Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Wednesday, 10 August 2011

What is Love? "CHAPTER TWENTY THREE"

08:07 Posted by Cindy Wong Dela Cruz No comments

Sa sumunod na Linggo, matapos ang bawat klase ko ay nagpra practice ako ng cheering. Buti na nga lang at pinapayagan ako ng coach namin sa track and field na lumiban muna sa training. Halos hatinggabi na ako nakakauwi na ikinagagalit ni Mommy pero kasi wala na akong choice. Kailangang manalo ng team namin dito which consist of Accountancy and Management students. We are all under pressure.

Isang araw ay naghihintay ako sa may lobby sa may harap ng head quarters ng ROTC dahil maaga natapos ang huling klase ko. Ayoko muna pumunta sa lugar ng pagpra praktisan ng cheering dahil for sure ako pa lang ang magiisa doon na nangyari na sa akin dati. Ayoko naman na mangyari sa akin yun ulit. Mabuti pa dito sa lobby ng school kung saan madaming tao ang dumadaan. Hindi ko naman ine- expect kung sino ang sumunod na dumaan. Si Lance. Hindi na ako masyadong nagre respond sa mga text niya. I feel guilty when he sat beside me greeting me very gladly. "Uhm, hi." I said back.
"Ano ba Jhelyn," biglang pagiiba ng tono ng boses niya. "Bakit hindi ka na nagre reply sa mga text ko?" And then I realized this is the time para sabihin sa kanya ang mga pangyayari. Dapat na akong makipag hiwalay sa kanya.
"Lance, I have something to tell you." pagsisimula ko. "I met someone through text." Napalunok ako. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ang mga sasabihin ko. Pero Jhelyn, kung hindi ngayon, kailan pa? I have to do this now, ang sabi ng boses sa loob ng utak ko.
"Tapos?" aniya nang natagalan bago ako nakasagot.
"W- well, nakainom ako. Nalasing at pagkatapos, may nangyari sa amin." You should have seen the look in his eyes when I said those words. He's so hurt na hindi siya nakapagsalita. Napakuyom ang mga palad niya na naglalabasan na nga ang mga ugat dahil nakikita kong kinokontrol niya ang sarili niya na wag magalit. Malumanay pa din siya nang nagsalita.
"H- hindi mo naman sinasadya di ba?"
"Hindi ko sinasadya Lance. Kung alam mo lang, ayoko ding saktan ka, ayokong mangyari sa atin 'to." A lie. Alam ko sa sarili ko na ginusto ko din iyon. Pinili ko din na makipag meet, makipag inuman at makipag talik. Hanggang ngayon nga ay may komunikasyon pa din kami, at sa totoo lang ay magkikita kaming muli sa makalawa.
"Jhelyn, kasi..." maluha luha niyang sambit. "Kaya ko yun tanggapin. Wala akong pakialam kung nangyari yun sa inyo. Handa kong tanggapin ang lahat ng ito, basta maging tayo lang ulit."
"Lance, huwag mo naman ako pahirapan. Nagui- guilty sa araw araw na naaalala kita, na naaalala ko ang mga nangyari. Kaya hindi ko kayang sumagot sa mga text mo o sa tawag mo dahil alam kong wala akong mukhang ihaharap sayo." The truth.
"Wala na ba talagang pagasa? Itatapon mo na lang ba yun lahat, etong pinagsamahan natin? Sumaya ka naman di ba? Sumaya ka naman, pinahalagahan kita, minahal kita."
"Hindi ko itatanggi na sumaya ako. Oo Lance, sumaya ako sa mga panahong hindi ko inaaasahan. Pero hindi ko na 'to kaya. Gusto ko munang magisip isip. Gusto ko munang magpahinga."
"Jhelyn," hawak hawak na niya ngayon ang kamay ko at pinipisil ito. "Nagmamakaawa ako, bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon. Mamahalin pa kita lalo-"
"Lance, ano ba? Wag mo naman 'to gawin sa akin, please. Hindi ko na kaya-"
"Sige na, isa pang pagkakataon." Umiling ako.
"I'm so sorry-" Binitawan ni Lance ang kamay ko at ikinalat ang mga dala niyang makakapal na libro sa sahig.
"Kung ayaw mo, bahala ka!" malakas ang nagtaas niyang boses na hindi ko pa naririnig kahit kailan. Madalas kasi ay malambing ang boses niya. Sabay tayo at umalis nang walang sabi at padabog at nang hindi man lang pinupulot ang mga ikinalat niyang libro. Buti na nga lamang ay naka body bag siya dahil kung hindi ay malamang tinapon na niya ito. Nagtinginan naman ang mga nagdadaan na mga estudyante pati ang mga nakatambay lang. Ilang sandali din kaming tila isang palabas sa tv. Pero hindi ko na dinugtungan pa ang sinabi niyang iyon. Hindi ko siya hinabol at sa halip ay tumayo ako at pumasok sa loob ng head quarters. Malakas ang kabog ng dibdib ko, takot na takot dahil sa pinamalas niya. Sana nga at yun lang ang makuha kong karma mula sa mga ginawa ko sa kanya.
"Okay ka lang ba Jhe?" si Jordan na hindi ko napansin na nadoon pala sa loob. Iniabot niya sa akin ang isang panyo dahil napansin niyang umiiyak na ako. Kinuha ko ang panyo at pinunas sa aking mga mata.
"Nakipag break na ako kay Lance." tugon ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at hinagod ang likod ko.
"That's just the right thing to do Jhelyn, I'm so proud of you." aniya.

Nang sumunod na araw naman ay napagdesisyunan kong pagbigyan si Craig. Nangako kasi siyang titigilan na niya ako sa kondisyon na magkikita kami sa huling pagkakataon. "Gusto ko lang na magkausap tayo." aniya.
"Huwag mo nga lang ie- expect na magiging maayos kung ano ang meron tayo. Gusto ko lang na tigilan mo ko."
"I promise, titigilan na kita."

Hindi ako pumasok sa una kong subject na Christian Living. Paborito ako ng prof namin kaya sigurado ako na ang isang absent ay hindi makakaapekto sa aking grades. Alas nwebe pa lang ay umalis na ako ng bahay at mineet si Craig hindi malayo sa may colliseum. Doon daw kami sa isa nilang bahay na hinahanapan niya pa ng uupa. Kakarennovate lang naman daw kasi ng bahay. Hahalikan sana ako ni Craig nang magkita kami pero umiwas ako. Mukhang bagong ligo siya dahil naamoy ko na naman ang pabango niya, naka maong na shorts siya at tsinelas. Sa pang itaas naman ay naka dilaw na polo shirt siya habang sa buhok niya na naka gell ay may shades na nakapatong. Habang ako naman ay naka uniform lang dahil balak kong umalis agad matapos naming magusap. Ayoko na itong tagalan dahil sa oras na magtatagal ako sa ganitong sitwasyon ay alam ko na bibigay na naman ako sa kanya. Bakit ba naman kasi kailangan niyang maging ganito kabango? Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong mapangiti. Pumasok kami sa loob ng rennovated na bahay matapos ilang sandaling lakad lang. "Umupo ka muna." aniya. Umupo naman ako sa pinakamalapit na sofa, The house seemed really nice. Light pink ang pintura sa loob ng bahay at sa dingding ng sala ay may iilang naka frame na larawan ng bulaklak. May kakaibang sophisticated na style ang loob nito. Itinabi ko ang dala kong gamit sa tabi ko habang siya naman ay hinandaan ako ng juice na mukhang binili niya lang sa labas. "May kuryente nga pero wala man lang laman ang ref. Okay ba ang bahay?"
"Okay naman, maganda." tugon ko. Umupo siya sa tabi ko at inurong niya ang mga gamit ko sa kabilang bahagi ng sofa. Hinawakan niya ang kamay ko na hindi ko na naiwas at siya'y nagsalita.
"Totoo ba ang sinasabi mo kanina, ang mga sinasabi mo ng ilang araw? Na tigilan na kita at ayaw mo sa akin?" Kinuha ko ang kamay ko na hawak ng dalawang niyang kamay pero hindi siya pumayag at hinawakan pa iyon ng mas mahigpit.
"Alam mo naman di ba? Sinabi ko na sayo, meron akong boyfriend. Long distance lang kami. Na bored ako kaya nakipagkita ako sayo. Sana naman maintindihan mo." Nagkaroon ka pa sana ng chance kung hinatid mo lang ako sa harap mismo ng Mommy ko nang araw na nalasing ako. Walang hiya ka kasi.
"Eh wala naman siya dito ah. Napapasaya ka ba niya?"
"Aba kung makapagsalita ka naman pakriandam mo napasaya mo ako ah." pagaangas ko.
"Alam kong ginusto mo din kung ano ang nangyari sa atin nang gabing iyon. Sa tingin mo ba ay hindi ko narandaman na sinasabayan mo din ako sa ginagawa ko sayo? Gumaganti ka din naman sa mga kiss ko sayo. Niyayakap mo din ako. Sa tingin mo ba hindi ko yun narandaman?"
"L- lasing ako noon Craig!" nauutal kong sabi. Totoo nga ba ang sinasabi niya? Oh God.
"Sa isang gabi na iyon, alam mo ba na nainlove na ako sayo. Mula nang gabing iyon, lagi na kitang iniisip. Iniisip ko na sana pala ay naging magkabigan muna tayo, sana pala niligawan muna kita. Jhelyn, wag mong gawing one night stand lang ang lahat." Napailing ako, this can't be. "We can make this right Jhelyn, please."
"Sorry, hindi talaga pwede Craig-" walang anu- ano ay hinawakan na niya ako sa likod at hinila sa kanya. Naglapat ang mga labi namin. His moist lips touched my dry one. Sinubukan kong kumalas pero sadyang malakas ang pwersa niya physically and sexually. Hanggang sa ang kaliwang kamay niya ay nasa batok ko at ang kanan naman niyang kamay ay hinuhubad ang suot kong sapatos. Matapos noon ay dahan dahan niya akong ihiniga sa sofa. Masyado talaga siyang malakas. Sa lahat ata ng lalakeng na meet ko, siya itong pinaka may muscles sa lahat. Siya lang ang tipo ng tao na nako kontrol ako. Ang lakas ng kapangyarihan niya over me. Hanggang sa nagkaroon ako ng pagkakataon ay naitulak ko siya ng bahagya. "Ano ba Craig, please."
"Alam kong gusto mo din ako Jhelyn. Bakit kailangan mong pahirapan ang sarili mo."
"H- hindi kita gus-" bago ko pa natapos ang sasabihin ko ay sakop na naman ng mga labi niya ang labi ko. Narandaman ko na lang na buhat buhat niya ako at dinala niya ako sa isa sa mga kwarto. Ihiniga niya ako sa isang malambot na queen size na kama na tulad ng dingding ay light pink din ang bedsheet nito. Until his kisses started to get deep as well as his fingers. Sa sarap na nararanasan ko ay napag desisyunan ko ng sumuko at magpakalunod na lamang sa pinaparandam niya sa akin.

Isang oras bago ang susunod kong klase ay bumangon na ako at nagsimulang mag ayos. Nakahiga pa din si Craig sa kama nang matapos akong maghilamos at magayos ng sarili. Wala naman sana ako balak magpaalam pero mukhang naalimpungatan siya. Buti pa siya nakaidlip. "Saan ka pupunta?" aniya.
"Papasok na ako sa klase ko Craig. Kailangan ko din mag lunch muna kaya kailangan ko na umalis." tugon ko. "Sana eto na ang huli nating pagkikita, lahat ng nangyari sa atin, lahat kamalian at ayoko ng maulit."
"Damn it Jhelyn, nakikita ko namang nage enjoy ka sa akin. Bakit kailangan mong pahirapan ang lahat ng ito?"
"Basta, ayoko na. Hindi na ako makikipagkita sayo at sana wag mo na akong guluhin dahil yun ang kondisyon mo sa akin di ba, pag nagpakita ako sayo?" Hindi siya nakaimik, nakatingin lang siya na para bang nagmamakaawa na wag akong umalis. "Sige na, aalis na ako."
"Teka ihahatid kita sa tricycle station." aniya.

Nakipag break na ako sa dalawa kong karelasyon, anumang relasyon ang meron kami. Ang importante ay wala na ang dalawang tinik sa dibdib ko. Isa na lang ang natitra, si James. Hihintayin ko na lang ulit kung kailan siya tatawag para matapos na ang lahat ng kahibangang ito. Bago ang araw ng cheering ay tumawag na nga siya, mukha pa man din siyang masaya sa pagbati sa akin, until I tell the bad news. "James, nahihirapan na ako sa long distance relationship natin." panimula ko. "Mabuti pang maghiwalay na tayo." Hays, mukhang praktis na praktis ko na ang mga katagang ito dahil sa isang linggo, eto na ang pangatlong pagkakataon na makipag break sa isang lalake.
"Anong ibig mong sabihin? May na meet ka na bang iba?" narinig ko sa boses niya na para bang mangiyak ngiyak siya sa sinasabi niya.
"W- wala James." pagsisinungaling ko. "Walang iba, pero kasi hirap na hirap na ako sa ganitong sitwasyon, hindi ka naman madalas kung tumawag. Ni hindi ko nga marandaman kung mahal mo pa ako eh."
"Mahal na mahal kita Jhelyn, wag mo namang gawin sa akin ito. Alam kong hindi ako nakakatawag ng madalas sayo, I'm so sorry for that. Alam mo naman na hindi pa ako regular sa trabaho ko at sa susunod na buwan pa ang sahod ko. Please naman, wag mo itong gawin."
"Sorry James, hindi ko na talaga kaya. At isa pa, wala na akong nararandaman sayo."
"Anong ibig mong sabihin?" humahagulhol niyang sabi. Sumasakit na din ang dibdib ko sa ginagawa ko, sabi ko na nga ba at dadating ang panahong ito.
"Ayoko na, please."
"Please din Jhelyn!" biglang pagtaas ng boses niya. "Paano na ang mga pangako natin sa isa't isa? Itatapon mo na lang ba ang lahat ng iyon? Handa akong tuparin ang lahat ng sinabi ko sayo, magpapakasal tayo, dadalhin kita dito. Magkakaroon tayo ng pamilya." Hindi ako nakaimik agad at minasahe kong sandali ang noo ko.
"Hindi ko mabibigay ko ang ano ang gusto mo."
"Nakakatawa talaga no Jhelyn? Dito mo din ako brineak sa telepono noon eh, and now for the second time around, dito mo din ako brineak."
"I'm really sorry."
"Wala na ba talaga ko diyan sa puso mo, kahit konti lang? Yang konti na yan, kung meron man, susubukan kong buhayin. Gagawan ko ng paraan, uuwi ako sayo."
"James, kahit ano pang gawin mo hindi na magbabago ang isip ko. I'm really sorry for making you go through this. I'm really really sorry." Nagpatuloy siya sa pagiyak, sa paghagulhol, sa pagmamakaawa pero hindi ako nagpatinag. Matatapos din ang lahat ng ito, sabi ko sa sarili ko. Dumating ang oras na naubusan na siya ng barya sa payphone na tinatawagan niya at naputol ang tawag. Ilang minuto at oras ang lumipas pero hindi na siya tumawag pang muli. Salamat sa Diyos. Sa wakas at ako ay single nang muli, I feel free once again and of course, relieved. I never felt so better. Goodbye love life, magpapahinga muna ang aking puso.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn