Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Friday, 19 August 2011

Best Friends and Boyfriends Series 1: Man Haters (Chapter Four)

08:35 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments

Alyssa

Nasa labas pa lang ako ng gate namin ay rinig na rinig ko na ang pagtatalo nina Mama at Papa at boses ni Papa ang nangingibabaw. Tila nagmamakaawa naman ang boses ni Mama. Ilang minuto pa ako nagisip kung itutuloy ko pa ba ang pagpasok ko sa loob. Tumingin ako sa cellphone ko para malaman kung anong oras na, 8:00 na. Patay ako nito kay Papa. Siguradong mapapagalitan na naman ako nito. Galing ako sa Mcdonalds, ikinain ako ni Mark, isa sa mga suitors ko. (Break na nga pala kami ni Robin, isang linggo na ang nakakalipas). Ilang araw na rin akong kinukulit kung kaya naman ay pinagbigyan ko na itong si Mark. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob.
“Maria Alyssa,” napalunok ako sa boses ni Papa. Mukhang tama ang hinala ko. “Ginabi ka na naman? Hindi kita pinagaral para makipaglandian! Kanina ka pa dapat nakauwi ah, imbis na umuwi ka agad at tumulong dito sa gawaing bahay, naglalakwatsa ka. Anong klaseng babae ka? Uwi ba ito ng matinong babae?”
“P- papa, may project po kasi kami kailangan tapusin sa bahay ng kaklase ko. Wala naman akong ginagawang masama.” sagot ko. Madalas na akong pagsabihan ng ganyan ni Papa, manhid na nga ako eh, sanay na sa mga pinagsasasabi niya.
“Magusap tayo mamaya.” sabi ni Papa sabay duro sa akin na para bang hindi niya ako anak. Napansin kong umiiyak na si Mama mula sa likuran ko. Hinagod ko ang likod niya at saka hinalikan sa noo.
“Nasa mesa na ang hapunan anak.” aniya habang nagpapahid ng luha, umiling ako.
“Hindi po ako nagugutom.” Yun lang at dumiretso na ako sa kwarto ko.

“Pagpasensyahan mo na ang Papa mo ha.” ani Mama, ngayong gabi ay sa kwarto ko siya matutulog.
“Ma, palagi  na lang siya galit. Hindi ko na siya maintindihan.” tugon ko.
“Alyssa, may sasabihin ako sayo.” aniya.
“Ano po iyon?” tanong ko na para bang nene ulit habang yakap yakap ko siya. Katahimikan.
“Hindi ko talaga mahal ang Papa mong nang pinakasalan ko siya.
“Huh?”
“Hindi ko alam but I’ve just realized that noong gabi matapos ang kasal namin. Para bang hindi ko siya kilala. Para bang sino ba talaga ang lalakeng katabi ko ngayon?” Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung appropriate ba talagang sabihin niya ang mga bagay na ito sa kanyang anak. Paanong nangyari na pinakasalan niya si Papa kung hindi niya ito mahal? “I was broken hearted, katatapos ko lang sa college noon nang nalaman kong napikot si Andrew, ang boyfriend ko sa loob ng five years. I was so inloved with him, my world shattered. May balak pa man din kaming magpakasal pero dumating nga ang ganoong problema sa amin, hindi na kami pwede.” Napatingin ako kay Mama, tumahan na siya sa pagiyak. “Nagpakasal ako dahil akala ko magiging maayos ang lahat pero isa itong pagkakamali, napakalaking pagkakamali.”
“Ma, I’m sorry-”
“Shhh, kailanman ay hindi ko pinagsisihan ang pagdating mo sa mundo ko. You’re a blessing. Ikaw lang ang tanging nagpapalakas sa akin.”
“I love you Ma.” sabi ko. “Wag kang magalala, kaya naman nating mabuhay nang wala si Papa. Kung saan ka magiging masaya doon kita susuportahan.”

Kaynee

“Uy Kaynee!” Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig. Si Troy, nakaupo sa may lobby, magisa. “Saan ka pupunta?”
“Kakain.” maikling sagot ko. Tatalikod na sana ako nang magsalita siyang muli.
“Nang magisa?”
“Uh huh.”
“Saan ka kakain?”
“Diyan sa may Green House.” sagot ko ulit. Ayoko na sanang pahabain pa ang paguusap namin, gusto ko ng iwasan si Troy. “Sige ha!”
“Sandali!” Napalingon uli ako. “Pasabay sa pagkain, lunch break ko rin eh. Tara!” Di ako nakaimik agad, ganoon lang ba iyon kadali? Ni hindi man lang hinintay ang sagot ko? Ang kapal talaga ng mukha ng lalakeng ito.
“Okay.” tugon ko.

“Bakit hindi mo ata kasama si Arianne?” tanong ko, nasa Green House kami dahil sa late ang lunch break ko, wala na gaanong tao. Um- order kami ng kanin at ulam. Hindi ko na nga siya napigilan nang bayaran niya ang order ko.
“May klase daw sila ngayon eh.” tugon niya. “May itatanong nga pala ako sayo.”
“Ano iyon?”
“Bagay ba kami?” muntikan na akong mabilaukan sa tanong niya. Ano ba namang klaseng tanong ito? Kung sinuswerte ka nga naman.
“Hmmm, ano ang gusto mong isagot ko?” Ngumiti si Troy at muli tila ako na hypnotize. Shocks, ang gwapo niya talaga.
“Yung totoo.”
“Sa totoo lang, para kayong mag ate eh. Nililigawan mo ba siya?” Tumango lang siya na para bang ang lalim ng iniisip.
“So hindi kami bagay?”
“Well height doesn’t matter naman di ba?” Minsan talaga ay hindi ko maingtindihan ang sarili ko, halatang pinagtutulukan ko siya kay Arianne? Kaynee, ikaw na, ikaw na ang baliw.
“Sabagay may point ka. It doesn’t really matter kung bagay kayo o hindi.”
“Hi Troy!” bati ng isang babaeng napadaan sa gilid ng mesa namin, naka uniform ito ng Tourism. Tulad ni Arianne, sexy ito at matangkad. “Hindi ka na nagte text ah.” anito na para bang walang kasama si Troy. Tama bang landiin siya, sa harap ko? Woah!
“Ah pasensya ka na, wala akong load eh. Hayaan mo, sa Sabado maglo load ako.”
“Sabi mo yan ah, aasahan ko yan. Walang tulugan na naman ito.” Yuck, eww! Kadiri itong babae na ito ah, wala man lang delikadesa. At si Troy naman, sinasakyan lang ang kausap niya. Hay naku buti na lang at tapos na akong kumain. Makatayo na nga.
“Uy Troy, sige ha. Mauna na ako, may klase pa kasi ako.” pagpapaalam ko, tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko. “Salamat ulit sa libreng lunch.” Natahimik ang kausap niyang babae at napatitig sa akin, pero tumalikod lang ako at sabay irap sa kanya. Hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko na ang boses ni Troy.
“Kaynee, sandali! Sabay na ako sayo!”

Catherine

“Hello Jaye?” kinakabahan kong bati nang sa wakas ay sinagot din niya ang kanyang telepono. Hanggang ngayon ay nagdadalawang isip pa rin ako kung dapat ko ba siyang kausapin, hindi ko alam kung nagiilusyon ba ako, o talagang ayaw niya lang akong kausapin kanina habang nasa school kami.
“O Cath?” aniya na para bang nabigla sa pagtawag ko. “Napatawag ka?” Nagkaroon ako ng lakas ng loob para komprontahin siya, hindi ko na ito kayang patagalin pa.
“Jaye, we need to talk.”
“Ha? Tungkol saan?”
“Jaye, pwede ba, wag ka namang manhid this time. It’s about us, alam kong alam mo yan.” sabi ko, nagsisimula ng tumaas ang alta presyon ko. I just can’t believe him, tungkol saan? Hindi ba masyadong halata na kanina niya pa ako iniiwasan? “MInsan hindi talaga kita maintindihan, o rather ang hirap mong intindihin. Alam kong ako ang una mong girlfriend, nahihirapan kang mag adjust dahil sa pagiging presidente ng student council, pero hindi mo ba alam, nahihirapan na ako sa ugali mo. Ano ba ang problema mo? I’m doing everything pero hindi mo man lang ma consider. What’s the matter with you?”
“Cath, kasi-”
“Ano?”
“Uhm I’m sorry, pero napag isip isip ko siguro na mas maganda kung-”
“Ano? A- anong sabi mo? Anong napagisip isip mo?”
“Maging magkaibigan na lang sana tayo.” Hindi ako agad nakapagsalita, nararamdaman kong sumisikip ang dibdib ko. “Napapansin mo naman di ba? Hindi maganda ang kinakalabasan ng relasyon natin.”
“Anong hindi maganda ang kinakalabasan? Ang sabihin mo, ikaw itong may pagkukulang! Akala ko ba sabi mo dati, walang susuko? Pumayag ako sa sinabi mong maging mag secret on tayo, pumayag ako di ba? Dahil ayokong masira yang career mo!” nararamdaman ko ang pag daloy ng luha mula sa mga mata ko.
“Catherine, sorry. Pero na realize ko na we’re not meant to be. Ang dami nating differences. Parang isang malaking pagkakamali ang maging tayo. Hindi kita kayang kasamahan-”
“Hindi mo na ba ako mahal?” tanong ko ng malumanay, pinipilit itago ang pagiyak ko sa kabilang linya.
“I care for you, but love? I don’t think so.”
“Okay.” parang itak na tinaga ang dibdib ko ng mga katagang iyon. Para bang puso muna ang natamaan bago nag register sa utak.
“We can be friends, tulad ng dati.” bawi niya na para bang walang nangyari, na para bang hindi ko siya naging boyfriend sa loob ng dalawang buwan, para bang ganoon na lang kadali kalimutan ang lahat. Hindi talaga ako makapaniwala.

“Hello? Kaydee?”
“Catherine? Ako nga! Anong problema? Umiiyak ka ba?”
“Wala na kabeh!”
“Ano? Kayo ni Jaye?”
“Nagapak beyk na shaahh!”
“Anong-”
“Di dya na daw ako bahal! Brends na lang daw kabe!” (Hagulhol)

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn