng naka spaghetti strap na pang itaas at naka jeans naman sa ibaba, naka high heels ito at may kulay ang buhok, mga tipo na makikita mo sa bar. Si Vhin naman ay naka t shirt at boxer shorts, parang inaawat niya ang babae na mukhang kanina pa nag ngangangawa. "Hindi ka pwedeng maging seryoso sa kanya Vhin! Alam kong nilolo mo lang siya, wag mo ng patagalin ang lahat ng ito."
"Pwede ba Jessica, ano ba kasi ang ginagawa mo dito? Pumunta ka lang para siraan si Tiphany?"
"So Tiphany pala ang pangalan niya?"
"Oo and we're exclusively dating. Kung ano man ang meron tayo dati, tapos na yun. Tinapos na nating dalawa. Hinayaan na kita sa bago mong buhay, hayaan mo naman ako maging masaya."
"M- mahal mo ba siya?" tanong ng babae na ikinabilis ng tibok ng puso ko, somehow I just want to know the answer, mahal niya ba ako? Hinawakan niya sa balikat si Jessica at saka inalalayan patungo sa pinto. "Sumagot ka Vhin! Mahal mo ba siya? Sumagot ka!"
"Pwede ba umalis ka na!"
"Sabi ko na nga ba eh, tulad ng ginagawa mo sa iba mong dine date dati, pang good time mo lang siya, tipong hindi magtatagal." sarkastikong tugon ng babae. "Eto ang tandaan mo, alam mong alam ko na hinding hindi mo ko pagpapalit, sa akin ka pa din babagsak Vhin, sa akin pa din. Tulad ng sinabi mo sa akin dati, tayo pa din ang para sa isa't isa. Tayo pa din ang magpapakasal."
"Nababaliw ka na Jessica, nababaliw ka na. Pwede ba umalis ka na!" Mukhang hindi na nakatiis si Vhin at itinulak na lang niya ang babae sa labas ng gate. Agad niyang sinara ang pinto habang ako naman ay dahan dahang napaupo sa gilid ng kama.

'Bakit hindi man lang niya sinagot ang tanong ng babaeng yun? Baka nga hindi niya ako mahal at tulad ng sinabi ni Jessica, pang good time lang ako. Ano ka ba Tiphany, ikaw ang parang baliw diyan, wala namang namamagitan sa inyo ni Vhin ha? Ikaw lang itong naga assume. May nangyari lang sa inyo, feeling mo kayo na, nilagyan mo na agad ng label!' Habang pinapagalitan ko ang sarili ko, unti unti na lang ako napaluha. 'Ikaw naman kasi eh, kasalanan mo ito. Agad agad kang nagtitiwala.' Hindi ko na inalala ang pagkalat ng eyeliner ko, tutal water proof naman siya. Sabi nga sa kanta di ba, 'it's a crazy idea that you were made perfectly, for me.' Bagay na bagay ang kantang yun sa akin. Nagpupunas ako ng luha nang pumasok siya sa kwarto. "Gising ka na pala. O bakit ka umiiyak?"
"I'm not crying." sagot ko ng pahikbi. "Actually I'm just about to go." Tumayo ako at kinuha ang bag, tumungo sa may pintuan nang pinigilan na naman niya ako.
"Please don't go. Magusap tayo."
"I'm sorry Vhin. Narinig ko ang lahat ng pinagusapan niyo kanina ni Jessica, seemed to me that you two, have not yet moved on." mahinahon kong sabi.
"H- hindi totoo yan Tiphany." aniya na biglang ikinasabog na puso ko.
"Bakit hindi mo masabi sa kanya kung mahal mo ko o hindi? Wala akong pakialam kung oo man o hindi ang isagot mo, sana diniretso mo na lang siya. Dahil hindi mo siya nasagot, it makes me think that I've been such a loser for going out with you and for doing this crazy stuffs! Dahil hindi mo siya nasagot, para mo na ding sinabi na mahal mo pa din siya. Actually akala ko may patutunguhan tayo, akala ko totoo ka. Akala ko iba ka! But then again, like what I have said, I'm so stupid." pagduduro ko sa kanya. "Anyway whatever the outcome is, I just don't care. Good bye Vhin, lets not see each other anymore." naluluha kong sabi, nagpumiglas ako at agad na umalis. Sakto namang bumukas ang elevator kung kaya ay hindi niya na ako naabutan.
"Tiphany, sandali lang... y- yung halaman mo."

Nag bus na ako pauwi, ayoko na muna siguro mag MTR, ayoko siyang maalala. Pero bakit ganoon, siya pa din ang nasa isip ko. It's really funny to think na ang asar na asar ako kanina sa kanya dahil nalaman ko na niloloko niya ako tungkol sa halaman. Tapos biglang sasaya dahil akala ko mahal niya ako. And then the worse part came. Lahat ng masasaya, biglang natakpan ng kalungkutan at pagiisa.

:((

"O ba't wala ka atang lakad ngayon?" tanong ng nakababata kong kapatid na babae. Papaano naman kasi ay weekend, magtataka talaga ang mga tao kung nandito lang ako sa bahay dahil sanay na silang lagi akong wala. Para sa kanila ay isa akong distraction sa mga mata nila sa loob ng bahay. Nasa kwarto lang ako at nakapangumbaba habang nakatingin sa bintana. "Masyado ka namang emo mode, ayoko ngang dumikit sayo, baka mahawa ako." pangaasar pa niya.
"Nakakainis ka naman eh, hahawaan talaga kita dahil iniistorbo mo ko dito eh."
"Alam mo, hindi naman talaga kita iistorbohin eh, kaya lang may tawag ka sa land line natin, baka gusto mong sagutin di ba, actually kanina ko pa siya hino hold."
"Kung si Vhin yan, sabihin mo wala ako."
"Asa ka naman teh, hindi siya yan. Ilusyunada." aniya saka niya ako iniwan sa loob ng kwarto. Sino naman kaya itong tatawag sa akin? Kinuha ko ang phone at tiningnan ang number, pero hindi ito pamilyar sa akin kung kaya naman ay sinagot ko na ito.
"Hello?"
"Tiphany? Si Jeff ito."
"J- Jeff?" laking pagtataka ko. Bakit naman tatawag ang taong ito sa akin? "Uunahan na kita, kung mangungutang ka, wala akong pera."
"Hindi Tiphany. May sasabihin lang kasi ako eh, pwede ba tayong magkita?"

At iyon nga ang dahilan kung kaya naman naririto ako ngayon sa isang resto kung saan kami madalas mag date dati ng lalakeng ito. Hanggang sa mga oras na ito ay nagiisip pa din ako kung bakit niya ako gustong makausap.
"Paniguradong nagtataka ka kung bakit kita gustong kitain at kung ano ang sasabihin ko."
"Sa totoo lang, nagtataka talaga ako. Out of the blue ba naalala mo ko?" pabiro kong tanong. May pinagsamahan din kami ng mokong na ito, and seeing him now na naka move on na ako made me think kung ano ba ang nakita ko sa kanya at nakipag relasyon ako ng limang taon sa kanya?
"Funny it may seemed, but yeah, out of the blue naalala kita." aniya. Kinuha ko ang tubig na nasa harap ko at inisang lagok ang laman noon. "Kagabi kasi napanaginipan kita, for the first time in my life, naramdaman ko na wala ka na talaga sa buhay ko."
"Seriously Jeff, nababaliw ka na ba? Ang tagal na nating hiwalay, siguro two years or maybe three, at ngayon sasabihin mo sa akin yan? You're unbelievable." pagtataas ko ng boses. Sa hindi ko inaakalang pagkakataon, ay nakita ko siyang umiyak. "Jeff, hindi ka umiyak nang makipag hiwalay ka sa akin, naaalala mo ba?"
"A- alam ko. Ewan ko ba, masyado akong naging apektado sa panaginip ko, napanaginipan ko kasi na ikakasal na daw tayo pero maya maya ay nakita kong hindi pala ako ang groom. Isa lang pala ako sa mga bisita." Patuloy siyang humagulhol, iniabot ko sa kanya ang tissue na nasa bag ko. "Naaalala mo ba dati sabi natin, tayo dapat yun eh. Tayong dalawa."
"Jeff naaalala mo din ba dati, nagmakaawa din ako sayo noon, nang sabihin mo na aasawahin mo yang si Mitch, sinabi ko di ba, iwanan mo siya dahil hindi tama na magpakasal ka dahil lang may anak kayo. Jeff, intindihan mo din sana na ilang taon na din ang lumipas. I'm sorry kung ngayon ka lang nagising, pero may mga anak ka na ngayon, may asawa ka na din. Kung nakakalimutan mo din, di ba nagpakasal na rin kayo? Kasal kayo ni Mitch. Alam mo kung gaano yun kasakit sa akin noon? Ang sakit sakit, pero salamat sa Diyos at naka move on na ako."

There's just so much irony in love. Ano ang mararamdaman mo kung ang lalakeng minahal mo ng sobra sobra noon na kahit anong langit kaya mong ibigay ay iniwan ka, at ngayon ay babalik, ngayon pang hindi na siya bahagi ng sistema mo? Hindi na masakit, natanggap ko na din habang lumilipas ang panahon, na may mga bagay talagang not meant to be. Mahaba haba ang pinagusapan namin kanina ni Jeff, pinaliwanag ko sa kanya na hindi na ako inlove sa kanya, na matagal ng panahon ang nakalipas. Naaawa ako sa kanya. Hindi ko akalaing hahantong sa ganito ang lahat. Pero ang paguusap namin na iyon ni Jeff made me realize wala pala sa haba ng panahon yun, hindi porket matagal kayong nagsama dati, siya na ang karapatdapat sayo, malalaman mo na sa tagal ng panahon na iyon ay hindi mo pala siya kilala. Samantalang may mga taong sandali mo pa lang nakikilala, pakiramdam mo kaya mo na ulit na magmahal. Sandali pa lang kayo nagkakasama, pakiramdam mo ay siya na ang lalakeng matagal mo ng hinahanap, siya ang prinsepe sa lahat ng palakang hinalikan mo dati.

Naaalala ko si Vhin.

Kamusta na kaya siya? Isa pang irony ng pagibig, kung kailan naman kaya ko ng magmahal ulit, saka pa ako naloko. Masakit. Akala ko kasi hahabulin niya ako nang umalis ako, akala ko tatawag siya sa akin, aamuhin ako, at sasabihing wag ko ng pansinin ang mga pangyayaring wala namang kwenta. At yayayain niya akong maging official girlfriend. Kasalanan ko ba dahil mabilis akong tumakbo? Akala ko naman totoo na, boy, was I ever wrong? Ilusyon ko lang pala ang lahat ng iyon.

Ilusyon nga ba?

Naglalakad na ako pauwi nang may nakita akong isang pamilyar na mukha na nakatayo sa may lobby ng condominium building. Mukhang hindi siya pinapasok ng guard. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa lalakeng kanina ko pa iniisip, naka maong siya sa pambaba, naka itim na jacket at cap. Halatang kanina pa lamig na lamig. Pagkakita niya sa akin ay agad niya akong niyakap.
"Tip, na miss kita. Miss na miss na kita."

It feels good having him in my arms. Huli na ng na realize ko na nakayakap na din pala ako sa kanya. Agad akong nagpumiglas at nag tanong. "What this is all about Vhin? Hindi na tayo dapat nagkikita? Anong ginagawa mo dito?"
"I said, I miss you Tip."
"O so ngayon nasabi mo na, meron pa ba? Sabihin mo na."
"Meron pa Tiphany." naglakad kami patungo sa isang playground na hindi naman kalayuan, umupo ako sa swing habang siya naman ay nasa harap ko, kinuha niya ang dalawang kamay ko. "Sa ilang linggo na nawala ako sa sistema mo, hindi mo ba ako na miss?"
"At bakit naman kita mami miss?"
"Tiphany, sa mga panahon na iyon, nakapag isip isip ako, alam ko ang bilis ng mga pangyayari. Una nating pagkikita naging magkaibigan agad tayo at kung hindi ako nagkakamali nagkaroon tayo ng kakaibang nararamdaman sa isa't isa. Sorry doon sa nangyari, tungkol sa babaeng sumugod sa bahay ko. Sana kalimutan mo na iyon, ex ko lang naman siya, pinagsisisihan ko na pinatagal ko pa ang paguusap naming iyon, kung mawawala ka pala sa akin, sana hindi ko na siya pinapasok sa bahay."
"Eh hindi mo nga ako tinawagan, talagang naghintay ka pa ng ilang linggo bago mo sabihin sa akin yan." Hindi mo lang alam pero nakabantay ako sa phone ko, sa landline namin, araw araw, oras oras, hindi mo alam pero tuwing gigising ako sa umaga, ine- expect ko na paglabas ko ng kwarto ay makikita kita sa sala kasama ng pamilya ko habang kumakain ng pizza, sabi ko sa sarili ko.
"Sorry Tiphany, maniwala ka man o sa hindi, sa loob ng ilang linggo na iyon, nagisip isip ako. Sinabi ko kasi sa sarili ko na sa oras na nakipag relasyon ako ulit, gusto ko ng panghabambuhay na. Ayaw ko ng magsayang ng oras. Nagisip ako, kung itutuloy ko ba ito?"
"Ang tanong doon Vhin, may relasyon ba tayo? May dapat ba akong tawagin sa relasyon nating dalawa? Hindi ba flirt flirt lang iyon?"
"Shut up Tiphany, I know that we both know na hindi lang yun ganoon. Alam kong naramdaman mo din iyon."
"Anong iyon?"
"Alam kong mahal mo din ako."
"Asa ka pa!" Itinayo niya ako sa swing at inilapit sa kanyang mukha. Again, I am hypnotized. Ang pabango niya, ang mga mata niya, ang makinis niyang mukha, ang labi niyang nagaanyaya. Habang papalapit ng papalapit ang labi niya sa akin, lalo namang lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Gustuhin ko mang umiwas, pakiramdam ko, isa akong istatwa sa kinatatayuan ko. Ang katawan ko na ang mismong sumuko sa kanya, napapikit ako at ilang sandali lang ay tila fireworks sa bagong taon ang kuryenteng dumaloy sa bawat himaymay ng katawan ko. Tumagal ito ng ilang segundo although it feels like I've seen a whole life time sa halik na iyon.
"That proves na mahal mo din ako Tiphany." aniya.
"Magpapa hard to get pa ba ako? Mukhang nabuko mo na ako eh." pagalit ko pang sabi. "Ano bang ginamit mong gayuma sa akin? Malamang nagayuma mo ko."
"Tiphany, why make it complicated? Pwede namang sabihin mo sa akin na mahal mo din ako, di ba?" Ihinampas ko sa kanya ang bitbit kong bag.
"Walang hiya ka, hayup ka!" sabi ko. "Mawawala ka ng ilang linggo and here you are, telling me after those weeks, you've realized na mahal mo ko! You're an a$shole Vhin, a true a$shole! You don't know how much I want to kill you right now!"
"Aray- Ouch! Tiphany tama na, ano bang laman ng bag mo at ang bigat bigat? Aray! Tama na!"

Napatingin ako ngayon sa reaksyon ni Joana, kanina ko pa kinukwento ang love story namin ni Vhin, at least ngayon na halos nasa ending na ako, hindi na siya mukhang natatae. "So yun na nga, dahil doon napag desisyunan mo ng magpakasal sa kanya? I still don't get it!" aniya na tila ba frustrated na frustrated na.
"That's it my darling Joana. Sa totoo lang hindi mo naman kailangan ng maraming rason para magpakasal. Sa mga maswerteng tao, siguro they just feel it na eto na ang tamang panahon, ang tamang tao, ang tamang pagkakataon. Ganoon lang iyon."
"Weird."
"Ikaw kasi, hindi ka pa nai- inlove. Hayaan mo darating ka din diyan and then saka mo lang ako maiintindihan."
"Ano girls tapos na ba yang kwentuhan niyo?" tanong ni Mommy na pumasok na sa loob ng kwarto.
"Hi Mom!"
"Hi Tita!"
"Ano ka ba naman Tiphany, hindi ka pa din bihis? Baka nakakalimutan mo, may naghihintay sayo sa simbahan, ang taong papakasalan ka?" Kinuha ni Mommy ang gown na nakalatag sa kama.
"Ang ganda mo naman Mom, parang ikaw ang ikakasal." Nakasuot si Mommy ng puting hanggang tuhod na gown, at napapalibutan ang kanyang katawan ng perlas.
"Mas maganda ka Anak kung kikilos ka na." aniya. "Joana, pakitawag na nga sa labas ng hairdresser ng maayusan na itong anak ko."
"Sige po Tita." sagot naman ng masunurin kong kaibigan. "Batsi muna ako sis, kita tayo mamaya sa simbahan." sabi ni Joana sabay kindat.

Malakas ang alon ng asul na dagat, pati na rin ang ihip ng hangin. Sa di kalayuan ay natatanaw ko ang ilang hilerang upuan kung saan naroroon ang halos isang daang tao. Nahahaluan ng asul ang puti nilang suot. Sa dulo ng nakahilerang upuan na iyon ay isang altar kung saan naroroon ang pari, tanaw ko ang mga kaibigan ko, sina Monica at Joana na umuwi pa sa Pilipinas, mga kapatid ko, sina Mommy, Daddy, at si Vhin na napakagwapo sa suot niyang barong tagalog. Ako naman ay may suot na puti at bubbly na pangkasal, strapless at two inches above the knee. Naka puti akong sandals na ang tali ay pumapalibot sa aking binti. Ang aking buhok naman ay nakalugay at simpleng natalian ng asul na laso. Ang mga dala kong bulaklak ay magkahalong asul, puti at pulang rosas. Habang ako ay naglalakad sa gitna, nagsimulang kumanta ang choir ng Silly Love Songs ni Paul McCartney. I smiled when our eyes met.

It is a risk to love. What if it doesn't works out? Ah, but what if it does? -Peter McWilliams 

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Adventure Time - Lady Rainicorn