Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Thursday, 11 August 2011

What is Love? "CHAPTER TWENTY FOUR"

08:11 Posted by Cindy Wong Dela Cruz No comments

Sa wakas ay dumating na din ang araw ng cheering competition, it's foundation week at cheering ang una sa mga magco compete bago magsimula ang mga palaro ng sports. Matapos ang ilang gabi ng puyatan, it comes to this. When I was in high school, I am really the shy type, I guess I have to thank James leaving since it makes me achieve more things. Naka color gold na pangtaas kami na long sleeve na kita ang pusod at naka gold na mini palda na may stripe ng black. Pinadala pa sa akin ni Mommy ang camera na nilalagyan pa ng film. On our way, nakita ko si Martin na naka green theme t shirt (dahil team IT sila) at naka jogging pants ng school, kasama niya ang ibang tropa na close friends ko din mula pa noong high school. Talagang hindi nag iwanan ang mga ito. "Kasali ka nga pala no?" aniya ng naka ngiti.
"Haha, bagay ba ang suot ko?" tanong ko sabay feel na feel na ikot sa harapan niya.
"Oo sobrang bagay." nakangiti pa din siya na pa rin siya na para bang gandang ganda sa akin.
"Hay naku tumutulo na ang laway ni Martin dito." sabat ni Louie na payat kahit naman noon pa at kaparehas ng suot ni Martin. Natawa kaming lahat sa sinabi niya.
"Buti na lang nakita kita. Pwede bang humingi ng favor?"
"Sure ba."
"Pwede mo bang hawakan itong camera at ikaw ang kumuha sa amin?"
"Sus, yun lang pala eh. Doon ako tatambay sa stage para makuhaan ka ng magandang anggulo."
"Martin naman eh, kunan mo kaming lahat okay?" pagdedemand ko.
"Haha, sige na nga." Then I have to go, kami na ang sunod na team na magpe perform. Sobra akong ninenerbyos, pero go for the goal pa din ako. Bigay na bigay ako sa pag sayaw. Inilabas ko ang pinag praktisan ko sa loob ng ilang gabi. Wala akong ibang nakikita kung hindi ang musika na na isinasayaw ko. It feels so amazing.

Natapos ang limang minutong routine. Can't believe na ang pinag praktisan namin ng halos isang buwan ay five minute routine na pala. Sa isang buwan na iyon ay naging ka close ko ang lahat ng kasali sa cheering including Jamie, na classmate ko noong high school pero hindi lang kami ganoon ka close pero dahil sa cheering ay madalas na kaming magkasama. "Ang galing niyo ah, lalo ka na Jhelyn." si Martin na nasa likod ko na pala na hindi ko man lang namamalayan. "Eto na ang camera mo."
"Salamat ah, eto lang talaga ang tanging camera namin, wala pa din kami digi cam hanggang ngayon."
"Ayos lang yan, nasa kumukuha naman yan, kahit ano pang klaseng camera ang gamit mo."
"Hindi ka din mayabang ano?" Ilang sandali lang ang lumipas at inannounce na din kung sino ang nanalo. Limang department lang ang naglaban laban, kahit 3rd runner up, hindi namin nakuha. In short kulelat ang team namin. "Nakakainis naman, meron kasi kaming kaparehang kanta eh. I can't believe it, pati music sinabotahe."
"Kasalanan yan ng choreographer niyo."
"Tama ka, walang kwentang choreographer, galing kasi siya sa main brance ng school." natawa si Martin sa sinabi ko.
"Alam mo libre na lang kita to para umayos naman yang pakirandam mo."
"Ha ha, sige tara." Nagpalit lang ako ng jogging pants at ng goldish t shirt at kasama ang tropa ay nag lunch kami sa labas. Matapos ang tanghalian ay humiwalay na ako sa kanila dahil sasama na muna ako kay Jordan.
"Dito lang ako sa tabi tabi." pahabol pa na sabi ni Martin. "I mean kami sa tabi tabi."

Lumipas ang ilang araw nang wala akong boyfriend pero hindi naman huminto ang mga nagpaparandam. Isa na doon ay si Jordan. Hindi ko alam kung bakit ako umoo pero naguusap kami sa isang maliit na kubo noon, I guess I really need someone that time kahit ba hindi naman ganoon ka seryoso ang nararandaman ko para sa kanya. "O sige, payag na ako sa gusto mo." Ilang linggo na din kasi kami inaaasar sa ROTC. Ang akala ko nga bawal ang pakikipag relasyon doon pero rules are maybe meant to be broken kung kaya naman ay nagkaroon kami ng relasyon. Everything was so sweet, siguro naging magkaibigan kami pero siguro din hindi sapat yung binibigay niya. Being sweet is not enough in a relationship. Seeking attention is like a disease to me kung kaya naman pati si Craig ay pinapatulan ko na. "Saan ka galing kanina?" tanong ni Jordan.
"Sa bahay." tugon ko sa kanya, dahil alam ko namang walang gagawin sa school ay tanghali na ako pumasok.
"Nagsisinungaling ka Jhelyn."
"Ha?" kinakabahan kong tugon.
"Tumawag ako sa inyo kanina, wala ka daw doon." aniya. Paano nangyari iyon? Tinanggal ko ang chord ng phone, ibig sabihin ay magri ring lang ang phone. Paanong may makakasagot?
"Sino sumagot ng phone?" tanong ko.
"Si Manang, alas otso ka pa daw umalis sa bahay niyo. Sabihin mo na sa akin ang totoo. Wag mo na akong gawing tanga." Minsan gusto kong sabihin sa kanya, na kasalanan niya ang ginagawa kong ito.
"You are too busy, hindi mo mabigay ang atensyon na kailangan ko. Naaalala mo ba noong pasko, tumawag ako sa bahay niyo. Ako pa ang tumawag, pati noong new year. Pero anong sabi mo, busy ka dito, busy ka doon. Hindi ko kaya ang schedule mo sa akin."
"So what did you do huh? Akala ko ba nagbago ka na?"
"Don't judge me Jordan. Alam mo naman dati pa na ganito ako di ba? Alam mo naman na kaya din ako naghanap ng iba dati dahil hindi nila mabigay kung ano ang gusto ko, dahil selfish kayong mga lalake. Tama lang ang ginagawa ko."
"STOP IT, JHELYN!" sigaw niya sa akin. Nagtinginan ang mga tao sa loob ng canteen kung saan kami naguusap.
"Tumahimik ka Jordan."
"Alam mo kasi ang problema sayo, malandi ka."
"So what?" paganti kong sabi. "Mag break na tayo." Hindi siya umimik at sa halip ay huminga ng malalim.
"Wag mo naman itong gawin Jhelyn." Kahit nalaman ni Jordan nang araw na iyon na nakipag kita ako kay Craig ay hindi pa din kami nag break. Umabot naman kami ng isang buwan sa aming relasyon. At sa araw ng monthsary namin ay dinala niya ako sa tatlong magkaibang destinasyon. Una, dinala niya ako sa dati niyang school noong siya elementary pa lamang. Halos isang oras din ang biyahe papunta doon, puno ng mga malalagkit na bata, pero nagawa pa din naming umupo sandali at magmuni muni. Pangalawa ay sa bahay ng Tita niya kung saan sila dati nakikitira. Up and down ang bahay na iyon at puno ng kulay kapeng mga bagay. Maga alas sais na noon pero hindi pa nabubuksan ang ilaw, kaya ang tanging naaalala ko lang doon ay ang papalubog na araw na isa sa pinaka ayaw ko na pakirandam. Pangatlo, ay napunta kami sa isang malaking simbahan. Napakaganda nito, malaki at may nagmimisa sa loob kung saan kami sumandali. Binilhan niya pa nga ako ng souveneir. "Happy monthsary Jhelyn."
"Happy monthsary din Jordan." At hinalikan niya ako ng pa smack sa aking labi, na para bang halik sa akin ni Ron, oo parang halik lang ng bata. Naisip ko na pagbigyan na lamang dahil ako naman itong may madaming experience, siya naman itong wala. First time. Hindi niya alam pero sa tuwing makikita kami ng iba naming kaklase na magkasama, nahihiya ako. Ewan ko ba kung bakit, parang hindi ko masabi sa sarili ko na kami ba talaga.

Isang araw ay nilapitan ako ni Trisha, dalawang buwan na daw siya hindi dinadatnan. "Anong sabi mo?"
"Oo Jhelyn, tulungan mo naman ako, samahan mo ko bumili ng pregnancy test."
"Ha, okay sige, walang problema." Matapos ang klase ay sinamahan ko siya sa pinakamalapit na drug store at doon ay bumili kami ng pregnancy test. Pagkatapos ay dumiretso kami sa comfort room ng isang mall kung saan niya ito susubukan. Ilang mintuo ako nag hintay sa may salaminan, kunyari ay nagme make up ako o kaya ay naghuhugas ng kamay, pero hinihintay ko talaga na lumabas si Trisha sa cubicle. Ano na kaya ang nangyayari? Buti na lang talaga at meron akong blush on at lip gloss dahil panigurado kung wala ito ay baka nahalata na namumutla ako. Ano na ang mangyayari kay Trisha, sa kinabukasan niya? Maya maya lang ay lumabas na siya sa cubicle, hindi ko maiguhit ang reaksyon niya habang hawak hawak ang pregnancy test. Buti na lang at kami na lang ang natitira sa loob ng banyo. "Kamusta?"
"Positive Jhelyn." napasandal siya sa dingding habang ako naman ay napasandal sa hindi kalayuan, matagal bago nakaimik.
"O- okay lang yan, tutal nagaaral ka pa naman di ba?"
"Hindi, titigil na ako." seryoso niyang sabi. "Uuwi ako sa probinsya."
"P- paano si Daniel?"
"Bahala na siya, sumama man siya o hindi, bubuhayin ko ang baby ko."
"Okay ka lang ba?" Tumango siya.
"Wag kang magalala."

Makalipas ang dalawang araw ay napagdesisyunan ni Daniel at ni Trisha na umalis sa kanya kanyang bahay, (si Daniel mula sa kanyang magulang at si Trisha mula sa kanyang employer) para pumunta sa Bicol kung saan naroroon ang mga kamag anak ni Trisha. Hinatid naman namin sila ni Jordan sa estasyon ng bus. Tinulungan din namin sila mag buhat ng kanya kanyang bagahe. Buti na lang talaga at alam naming maga absent ang mga prof, kaya pinili na lamang namin na tulungan sila, anyway who knows kung kailan namin sila sunod na makikita. Tanghali na nang makarating kami sa estasyong ng bus sa Maynila. Matapos magpaalam sa isa't isa ay lumarga na sila sa papaalis ng bus. Nagkatinginan kami ni Jordan nang maiwan kami sa isang hindi kilalang kalsada. Napakadaming tao at sasakyang dumadaan, napakaingay pa pati kumpara sa kinagisnan naming Cavite. Agad naman kaming sumakay na sa jeep na maghahatid sa amin pabalik sa aming school. Habang pauwi pa kami ay nakasandal lang ako sa balikat niya dahil sumasakit na ang ulo ko sa sikat ng araw. Pareho kaming nasasayangan sa kinabukasan ni Trisha, hindi ko alam kung maiinggit ako o maaawa, naiinggit dahil nakadama siya ng pagmamahal na handa siyang isakripisyo lahat kahit pa ang kinabukasan niya o maaawa dahil walang kasiguraduhan ang bukas na nag hihintay sa kanya at sa kanyang anak. Wala din akong tiwala sa lalakeng Daniel na yun. Pero wala akong magagawa, ang lahat ng ito ay piniling tahakin ni Trisha. Sana lang ay magkita kaming muli, sana din tama ang desisyon niya.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn