Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 7 August 2011

What is Love? "CHAPTER EIGHTEEN"

02:33 Posted by Cindy Wong Dela Cruz No comments
Madalas na akong ginagabi sa paguwi ngayon, dahil papalapit na din ang laban namin sa track and field at sa isang international school pa ang laban laban. Isama mo pa ang papalapit na showing ng aming presentation sa drama club na tungkol sa pagasa, isang religion prof kasi ang sumulat nun kung kaya naman medyo madrama ito. Its mission is to touch everyone's lives. Ang ginaganap ko nga doon ay isang batang babaeng na rape sa isang kasa na namatayan ng ate sa huli, ako pa nga ang huling lalabas doon at pagiyak ko ang huling marinig so medyo nae excite din ako, this is a big step for me kaya go for the goal talaga ako. Nakilala ko sa drama club ang isang twenty years old director nito, (I was seventeen years old by then), si Lance, medyo chubby siya, moreno, nursing student pero may sobrang passion sa drama and religion and all, naririnig ko na crush niya ako pero ako naman, hindi ko siya pinapatulan. Hindi ko siya type in the first place pero minsan nararandaman ko na ako ang paborito niya dahil binigyan ba naman ako ng isang main role agad considering na bago pa ako. Pero iniisip ko din magaling naman ako sa audition so baka dahil doon kaya ako nabigyan ng role na ito. We are very casual indeed. So hindi ko naman alam dahil gabi bago ang laban namin sa isang international school ay napanaginipan ko siya. Hindi ko ma distinguish kung nasaan kami, basta ang alam ko lang ay nagyakapan kami and it is just the best feeling in the whole world. Isang buwan na mahigit nang umalis si James at ang mga pagkakataon na sumasarap ang pakirandam ko, minsan lang nangyayari. Kung kaya naman nang magising ako ng araw na iyon, parang hinahanap hanap ko na yung feeling, nalungkot pa ako dahil nagising ako. On the way na kami sa laban, habang nasa bus ay nakareceive ako ng text mula sa kanya.
Gud morning... :) Speaking of the devil, I hate my dream, bakit kasi siya pa ang napanaginipan ko? Well I hate myself more dahil magre reply ako sa kanya.
Hi! Napanaginipan kita kagabi...
Talaga? Wow, ano nangyari?
Well, niyakap mo daw ako, kakatawa nga eh, bakit ka ba sumisingit kasi?
Haha, ewan ko, panaginip mo yan eh. Saan ka pala ngayon?
Laban namin sa track and field, wish me luck! *cross fingers
Wow talaga? Gud luck! Saan ka mamaya pagkatapos ng laban mo?
Uuwi naman ako agad..
Pwede ba tayo magkita?
What for? Sa Monday na no..
Sige na, may sasabihin lang ako sayo..
Pwede mo na naman sabihin dito ah. Ano ba yun?
Sasabihin ko lang sayo mamaya kung magkikita tayo..

Hindi ko muna siya nireplayan. Aba kung ayaw niya sabihin bahala siya. Lumipas ang ilang oras, hanggang sa magsimula na ang laban namin, hindi ko siya nireplayan. Sinubukan kong mag concentrate sa laban. Sa mga oras na iyon, naiisip ko, bakit ako ganito? Alam kong may gusto sa akin si Lance tapos nakikipag flirt din ako sa kanya. Mali ito. Hindi purkit nasa malayo si James ay magloloko na ako dito. Madami kaming pinangako sa isa't isa. But I can't stand being sad anymore. Ayoko ng maging babae na ang boyfriend ay nasa malayo. Parang buhay single. Tsaka flirting with Lance does not means na magiging kami na. Why can't I collect and collect then select? Bakit ang bata bata ko pa nagse seryoso na ako sa iisang lalake? Bakit sigurado na ba ako na siya na talaga? Those thoughts flooded my mind. Hindi ata makatarungan na I will spend my younger years longing, loving and missing who is not here. And I stared to think, life is too short to spend being sad and lonely when there is someone who is willing to fulfill it. But Jhelyn, iba 'to, may pangako kayo ni James sa isa't isa, pangakong hanggang kayo hanggang sa huli. Ayoko ng may masaktan pa tulad ng mga ginagawa ko dati. Hanggang sa matapos ang laban namin, take note natalo ako, I mean it is a marathon anyway so there are like three hundred players and I am at 125th, not really bad after all, iniisip ko pa din kung pupunta ako sa sinasabi ni Lance. The thing is alam niyang may boyfriend ako so I don't think he's gonna do something na ikaiilang namin pareho. decided to come and meet him. Baka kasi pag hindi ko pa ito ginawa ay hindi na ako matatahimik. Kasalanan 'to ng panaginip ko eh. Oh Jhelyn why do you keep on blaming your dream, it is you who decide! Ikaw itong malandi. Okay fine, so what, sabihin mo na ang gusto mong sabihin, malandi na kung malandi, I prefer looking for someone to love and someone who can fulfill this fucking hole in my heart. Hole na ginawa ni James nang umalis siya kahit pa ilan yang mga pangako niya sa akin.

Nag meet kami ni Lance sa isang fast food chain, nakaupo lang siya doon at nang dumating ako ay tinanong niya ako kung ano ang gusto kong orderin. Ibinili niya muna ako ng makakain, at saka kami kumain. "Ano pala yung sasabhin mo?"
"Uhm Jhelyn, alam kong may boyfriend ka, kaya nagpapasalamat talaga ako dahil pinagbigyan mo ako at nakipagkita ka sa akin." aniya. "I just wanted to say na nang una pa lang kita makita, nagka crush na ako agad sayo."
"Uh huh, alam ko na yan." I said while sipping my drink.
"Sayang nga lang ay merong kang boyfriend ngayon-"
"Don't worry Lance, malayo na siya di ba? You can stop talking about him now." natawa siya sinabi ko.
"Okay, sabi mo eh." We finnished eating and then we headed to his humble house. Nandoon ang Mommy niya, naglilinis. Umupo kami sa sofa and we relaxed, tumabi siya sa akin at umakbay. And we started craking jokes. "Okay ano ang tawag sa barkada ng mga bear?"
"Sige, ano?"
"Eh di Bearkada." aniya.
"Corny."
"Eto pa, eto pa. Ano ang tawag sa iniinom ng mga bear?"
"Ano pa ba, eh di root bear! Narinig ko na yan eh."
"Anong Tawag sa flexible na mga Bear?"
"Ano?"
"Rubbear."
"Hahaha, funny." sarkastika kong sagot. Madami pa siyang bear jokes na hinirit hanggang sa hindi ko na lang namamalayan na palapit na pala siya ng palapit. Hanggang sa naamoy ko na ang hininga niya. I don't wanna go there pero iba ang ikinilos ng katawan ko. I kissed him and he kissed me back, torridly. Napakalambot ng labi niya kumpara sa labi ni James. And he is so gentle in kissing me. James' kiss is so wet while his is a little wet but with feelings. Ramdam ko yun, and then he stopped. Nagulat ako.
"Meron pa pala akong hindi sinasabi sayo."
"Ano yun?"
"Nang una kitang makita, mahal na kita." Natawa ako.
"Shut up, and just kiss me." Hinatak ko ang ulo niya and we started kissing again. We remained like that for quite some time hanggang sa pumasok ang Mommy niya na ikinagulantang namin.
"Kumain na ba kayo?" tanong nito.
"Tapos na po." sabay naming sagot. Alas otso na ng naisipan kong umuwi, dalawang oras na din akong nasa kanila, for sure hahanapin na naman ako sa bahay.
"So Jhely, ano na pala ako sa puso mo?" Napaisip ako sa tanong ni Lance nang ihatid niya ako sa tric. Hindi ko din alam ang sasagutin.
"Ano ba ang gusto mo maging?" I asked back.
"Someone special." aniya.
"Lance I don't wanted to hurt you, I like what happened to us now, I really do and I didn't regret that. Is it okay kung i secret muna natin ito? Parang secret on. Okay lang ba sayo? Ayoko na munang may makaalam."
"Oo naman, naiintindihan kita. Sana hindi pa ito ang huli."
"This will not be, don't worry." sabi ko sabay kindat. "Kita kits!" At sumakay na ako sa tricycle para makauwi na. This is a very tiring day, like what I said to Lance, hindi ko ito pinagsisisihan. Masaya na naman ako. Ang sarap talaga ng feeling, merong taong nandyan para sayo, ang sarap ng may nagmamahal at ng may minamahal, kahit pa pilit kong kinakalimutan na may taong masasaktan. Actually nawala na nga sa isip ko si James eh and I hate myself for being that kind of a girl. Pero eto na talaga ako eh, masyadong kulang sa pansin, gusto lagi may taong nandyan para sa akin. Actually I'm not blaming anyone dahil ganito ako. Naiisip ko na lang tanggapin ko na lang sarili ko kasi nangyari na ang dapat mangyari.

Totoo nga ang sinasabi nila, mas masaya pag may thrill ang isang relasyon. Sa kaso namin ni Lance, nandyan ang pasulyap sulyap ang tinginan habang kami ay nagpra practice for the coming play, tinginan tapos ngingiti. Isang araw nga, umuulan yun, usapan namin na magkita kami sa tapat ng school. Nang magka eye to eye pa lang kami, agad siyang pumunta sa direksyon ko at tinanggal ang polo niya. "Akala ko ba walang dapat makakita?" sabi ko sa kanya habang inaaalalayan niya ako pasakay sa jeep, ginamit niya din kasi ang polo niya para hindi ako mabasa sa ulan.
"Wag kang magalala, sa pagkakakita ko ay clear ang paligid." aniya.
"Sabi mo yan ah." nangingiti kong sabi. Nakakakilig. Him being here on my side in this rain makes everything perfect. But the thing is hindi naman ako ganoon ka inlove pa sa kanya, I am just enjoying this moment. Tapos nang makarating kami sa kanila ay pumasok kami sa bahay nila, pinaghanda niya ako ng mainit na chocolate at pumasok kami sa kwarto niya. Siguro ito ang unang pagkakataon na nakapasok ako sa kwarto ng isang lalake. Yung kay James kasi, sa sala lang siya natutulog so I really cannot say na kwarto niya yun. Unlike James, Lance has his own room with his own tv and bed. It is a very cozy room, parang yung kwarto lang din namin ni Jhea sa bahay. So inside his room we would spent hours in making love, and then matutulog. Pagdating naman kasi ng 6 pm we both have to go to the classroom where we practice our play.
"Ikaw na lang muna ang mauna tapos susunod na lang ako para hindi tayo mahalata okay?" aniya in which I agreed. Pareho naming pinapangalagaan ang sikreto namin for days. Although I think nagkakaroon ng idea sina Jordan at Trisha dahil nagtataka sila kung bakit bigla na lang ako nawawala. Hanggang sa one time ay nakita ni Jordan na naguusap kami ni Lance sa isang empty classroom.

"May tinatago ba kayo ni Lance? Kayo na ba?" tanong ni Jordan sa akin habang bumanyo si Trisha. Bestfriend ko si Jordan, ganoon din si Trisha kung kaya naman ay hirap na hirap akong mag sinungaling sa kanila.
"Can I tell you a secret? At pwede tayo tayo lang?" sabi ko.
"Hmm, hay naku Jhelyn, wag mo ng sabihin kasi halatang halata kayo ni Lance. Nagtataka na nga din yung iba pa nating kasama sa play."
"Ha? Paanong halata?" tanong ko dahil hindi naman kami nagpapahalata at nagiging kami lang talaga pag nandoon kami sa bahay ni Lance.
"Akala mo ba hindi namin nakikita na binibigyan ka niya madalas ng pahinga, at nakikita namin na madalas ka niyang tinititigan at kung anu ano pa. Tulad kahapon halos sabay kayo dumating kaya."
"Bakit, ibig sabihin ba nu'n magkasama na kami?"
"Ngayon ka pa ba magde deny Jhelyn?"
"Naku, sige na nga. Basta wag na lang kayong mag comment pag may nagtanong man sa inyo tungkol sa amin ni Lance okay? May relasyon man kami o wala, wala na silang pakialam doon."
"Teka paano na si James? Di ba nag promise pa kayo sa isa't isa?" Napabuntong hininga ako.
"Hindi ko din alam Jordan. Sa ngayon gusto ko na lang muna ejoyin itong nararanasan ko, masaya din naman ako kay Lance eh. Ang sarap din ng feeling ko pag magkasama kami. I just need someone right now, kung mamahalin ko man siya mamaya ay problema ko na yun."
"Well, kaibigan ka namin ni Trisha, alam mo yan at nagaalala lang naman kami sayo. Ayaw namin na pagsisisihan mo yan sa bandang huli."
"Don't worry Jordan anuman ang mangyari sa akin, I will take full responsibility okay? Kakayanin ko ano pa man yan."
"Sabi mo eh, just don't forget we're here for you."
"I know."

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn