Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Monday, 12 September 2011

Best Friends and Boyfriends Series 2: Man Eaters (Chapter Four)

23:24 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments


May 12 02:00 pm
Cedric_cool: Hi
Sossy_bonita: Hello
Cedric_cool:  Musta ka na?
Sossy_bonita: Ayos lang.
Cedric_cool: Ako hindi mo ba ako tatanungin?
Sossy_bonita: O, kamusta?
Cedric_cool: Well, mabuti naman, galing ako sa work ngayon, kakapagod.
Sossy_bonita: Kamusta naman ang USA?
Cedric_cool: Kakaiba din dito, as in. Pero gusto ko ng umuwi diyan.
Sossy_bonita: Wala ako sa Pinas ngayon.
Cedric_cool: Ha? Nasaan ka?
Sossy_bonita: Sa HK, stop muna ako this sem.
Cedric_cool: O, wow naman. Pareho pala tayo.
Sossy_bonita: Oo nga eh.
Cedric_cool: Pero at least mas safe ka diyan di ba?
Sossy_bonita: Siguro...
Cedric_cool: Kamusta na nga pala kayo ni Jaye?
Sossy_bonita: Matagal na kaming wala, basta mahabang story.
Cedric_cool: Talaga? Wala na kayo? Eh di ba sa kanya mo ko pinagpalit? Tapos ibre break mo rin pala siya.
Sossy_bonita: Actually, siya itong nakipag break sa akin, okay? So please let's close this topic. The important thing is I'm happy now.
Cedric_cool: May bago ka bang BF?
Sossy_bonita: Wala, wala na akong balak.
Cedric_cool: That's good.
Sossy_bonita: Yah, sure whatever.
Cedric_cool: May ikukuwento pala ako sayo.
Sossy_bonita: Sige go.
Cedric_cool: Alam mo ba na may katrabaho akong taga China dito sa may shop, nasa sales department din siya tulad ko. At alam  mo, hindi siya magaling mag english, halos hindi kami magkaintindihan. Pero ang bait niya, at sa totoo lang eh best friends na kami. Tapos kahapon pinagalitan siya kasi puro siya tawa, ewan ko ba.
Sossy_bonita: Oh talaga?
Cedric_cool: At alam mo ba king bakit siya tawa ng tawa?
Sossy_bonita: Ay Cedric, kailangan ko ng umalis, may hinahabol kasi akong tv program. Paborito ko kasi talaga yun eh, sige out muna ako ha.
Cedric_cool: Wait lang!
Sossy_bonita has signed off.

Dracula143: O Cath kamusta ka na diyan? Umuwi ka na, miss ka na ng tropa.
Sossy_bonita: Wish ko lang, baka nga magtagal pa ako dito.
Dracula143: Ay ganoon? Ano ba naman yan? Eh miss ka na ni Wayne eh.
Sossy_bonita: O? Paano mo naman nasabi?
Dracula143: Halata naman sa kanya eh.
Sossy_bonita: Eh paanong halata? Kwento mo naman.
Dracula143: Kahapon kasi birthday ni Harry, eh biglang napatugtog ang isang love song pagtapos naming kumain.
Sossy_bonita: Tapos?
Dracula143: Tapos inaasar siya ni Harry, sabi 'Uy nami miss si Cathy!' ayun ngumiti lang siya.
Sossy_bonita: Weh, hindi nga?
Dracula143: Oo nga tapos nagalit, galitan pa.
Sossy_bonita: Haha, really?
Dracula143: Oo nga eh, teka bakit ba sobrang curious mo ata ngayon kay Wayne?
Sossy_bonita: Ha? Wala lang, miss ko na rin kasi ang mokong na iyon eh. Di man lang kasi siya nagpaparamdam sa akin.
Dracula143: Ganoon ba, teka online si Cedric ah.
Sossy_bonita: Oo nga.
Dracula143: So ka chat mo rin ba siya?
Sossy_bonita:Hindi... nakakatamad siyang kausap, nakaka bored.
Dracula143: Para namang hindi mo siya naging boyfriend dati, ang tagal niyo rin kaya.
Sossy_bonita: Nagiba na rin kasi siya mula ng umalis siya, hindi ko na nagustuhan.
Dracula143: Anong ugali?
Sossy_bonita: Lumalaki ang ulo, at tsaka ang daldal, minsan naman iniisip ko na ako lang ba ang walang interes o talagang walang kakwenta kwenta ang pinagsasasabi niya?
Dracula143: Hmmm...
Sossy_bonita: Teka balik kay Wayne, may girlfriend na ba siya ngayon?
Dracula143: Sa ngayon, wala naman siyang nababanggit. Teka nakakahalata na ako ah, may gusto ka ba sa kanya?
Sossy_bonita: Eh kung sabihin kung oo?
Dracula143: Sus, bakit naman ngayon lang? Bakit hindi dati?
Sossy_bonita: Basta bigla ko lang na realize eh, basta.
Dracula143: Ganyan talaga ang life, kung kailan nawawala na ang isang tao sayo, saka mo malalaman ang kahalagahan niya sayo.
Sossy_bonita: Oo nga eh, tama ka diyan. Ikaw nga ba yan Dane?
Dracula143: Basta umuwi ka na dito!!!

SMS received
From: Domeng
To: Kaynee

Ang ganda mo ay tila mga ibong nagaawitan, papalubog na araw at mga bulaklak sa bukid. Tunay ngang napakaganda mo, o irog ko. Now and forever Domeng.

Ika 17 ng Mayo
Mahal kong Kaynee,

Kamusta ka na? Nais ko lang malaman kung may gagawin ka mamaya dahil yayayain sana kita sa may sayawan sa kabilang nayon. Tutal at isang linggo na lang at aalis ka na. Nawa'y pagbigyan mo ang munti kong pabor.

Now and forever,
Domeng

Domeng,

Pasensya ka na pero kasi may gagawuin ako, sobrang busy ako. Kilala mo naman si Inay di ba? Lagi kang mag ingat ay gabayan ka sana ng maykapal.
PS: Marami pang ibang mas magagadang dilag diyan, sila nalang ang iyong yayain. Good luck!

Kaynee

Ika 18 ng Mayo
Mahal kong Kaynee,

Salamat naman at sumagot ka sa aking unang sulat. Ikinalulungkot ko na hindi ka maaaring lumabas. Tunay nga na maraming magagandang dilag pero iba ka pa rin sa kanila. Salamat dahil kahit papaano ay binigyan mo ko ng pagkakataong masilayan ka paminsan minsan. Hindi kumpleto ang araw ko pag hindi kita nasisilayan. Lagi ka sanang magiingat at kung may problema ka, huwag kang mag atubiling tawagin ako. Hindi ako magbabago, magpakailanman.

Nagmamahal,
Domeng Santos

May 25 10:00 pm
Sender: Kaynee Arena (manhater4everxoxo@yahoo.com)
To: Catherine Chan (princess_world892@yahoo.com)

Cath!

Bakit hindi ka pa umuuwi? Akala ko ba sabay tayong mage enroll? Hays, sa wakas at nakauwi na ako dito. Dahil siguradong mababaliw ako kung sakaling nagtagal pa ako doon. Masyado akong mina match kay Domeng, akalain mo yun? Ang lahat ng tao doon, ang akala ay NOBYO ko siya. Sayang naman girl, kung hindi ka makakauwi. Pero di bale, enjoy ka na lang diyan. Kaso ang problema ngayon, wala na akong kokopyahan. Alam mo naman si Alyssa, masyado ding busy dahil may work na siya tapos may bago pa siyang boyfriend. Saan na ako ngayon lulugar? Kailangan ko ng tumayo sa sarili kung paa ngayon.

Oo nga pala, wag mo masyadong damdamin si Wayne, matagal ko ng hinala ito eh, na siya ang secret love mo. Well, ang advice ko lang sayo girl ay ipaglaban mo ang nararapat. Kung gusto mo siya, go for it. No guts, no glory! :)

Always,
Kaynee

SMS received
From: Kaynee
To: Alyssa

I'm Home!

From: Alyssa
To: Kaynee

Welcome back! Kamusta, kailan ang enroll, pasukan na naman!

From: Kaynee
To: Alyssa

Oo nga eh, baka bukas pa ako mag enroll. Ikaw, tapos ka na ba? Hay, pagod ako sa biyahe at pumipikit na ang mata ko. Kwentuhan tayo  next time. Good night, tsup!

From: Alyssa
To: Kaynee

Oo tapos na ako mag enroll, sige chika na lang tayo ulit. Pahinga ka na. Good night, kita kits! Mwah!

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn