Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Monday, 12 September 2011

Best Friends and Boyfriends Series 2: Man Eaters (Chapter Three)



Apr 29 8:30 am
Sender: Alyssa Rondo (Aly1989@yahoo.com)
To Kaynee Arena (manhater4everxoxo@yahoo.com) Catherine Chan (princess_world892@yahoo.com)

Dear Cath and Kaynee,

Sorry kung ngayon lang ako nakapag email sa inyo, ang dami na kasing nangyayari sa buhay ko. Uhm kaya hindi niyo ko ma contact sa bahay ay dahil hindi na kami nakatira sa bahay ng Papa ko. Naghiwalay na sila, dito na ako ngayon nakatira sa bahay ng Lola ko. Grabe na kasi ang mga ginagawa ni Papa, hindi na namin makayanan. Anyway, masaya naman ako dahil sa wakas meron na ulit akong cellphone at walang nakikialam sa akin. Malaya na ako Girls! Haha! Kaya wag na kayong magalala, okay? Bale natanggap na pala ako sa pinagaplayan kong trabaho, at eto pa ang daming cute doon. Nagsimula lang ako kahapon, at ngayong araw ay mamayang 10 pa ang pasok ko.

Kayo, kamusta na? Pasensya na kung pinagalala ko kayo. Miss ko na kayong dalawang best friends ko, reply kayo agad ha! Take care always!

Alyways,
Alyssa <3

SMS received
From: Paul
To: Alyssa

Hi Alyssa, gud eve! Congrats for a job well done! Keep it up! :) May gagawin ka ba sa Sat? Susuweldo kasi ako eh, pahinga ka na ok? See you tom!

From: Alyssa
To: Paul

Ano naman ang gagawin natin sa Sat ha? Pwede bang pag isipan muna? Bukas ko sasabihin ang sagot, night! Pahinga ka na din! :)

May 1 5:00 pm
Sender: Kaynee Arena (manhater4everxoxo@yahoo.com)
To: Alyssa Rondo (Aly1989@yahoo.com)

Hay, buti naman at okay ka na! Congrats to your new job! Sana pagdating ni Cath ay manlibre ka na ha! Isang buwan na lang at pasukan na, sana makauwi na si Cath. Mukhang stop siya ngayong sem eh. Well sayo na lang ang mga cute diyan dahil hindi naman ako interesado, sarilinin mo na silang lahat girl! Oo nga pala, may na discover akong beauty tips, alam mo ba na ang malamig na tubig ay nakakapayat? Oo. Totoo. Maniwala ka! Dahil para mapainit ang tubig sa loob ng katawan, kailangan ng calories, gets mo? Sinabi ko na iyon kay Cath at oo daw, totoo daw yun. Pero syempre, avoid softdrinks pa din. Si Cath daw ay nagge gain ng weight, at ayoko mang aminin, eh ako din ay tumataba.

SMS received
From: Kaynee
To: Troy

Tanong ng apo sa lolo:
Apo: Masakit ba magmahal ng lubos?
Lolo: Apo, rich tayo, okay lang kahit magmahal ang pulbos.

From: Troy
To: Kaynee

Wahahaha! Aba Kaynee marunong ka na palang mag joke ha, kaso corny eh. Anyway keep it up! :))

From: Kaynee
To: Troy

Sensya na ha, wrong send talaga yun! Hmp! Yaan mo hindi na kita ite text ng joke.

From: Troy
To: Kaynee

Joke lang yun, Kaynee. Ito talaga pikon. Saan ka nga pala ngayon? Magva varsity ka pa rin ba next sem?

From: Kaynee
To: Troy

Nasa probinsya ako ngayon eh, nagbabakasyon. Pinagiisipan ko pa kung magva varsity pa ako next year, ikaw ba?

From: Troy
To: Kaynee

Oo naman, uhm bakit naman hindi ka sure? Sayang kung mag quit ka, sayang scholarship mo. At syempre pag magqui quit ka, hindi na tayo madalas na magkikita niyan.

From: Kaynee
To: Troy

Ano naman kung hindi tayo magkita, ha? Nasa iisang school lang naman tayo, duh?

From: Troy
To: Kaynee

Ang ibig kong sabihin, mawawalan na ako ng inspirasyon... hehehe

From: Kaynee
To: Troy

Troy, kung naghahanap ka ng pagtri tripan, wag ako, please lang.

May 5 10:00 pm
From: Wayne Darter (lighthouse@yahoo.com)
To: Catherine Chan (princess_world892@yahoo.com)

Cath,

Pasensya na kung ngayon lang ako nakapag email. Ang dami ko kasing ginagawa ngayon, sumali kasi ako sa youth group dito sa subdivision natin. Eh maraming events yun, kaya hindi ako masyado nakakapag check ng email. Sa ngayon nga eh, kagagaling ko lang sa isang camp. Nakakapagod, pero masaya naman.
PS: Talaga? Napanaginipan mo ko? Hmm, weird nga. ^__^

May 6 4:00 pm
Sossy_bonita: Dane, totoo ba na may gf na si Wayne?
Dracula143: Ha? Saan mo naman nakuha yan?
Sossy_bonita: Wala lang, curious lang.
Dracula143: Ewan ko, hindi na kami gaanong nagkikita eh. Tanong mo sa kanya.
Sossy_bonita: Okay fine, forget it.
Dracula143: Uy, may gusto ka sa kanya no?
Sossy_bonita: Ha! Wala no, uhm, may nagtatanong lang kasi sa akin, may gusto ata sa kanya.
Dracula143: Maganda ba? Sa akin mo na lang ipakilala.
Sossy_bonita has signed out.

May 6 4:30 pm
Sender: Catherine Chan (princess_world892@yahoo.com)
From: Wayne Darter (lighthouse@yahoo.com)

If ever you need someone, don't hesitate to call on me.
If ever someone left you, don't forget that I'm still here.
If ever you need a shoulder to cry on, just call my name.
For our friendship would never tarnish, I always care.

PS: Wayne, may gf ka na pala! Bakit hindi mo man lang binalita sa akin? Hmp! (Tampo mode) Always take care and God bless! Anyway good luck sa inyo, wish you all the best!

May 6 8:00 pm
From: Alyssa
To: Paul

Elow po! Thanx po sa panlilibre ha! And also sa movie! Sobrang nag enjoy po ako... tc!

From: Paul
To: Alyssa

Ako nga ang dapat na mag thank you eh kasi tinanggap mo yung invitation ko. Buti naman at nag enjoy ka, dahil sa totoo lang mas nag enjoy ako. Sa uulitin po ba?

From: Alyssa
To: Paul

Haha, sure! Basta ikaw! Malakas ka sa akin eh, hehe kaya lang nakakahiya baka isipin ng iba eh girlfriend mo ko, baka may magalit. Meron ba? :P

From: Paul
To: Alyssa

Naku walang magagalit, sino naman ang magagalit? Kung meron man, mamatay na sila sa inggit, basta ako kasama ko ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. PS: Wag kang kokontra ha.

From: Alyssa
To: Paul

Naku patay, kung hindi kita friend, malamang iisipin ko na nililigawan mo ko eh. Ang sweet sweet mo sa akin tapos biglang sasabayan ng joke, buti na lang may joke na part dahil kung wala, patay tayo diyan!


From: Paul
To: Alyssa

Alyssa, paano kung sabihin ko sayo na gusto kita?

From: Alyssa
To: Paul

Paul, seryoso ka ba? Naku, wag kang mag biro ng ganyan, please lang!

From: Paul
To: Alyssa

Actually, Alyssa wag ka sanang mabigla pero isang linggo pa lang tayo nagkakakilala, nahulog na ang loob ko sayo. Hindi lang dahil maganda ka o mabait, gusto talaga kita dahil iyon ang binubulong ng puso ko.

From: Alyssa
To: Paul

Talaga Paul? Nakakakilig naman yang sinabi mo, well bakit nga naman hindi natin subukan? Usap tayo bukas after work okay?

From: Paul
To: Alyssa

Talaga Alyssa? Di nga? Baka nabibigla ka lang, seryoso ako sa sinabi kong iyon kung alam mo lang.

From: Alyssa
To: Paul

Seryoso din ako, bakit ayaw mo ba?

From: Paul
To: Alyssa

Hindi, hindi! Naninigurado lang :D Thank God Alyssa, I'm so inlove with you.

May 8 10:00 pm
SMS received

Alyssa: Kaye, kayo na ba ni Troy?
Kaynee: Naman! Aly, saan mo naman nakuha ang ideyang yan ha? Tell me, naka drugska ba at out of the blue eh yan ang tinatanong mo sa akin?
Alyssa: Seryoso ako Kaye, ano nga, so hinde?
Kaynee: Of course not!
Alyssa: Good dahil may nakalap akong baho about sa kanya. Tell me interesado ka di ba?
Kaynee: Syempre hindi ako interesado, pero sige, ano yun?
Alyssa: Si Ella yung katrabaho ko nililigawan ni Troy, sinundo niya pa dito. OMG di ba?
Kaynee: Okay, so what?
Alyssa: Wala lang naman, gusto ko lang ibalita sayo para hindi ka na umasa sa kanya, dahil may papakilala ako sayo, promise gwapo, mabait, lakas ng dating!
Kaynee: Duh, as if naman umaasa pa ako sa kanya no? Sabi ko naman sayo hindi ko kailangan ng boyfriend eh, kaya sayo na lang yan. May BF ka na naman ngayon ano?
Alyssa: Paano mo naman nalaman aber? Sabi ko na nga ba, may telepathy ka!
Kaynee: Ganyan ka kasi pag inlove, super hyper mo.
Alyssa: Actually meron nga, his name is Paul, katrabaho ko.
Kaynee: Ayun, may manlilibre, hahaha! Wish ko lang hindi kayo nagliligawan sa loob ng isang linggo at wish ko lang hindi mo siya sinagot sa text.
Alyssa: Of course not! Isang linggo, oo. Pero yung sasagutin ko siya text, hindi no! Tsaka hindi naman importante kung ilang araw kayo nagligawan eh, ang importante doon ay nagmamahalan kayo.
Kaynee: O siya siya, sabi mo eh. Siguro after 2 weeks, may bago ka naman. Umamin ka.
Alyssa: Hindi ah, bagong buhay na kaya ito. ;)

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn