Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 21 August 2011

Best Friends and Boyfriends Series 1: Man Haters (Chapter Five)

07:40 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments

Alyssa

“Hello Aly?”
“Kaynee?”
“Sorry kung na istorbo kita.” aniya, napatingin ako sa orasan. 8:30 pm pa lang naman, nakaidlip pala ako agad kanina pagdating ko. Buti na lang at umuwi ng probinsya si Papa. Ilang araw na rin ata ako hindi nakakagamit ng telepono dahil ayaw niyang may tumatawag sa akin.
“Okay lang, umidlip lang naman ako, at isa pa maaga pa naman. Bakit, anong problema?” tanong ko agad dahil mukhang nagpa panic na siya sa boses niya.
“Si Cath, emergency! Emergency meeting sa bahay nila!”
“Okay, okay papunta na ako.” diretso ako agad sa kwarto, nagbihis at nag iwan ng note kay Mama. ‘Ma, may emergency project kami, kailangan na tapusin. Nasa bahay ako nina Catherine, don’t worry. Uwi ako agad. J’

Agad akong inilapag ang plastic na dala ko sa may garden table. “Buti dumating ka na!” nasambit ni Kaynee. “Anong dala mo?”
“Beer.” maikli kong sagot sabay labas ng limang malalaking bote ng beer mula sa plastic.
“Good!” aniya. Natuon ang pansin ko kay Catherine. Namumula at namamaga ang mga mata at ilong niya. Wala siyang imik at malayo ang tingin. Gamit ang can opener ay binuksan ni Kaynee ang mga bote ng beer, pareho niya kaming inabutan ni Cath.
“Anong problema?” tanong ko habang hawak ang kamay ni Cath na nakakuyom at tila nanginginig.
“Wala na kami.” mapait niyang tugon. Kagat labi akong napayuko, hindi ako nakapag salita. “Wala naman akong ginagawang masama ah, ni hindi ko naman siya tinu two time. Nagpapasensya ako sa kanya dahil napaka immature niya, I have given up my boyfriends for him na kung tutuusin ay may mas hitsura, mas mature, mas caring, mas loving sa kanya.” Hindi na napigilan ni Cath ang lumuha. Humigpit ang hawak ko sa kanya habang si Kaynee ay hinahagod ang likod niya. “Akala ko nagbabago siya, na hindi magtatagal makakapag adjust din siya pero mali pala ako. Para lang laro sa kanya ang lahat, ang bilis. Napakadali para sa kanya. How could I be so wrong!?” Lumagok siya ng beer, sumunod naman kami ni Kaynee. “Sabi niya walang susuko sa amin, pero siya itong naunang sumuko.” lumagok siyang muli at nag simula kaming mag group hug,

“Cheers!” ani Kaynee at sabay sabay naming tinaas ang bote at nag cheers. “Para sa walang kwentang lalake na si Jaye!” (hagikhikan)
“Alam mo, nakalimutan ko na siya, baboy siya! Feeling niya naman ang gwapo gwapo niya, siya ata ang pinaka pangit sa mga naging boyfriend ko eh.”
“Oo nga, nagtataka nga kami ni Kaynee kung ano ang nakita mo sa kanya eh. Hay naku, ipapakilala kita sa mga barkada ni Ariel, gwapo na may mga kotse pa!” suhestyon ko.
“Oy, wag mo kong isasali diyan ah, out ako diyan.” saad ni Kaynee.
“Tsaka sino namang yang Ariel na yan?” si Catherine.
“Uhm… kapitbahay namin.” namumutla kong sagot.
“Ikaw, Alyssa ha! Play girl ka pa rin! Alam mo hindi na ako magugulat kung lahat ng lalake dito sa Pilipinas ay naging boyfriend mo na.” si Kaynee.
“Uy, hindi ah! Marunong akong pumili.”
“Ahh kaya naman pala hindi sila nagtatagal sayo. Wala pang isang linggo ang iba. Tsk tsk.” pang aasar ni Kaynee.
“So yan ba talaga ang paguusapan natin. Lasing ka na talaga Kaynee!”
“Girls, ba’t ganoon?” putol ni Catherine. “Masakit pa rin!”
Katahimikan.
“Woo! Iinom mo na lang yan!” sabi ni Kaynee. “Hindi umiikot ang mundo sa mga walang kwentang lalake. Sila ang iikot sa mundo natin.”
“Oo nga, tama ka diyan.” tugon ko. “Marami pang lalake sa mundo Cath.”
“Hindi rin, pare pareho lang silang lahat Alyssa.”

Kaynee

Kahit masakit ang ulo ko, pinilit ko pa ring pumasok. Nakakainis, sana hindi na lang ako kumuha ng unit every Saturday. Ang hirap, lalo na pag may hang over. Buti nga kagabi at tulog na silang lahat nang nakauwi ako, alas onse natapos ang session namin, buti nga at nakaiwas ako sa mga  posibleng sermon. Papasok na sana ako sa HRM (Human Resource Management) isa sa mga subjects ko) nang datnan ko si Arianne na nakikipag (Ayokong sabihin ito pero iyon na iyon ang ginagawa nila eh) landian sa isa sa mga classmates namin. Nagtatawanan sila, habang magkahawak sila ng kamay, napatigil ako at napatitig.
“Hi Kaynee!” bati ni Arianne.
“H- hello!” tugon ko. “May assignment ba tayo?” umiling siya.
“Wala naman.”
“Sige.”

Totoo ba ang nakikita ko? Akala ko ba nagkakaigihan na sila ni Troy? Hindi kaya pinaglalaruan lang ni Arianne si Troy? Kawawa naman si Troy, napangiti ako ng palihim. Ha ha, hindi magiging sila. Ha ha! Teka bakit ba ako nautical? So what kung hindi magiging sila? As if naman ako ang sunod niyang liligawan, tsaka ang pangit pakinggan pag ganoon. Hindi kami bagay, one inch lang ang tangkad niya sa akin. Mahilig pa naman ako mag heels? Paano pa pag ganoon di ba? Alangan naman mag flat ako all the time? At isa pa, ano ako rebound? HA! No way!

Catherine

“Uy Cath, gising!” nagpakawala ako ng maikling ungol, arghh ang sakit ng ulo ko. “Catherine, si Wayne nandito!” bulong ni Manang Josie. Tsk Ano ba? Masakit ang ulo ko. “Ano sabihin ko ba na bumalik na lang siya?” Umiling ako, kahit nakaitim. Sige na, babangon na.
“Anong oras na?” tanong ko habang sapo pa rin ang ulo.
“Ten o clock, sige na bumangon ka na, para makapag almusal ka na.”
“Sige maghihilamos lang ako.” tumungo ako agad sa banyo, napatingin sa salamin, I look horrible oh God! Suddenly, it all came back to me, lahat ng mga pangyayari kahapon. Hindi ako pinansin ng buong araw ni Jaye, later that night nakipag break siya sa akin. Kinagabihan ay inuman sessions with my best friends to ease the pain. Namamaga ang mga mata ko, oily ang mukha ko at sabog ang buhok. For the mean time, hindi ko akalaing ako pala iyon. Humugot ako ng malalim na hininga at sinabi sa sarili kong ‘Kaya ko ito’. Agad kong binasa ang mukha ko, telling myself over and over again, I can move on.

“Good morning!” bati ni Wayne. “Sorry napaaga ako.”
“Okay lang, tanghali na naman eh. Pasensya ka na kung namamaga ang mga mata ko ah.”
“Oo nga eh.” aniya. “Di bale maganda ka pa rin.”
“Cath, mag almusal muna kayo.” yaya ni Manang Josie.
“Manang nasaan si Jenifer?”
“May practice daw sila ng sayaw, maaga pa lang umalis na.”
“Ahh.” tugon ko. “Wayne kain muna tayo.”
“Wow, mukhang masarap ito ah!” aniya.
“Syempre, specialty ko yan!” masayang tugon ni Manang Josie.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn