Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 18 September 2011

Best Friends and Boyfriends Series: Man Eaters (Chapter Six)



Jun 16 07:00 am
Sender: Catherine Chan (princess_world892@yahoo.com)
To: Kaynee Arena (manhater4everxoxo@yahoo.com); Alyssa Rondo (Aly1989@yahoo.com)

Guys, nakakaasar dahil puyat ako ngayon. May bumabagabag kasi sa akin eh. Naka chat ko si Wayne kagabi, at, at... at may sinabi siya sa akin. Mahal niya daw ako?!! Should I believe it? Bakit naman kasi sa chat niya sinabi? Nakakaasar. Parang gusto ko na tuloy agad umuwi. Teka ano bang dapat kong gawin? Napaparanoid na kasi ang lola niyo dito!

Jun 18 08:00 pm
Sender: Kaynee Arena (manhater4everxoxo@yahoo.com)
To: Catherine Chan (princess_world892@yahoo.com)

Cath, sorry ngayon ko lang nabuksan ang email ko. Alam mo tama ka, napapraning ka na nga! Hindi na bago sa akin yang ibanabalita mo dahil matagal nang may gusto si Wayne sayo, ano naniniwala ka pa ba sa platonic relationship? Halata naman kasi dati pa na may gusto siya sayo girl! Ewan ko nga eh, baka manhid ka lang talaga. Kaya mo yan friend, hindi ba gusto mo na rin siya, pero wag mo muna sasagutin ha, maganda pa din pag personal kayong nagusap.

Sige ingat ka diyan ha, I love you, mwah!

From: Alyssa Rondo (Aly1989@yahoo.com)
To: Catherine Chan (princess_world892@yahoo.com)

Hi Cath! Buti na lang, may bukas pang computer shop. Day off ko ngayon pero heto busy pa rin. May mga projects na agad sa school eh. Teka kayo na ba ni Wayne? Uuuuy, in fairness bagay kayo. Matangkad, maputi, gwapo at mabait si Wayne kaya I wish the both of you the best. At tsaka mag beauty rest ka, wag ka mai stress, for sure kinikilig ka lang. Maganda din ang relationship niyo dahil naging mag best friends kayo, kumbaga malakas ang foundation niyo.

Oo nga pala yung boyfriend kong si Paul pinakilala na ako sa parents niya. grabe ang babait nila sa akin, simple lang ang buhay nila pero noong nandoon ako sa bahay nila , pakiramdam ko ang saya saya ko kasi buo ang pamilya nila. Parang kapatid ko na ang mga kapatid niya dahil ang dali daling pakisamahan. At yung parents niya gustong gusto talaga ako.

May kukuwento nga pala ako sa iyo na isa kong problema ngayon. Sa makalawa makikipagkita kaming dalawa ni Mama kay Papa. May pupuntahan daw kaming importante. Iniisip ko nga kung ano yun, dahil ayaw naman nila sabihin sa akin. Hayaan mo babalitaan kita, pero kinakabahan ako dito. Sige Cath, babye!

Jun 20 08:00 am
Sender: Catherine Chan (princess_world892@yahoo.com)
To: Alyssa Rondo (Aly1989@yahoo.com);  Kaynee Arena (manhater4everxoxo@yahoo.com)

Hello?!! Yun na nga eh, we're supposed to be best friends! Not lovers. Actually never pumasok sa utak ko na maging boyfriend ko siya, gusto ko siya bilang kaibigan pero hindi ako sanay sa kanya na maging lover ko. Best friend ko si Wayne, it's not supposed to be this way. Naiiyak ako. So wala na ba talagang platonic relationship sa mundo?

Jun 21 08:00 pm
Sender: Kaynee Arena (manhater4everxoxo@yahoo.com)
To: Catherine Chan (princess_world892@yahoo.com)

Cath, ano ka ba, tatagan mo lang ang loob mo. Malay mo naman totoo ang platonic relationship pero hindi si Wayne ang taong iyon. Wag ka na kasi pakipot, hehe,  peace! Pero alam mo naiintindihan din naman kita, naniniwala din ako dati sa platonic pero kasi wala na akong ebidensya sa ngayon, tingnan mo ngayon itong si Troy, may motibo siya sa akin kaya niya ako kinakaibigan. Nakakaasar, alam mo ba yun? Lalo na pag sinasabihan niya ako ng "I love you" as if it's a joke. Nahihirapan ako dahil naglalaban na ang puso at utak ko. Sabi ng puso ko "GO!" sabi naman ng utak ko, "STOP IT!" Damn love!

SMS received
Troy: Good night Kaynee, kita tayo bukas sa training ha! Magdadala ba ako ng energy drink? Pahinga ka na, i miss you so much! I love you!
Kaynee: Ulol, Aylabyuhin mo mukha mo!
Troy:  Alam mo Kaynee, nakakainis ka. Bakit ba ayaw mo maniwala?
Kaynee: Di ka naman kasi kapanipaniwala! Alam kong pinagtritripan mo lang ako. Akala ko ba nililigawan mo yung Ella, yung nasa HRM!
Troy: Hindi ko siya nililigawan, crush ko siya dati, at DATI pa yun.
Kaynee: Talaga lang ha?
Troy: Bahala ka nga... T_T
Kaynee: Troy, I feel like pinaglalaruan mo lang ako...
Troy: Kaynee, I love you. I love you. I love you...
Kaynee: Okay, matutulog na ako. Nyt!

Jun 22 06:30 am
Sender: Kaynee Arena (manhater4everxoxo@yahoo.com)
To: Catherine Chan (princess_world892@yahoo.com)

Cath!

Hindi ako makatulog, OMG! Si Troy ka text ko kagabi at sabi niya mahal niya dawako. Di ko na alam ang gagawin, pakiramdam ko mababaliw na ako. Di ko maintindihan itong nararamdaman ko. I feel so weird, ano ba dapat kong gawin?

SMS received
Alyssa: Kaynee, di kapumasok sa first class mo ha, ano nangyari? Text back.
Kaynee: Aly, I'm not feeling well eh.
Alyssa: Asus! Ano temp. mo? Baka lovenat lang yan ha!
Kaynee: UTUT!
Alyssa: Haha, tama ako no?
Kaynee: Hindi, masama lang talaga pakiramdam ko.
Alyssa: Bilhan kaya kita ng yakapsul, saang botika ba iyon? Eh yakapsul? Biosex?
Alyssa: Uy, text back bruha! Hinahanap ka kasi ni Troy!
Alyssa: Kaynee, sorry na, joke lang yun, hinahanap ka kasi ni Troy!

Jun 23 06:00 pm
Sender: Alyssa Rondo (Aly1989@yahoo.com)
To: Catherine Chan (princess_world892@yahoo.com)

Hi Cath!

May ibabalita ako sayo, galing ako sa Makati kasama sina Mama at Papa. May pinakilala sa akin si Papa at sabi niya siya daw ang magiging fiance ko. Naiinis ako dahil binebenta niya ang sarili niyang anak! Akala naman nila ay papayag ako, alam mo sinabi ko? "Excuse me, may boyfriend ako." At ang sabi ng Tatay nung fiance ko kuno ay, "Boyfriend pa lang naman iha. Eh etong si Martin fiance mo na."
"Para ito sa future mo anak!" bulong sa akin ni Papa. At ang nakakainis pa, ay parang may alam dito si Mama. I just feel so broken right now, wala na ba talaga akong kakampi sa mundong ito? Magtanan na lang kaya kami ni Paul?

Jun 23 09:00 pm
Sender: Catherine Chan (princess_world892@yahoo.com)
To: Alyssa Rondo (Aly1989@yahoo.com)

OMG! Aly, wag kayong magtanan, hindi yan ang solusyon sa problem in hand. At isa pa nagawa mo na yun dati with Michael at alam natin na wala itong hinantungan na maganda. Kung ako sayo, tingnan mo muna kung kamusta yung isang guy. Kung may pera siya at gwapo naman, pakisamahan mo na lang, pero siguraduhin mo ring mabait. Pero girl, kung super negative naman, magsumbong ka na lang sa pulis kasi abuse yan eh. Wala silang karapatan na gawin iyon sayo, at tsaka anong century na ba ngayon?


0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn