Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Tuesday, 9 August 2011

What is Love? "CHAPTER TWENTY TWO"

08:00 Posted by Cindy Wong Dela Cruz No comments

Nang mga sumunod na araw ay iniwasan ko na muna si Lance. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Basta alam ko mali ang ginagawa ko at mali kung ipagpapatuloy ko pa ang complikadong relasyon namin. Anyway our relationship doesn't meant to be for a long time. It's for a short time after all. Well, for me, oo. Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko kung kaya naman ay hindi ako masyadong sumasagot sa text niya. Sinubukan kong mag concentrate na lamang sa ibang bagay. Isang araw ay nagkaroon kami ng training sa ROTC, isa sa mga pinakamahirap dahil nasa gitna kami ng isang field at sobrang init. Muntikan pa akong ma heatstroke, buti na lamang at inalalayan ako ni Jordan na magpahinga sandali. "Okay ka lang?" aniya. Wala pa nga kaming ginagawa, nagpapainit pa lang siguro kami ay bumigay na ang katawan ko. Siguro dahil ilang araw na akong puyat sa dami ng gawain. Isabay mo pa diyan ang practice sa cheerings na papalapit na. Oo ako na naman. Sinalihan ko na lahat ng sa tingin ko ay makakatakas ako. Pero nakakatakas nga ba talaga ako? Patuloy kong tinatakbuhan si Lance, pati nga itong cheering competition ay ginagawa ko ng rason. At naiinis ako pag nakikita ko na nalulungkot siya. Naiinis din ako sa sarili ko dahil bakit ganoon, nawala ang nararandaman ko sa kanya. Wala na yung pagmamahal na binibigay ko sa kanya dati. Kung gaano ito kabilis na umusbong, ay ganoon din ito kadali umalis.
"Okay lang ako. Medyo stress lang."
"Hindi pa naman tayo umuwi hangga't di pa natin ito natatapos. Masyado pang maaga."
"Alam ko. Ayaw ko din namang isipin ng ibang ka RO natin from other schools na lampa tayo. Sorry kung nadadamay ko kayo."
"Alam ko naman ang pinagdadaanan mo ngayon eh. Pahinga na muna tayo okay? And then we will have to enjoy the rest of the exercises. Teka, ikukuha kita ng tubig." Mukha mang imposible ay nagawa ko pa ding gumapang sa putik, makapag sack race, makipaghilaan ng lubid, mag tulak ng truck at pati ang boodle fight. At sa wakas ay dumalaw din ang hapon at kinailangan na din naming umuwi. Sakay ng isang truck ay bumalik kami sa aming campus. At mula sa campus ay sumakay ako ng jeep at tricycle pauwi. Sumabay pa sa akin si Jordan hanggang sa tricycle station, mukha ngang may sasabihin siya pero nakasakay na ako sa tricycle so I guess he decided to shut up. Again, I am tired. Ang kaninang puti kong t shirt ay kulay gray na at putikan na ang aking sapatos. Lagot na naman ako nito kay Manang dahil siya itong taga laba ng damit ko. At pag tuwing ROTC namin ay kung hindi nangingitim ay grayish ang damit ko. Sa sakit ng katawan ko ay hindi ko na naisipang maligo. Nakapaghilamos na din naman ako kanina sa may camp. Nagpalit lang ako ng malinis na damit at humiga sa kama. Actually Linggo ngayon at bukas ay Lunes na pasukan na naman. Jhelyn, Jhelyn. Sometimes I can't help but to be proud of myself, sa kabila ng lahat ay nagagawa ko pa ding bumabangon.

Nasa kalagitnaan ako ng isang panaginip na hindi ko maalala kung ano nang biglang ginising ako ni Manang. "Jhelyn, may tao sa labas. Si Martin ata yun." Napatingin ako sa sira kong cellphone. na kahit papaano ay nakakabasa pa ng oras. Alas siyete na. Shit. Nakatulog nga talaga ako. Kumirot ng bahagya ang aking ulo pagkabangon ko, tiningnan ko ang sarili sa salamin at medyo nagsuklay. Napangiti ako nang makitang sa kabila ng lahat ay maganda pa din ako. Haha, saan ka pa?
"Hi!" masigla kong bati although na realize ko din na para bang basag ang boses ko. Sa pagod siguro. Malamig ang simoy ng hangin sa garden. Siguro dahil december na. Naka blue cap siya at polo shirt na green at faded jeans. Bigla akong nahiya dahil naka maikli na duster lang ako na paborito kong suotin. Wala pa akong bra. Jhelyn talaga, kaya ka nare rape eh. Well, Martin is not that type of guy so for sure kahit wala akong suot na damit ay hindi niya ako dadaanin sa dahas.
"Oh, parang kagigising mo lang ah."
"Oo nga eh. Galing ako sa training kanina sa ROTC, grabe super pagod ako."
"Naistorbo ba kita? Pasensya ka na ah."
"Ayos lang yun, ano ka ba?" Umupo ako sa upuan sa harap niya. "Buti nga yan at binibisita mo ko eh."
"Kamusta ka naman? Ano pala ang nangyari sayo kanina? Kwento ka naman." Okay just what I needed. Someone to talk to. And so I started to talk about the heat stroke and all the things that happened afterwards. Siya naman ay nakikinig lang, ngingiti o tatawa kung may nakakatawa akong sinabi. At pagkatapos noon ay siya naman ang nagkwento tungkol sa nangyari sa araw niya which is galing daw siya sa isa pang kaibigan na nakatira medyo malayo sa bahay namin. Teka, hindi na nakatira dito si Martin di ba? Nasa malayong subdivision na siya. Sinadya niya talaga ako dito. Haha, natuwa naman ako. Nalaman ko din sa kanya na nilakad niya lang ang bahay namin mula sa gate ng subdivision. I really enjoyed the conversation. Maya maya lang ay nagyaya na si Mommy na kumain. Pumasok kami ni Martin sa loob ng bahay at kumain kami ng lutong sinigang ni Mommy. Si Mommy naman ay nagkwe kwento tungkol sa narinig niyang tsismis sa kapitbahay. Tawa naman ng tawa si Martin dahil mukhang silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. Ako naman ay concentrated sa masarap na pagkain. Naisip ko lang na kanina pa pala ako nagugutom. Maya maya lang ay nagpaalam na din si Martin. Si Mommy naman kasi ay pinauwi na siya agad dahil may pasok pa bukas and we all need a rest. I need a shower too so badly. "Sige, bukas na lang. Kita tayo sa school."
"Sure, ingat ka ah." sabi ko sabay sarado ng gate. Ang pagkakaibigan namin ni Martin ang masasabi kong platonic relationship talaga, eto ang plain girl- boy relationship. I really treasure the friendship that we have. Siya yung tipo ng tao na pwede mong kwentuhan ng nangyayari sa buhay mo. Well, except my love life. Ewan ko ba, pero sa kanya hindi ko magawang mag confide ng tungkol sa mga relasyon ko. What for? Nakakahiya din naman ang mga pinagagagawa ko, kakaiba itong mga expedition ko sa pagibig. Well, sa tingin ko kasi meron pa din kaming certain invicible bridge na hindi namin magawang putulin o tanggalin. Siguro dahil matagal na kaming magkakilala, hindi naman din kasi kami madalas naguusap o nagkikita, feeling ko nga medyo mahiyain siya sa lahat ng tao. Ayoko namang i cross yung gap na yun, I mean kasi babae ako di ba? Na gets mo ba? Ang gulo no? Basta yun na yun.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay sakto namang nag ring ang telepono na sinagot ko naman. Noong una ay nalilito talaga ako kung sino ang nasa kabiglang linya. Si James ba ito, si Lance, o si Craig dahil ang tatlong iyon ang madalas na tumatawag dito sa bahay nang nakaraan na Linggo. "Sino 'to?"
"Si James 'to Honey!"
"Ay of course! Hehe, hi Honey!" Muntikan na naman ako.
"Kamusta ka na?"
"Eto medyo pagod dahil sa kanina. Dami kong ginawa. Training sa ROTC, na heat stroke pa ako."
"Talaga? Mag ingat ka naman Hon. Ano pa ang nangyari?" Kinuwento ko sa kanya kung ano ang nangyari. More summarized nga lang kumpara sa pagkwento ko kay Martin, dahil alam ko naman na limitado lang ang paguusap namin. "Grabe naman pala yang ROTC na yan. Kung hindi mo kaya, mag quit ka na lang."
"Hon, hindi naman ako quitter di ba? Alam mo yan. Saka na siguro pag talagang hindi ko na kaya. Oo nga pala, bukas hanggang hatinggabi ang practice sa cheering. Malapit na kasi ang laban eh."
"Ano ba yan, Hon? Wag mo naman karerin lahat."
"I wanted to keep myself busy eh. Wag kang magalala, kaya ko pa naman."
"Okay basta bukas mag ingat ka lang doon ah. Mahirap pa naman pag gabi diyan sa Pinas."
"Alam ko delikado, pero next week na ang laban at pagkatapos niyan, well makakapag pahinga na din ako."
"Just don't abuse yourself so much okay?"
"Yup, opo." tugon ko. Ilang sandali pa kami nag usap ni James. Naiisip ko nga panindigan ko na kaya ang may madaming partners? Parang hindi naman ata maganda yun. Sa ngayon kasi, naguguluhan pa din ako kung ano ang pwede gawin. So far, si Jordan pa lang at si Trisha ang nakakaalam ng lahat. Si Trisha ay sobrang nagiging busy na din. Hindi dahil sa school works at hindi rin dahil sa part time jobs niya, kung hindi ay dahil ay meron na siyang boyfriend, si Daniel na sa araw pa lang ata ng pagkakita nila ay sila na. Ayoko naman sila i judge, dahil ako nga ay nakikipag one night stand pa. Ano naman ang karapatan kong magsalita. Para sa akin kasi, practice what you preach men! At isa pa, ayoko magbigay ng advice dahil mas matanda pa sa akin si Trisha ng ilang taon. For sure, alam na niya ang ginagawa niya. Habang ako ay busy sa school activities, siya naman hindi na masyado nagpapapasok. Malalaman ko na lang wala daw sa school si Daniel and who knows kung nasaan sila. Alam mo ako naman kasi, alam ko lalakero ako pero hindi ko pinapabayaan ang school. Yun pa din ang priority ko. Sa kaso kasi ni Trisha, na kwento niya sa amin before na siya na lang ang pagasa ng mga magulang at kapatid niya na nasa probinsya. Buti na lang at may part time jobs siya at buti na lang din mabait ang employer niya dahil pinaaral pa siya and all, pero yung hindi ka papasok sa school dahil sa isang lalake, ay naku, no comment. Nakakaloka. Sinasayang niya ang opotunidad na minsan lang dumating sa buhay ng isang tao na tulad niya, sinasayang niya ang oportunidad na magaral. Well isang buwan mahigit na siyang ganyan, at kaibigan niya ako so talagang affected ako. Ang hirap naman din niyang pagsabihan dahil unang una, hindi nagtatagpo ang landas namin at pangalawa, pag nakikita ko siya lagi siyang good mood, ang hirap sirain. Sabihin pa niyang kontrabida ako sa buhay niya. Mukha naman siyang masaya pero sapat ba ito? Sapat ba na masaya ka lang? Ang kasiyahan ba na yan ay magtatagal?

Okay back to my topic, I know one of these days, sa lalong madaling panahon, magde decide na ako talaga. I know kaya ko 'to. I just need some time to think. Alam ko hindi ako nagiging fair sa kanila ngayon, but making a worse decision will surely make this a bigger problem. I owe them a wiser decision. That's the least that I can do. 

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn