Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Monday, 9 April 2012

The Reunion (a Sneak Peak)


This is one of the story I've been working on for quite a long time now, and I decided to put the sneak peak here in my blog. It's not finish yet, but I am hoping that before this year's done I will be able to publish it. My inspiration in writing this story are my college best friends who are just the best and made my life worth it.

Chapter One - First day na naman...

Alas nwebe na at limang minuto na din akong naghihintay sa gate ng airport kung saan dapat kami magkikita kitang magbabarkada. Alas dose pa naman ang flight pero gusto kong ako ang mauna dito sa meeting point namin. Tatlong taon na din ang nakakaraan mula nang magkita kita kami at eto ang pinakaantay kong reunion naming anim. Mula noong grumaduate kasi kami sa kolehiyo ay nagkalayo layo kami. Lahat sila ay umalis sa Cavite kung saan nagtagpo ang mga landas namin at tanging ako lang ang naiwan. Ako nga pala si Louie Marquez, 24 years na ding nabubuhay sa mundong ibabaw, nakapagtapos ako sa Molino University sa kursong Photography. Pasyon ko na talaga ang pagkuha ng litrato ng mga lugar, tao, bagay o pangyayari. At hanggang ngayon ay pangarap ko pa din ang maging isang kilalang photographer. Kasalukuyan akong nagtra trabaho sa isang newspaper publication at minsan ay sumasayd line sa mga local magazines. Paminsan minsan naman kapag sinu swerte ay kinukuha ako sa mga kasal para kumuha ng litrato o di naman kaya sa mga debut o birthday. At hanggang ngayon ay nakatira pa din ako sa bahay ng mga magulang ko, di ko pa nasubukang magsarili at dahil doon ay kahit papaano ay nakaipon ako. Bunso ako sa aming magkapatid, ang kuya ko naman ay nagasawa na pero doon pa din nakatira sa bahay ang asawa niya at ang pinakamamahal kong pamangkin na si Judie na dalawang taong gulang pa lamang. Kahit papaano ay satisfied na din ako sa buhay ko at wala na din akong hihilingin pa bukod sa love life. Yup, single pa din ako. Tatlong taon na din akong walang girlfriend.

"Hello, 'tol nasaan na ba kayo? Alas nwebe ang usapan di ba?" pagpapaalala ko kay Michael. Siya ang best friend ko sa aming magtro tropa. Isa na siyang ngayong IT consultant sa isang kumpanya sa Makati. Nakilala ko si Micheal dela Serna noong nasa high school pa lamang kami. Magkaklase kami ng apat na taon, saan pa kundi sa Molino University pa din. Ang Molino University kasi ay isang malaking University sa Cavite along Molino road na merong Preschool, Grade school, High school at kahit College. Naaalala ko pa kung paano kami nagkakilala. Unang araw pa lang ng pasukan namin noon sa highschool ay tahimik na siya at dahil kahit ako ay walang makausap at dahil magkatabi naman kami ay sinubukan ko siyang kaibiganin nang nanghingi ako sa kanya ng papel na di naman siya nagdalawang isip na bigyan ako.

"Naglalaro ka ba ng computer games?" tanong niya sa akin nang pauwi na kami habang naglalakad sa may cat walk palabas ng school.
"Computer games? Wala akong hilig dyan eh. Bakit?"
"Tara libre kita at tuturan pa kita, wala akong makalaro eh." yaya niya sa akin. naisip ko pa nga galante pala ang lalakeng 'to. At dahil binigyan niya ako ng papel kanina, naisip ko bakit nga ba naman hindi ako sumama sa kanya? Sabi nila mahirap daw pag walang kaibigan sa high school, yung tipong loner ka. Kaya naisip ko kaibiganin ko na nga itong mokong na 'to kaya nang hapon na iyon ay sumama nga ako sa kanya sa computer shop sa harap ng school at dalawang oras din kaming naglaro. Natigil lang ang paglalaro namin nang may biglang sumulpot na isang babae sa likod niya at niyakap siya.
"Hinahanap ka na ng nanay mo sa akin Mac Mac, nandito ka lang pala." anito at madaling nag pause ng laro si Michael. "Umuwi ka na."
"Charlie naman eh, maaga pa o. Alas siete pa lang, ayoko pang umuwi." sabi nito sa babaeng mahaba ang buhok, morena, may pagka singkit ang mata at may mapupulang labi, in short ang ganda niya. Girlfriend niya kaya ito? natanong ko tuloy sa sarili ko dahil kong oo, masasabi kong ang swerte naman ng aking new found friend. Tumaas ang kilay ni Charlie at walang anu ano ay nag quit na nga ng nilalaro namin si Michael na para bang may takot siya sa babaeng ito. "Oo nga pala Charlie, eto nga pala ang classmate ko, si- ano nga pala pangalan mo 'tol?" sabay harap sa akin.
"Louie." maikli kong sagot at saka ko inabot ang kamay ko sa babae para makipagkamay. Tumingin muna ng nakakaloka si Charlie kay Michael at saka inabot ang kamay ko.
"Charlie." aniya.
"Best friend ko ang ungas na yan, bata pa lang kami ay magkaibigan na kami." sabi ni Michael."
"Akala ko gf mo eh." sabi ko sabay tawa.
"Hindi ah." mabilis naman na deny niya. "O paano dito na ako ah?" nagpaalam na kami sa isa't isa at magka akbay na naglakad papalayo si Charlie at si Michael habang ako naman ay papasakay ng jeep. Nang gabing iyon ay napalo ako ni Mama dahil first day pa lang daw ako sa high school ay gabi na ako kung umuwi.
"Tigilan mo ko sa kalokohan mo ah Louie. Malaman ko lang na nagbubulakbol ka, mayayari ka sa akin." paalala ng aking mabait na Ina pero sa mga sumunod na araw ay patuloy pa din ang paglalaro namin ni Louie ng computer games at alas siete pa din kami kung umuwi kahit na ba alas singko pa lang ay uwian na namin. Bakit ba, eh palagi naman niya ako nililibre eh. Sino bang may ayaw nu'n?

"On the way na ako, five minutes." sabi ng nasa kabilang linya.
"O sige, dito pa din ako sa may terminal 3 ah, wag makakalimot."
"'Tol naman, sino ba ang makakalimot? Ilang taon din natin itong pinagplanuhan." Bago pa ata kaming grumaduate ay planado na ang reunion na ito, isang linggo kaming magsasama sama sa Puerto Galera Mindoro, ang dream place namin.
"Oo na, basta bilisan niyo at ayokong maiwanan ng flight." sabi ko at saka tinapos ang tawag.

Limang minuto pa ako naghintay ng biglang may tumakip sa mga mata ko habang ako ay nakaupo sa waiting area. Hinawakan ko ang pawisan na kamay na nakatakip sa mga mata ko at nahawakan ko pa nga ang singsing na suot suot nito at naamoy ang pabangong suot nito. Di pa rin talaga siya nagbabago. "Janis?" hula ko. Unti unti niyang tinanggal ang pagkakatakip ng mga kamay niya sa mata ko at saka humarap sa akin hanggang sa ilang inches lamang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.
"Paano mo nahulaan?" tanong niya na para bang napakahirap niyang alalahanin. si Janis pa, makakalimutan ko? Napakaimposible atang mangyari nu'n. Kahit ilang taon na kaming di nagkikita, hindi ko malilimutan na naging malaking bahagi siya ng buhay ko. Naka asul na bulaklakin na damit siya na hanggang tuhod lamang niya at naka flat na sandals, maikli at tuwid na ngayon ang dating mahaba at kulot niyang buhok at napansin ko din na naga apply na siya ng make up sa mukha kahit ba dati, pulbos lang ang gamit nito sa mukha. May suot din siyang malaking bilog na hikaw at nakalagay naman sa ulo niya ang kanyang kulay kapeng shades. Ang laki na nga talaga ng pagbabago niya pagdating sa pagaayos. Lalo siyang gumanda.
"Kahit anino mo Janis, kilalang kilala ko pa din." sagot ko sa kanya sabay iwas ng tingin. Hindi ko inaasahan na after all these years ay makakarandam pa din ako ng pagkailang sa aking ex girlfriend. Janis Santos, yan ang pangalan niya at makakalimutan ko ba kung paano kami nagkakilala? Siya ang partner ko sa isang Science Project noong nasa 2nd year high school pa lang kami. At dahil ang project namin na iyon ay ang mag disect ng palaka na isa sa mga phobia ko, siya ang nag presenta na magda- disect ng sa akin basta bayaran ko lang siya.

"Basta eto basahin mo ang report na yan, para mag mukhang ikaw talaga ang gumawa niyan. Nandyan na din lahat ng kailangan mong malaman." aniya habang inaabot ang dalawang piraso ng papel. May pagka cowboy siya kumpara sa mga babaeng kakilala ko at magkaganun pa man ay hindi niya ako pinagtawanan sa pagka phobia ko sa palaka.
"Salamat ulit ah." sabi ko sa kanya habang inaabot sa kanya ang bayad na napagusapan namin.
"Salamat din sayo no. May pambili na ako ng baon ko."
"Di ka ba binibigyan ng baon?" di ko mapigilang tanong, kinakabahan dahil baka ma offend siya sa sinabi ko pero sa halip ay ngumiti siya.
"Hindi eh, sad no? Kung magpapagawa ka sa akin ng project sabihin mo lang ah." pagpapaalala niya bago umalis na siya namang tinanguan ko. Magmula nga ng araw na iyon, pag sa tuwing nagkakaroon kami ng projects, kahit kaya ko namang gawin ay pinapagawa ko na sa kanya. Isa kasi ito sa mga paraan para mapalapit ako sa kanya. Oo, crush ko siya at hindi naman pumalpak ang aking stilo. Lagi niya akong napapansin, hanggang sa naging malapit na kami sa isa't isa at mas nakilala ko pa siya ng husto. Nalaman ko na pangalawa siya sa apat na magkakapatid, okay naman daw ang pamumuhay nila hanggang sa nagkaroon ng bagyo sa palayan nila sa Nueva Ecija at napeste ang kanilang pananim, magmula daw noon ay siya na ang gumagawa ng paraan para sa tuition niya. Varsity player siya ng volleyball at bukod pa doon ay taga gawa ng projects ng mga bulakbol naming kaklase. Isang araw nga nagulat ako ng kausapin ako ni Janis habang sinasamahan ko siyang mag lunch.
"Alam mo Louie, alam kong kaya mo naman gawin ang mga project mo eh bakit nagpapagawa ka pa sa akin?" di ako agad nakasagot. "Siguro naaawa ka sa akin no?"
"Hindi ah, gusto lang kitang tulungan." pagtatapat ko.
"Salamat sa tulong mo pero paano ka matututo niyan kung di ka gagawa ng sarili mong projects? Ako, gusto ko ding tumulong sa mga kaklase kong walang oras sa pagawa ng projects o kaya sa mga taong wala namang kakayanang gumawa nito, pero ikaw? Nakikita kong matalino ka naman, kaya mo na ata gawin ang mga projects mo."
"Pero mas kailangan mo ng-"
"Pera? Ang bait mo talaga, alam mo yun? Pero wag kang magalala sa akin no. Well, kung gusto mo, pagbaunin mo na lang ako, sa ganoong paraan mas okay pa." aniya. "Uy, joke lang yun ah, baka seryosohin mo." Kahit ba na sinabi na joke lang yun ay di ako nagatubili na magpabaon kay Mama ng mas marami kaysa sa usual ko na baon. Kung kaya naman sa sumunod na araw ay nagulat siya nang iabot ko sa kanya ang isang tupperware na may lamang kanin at dalawang pirasong meat loaf. "Teka, sure balls ka ba dito? Sabi ko naman sayo joke lang eh." aniya na para bang maiiyak na di ko malaman.
"Para sayo talaga yan." sabi ko.
"Nakakahiya naman sayo, kung gusto mo let’s make a deal. Ako na lang magdadala ng kanin at ikaw na lang magdadala ng ulam, okay ba yun?" Pumayag ako sa gusto niyang mangyari dahil mas makakatipid nga siya sa ganoon. At laking tuwa ko dahil buong 2nd year ko ay kasabay ko siyang kumain ng lunch.

"Kanina ka pa ba naghihintay?" tanong niya sa akin, dahilan para maputol ang pagmumuni muni ko. Napatingin ako sa kanya, kahit papaano ay nararandaman ko pa din ang sakit ng kahapon. Ang drama no? Pero ganoon talaga eh.
"8:55 pa lang ay nandito na ako." tugon ko sa kanya, narandaman kong nanunuyo ang lalamunan ko. "Kumain ka na ba?"
"Hindi pa." sabi niya. "Libre kita tara." yaya niya sa akin. "Dali na para naman makabawi ako sa mga panlilibre mo sa akin dati."
"Ikaw naman, ginawa ko yun dahil gusto ko." natatawa kong sabi. "Pero gusto ko namang ma experience na malibre mo so hindi na ako tatanggi."
"O sige, bantayan mo muna ang mga gamit natin ah, ako ang bibili." At nakita ko siyang tumalikod at naglakad patungo sa pinakamalapit na bilihan ng pagkain. At kahit ba ayaw ko, hindi ko mapigilang mag reminisce, para bang nagkaroon ako ng mga flash back, mga bagay na masarap alalahanin, at mga bagay na masasakit na hanggang ngayon ay nakakatatak pa din sa aking isipan. Lunod na lunod ako sa mga ala alang ganito sa nakalipas na tatlong taon, walang sawa kong inisa isa kung saan nagsimula ang lahat at kung paano at bakit natapos. Ilang saglit lang ay bumalik na siya dala dala ang isang pack ng kopirotti, mainit na tinapay at tsokolate. Nakangiti niyang inabot sa akin iyon. "Sino pa ba ang hinihintay natin?"
"Si Michael, Charlie at si Krissa na lang ang hihintayin natin, padating na yun for sure. Si Clarence kasi nauna na sa Puerto, meron din kasing assignment doon sabi ni Charlie." sagot ko. Nakita ko kung paano niya binuksan ang kanyang bag at ipinasok sa loob ang wallet, napansin ko din ang pamilyar na keychain ng bag niyang mukhang mamahalin.
"Gamit mo pa pala yang keychain na yan?" sabi ko, sabay kagat ng tinapay sa harap ko.
"Oo naman, hindi pwedeng hindi. Ilang beses na din 'tong nasira eh pero lagi ko na lang pinapaayos kay Jake-"
"Jake?"
"Ay di ko pa ba nasasabi sayo?" aniya na para bang guilty sa pagkakahuli ko sa kanya sa isang krimen na di malaman kung ano. Inilabas niya uli ang wallet at ipinakita sa akin ang isang litrato nilang dalawa.
"Manager siya sa kumpanyang pinagtatrabahuan ko, ilang buwan ko pa lang siyang boyfriend." Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagmamalaki sa lalakeng ito, nakita ko din kung paano niya tingnan ang litrato na para bang inlove na inlove siya. May hitsura si Jake, yung tipong pang executive ang dating, nakaayos ang buhok at naka long sleeve siya sa picture na halatang kinunan sa studio sa isang Mall. Si Janis ay nagta trabaho na ngayon sa isang kumpanyang nago- organize ng mga events, isa na siya ngayong event organizer kahit ba management ang kinuha niyang course noong nasa college pa kami. "Ang gwapo niya no?" dagdag pa niya na para bang hindi niya ako naging ex at walang karapatang mag selos. Tumango na lang ako sa sinabi niya at nagpatuloy sa pagkain ng tinapay na ibinili niya sa akin.
"Uhm, kumakain din ba kayo ng sabay ng boyfriend mo?"
"Hmm, minsan lang eh, pag magde date. Pero yung ginagawa natin dati tuwing lunch break? Never kaming nagsasabay nu'n, laging may meeting sa mga cliente."
"Ganoon ba?"
"Syempre atin lang yun 'no. Trademark natin yun, walang aagaw nu'n."
"Alam mo di ko alam kung pinapalakas mo lang ang loob ko o ano." Di ko alam kung pinapaasa mo ko na may gusto ko pa sa akin o wala, ang gulo mo pa din hanggang ngayon, gusto kong idagdag. Ngumiti na lang siya at hinawakan ang kamay ko nang biglang natanaw ko sina Michael at Charlie na paparating dala dala ang buong bahay nila. Joke lang. Napansin ko kasing ang dami nilang bagahe. Kumaway ako sa kanila at nakita naman nila agad kami. Nagyakapan ang dalawang babae at nag beso beso.
"Uy 'tol, guma gwapo tayo ah." pagbibiro ni Michael na para bang kausap ang sarili niya. Mas lalo pa siyang tumangkad at nagkaroon ng konting laman sa katawan.
"Halatang nagwo- work out tayo ah."
"Syempre." at tuwang tuwa niyang ipinakitaang kanyang muscles. "Nagwo- work out ata 'to tuwing MWF." pagyayabang niya. Tulad ng dati ay berdeng polo short at jeans ang porma nito. Mukha talaga siyang IT guy habang si Charlie naman ay naka t shirt na kulay berde at naka short na puti.
"Nagusap ba kayo ng susuutin?" tanong ni Janis na tulad ko ay nakahalata din. Nagkatinginan ang dalawa.
"Hindi ah, alam niyo naman 'tong si Charlie gaya gaya ng style ng pananamit ko."
"Hay Mac, kapal mo ah. Feeling mo naman." Pagdating sa paguugali at pananalita ay walang pinagbago si Charlie, ganoon pa din, parang nagpapa cute palagi pero hindi yung tipong maaasar ka. Siya ang tipo ng babae na pag sa tuwing kasama si Michael ay hyper ito, madalas silang nagaasaran ni Michael at sa mga obserbasyon ko ay di nila kayang mabuhay ng wala ang isa't isa. Kahit na ba ngayon na asawa na ni Charlie si Clarence, ay di pa rin nagbabago kung paano nila tratuhin ang isa't isa. Para silang mga teenagers lang na laging nagbibiruan at laging nagsasaya at kung mag away naman ay daig pa ang aso't pusa. Akala ko nga dati sila ang magkakatuluyan, nagulat na lang ako nang malaman ko na kasal na pala sila ni Clarence. Eh hindi ko naman nakikitang nagliligawan ang dalawa. Ang alam ko si Clarence ang may gusto kay Charlie pero walang nagsalita o nag object sa ginawa nilang pagpapakasal na dinaos nila habang nasa Cebu ang dalawa, kumbaga biglaang kasal na sila lamang ang nakakaalam. Kahit kami, huli na nang malaman namin pero ipinaliwanag naman nila sa amin kung bakit nangyari yun at lubos naman naming naintindihan. Nabuntis si Charlie at ang ama ay si Clarence.

Biglang tumunog ang cellphone ni Charlie at agad naman niyang sinagot yun. "O yaya, anong problema?" aniya na mukhang kausap ang yaya ng anak niyang si Joshua na kung tatantyahin ko ay magda- dalawang taon pa lang. "Okay sige pasa mo sa kanya. Hi baby ko, miss ka na ni Mommy, don't worry di ako magtatagal." natawa siya saglit. "Wow basta good boy ka diyan ah. I love you too Josh." Hanga din talaga ako dito kay Charlie, kahit ba maagang nabuntis ay di niya napapabayaan ang anak niya, di lang siya house wife, isa din siyang working Mom bilang isang travel agent somewhere in Cebu. Sa katunayan nga ay pinilit pa namin siyang sumama sa reunion na ito. Alam namin na hindi magiging masaya kung sakaling hindi kami kumpleto at isa pa tulad nga ng sinabi ni Janis ay matagal na naming napagplanuhan ang pagkikitang ito. Bago kami grumaduate ay nagkaroon kami ng sumpaan na magkikita muli pagkatapos ng tatlong taon at kahit na anong rason pa yan ay hindi maituturing na excuse sa hindi pagsama. At dahil nga siya ang travel agent ng tropa ay siya ang nag organize magmula sa plane ticket namin hanggang sa hotel na tutuluyan namin. Kahit naman noong nagaaral kami ay masipag na siya kaya alam naman naming lahat na ano pa yang dumating sa kanya ay kakayanin niya. Nagkatinginan kami ni Michael habang pinapakinggan ang paguusap ni Charlie at ni Josh.
"Kamusta kayo ni Janis?" bulong niya sa akin para hindi marinig ni Janis na kasalukuyang may kausap din sa cellphone.
"Ano ba ang gusto mong sabihin ko?"
"Di ka pa rin talaga nagbabago ano? Kung akala mo hindi ka halata, nagkakamali ka. Mukhang ilang ka pa din kay Janis hanggang ngayon."
"Anong ilang?"
"Asus denial king ka pa din. Balita ko may boyfriend na siya ah."
"Oo sabi niya nga sa akin kanina."
"At balita ko manager daw ng kumpanyang pinagtatrabahuan niya." dagdag pa ni Michael.
"Oo nga daw."
"Hindi ka nagseselos?"
"'Tol pwede lubayan mo muna ako." pabiro kong sabi sa kanya. "Tumigil ka naman sa pangaasar mo, hanggang ngayon ba naman?"
"Ano ba Louie, na miss lang kita no, na miss kitang asarin."
"Gago."

"Ano ba Krizza? Nasaan ka na?" narinig kong pakikipagusap ni Janis. Maga- alas diyes na at wala pa din si Krizza. "Traffic? Di tayo pwedeng malate. Sure ka? Five minutes? Sige sige, dito kami sa harap ng kopirotti." aniya sabay baba ng phone. "Five minutes pa daw guys." sabi niya sa amin at naghintay pa nga kami ng sampung minuto bago pa namin natanaw si Krizza sa may harap gate. Tulad nina Charlie ay parang dala niya din ang buong bahay niya sa laki ng maleta niya, at kahit ba hindi naman masyadong maaraw sa labas ay naka shades na ito habang kumakaway kaway na papasok sa may gate. Si Krizza ba talaga yun? Ano ba si Krizza dati?
Si Krizza ang uri ng babae na mahinhin sa unang tingin at kahit sa pangalawang tingin. Di siya makabasag pinggan pag sa tuwing magkakasama kami, ngingiti lang yan o tatango, pero sa awa ng diyos ay di naman napapanis ang laway niya sa ganoong kalagayan dahil lagi itong ngumunguya ng Judge na bublegum. Noong nasa College kami ay laging naka headband ang abot balikat niyang buhok at bihira mong makikita na magulo ang buhok niya. Isa siyang prinsesita kung ikukumpara kina Janis at Charlie. Dati din ay sobrang payat nito na para bang konting ihip lang ng hangin ay liliparin na. Maraming lalake ang nagkakagusto sa kanya pero ni isa ay di sinuwerte na maging boyfriend niya. Isa iyong malalim na palaisipan sa amin dati hanggang sa gumawa na lang kami ng sarili namin konklusyon na baka tibo siya na siyang hula ni Clarence o di naman kaya ay mapili lang talaga siya sa mga lalake na hula namin ni Michael.
Muntikan ko ng hindi makilala si Krizza, kung hindi lang siguro siya naka head band ay di ko malalaman na siya yun. Kitang kita ko din ang mga reaksyon ng tropa. Tulad ko ay gulat na gulat din sila sa nakita nilang pagbabago lalo na ng mula sa gate ay nagtatatakbo ito papunta sa amin na para bang nasa pelikula siya. Tumayo ang lahat para salubungin siya. "Guys!!! I miss you!!!" masaya niyang pagbati sa amin at sa unang pagkakataon ay nag group hug kaming lahat dahil sa kagagawan niya. Nakita kong naka make up na siya ngayon at mas lalo siyang sumexy sa suot niyang blouse at leggings.
"Ano ang ginawa mo sa kaibigan namin?" pagbibiro ni Charlie.
"Grabe nag transform ka Krizza!" puna naman ni Janis.
"Kayo din namang lahat eh." sabi niya na totoo naman. "Mas lalo ba tayong gumanda?"
"Oo naman, of course!" tugon naman ni Charlie. "Hay excited na akong marinig ang mga kwento niya pero mamaya na yan okay? We have to check in dahil baka ma late tayo at baka hindi na tayo papasukin." At yun nga ang ginawa namin, pumunta kami sa counter para mag check in. At dumiretso na kami sa gate kung saan magbo board ang sasakyan naming eroplano. Habang naghihintay ng pagbo board ay ipinakita sa amin ni Charlie ang isang maliit na libro na mukhang ginawa niya lang (dati pa lang ay mahilig na talaga sa pagawa ng kung anu- anong art craft etong si Charlie). Ang libro na iyon ay mga picture ni Josh magmula noong ipinanganak niya ito. Sa larawan ay kamukhang kamukha ni Charlie si Josh magmula sa mata, ilong at pati labi. Kulay ng kutis ni Clarence lang ata ang nakuha ni Josh sa ama. Hindi ko mapagkakamalang anak ni Clarence si Josh. "Alam niyo kahit dalawang taon pa lang siya ay nakakapagsalita na siya, although putol putol. Ang cute niya no?" pagmamalaki ni Charlie sa anak.
"Sayang nga lang at hindi kami nakapunta sa binyag. Madaya ka kasi." pagtatampo pa din ni Janis dahil kahit naman noong binyag ay di man lang kami nakabisita dahil nga sobrang busy ang lahat at isa pa ay nasa Cebu sila.
"Sorry na, kayo naman o. Baka sa susunod na birthday ni Josh, magkita kita uli tayo. Malay natin."
"Eh sino nagbabantay sa kanya ngayon?" tanong Krizza.
"Sino pa ba? Eh di si Mommy at si Dad, nandoon naman ang mga kapatid ko so I don't have to worry, sobrang spoiled nga nila ang batang yun."
"Ano nga pala ang ginagawa ni Clarence sa Puerto? Ba't naman nauna siya doon?" di ko mapigilang tanong.
"Ewan ko ba sa lalakeng yun, sabi niya meron daw silang project na gagawin doon eh, hindi na ako nagtanong ng full details." Kitang kita ko sa mga mata ni Charlie ang pagbabago ng mood kahit ba pinilit niyang ngumiti. "Balak ko nga bumili ng pasalubong kay Josh eh, hay ngayon pa lang talaga miss ko na siya."
"Sana sinama mo na lang siya."
"Kaya nga eh, kaya lang di na pumayag si Clarence, sino daw magaalaga sa baby? Tsaka sabi din ng Mommy this will be a time for myself." aniya ng nakangiti na. Napansin kong tahimik si Michael na nakaupo sa likod ko habang nagkwe kwento si Charlie tungkol sa buhay niya.
"Buti hindi ka naman nahihirapan sa mga in laws mo?" bigla kong natanong dahil sa pagkakaalala ko ay napaka strict at napakasungit ng mga magulang ni Clarence. Dati nga noong tinawagan ko si Clarence sa bahay nila ay sinagot akong wala si Clarence kahit ba rinig na rinig ko sa kabilang linya ang pagsusumamo ni Clarence na sagutin ang telepono dahil tungkol iyon sa computer game na hihiramin niya kinabukasan. Dahan dahang umiling si Charlie.
"Huwag na lang muna nating pagusapan yan dahil sa totoo lang mababad trip lang ako."
"Ano ka ba naman kasi Louie, mga tanong nito." saway ni Krizza.
"Malay ko ba na sensitive pala yun." pagtatanggol ko sa sarili ko. "Charlie, sorry ah."
"Sus, wala yun no."

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Adventure Time - Lady Rainicorn