Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 7 August 2011

What is Love? "CHAPTER NINETEEN"

05:43 Posted by Cindy Wong Dela Cruz No comments
One time ay nagkaroon kami ng overnight sa ROTC sa isang resort, kumbaga para lang siyang isang celebration dahil natapos kami sa isang training. Kasama ko doon si Jordan at dahil hindi naman ako gaanong marunong lumangoy ay nag langoy aso na lang ako sa may gilid at pagdating ng gabi ay umulan ng pagkalas lakas. Kinabukasan ay hindi na muna ako umuwi sa bahay namin, dumiretso ako sa subdivision kung saan nakatira si Lance. It was a cold night and I was kinda longing for his touch, for his warmth. Pagdating ko sa bahay nila ay masaya niya akong sinalubong. "How are you my Baby?" aniya.
"Well, eto gutom." Kakaalis lang ng mga tao sa bahay nila at muli ay kaming dalawa lamang sa sala. Agad niya akong hinainan ng itlog, sausages at fried rice. At muli ay tinimplahan niya ako ng hot chocolate, I really had a yummy breakfast habang nakakalong ako sa kanya at sinusubuan niya naman ako. Kinuwento ko kung gaano ako na bored sa overnight swimming namin.
"I miss you, you know that." sabi niya. "Malapit nang ipalabas ang play natin, excited ka na ba?"
"Oo naman, first time ko to gawin and I feel so confident. Ang galing mo din kasing direktor."
"Magaling din ba ako magmahal?" Parang dinaanan ang buong katawan ko ng kuryente at biglang kumabog ang dibdib ko, malakas, mabilis, dinig na dinig ko. Napatingin ako sa kanya at tumango. "Wala akong masabi pero salamat dahil minamahal mo ko ng ganito."
"Alam mo di ba dapat masaya akong matatapos ang play? Pero kahit anong gawin ko nakakarandam ako ng lungkot. Pakirandam ko kasi pagkatapos ng play na ito ay aalis ka na sa akin."
"How can you say that?" sabi ko kahit na ba nararandaman ko din yung sinabi niya.
"Ewan ko, siguro kasi naniniwala ako sa saying na 'kung gaano kabilis dumating sayo ang isang bagay, ganoon din siya kabilis na mawawala'."
"Ganoon?"
"Uh huh." Matapos ang paguusap naming iyon ay humiga sinolo namin ang sala, may kutson kasi doon, patay ang ilaw at ang tanging liwanag lang ay nagmumula lang sa bintana na medyo makulimlim pa dahil umuulan pa din ng pagkalakas lakas sa labas. Kumuha siya ng kumot at doon ay nahiga kami. Hinagkan niya ako sa labi, paano ko ba ito maipapaliwanag? Ang halik niya ay parang hangin, dahan dahan na parang ingat na ingat sa akin. I'm really liking it. Para lang kinikiliti ang mga labi ko. Hanggang tanghali akong nakahiga doon sa kama na iyon, kung hindi tulog ay we're just making love.

Lumipas ang isang Linggo at dumating ang araw ng play namin. Habang papunta ako sa gym kung saan ito gaganapin ay nakasalubong ko si Martin. "Uy, kamusta?" aniya.
"Uhm meron akong play ngayon eh."
"P- play?" Matagal na pala kaming hindi nakakapag usap nito ni Martin no? Hanggang salubong na lang kami sa school na minsan ay hindi pa nangyayari.
"Uhm member kasi ako ng youth group, manood ka, twenty pesos lang naman bawat ticket and the proceeds will go to the unfortunate." pagyayaya ko sa kanya. "Well kung free ka lang naman."
"Oo naman free ako, twenty lang ba talaga?"
"Oo naman, pero kung may tip man o sosobra pa, why not?"
"O sige ba."
"Sige kailangan ko ng magmadali. See you there!"

The play went out successfully, although merong mga sabit but it all went out very well. Natawa nga ako dahil mula sa malayo ay nakita ko si James na pumapalakpak kasama ang mga kaibigan niya lalo na pag ako na ang aacting. Sila pa nga ang nasa harap. Pagkatapos ng play ay nagkaroon ng kainan and everybody giving their thanks to God and to all who attended. Matapos ng pagkain namin ay isa isa ng nag uwian ang lahat. At para hindi naman makahalata ang ibang kasama sa play ay hindi ko na kinausap si Lance. Dumiretso na akong lumabas sa gym na magisa only to find out na nandoon si Martin at hinihintay ako. "Uy, anong ginagawa mo dito?"
"Hinihintay kita." aniya. Nauna ng umalis ang iba pa niyang kaibigan. Ngayon ko lang napansin na mas tumangkad si Martin, suot niya ang puting polo at mahabang slocks at sa mga paa niya ay leather shoes. Nalaman ko na dati na IT ang kinuha niyang course.
"Talaga?" di ako makapaniwala. "Sana nagpakita ka kanina, tinagalan ko pa man din doon sa loob, may pagkain kasi. Pinakain sana kita."
"Okay lang 'no, ano ka ba? Ikaw naman din ang ipinunta ko dito." sabi niya. "Galing mo kanina ah, wala ako masabi."
"Hehe, yun yung pinapraktis namin ng pagkatagal tagal. Pwede na ba?"
"Hindi lang pwede, best actress pa!" aniya. Naglakad kami palabas ng gate pero dahil hindi na kami nakatira sa iisang subdivision ay kinailangan na naming maghiwalay ng landas.
"Sige sa susunod na lang ulit, text text na lang." sabi ko.
"Sige ba, gusto sana kita ihatid kaso binayad ko na yung pera ko doon sa play eh. Pamasahe ko na lang talaga 'to pauwi."
"Ano ka ba, kaya ko din naman umuwi mag isa. Sige na ba bye."
"Ingat ka ah." paalala niya.
"Ikaw din."

Nakauwi na ako sa bahay nang naka receive ako ng text sa aking cellphone na niregalo sa akin noong high school graduation ni Mommy. Ang text ay nanggaling kay Lance. "Sino ang kasama mo kaninang matangkad na lalake?" Nag reply ako sa kanya, sabi ko kaibigan ko siya mula pa noong grade school, at tinanong ko kung bakit niya tinatanong. "Wala naman, ngayon ko lang kasi siya nakita dito, hindi ba yun nanliligaw sayo?"
"Si Martin? Close friend lang talaga kami, at walang malisya sa amin, hindi ko din naman siya type so don't worry." Napabuntong hininga ako, tama bang pag selosan si Martin? Nang gabi din na iyon ay nakatanggap ako ng email mula kay James. Buhay pa pala ang taong ito. Nakakainis, dahil ang natitira kong pagmamahal sa kanya dati ay unti unting nawawala. Nakakalungkot, I know I'm being unfair talaga sa aming dalawa, pero naiisip ko naman baka pampalipas oras lang 'tong si Lance, baka maibaling ko ulit ang pagmamahal ko kay James pagdating ng panahon. At isa pa masyado akong pagod sa mga bagay bagay para bigyan pa ng dagdag na kapaguran ang damdamin ko. Kung makikipag break ako, hindi ito ang tamang panahon.

Hon,

  Kamusta? hmmm.. Nakaklungkot dito, masyado na akong nagiging lonely, lalo na pag nakikita ko din ang parents ko na nalulungkot. Nakakadepress. Eto na siguro ang epekto ng adjustments dahil nasa ibang lugar kami.

  Alam mo ba na lagi kitang iniisip minsan negative yung iniisp ko at minsan very positive ang naiisip o masasaya ang naiisip ko sayo.. cguro ganun talaga paglong-distance relationship.. kaya cguro negative at positive.

Ang iniisip ko dahil araw-araw kitang namimiss, araw-araw kitang iniisip gabi man o umaga lagi na lang sa pagtulog ikaw lang ang unang pumapasok sa isip ko wala nang iba. Ganun talaga no, pag iisa lang talaga ang naging girlfriend ko wala kang maiisip na iba alm mo ba kaya minsan negative ang iniisip ko sayo kasi ayaw ko lang na mapunta ka sa iba at eto ang totoo na simula pa nung 4th year pa tyo hanggang ngayon ayoko talaga na makaclose ka nang ibang lalake kahit na friend mo sya dahil kung anu-ano ang iniisp ko.. (meron akong ugali na pagkaselfish! :( at di ko lang sinasbi sayo na nagseselos ako dahil masama ang maging sakim! Di ba?? At ikaw lang ang nagiging gf ko kaya ako nagseselos sa ibang lalake na nagiging ka close mo.. at di mo ba alam na todo iwas ako sa mga babae dati?

  Di ba unfair kapag ikaw lang ang unang gf ko wala nang iba pero nagkaroon na nang ibang bf ang gf ko dati, tapos yung gf ko pa rin ngayon na meron ka close na lalake ngayon di ba it's unfair? In short kaya unfair dahil ikaw lang ang unang gf ko wala nang iba at wala rin akong ka close na ibang girl at todo iwas ako sa mga babae tapos ikaw meron kang ibang ka close na lalake di ba i'ts unfair??..

  At nagseselos din ako kapag may sumasabay sa'yo na lalake sa pag-uwi at kung ako nga kung may gustong sumabay sa akin na babae sa pag-uwi nung nasa perpetual pa ako nung tayo, umiiwas ako sinasabi ko sa kanila na bka magalit yung gf ko! Agad-agad kong sinasabi na magagalit ka bka ano ang isipin mo!! ganun akong ka loyal sa'yo nun.. at kung may nanliligaw sayo at kung tumatawag yung ex-bf mo sa phone nyo kung anu-ano ang iniisp ko at ikaw lang ang tumatawag sa akin sa phone wala ibang babae.... sorry ha ganito talaga ako at ganito talaga ako mag-isip, pasensyahan mo na.

  At sorry sa mga sinusulat ko sayo ngayon dahil yun lang naman talaga gustong sabihin nang puso ko at sorry din dahil ngayon ko lang nsabi sayo na may pagkaselfish ako at nangseselos talaga ako kasi nahihiya rin akong sabihin sa'yo na ganun ako tsaka ang hirap rin sabihin sa'yo na ganun pala yung iba kong ugali.. mahal na mahal kita di na magbabago yun!! ^ - ^

  Yung nabasa ko nga pala yung email mo na nagiging close ka na sa mga lalake di naman ako galit wag kang mag-alala, simpleng sakit lang naman ang naramdaman ko. Wala naman akong magagawa kung di magtiwala sa'yo, di ko naman cguro kayang protektahan ka sa mga lalakeng ka close mo ngayon kasi di ko sila kayang kausapin at sabihin sa kanila na gf kita at seryoso ako sayo di ba? Wag kang mag-alala may loyal pa rin ako sa'yo dahil mahal kita at may tanong ako sayo, "Paano pag medyo nagiging close ako sa mga girls?" Sana sagutin mo yan ha, sensya ulit kung sinasabi ko sayo to at cge na hanggang dito na lang at lagi mong tatandahan na everyday kitang namimiss, kaw lang ang unang gf ko at ka close kong girl at may bestfriend at my only love at love of my life.. i love you always... forever.

Siguro ay nagkakaroon na ng kutob itong si James sa mga pinagagagawa ko dito. I feel guilty pero tulad nga ng sinabi ko, siguro mas mabuti na yung ganito na muna kami. Mabuti na yung wala siyang alam. Alam kong ako na ang pinakamanlolokong seventeen years old dahil sa ginagawa ko sa kanya, pero hindi ko sila kayang iwanan pareho. James is like the constant partner for me while si Lance is like drugs na kahit nakakasama sa akin at sa relasyon ko kay James ay hindi ko mapigilan. Gusto ko sila pareho sa buhay ko. At ayokong istress ang sarili ko, I wanted to play with love. Then again, I think I've grown into a play girl. Damn, play girl.

Pinindot ko ang reply button at nag nagsimulang mag type.

Hon,
Here i am again... alam mo ba kung gano na kita namimiss? miss na miss na miss na kita as in sobra!!! Wag kang magalala dahil hindi ako nagloloko dito, at nagtataka ako dahil di ka nagalit sa akin, ngayon ko nalamn na im so blessed dahil understanding ka. Hon, i love you at nagsisisi ako dahil minsan naiinis ako sayo, sinisisi kita sa mga nangyayari sa akin, hon, sana umuwi ka next year ha... gusto kong i-spend ung debut ko with you!

Hon, alam mo ba lagi kong iniimagine na ano kaya kung nandito ka pa rin ... siguro di boring, palagi akong masaya at palagi akong walang pera...hehe joke lang!

Wag ka ng malungkot o, isipin mo na lang ang mga masasaya nating alaala, o kaya kumain ka ng chocolates para sumaya ka or manood ng tv, panigurado puro english palabas dyan, haha! Mahahasa ka sa english, baka inglesin mo na din ako. Oo nga pala sa mga sinulat mo, naiintindihan ko na malayo ka, at oo tama ka, babae pa man din ako mas madami na akong naging experience o nakarelasyon before but it doesn't mean na unfair na ang mga bagay bagay between us. Hindi ibig sabihin nun ay nakakalamang na ako sayo. Doon sa tanong mo na kung paano pag naging close ka sa ibang girls, siguro okay lang din naman, alam mo naman siguro ang limitasyon mo knowing that we are committed to each other.

Sige hanggang dito na lang muna, by the way success yung play namin, daming nanood, sayang nga lang at wala ka.
 
Anyway, I love you so much!

mwah!!!

lots of love and kisses,
Jhelyn

Napahanga ako sa sarili ko, ang galing kong mag sinungaling ano? Parang dinadala ko na sa tunay na buhay ang pagdra drama ko. Kahit pa tapos na ang play, I continued on my lying. Alam kong mali na ang ginagawa ko but I don't want to stop. Isa pa, kung may masasaktan man, pwede hindi ako? Pagod na din naman ako masaktan.

Alam ni Lance ang tungkol kay James, one time nga ay naipakita ko sa kanya ang isang sulat mula kay James habang kami ay nakahiga sa kama niya. "Mahal ka talaga niya no?"
"Yeah." tugon ko.
"Buti na lang ako, alam ko na dalawa kami."
"Yeah." sabi ko. "Hinihintay ko na nga lang ang karma ko eh. Naiinip na din ako."
"Well, habang wala pa ang karma na yan, maybe we can just enjoy this moment instead na nag dra drama tayo dito di ba? Tutal dadating din naman siya, lubusin na natin." pilyo siyang ngumisi at dahang dahang naglakbay na naman ang kanyang kamay papasok sa ilalim ng kumot kung nasaan ang nakahubo kong katawan. Napatili ako sa kiliting ginawa niya.
"Ano ba," paghahalakhak ko. "Ang kulit mo ah, lagot ka sa akin." At muli ay natabunan na naman kami ng kanyang asul na kumot at muli ay nagliwaliw sa ilalim nito.

Dumating ang araw ng kaarawan ko. Eto na, for real na talaga 'to. Seventeen na talaga ako. Seventeen years old na ako nabubuhay sa mundong ito. Pumunta ang ilang ninang ko, ang ilang kaibigan na sina Jordan at si Martin na kasama si Dave. Para ngang dejavu dahil magkasama na naman si Dave at Martin sa birthday ko tulad noong grade six ako. Niyaya ko na din naman sila the week before, sayang nga lang at hindi makakapunta si Trisha dahil meron siyang trabaho. So ano ba ang mga nangyari? Una, kumain na muna kami ng handa, and being with them makes me feel like one of the boys. Bakit ba mas madami pa akong kaclose na lalake? Siguro dahil mas palagay din ang loob ko sa kanila, hindi din naman kasi makakapunta ang iba ko pang kaibigan dahil nga Linggo at supposed to be talaga ay family day. Ang saya dahil si Mommy nakikipag kwentuhan din sa mga bisita ko, nagyaya pa nga sia mag videoke. Habang si Jhea naman at si Ron ay pinapanood lang kami, minsan nakikisali din. Kumanta pa nga si Martin ng "Your love" ni Alamid. It was quite a romantic song pero dahil nahihiya itong si Martin, ay sinasabayan na lang namin siya. Si Jordan naman dahil malakas ang loob ay todo bigay ang kanta, may maibubuga din pala siya sa pagkanta. Ako naman, nagpakitang gilas din dahil nakapag voice lesson naman ako dati.

Ang huling setting ng birthday ko ay sa garden kung saan nagkwe kwentuhan lang kami. Si Dave ay nagkwento tungkol sa isang horror movie na napanood niya habang lumalamig ang simoy ng hangin. Ber months na kasi kung kaya naman ay lumalamig na talaga. Si Jordan naman ay nagkwento tungkol sa mga nakakatawang pangyayari sa buhay niya, hindi ko nga alam kung bakit kami napunta sa ganoong usapan. Habang kausap ko pa sila ay naka receive ako ng text mula kay Lance. Hindi siya makakapunta dahil hindi daw siya pinayagan umalis dahil magpapatulang ang kanyang Mama sa kanya sa gawaing bahay. Around 7:30 pm naman ng tumawag si James kung kaya kinailangan ko munang iwanan sila sa kanilang pagkwe kwentuhan. "Hello?"
"Happy Birthday to you, happy birthday to you..." Tuloy tuloy na siya sa pagkanta sa akin ng happy birthday. At sa bandang huli ng kanta niya ay narinig ko na napasinghot siya. "Happy Birthday Hon." pagtatapos niya.
"Thank you hon, thank you talaga! Buti na lang at nakatawag ka."
"Oo nga eh, inipon ko pa tong pera na to kasi alam mo naman wala pa akong trabaho. Oo nga pala five minutes lang 'to kasi kapos pa din ako hanggang ngayon."
"Sana itinabi mo na ito, ano ka ba? Pwede ka naman din mag send sa akin ng email di ba?"
"Hindi naman kasi tayo nagpapangabot sa chat eh, alam mo naman nakiki computer lang din ako sa Uncle ko dito once every two weeks, grabe. Miss na nga kita eh."
"Ako din naman miss na kita."
"Kamusta ang birthday mo?"
"Eto masaya naman." Hindi ko na binanggit ang mga bisita ko dahil baka lalo pa siyang magalala. "Kahit papaano, kahit wala ka, nagpapakasaya na lang din ako. Dami din niluto ni Mommy, spaghetti, lumpia, fried chicken. Para kasing inisa na lang ang celebration ng birthday namin ni Ron eh."
"Ganoon ba? Sarap niyan ah. Nagutom tuloy ako."
"Kaw talaga, kinantahan mo pa talaga ako no?"
"Syempre naman, pinaraktis ko pa yun." natawa ako sa sinabi niya.
"Napapatawa mo pa din talaga ako."
"Oo naman, love kita eh, ayokong nalulungkot ka."
"Awww touch naman ako. Anyway salamat sa lahat Hon ah, sa lahat ng pagintindi mo sa akin and all. Pati sa pasensya mo."
"Okay lang yun, willing naman din ako gawin ang lahat ng ito dahil sa pagmamahal ko sayo. Oo nga pala may email akong sinend sayo, check mo na lang mamaya ah. Doon, madami akong sinulat doon."
"Nobela na naman ba?"
"Oo nobela na talaga yan, haha!"

Binaba ko ang phone at bumalik sa kinauupuan ko sa garden. Hindi na ako nagtataka sa sarili ko kasi tinanggap ko na din siguro kung ano ba talaga ako. Ilang araw ko din itong pinagisipan. Love can be a very tricky game and i've become so numb for even feeling it. This is not love at all, alam ko. I've become so selfish. At kahit ilang beses ko pang sabihin na 'i hate myself' ay walang magbabago. Days ago, I've decided to just go with the flow.

Like what I have said, love is tricky. And me being a player, as I call myself, have to be quick in thinking. Minsan kasi hindi mo din maiiwasan na mag mix up ang mga alaala mo. Akala ko kay James ko na experience ang isang bagay, yun naman pala ay kay Lance. O di naman kaya ay magkakamali ako ng tawag ng pangalan. Okay lang magkamali kay Lance pero pag kay James ako nagkamali, for sure he'll be hurt and a lot of issues will come in, so I have to be careful in talking to him. Kailangan ko pa talaga isipin bago ako magsalita. Or else, all will fail. Seventeen years old, hmm not bad. Dahil madaming lalake ngayong 17th birthday ko mismo, I suspected na magiging puno ang buong taon ko ng lalake. "Okay let me do this toast for Ms Jhelyn Chan," si Jordan habang hawak ang isang baso ng coke. Sabay sabay naman kaming nagtaas ng baso and we all said 'cheers!" Hay ang landi ko talaga.

Lumipas ang ilang Linggo, patuloy pa din kami ni Lance sa aming ginagawa, kahit tapos na ang play ay nagkikita pa din kami pag may pagkakataon which is every other day ata, bihira lang din na hindi kami nagkikita. Madalas siya ang nagaadjust sa schedule ko, minsan nga ay hindi na siya pumapasok para lang makapagkita kami. I feel so loved being with him kung kaya naman nang dumating ang birthday niya nang sumunod na buwan, ay niregaluhan ko siya ng keychain at isang sulat. Binasa niya pa ito sa mismong harap ko.

Dear Lance,

Una sa lahat, gusto kitang pasalamatan for giving me comfort lalong lalo na pag medyo nahihirapan na ako sa buhay ko, alam mo naman na kulang ako sa pansin di ba? I really appreciate those efforts that you do. I just feel so blessed, hindi ko alam minsan kung blessing ka ba galing kay God o galing ka lang sa demonyo, haha! Joke lang. Happy 21st birthday nga pala, ang tanda mo na ah, pasensya ka na sa regalo ko ah, short budget eh. At least naman dalawang keychain yan.

Let me tell you the things I can't say verbally. I want you to know that it feels good when you kissed me with your soft lips, na para bang ingat na ingat ka sa akin, para ka ding teddy bear hindi dahil mukha kang teddy bear but because you give me this light feeling everytime I hug you. Nakakawala ka ng problema sa mundo.

O siya, hanggang dito na lang, I love you Lance...

Jhelyn

Natatawa ako habang binabasa niya ang sulat, para akong kinikiliti sa tagiliran habang siya naman ay abot tenga ang ngiti habang binabasa ito. Napayakap na lang siya sa akin matapos niyang basahin ang sulat at pagkatapos ay tiningnan ang bigay kong teddy bear keychain sa kanya. "Para sayo talaga yan." sabi ko. "Kamukha mo eh." And that day ay pinakita na naman namin sa isa't isa ang mga natatagong emosyon, inilabas na naman namin ito sa ilalim ng kumot kahit ba electric fan lang ang nagpapahangin sa kwarto niya dahil sarado ang bintana.
"Kung pagbibigyan mo lang ako ng isang hiling," sabi niya nang kami ay mahiga na. "Yun ay yung hindi ka na umalis sa tabi ko."
"Ang drama mo naman." nasagot ko na lang. Hindi ko siya kayang sagutin, dahil sa takbo ng love life ko ngayon, mukha naman talagang walang direksyon ito. Ang pakirandam ko ay parang ping pong ang puso ko. Dalawang lalake, dalawang damdamin, sa ngayon gusto ko lang muna sila pareho.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn