Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Saturday, 10 September 2011

What is Love? "CHAPTER TWENTY SIX"

09:12 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments

Lumipas ang ilang linggo, tahimik lang ang buhay ko, matapos ang ultimate break up sa phone namin ni Jordan ay sinubukan kong umiwas sa kanya. May mga oras na lumalapit siya sa akin nakikipagusap na para bang walang nangyari pero hindi ko siya kayang harapin. Lalo na sa mga kaibigan namin, hindi ko matanggap na basta basta lang siya nakipag break, at bakit ba ine expect niya na magiging okay agad ang lahat? It's just unbelievable. Pinilit kong libangin ang sarili ko, masama na masama, bitch na kung bitch pero kinikita ko pa rin si Craig, pilit ko man siyang iwasan ay hinahanap hanap ng katawan ko ang pagkalinga na nabibigay niya, hindi man buo dahil hindi ako naniniwala na ang tulad niya ay mai inlove sa akin. Mabait siya sa mabait, never kaming nagkagalit o nagkatampuhan ng matagal, maiinis lang ako tapos susuyuin niya lang ako. Hindi siya tulad ng ibang lalake na mataas ang pride, siguro dahil mature na siya at hindi niya ako pinapatulan sa mga tantrums ko. Siguro isa sa mga dahilan kung kaya hindi ko siya maseryoso ay dahil sa turing niya sa akin, para bang everything was easy with him, walang heart aches or anything which I guess is mahirap sa isang relasyon, sa side ko kasi mas feel ko na may relasyon kayo kung nagtatalo kayo sa mga bagay bagay, at least nakikita niyo ang pagkakaiba niyo o pagkakapareho. Anyway, hinayaan ko na lang, sabi ko na lang sa sarili ko, kailangan ko ito. Ibang iba man ang pakiramdam ng puso ko na para ng bato, wala akong magawa kung hindi sumabay sa agos.

Dumating ang finals, tinutok ko na lamang ang sarili ko sa pagaaral. Isang mainit na tanghali lumapit sa kinauupuan ko si Martin, matagal tagal ko rin siyang hindi nahagilap ah. Seryoso siyang lumapit at umupo sa tabi ko, nasa may lobby kami ng school, kaharap ang flag pole sa isang malaking garden na malapit sa gate. "Kamusta?" bati ko. Ngumiti lang siya, yung tipong pilit. Teka mukhang seryoso ito ah, bigla kong inisip kung may atraso ba ako sa kanya or anything pero wala akong maalala. "Anong problema?"
"Kailan ko lang nalaman na kayo na pala ni Jordan." sarkastiko niyang sabi.
"Huh? Eh nag break na kami, ilang weeks ago na." depensa ko. "Teka eh ano ba kinagagalit mo diyan?" matagal siyang hindi nakasagot, tila inisip kung bakit nga ba.
"Jhelyn, hindi ako makapaniwala na ganyan ka kamanhid."
"What are you talking about?" Tumingin siya sa malayo, yung tipong hindi maarok, habang ako naman ay confuse na confuse na.
"Jhelyn, noong gabi ng birthday mo, sabay kaming umuwi ni Jordan." pagkwe kwento niya, sana naman ay malinawan na ako di ba? "Naglakad lang kami palabas ng subdivision, alam mo ang sinabi ko sa kanya? Sinabi ko sa kanya na liligawan kita at sinuportahan niya ako doon. Sabi niya masaya siya kung tayo man ang magkakatuluyan, tapos kailan lang malaman laman ko na naging kayo pala. Kung hindi lang dahil sayo ay sinapak ko na siya-"
"Martin, wala na kami ni Jordan. At tsaka, b- ba't mo naman ako liligawan di ba?"
"Kung hindi lang bawal sa school na ito ay baka hinalikan na kita."
"Asus, kaya mo ba?"
"Okay biro lang, pero Jhelyn matagal na kitang gusto, sinabi ko yan sa kanya."
"So ano ba ang point mo sa oras na ito at ano bang gusto mong sabihin ko?" Although, pinipilit pang mag sink in sa utak ko ang mga narinig ko sa kanya, umaakto na lamang ako na para bang hindi affected. Si Martin, ang best friend ko, ang tanging lalakeng dahilan kaya ako naniniwala sa platonic relationship, ay nagtapat lang naman na may gusto daw siya sa akin.
"Ugh, wala lang naman."
"Hmm, tapos na ba exam niyo?" pagiiba ko ng usapan.
"Oo tapos na, next week siguro papirma na lang ng clearance tapos bakasyon na."
"Correct ka diyan, alam mo na naman di ba na pupunta ako sa Hong Kong this vacation?"
"Oo narinig ko na nga, kaya habang nandito ka pa mag bonding na lang tayo." aniya. "Oo nga pala, tamang tama may panonoorin akong liga mamaya sa basketball sa may colliseum, mahilig ka naman sa basketball di ba?"
"Naman, baka nakakalimutan mo, player po ako ng basketball noong high school." pagyayabang ko.
"Oo nga eh, buti ka pa. Samantalang ako, hindi man lang nakukuha." nahihiya niyang sabi. "Anyway, game tayo ha. Pero lunch muna tayo tutal tanghali na naman eh."
"Uhm, wala ako budget eh, pauwi na kasi dapat ako."
"Problema ba iyon? Tara, hati na lang tayo sa meal na bibilhin ko." natawa na lang ako sa sinabi niya, this is how it feels to be with Martin, walang kakyeme kyeme. Sabay kaming tumayo at naglakad palabas ng campus habang sa peripheral view ko ay kitang kita ko ang titig ni Jordan na pinilit kong i- ignore.


So Martin and I spent our afternoon together, matapos naming kumain ng lunch na ang ulam ay sisig at bicol express ay tumungo na kami sa colliseum at nanood ng game. Ibang klase at intense ang laro dahil parehong magaling ang dalawang team. Nagka ticket si Martin dahil kakilala niya ang isa sa mga players. Kinahapunan ay hinatid niya ako sa tricycle station. "Sige kita kits na lang." pagpapaalam ko.
"Uhm, pwede ba ako pumunta mamayang gabi sa inyo?" aniya.
"Sure."


Kinagabihan ay dumating nga siya sa bahay, at tulad ng dati ay kwentuhang walang katapusan kami. Lahat na ata ay napagkwentuhan namin pwera lang siguro ang insidente kaninang tanghali sa may lobby which is a relief, ayoko na kasing balikan ang parte na iyon ng buhay ko, kaka depress lang. Kahit hindi na siya nakatira sa same subdivision ay binibisita niya pa rin ang mga kaibigan at dating kapitbahay nila. Masaya ang kwentuhan namin nang biglang mag ring ang telepono, hinayaan kong sagutin siya ni Jhea, ilang sandali lang ay tinawag niya na ako dahil para sa akin daw ang tawag. Pumasok ako sa loob at iniwan si Martin, "Hello?"
"Hi Babe." si Craig.
"Ha? O bakit napatawag ka?" kinakabahan kong tanong.
"Busy ka ba? Gusto ko lang sana makipag kwentuhan sayo."
"Babe- este Craig, busy ako ngayon eh, saka na lang tayo magusap. Ako na lang tatawag sayo okay?"
"Pero Jhelyn, hindi ka naman tumatawag eh, kung hindi ako tatawag, walang mangyayari sa relasyon natin." I didn't expect that from Craig, ano naman kaya ang nakain ng lalakeng ito at bigla siyang tumatawag at nanghihingi ng atensyon? Hindi naman siya usual na ganito. "Kailan ba tayo huling nagusap, last week pa ata?"
"Craig-"
"Pwede bang pumunta na lang ako diyan?"
"Magkita na lang tayo bukas, hindi pwede ngayon."
"Bakit, dahil ba meron kang ibang bisita diyan?"
"Saan mo naman napulot ang balitang yan?" kinakabahan kong tanong.
"Nakita kayo kanina ng kuya ko sa colliseum, may kasama kang ibang lalake."
"Kaibigan ko lang iyon Craig at pwede kausapin na lang kita mamaya, may ginagawa nga ako eh."
"Okay fine, pero tandaan mo Jhelyn, malaman ko lang na niloloko mo ko, lagot ka sa akin."
"Tumigil ka nga diyan Craig, basta tatawagan kita."

Pero hindi ko siya tinawagan, hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko pa sa kanya. Ganoon din siya, hindi na rin siya tumawag ulit. Now, that's what I'm expecting from him, hindi yung basta basta siyang nagaamok. I feel guilty pero alam ko namang hindi niya ako mahal.

Lumipas ang ilan pang araw, hanggang sa umabot sa isang linggo, wala pa ring tawag mula sa kanya. Sabi ko nga, sa simula pa lang, meron lang kaming relasyon physically. And that's it.




0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn