Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Saturday, 20 August 2011

What is Love? "CHAPTER TWENTY FIVE"

08:00 Posted by Cindy Wong Dela Cruz No comments

Valentines day. Nagising ako ng normal pero hindi ko akalaing magiging extra ordinary ito. Umaga pa lang, sinalubong ako ni Lance sa lobby kung saan niya ako sinigawan dati at binigyan ng blue na vase na may bulaklak. "Happy Valentines Jhelyn."
"H- happy Valentines." naiilang kong bati sabay abot sa inaabot niya. Naiilang ako dahil merong bintana ang head quarters ng ROTC, alam kong may nakasilip.
"Sana magustuhan mo yang binigay ko sayo."
"Ah oo naman, ikaw ang unang nagbigay. Thank you." Ilang buwan na ang nakalilipas mula nang nag break kami pero hindi siya tumigil sa kakatext o kaya sa pag tawag to win me back. Kinaibigan niya pa nga ang kapatid kong si Jhea. Naaalala ko din na isang araw ay pumunta siya sa bahay withh pizza on hand and sweet words in his lips, again, nagmamakaawa na bumalik na ako sa kanya. To him I have learned to say no. Okay na muna ako sa dalawa sa ngayon. Bago siya umalis ay tinaniman niya ako ng halik sa noo. Awww. But seconds later, na realize ko na si Jordan pala ang nakasilip sa bintana. Tsk! Naisip ko lang kung mahal niya talaga ako, sana lumabas na siya sa pinto at sinunggaban si Lance. Pero mukhang wala siyang bayag na gawin yun, at baka isumbat niya sa akin na hindi man lang ako umiwas. Duh? I didn't see it coming.

Hindi man lang ako kinausap ni Jordan buong araw kahit na ba valentines na valentines. Which I don't care dahil balak ko namang pumunta mamaya kina Craig, magluluto daw kasi siya at may ibibigay sa akin. Natapos na lang ang buong araw at umuwi na lang ako sa bahay ay hindi pa din niya ako kinakausap. Madalas na kaya ang hindi namin paguusap, nararandaman ko naman na binubulungan o sinasabihan niya ng mga ka ROTC namin ng dapat gawin, which is weird. Para namang hindi ako member ng ROTC. Trayduran na. LOL. Anyway wala akong pakialam. I am who I am anyway.

Pagdating ko sa bahay nina Craig at napaligaya niya na naman ako. Hindi naman din ako umaasa na magseseryosohan kami ni Craig, pero ang valentines day na ito ay iba talaga. Pagdating ko sa bahay nila ay nilutuan niya ako ng tofu and pork with chili. Ideal guy dahil magaling magluto, wala akong masabi. Meron pa siyang binigay sa akin na caramel na mukhang mamahalin, plastic na rose which I appreciated na din kahit papaano at isang silver na bracelet na sa tingin ko ay second hand. Pinaligaya niya din ako sa kanyang kama na may blue bedsheet that day. Masakit man ang katawan ko of all days work, lahat ng iyon ay pinawi niya. Alas otso na nga ako umuwi sa bahay.

Pagdating ko sa bahay ay may nakita akong isang bulaklak at may isang naka gift wrap. Akala ko naman regalo kay Jhea. Pero naisip ko kung kay Jhea yun bakit nasa kama ko? "Yung bulaklak galing kay Martin, yung naka balot galing kay Jordan ba yun? Oo Jordan ata, yung medyo mataba na kayumanggi na naka gell yung buhok."
"Oo siya nga yon. Anong oras silang pumunta?"
"Si Martin yung naunang dumating, tapos isang oras, dumating si Jordan."
"Ahhh."
"Buksan mo na yung naka wrapper, tingnan natin kung anong laman." Pagkabukas ko ng wrapper ay nakita ko ang isang rectangular na frame na merong maliit na picture ni Jordan at sa back ground ay isang picture ng falls na may nakasulat na letter. Happy Valentines daw.

"Hello, pwede ka ba makausap?" Agad kong tinawagan si Jordan dahil baka ano ang isipin niya kung nasaan ako.
"Saan ka na naman ba galing? Magkasama ba kayo ni Martin?"
"Ha? Bakit mo naman naisip yan?"
"Nakasalubong ko yung isang kaibigan niya at nireport lang naman sa akin na papunta na sa bahay niyo si Martin. Jhelyn, please wag kang magsinungaling."
"Jordan, una sa lahat hindi kami magkasama ni Martin. Okay? Itatak mo yan sa kukote mo."
"Eh saan ka galing?" pinagpraktisan ko na ito.
"Sinundo ako dito ng Ninang ko, nagpasama siya sa akin sa isang mall." Tulad ng inaasahan ko, ilang convince ko lang sa kanya ay naniwala naman siya.

Hindi na din nagtagal at dumating na din ang inaasahan ko. "Napapadalas ang pagaaway natin Jhelyn, mabuti pa solusyunan na natin ito."
"Anong solusyon?"
"Maging magkaibigan na lang tayo." Hindi ko alam kung bakit pa ako naluha at nasaktan sa mga katagang iyon. Tao lang din naman siguro ako, hindi naman siguro ako manhid. I have let him down, I knew that. Niloko ko siya, I deserve this. "Okay lang ba?"
"You know hindi ko yan maipapangako sayo. I am sorry." At dahil hindi ko na nakayanan ang mga pangyayari ay binaba ko na ang phone. Friendship with Jordan, gone as well as this fucking relationship.
"Ano ba ang iniiyak iyak mo?" si Jhea na naabutan ako sa kwarto.
"Nakipag break lang naman sa akin si Jordan."
"Oh talaga? Sus wag mo yun iyakan." Here I am pinagsasabihan ng nakababata kong kapatid na wag umiyak. This is so silly.
"Oo nga hindi dapat ako umiiyak, sino ba ang may gusto ng isang lalake na kung humalik ay parang bata? I'm just crying cause I can't accept the fact na siya pa ang nakipag break sa akin." at sa sinabi kong yun ay nadinig sa buong bahay ang halakhakan naming dalawang magkapatid. Kinabukasan pa man din ay alis ng aking Mommy papuntang Hong Kong para magbakasyon kasama ang little brother kong si Ron. Tama na muna ang love life Jhelyn, kakaloka ka. Wala na sanang sumunod pa. Dahil sa April, pagkatapos ng klase ay ako naman ang susunod doon sa Hong Kong para iapply ang residency ko. Mage- eighteen na kasi ako this year at mahihirapan na akong mag apply kapag lagpas 18 na ako. This is it. Hello to my very good future and good bye to my stupid love life! sabi ko sa sarili sabay punas ng natitirang luha sa aking mata.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn