Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Saturday, 17 September 2011

Best Friends and Boyfriends Series 2: Man Eaters (Chapter Five)

09:18 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments

May 29 4:00 pm
Sender: Catherine Chan (princess_world892@yahoo.com)
To: Kaynee Arena (manhater4everxoxo@yahoo.com)

Kaynee, ikaw na ba talaga yan? I can't believe it, binibigyan mo ko ng love advice! At hindi basta bastang love advice, you're telling me to fight for it! Siguro inlove ka no? Teka sino naman kaya ang maswerteng lalakeng yun aber?

Grabe sa super bored ko dito, feeling ko nagpepenetensya ako dito. Sa sobrang depression ko nga ay nabubuhos ko na sa pagkain, feeling ko nga tumataba na ako Kaynee! What am I gonna do? Anyway good luck pala sa studies mo, kaya mo yan no, ikaw pa!

Jun 2
SMS received
From: Paul
To Alyssa

Alyssa, galit ka ba sa akin? Napansin ko kasi kanina parang iniiwasan mo ako, may nagawa ba akong masama? Pls txt back...!

From: Alyssa
To: Paul

Paul, hindi ako galit, masama lang talaga pakiramdam ko kanina. Tsaka napagsabihan ako kanina ni Mr Cescon eh, sorry ha pero hindi talaga ako galit sayo.

From: Paul
To: Alyssa

Hay salamat, akala ko kasi galit ka. Uhm mahal mo ba talaga ako?

From: Alyssa
To: Paul

Ano ba namang klaseng tanong yan? Syempre oo. Gusto talaga kita Paul, bakit mo naman natanong yan?

From: Paul
To: Alyssa

Alyssa iba ang gusto sa mahal,ang tanong ko eh kung mahal mo ko at hindi kung gusto mo ba ako. Pero ok na naman sa akin na gusto mo lang ako, ang mahalaga ay mahal kita.

From: Alyssa
To: Paul

Paul, sorry kung nasaktan man kita, malay mo ma realize ko na lang bigla na mahal pala kita. Pero ngayon, gusto lang talaga kita, napakaswerte ko nga sayo eh kaya thank you sa lahat ng ginawa mo para sa akin.

From: Paul
To: Alyssa

Thank you for being honest with me, iba ka talaga sa lahat ng nakilala ko. Salamat din dahil napili mo ako bilang boyfriend, at alam mo napakaswerte ko sayo, kahit gusto mo lang ako.

From: Alyssa
To: Paul

Ang sweet mo naman.. :) Ano nga palang gusto mong tawagan natin?

From: Paul
To: Alyssa

How about cookies and cream? Ako si Cookie at ikaw si Cream :P

From: Alyssa
To: Paul

Hmmm.. good idea! So good night na Cookie, pahinga na tayo.

From: Paul
To: Alyssa

Sure Cream ko, pahinga ka na rin at sweet dreams! PS: I love you!

Jun 7
From: Alyssa
To: Kaynee

Pasikan na bukas, good luck sa atin. Saan tayo magkikita?

From: Kaynee
To: Alyssa

Oo nga eh, kinakabahan ako, lols! Sa lobby nalang ng school, 7:30 pm

From: Alyssa
To: Kaynee

Sure, kahit ako kinakabahan din pero baka excited lang tayo. Sayang wala si Cath, di kumpleto ang triplets.

From: Kaynee
To: Alyssa

Oo nga eh, wala na akong kokopyahan, tsaka ikaw busy ka na rin di ba?

From: Alyssa
To: Kaynee

Oo, 1:00 tapos ng klase ko tapos diretso sa work, hay super kaka stress. Sige, beauty sleep na tayo ha, night na! Mwah!

From: Kaynee
To: Alyssa

O siya siya, sige. Basta kita kits tom! Good night Aly!

Jun 8 7:30 pm
Sender: Kaynee Arena (manhater4everxoxo@yahoo.com)
To: Catherine Chan (princess_world892@yahoo.com)

OMG! Cath, bakit ba napakatanga ko? First day ng school ngayon, tanghali pa lang pumasok na sa trabaho si Alyssa kaya magisa nalang ako hanggang hapon. Buti na lang sumama ako kina Mary, okay naman sila kahit medyo hindi ko sila masyadong vibes. Pero ito ang high light, may meeting kanina sa track and field, may dalawang bago. Nandoon dinsi Arianne at syempre si Troy, hindi nga sila nagpapansinan at ako ang kinausap ni Troy. Tinawag niya pa akong sweetheart sa pabirong paraan, pinapaselos ata si Arianne. Ako naman si tanga, hinahayaan ko lang. Sinasaway ko siya pero at the same time kinikilig ang lola mo! Naiinis ako sa sarili ko, inaasar pa akong team captain at ng iba pa. Naiinis din ako sa kanya, wala na talagang matinong lalake sa mundo, kasalanan ko rin naman kasi at hinahayaan ko.

Oo nga pala, tinanong ko si Jaye kanina, nami miss ka na daw niya. As if naman, naku magdusa siya! Matapos niyang makipaghiwalay sayo?!!

Always,
Kaynee

SMS received
From: Troy
To: Kaynee

Kaynee, tulog ka na ba? Sige ha, good night!

Jun 9 02:30 pm
Sender: Catherine Chan (princess_world892@yahoo.com)
To: Kaynee Arena (manhater4everxoxo@yahoo.com)

HAHAHAHA! Talaga? Nami miss niya ako? Ha! Manigas siya! Anyway baka naman move on na si Troy kay Arianne? Malay mo naman na realize na niya kung sino ang talagang gusto niya. Pero syempre beware pa din, ikaw ba may feelings pa rin sa kanya? Sagutin mo ko! Yung totoo, okay Kaynee? Dahil kung totoo, ay ibabalik ko sayo ang sinabi mo sa akin na "GO FOR IT!"

Hindi na ako masyadong bored dito dahil nagaaral na ako ng Cantonese, medyo busy na din. Minsan nakakachat ko yung ex ko which is so nonsense, although pinagtyatyagaan ko na lang. Nakikita mo ba sa school si Wayne? Ikamusta mo na lang ako sa kanya, miss ko na kayo! Mwahhh!

Jun 12 05:00 pm
Sender: Kaynee Arena (manhater4everxoxo@yahoo.com)
To: Catherine Chan (princess_world892@yahoo.com)

Cath, ano ka ba? Feelings kay Troy? Ehem! Imposible yun, crush ko siya dati, oo. Pero wala na akong balak patulan siya. Nakakahalata na din si Arianne, anong gagawin ko? Hindi na nga niya ako kinakausap eh, pati nung best friend niyang si Jane. Kasalanan itong lahat ni Troy, Catherine umuwi ka na please!

Si Wayne? Hindi ko siya napapansin sa school, di ko nga alam kung nag enroll ba siya o hindi dahil hindi pa kami nagkikita. Wala din akong balita sa kanya, eh kamusta naman ang feelings mo sa kanya, aber?

Love,
Kaynee

SMS received
Troy: Tulog ka na ba?
Kay: Hindi pa, bakit?
Troy: Kamusta ka na? Mukhang napagod ka kanina sa training.
Kay: Eh alam mo naman pala eh, pero anyway ayos lang ako. Oo nga pala tigilan mo na ang pagti trip mo sa akin, nakukulitan na kasi ako sayo eh. Tingnan mo yung mga tao sa paligid mo, apektado na masyado, kung may balak ka na kung ano eh wag mo na ako idamay.
Troy: Kaynee, una sa lahat, hindi naman kita pinagtitripan-
Kay: Ano, inaasar lang?
Troy: Hindi, hindi sa ganoon.
Kay: Basta tigilan mo na ako. Alam mo ba na hindi na ako kinakausap ni Arianne, at sure akong may kinalaman ito sayo!
Troy: Kung anuman ang nakaraan namin ni Arianne, wala na akong pakialam. Sabihin na natin na nagkagusto nga ako sa kanya pero it has been three months. Alam ko na ngayon kung sino talaga ang gusto ko.
Kay: Troy, matulog na tayo. Tama ka napagod na nga ako kanina sa training. Good night!

Jun 15 9:30 pm
Dracula_143: Catherine, nandyan ka pa ba?
Sossy_bonita: O Dane kamusta?
Dracula_143: Teka kasama ko si Wayne, add mo siya: sovereign_01 ayan, tapos kayo muna mag chat.
Sossy_bonita: Okay thanks!

Sossy_bonita: Hi Wayne!
Sovereign_01: Cath, sa wakas natyempuhan din kita!
Sossy_bonita: Oo nga eh, kamusta?
Sovereign_01: Mabuti naman, ikaw?
Sossy_bonita: Mabuti rin, anong balita sayo/
Sovereign_01: Eto, ganoon pa rin, ang tagal mo namang umuwi.
Sossy_bonita: Nagka problema kasi sa mga papeles ko eh kaya baka matagalan pa ako dito.
Sovereign_01: Ganoon?
Sossy_bonita: Hindi mo naman sinasagot ang mga email ko sayo.
Sovereign_01: Sorry sobrang naging busy din kasi ako.
Sossy_bonita: Saan?
Sovereign_01: Kasali na ako sa isang youth group di ba, eh ang daming activites nun.
Sossy_bonita: Oo nice naman, buti ka pa madaming activites. Hindi ka pa daw nakikita ni Kaynee sa school ah.
Sovereign_01: Hindi pa kasi ako pumapasok eh.
Sossy_bonita: Ha, bakit?
Sovereign_01: Tinatamad na ako, wala na sa mood.
Sossy_bonita: At ano namang ngayon ang problema mo ha?
Sovereign_01: Gusto mo malaman?
Sossy_bonita: Oo naman.
Sovereign_01: Masyadong mahaba kung ie explain ko dito eh, pero sige na nga... nami miss na kasi kita.
Sossy_bonita: Wow ang haba nun ah, yun na ba yun?
Sovereign_01: May sasabihin ako sayo.
Sossy_bonita: Ano yun?
Sovereign_01: Nagka girlfriend ako ng pagalis mo.
Sossy_bonita: Alam ko.
Sovereign_01: Alam mo?
Sossy_bonita: Nakita ko sa friendster mo.
Sovereign_01: Ganito kasi yun, sobrang na depressed ako noong pagalis mo. Kung anu ano na nga ang mga ginagawa ko eh. Yung nakita mo sa friendster, ka text ko yun, nalaman niya na crush ko siya kaya tinanong niya ako sa text, kung gusto ko ba siya maging gf, pumayag ako.
Sossy_bonita: Wayne...
Sovereign_01: At alam mo kung gaano lang kami katagal? Tumagal kami ng 2 weeks, palagi kaming nagkakaaway.
Sossy_bonita: Talaga? Kalimutan mo na yun...
Sovereign_01: Oo nga eh, nagagawa ko 'tong mga bagay na ito dahil sayo.
Sossy_bonita: Aba sinisi mo pa ako ha >_<
Sovereign_01: Catherine, mahal kita, sorry kung dito at ngayon ko lang sinabi, hindi ko na kasi kayang pigilan, kahit pala anong gawin ko para kalimutan ka, walang kwenta dahil ikaw lang talaga ang gusto ng puso ko.
Sossy_bonita: Talaga... ugh... (speechless)

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn