Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Thursday, 11 August 2011

Best Friends and Boyfriends Series 1: Man Haters (Chapter Three)


Alyssa

Robin: Sowee talaga kanina ah! Nadala lang tlga aq dhil sa pagm2hal q sau…
Aly: Aus lng. Nbgla lang nman tlga aq =C sa su2nod kc magp2alam k, panu kng nalunod ako dhil di aq nakahinga eh di nilalamayan na ako ngayun?
Robin: Kya nga sowee na db? Yaan mu nxt tym magppapaalam na ako kng iki-kiss kita ul8.
Aly: Ok, mbuti nman. Cge m22log n aq, gud nite nah!
Robin: Cge phinga k ng mbuti ah! Gud nite, wit dreams! Luv u 4ever! Mwahhh! Take cre always! =X PS: Namiss na kta.
Napatitig ako sa kisame. May tama nga talaga sa akin si Robin. Masaya na dapat ako kaso bakit ganito?  Pakirandam ko hindi ako buo. Para bang may kulang. Ang nararandaman ko sa kanya ay hindi pagmamahal. Unfair ako sa kanya at masama ito. Hindi ako nagiging tapat sa kanya.
<Message received>
Carla: Hi Aly, gcng kpb?
Aly: Gud pm Carla! OO, gcng pa aq.
Carla: Iniicp mo pb si Michael
Aly: Hmm, bat mo nman natanong?
Carla: Sana lng kc sinus nod m yung advice ko sau db?
Aly: Anung bal8a kay Michael?
Carla: Aly, sabi ko 4get him na db? D mo prin ba sya nafo-forget? Hindi sya ang nara2pat sayu..
Aly: Bkit Carla? May cnb na naman ba si Paul sayu?

Matagal bago nakapagreply uli si Carla.  Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Pakirandam ko, may masamang balita na naman siya dahil sa huling text niya sa akin. Si Paul ang boyfriend niya na nagaaral din sa pinapasukan ni Michael. Close friends kaming apat dati, noong high school. Pero sa di malamang dahilan, bigla na lang nagiba si Michael. Hindi na rin sila masyadong nagkakasama ni Paul at Michael. Best friend niya dati si Paul. Iba na daw ang kabarkada nito. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko buksan ang sumunod na message ni Carla.
Carla: Wag kng mabi2gla ha…
Pagkabasa ko ng message, agad na tumunog ang cellphone ko. Si Carla. “Hello Carla.”
“Aly, naisip ko kasi na dapat marinig mo to mismo sa akin eh ng personal basta wag lang sa text.”
“Ano ba iyon Carla? Sabihin mo na.” Kilala ko si Carla, hangga’t maaari hindi siya gagamit ng tawag. So ibig sabihin, seryosong bagay talaga ‘to. “Binibitin mo naman ako eh.” notation kong dagdag.
“Si Michael, nakakulong..”
“Ano?!!”
“Oo, nakakulong kasi siya ngayon, nahulihan kasi siya ng marijuana.” Di ako nakapagsalita. Pakirandam ko nanghihina ako. “Kalat na kalat sa buong university nila na isa siyang addict. Hinuli siya kaninag umaga, nakita kasi ng guard sa bag niya. Lumunok ako.
“Saan siya nakakulong?” tanong ko gamit ang natitira ko pang lakas.

Kaynee

“There are times when I just want to look at your face…”

Unti- unti kong dinilat ang mga mata ko, tiningnan ko ang orasan. Alas- nuwebe pa lang, nabulabog na ako sa ingay ng kapatid kong si Anne. “You were just a dream that I once knew…”, pakanta- kanta siyang nagsusuklay sa harap ng salamin.
“Anak naman ng tinapay Anne, o! Tumahimik ka nga! Kita mong may natutulog eh.”
“Ate naman! Di mo ba nakikita? I’m inlove!” pandidilat niya sa akin. “Palibasa wala kang lovelife! Ayoko ngang tumandang dalaga tulad nina Tita.”
“Ikaw naman ang bata-bata mo pa, kumekerengkeng ka na! Mahiya ka nga!”
“Excuse me Ate, thirteen years old na ako no. At iba na ang generation naming ngayon. Ikaw din Ate, mapagiiwanan ka na ng panahon. Kamusta ka naman no? Masyado ka kasing pihikan.”
“Umalis ka nga sa paningin ko kung ayaw mong masubunutan. Binabalaan kita!”
“Ate naman! Peace na tayo! Kaya nagkakaroon ng gyera-”
“Umalis ka na!”

Nakakaasar talaga! Linggong- linggo eh pinapainit masyado ang ulo ko. Naku naman! Grrr! Ano naman kung wala ako lovelife? Aber? Eh sa Walang matinong sa mundong ito eh. Actually, nasubukan ko nang mag boyfriend dati dahil sa pagpupursige nina Catherine at Alyssa. Una sa text text lang, yung text mate ba? Ung panay kasinungalingan. Yung mga tipong nagsasabi na kamukha nila si Piolo Pascual pero mukhang puwet naman pala pag nakikipag eyeball. Buti nga hindi ko inamin na Kaynee ang pangalan ko.
May isang bese naman na ipinakilala ako ni Alyssa sa isang drummer boy. Hmm.. Gwapo naman as in. Di nagtagal, naging kami naman dahil sabik nga ako magka-boyfriend di ba? Sweet naman siya kapag nagde-date kami. Umabot pa kami ng dalawang linggo hanggang sa malaman ko ang tunay na ugali niya. Isang beses kasi ininvite niya ako sa isang gig niya. Anak naman ng drum o! Puro babae ang sumalubong sa kanya. Iniwan niya ako sa table na puro babaeng nag kaka-crush sa kanya ang nakaupo. Halos maluha-luha naman ako dahil deadma lang nila ako. Dalawang oras natuyo ang laway ko, at eto pa nakalimutan ko ang aking cellphone kaya di ko man lang Malawian sina Aly or si Cath. Akala ko nga di na siya babalik eh pero matapos tubuan ng ugat ang mga puwet ko ay binalikan niya pa naman ako. (Ibig sabihin, mahal pa din naman ako ng Diyos di ba?) At tinanong niya pa ako kung nag enjoy ako, sabi ko “Oo grabe, gusto ko na nga makipag break sayo eh! Good bye!” yun lang at nag walk out na ako, na sana kanina ko pa ginawa. At yun na ang huli naming pagkikita.

So far, dun na nagtatapos ang lovelife ko. Naisip ko, papatulan ko ba talaga ang pagiging matandang dalaga?  Bakit wala akong makitang matinong lalake sa mundo, yung magkakagusto sa akin, yung mabait, gwapo, tapat at may  pera naman para naman di kami magutom kung sakaling magkatuluyan kami. Lord, bakit po? Wala naman akong balat sa pwet ah. I have checked before, wala talaga.

Catherine

“O ano, saan ka na pupunta?” tanong ko kay Wayne, katatapos lang ng misa at 11:00 pa lang.
“Gusto mo pumunta sa mall?”
“Sa Southmall?” tumango siya.
“Ayos lang, wala naman akong gagawin eh. Tsaka maggro grocery naman talaga ako.” sabi ko.
“Okay, tara na!” buong sigla niyang yaya. Pumara kami ng jeep at agad na sumakay. Matangkadi si Wayne, may hitsura naman siya, pero wala pa ring nagiging girlfriend hanggang ngayon, he’s kinda lean pero hindi ganoon ka muscular, wala gaanong exercise dahil panay sa computer games. Sabi nga ng iba, kung height ang nagbabasaan, bagay daw kami pero hindi ko pinatulan dahil kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. At isa pa, iyon lang din ang turing niya sa akin. Sa mga oras na ito ay nagkukuwento na naman siya, ewan ko ba pero siya rin ang tipo ng tao na hindi nauubusan ng kuwento. Nakakatawa, nakakatakot at kahit na anong nakakaantok. Tumungo kami agad sa super market at kahit nag gro grocery at nagkukuwentuhan pa rin kami.
“Ano pa bang kulang?” tanong ko sa sarili habang chine check ang listahan ng mga bilihin. “Okay na ang mga gulay, pineapple chunks, may chicken na rin, pork chop, beef, noodles, uhm… okay na!”
“Doon na tayo sa cashier.”
“Tara!”
“Saan mo pala gusto kumain?”
“Greenwich?”
“Sure, ililibre kita!”
“Nyak, wag na, total sinamahan mo naman ako mag grocery. Ako na ang manlilibre.”
“Ano ka ba, ako itong lalake eh. Sige na!”
“Wayne ako na.”
“Isa.”
“Dalawa.”
“Ako na nga eh!”
“Okay fine!” pagsangayon ko. “Mapilit ka eh.” sabay kindat ng pabiro na siyang kinatawa niya.
“Ang kulit mo talaga!” at humalakhak na naman siya na parang amuse na amuse sa akin. Para lang naman. Baka hindi, at baka feeling ko lang.



“Kayo na ba ni Jaye?” tanong sa akin ni Wayne, tulad ng dati ay nagkukuwentuhan na naman kami sa may garden, under the moon. Sa wakas ay natanong niya rin ang tanong na ayaw na ayaw kong sagutin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot. Tumango ako.
“Oo kami na nga.” malungkot kong saad. “It was actually a secret, secret on kami.”
“Kailan pa?” Nakita ko sa mga mata niya ang pagkadismaya na para bang gusto kong bawiin ang sinabi ko. Pero naisip ko rin na I have to be honest with him.
“Two months pa lang Wayne, gusto ko ngang maging honest sayo pero ewan ko, hindi ko rin masabi. Sina Kaye At Aly lang ang nakakaalam.”
“Okay lang yun, wag mo na isipin.”
“Sorry ha, kung nag sikreto ako sayo.” dagdag ko pa na para bang kulang pa ang expansion ko. “Ayaw niya eh.” ang tangi kong nirason. Suddenly I feel so bad. Matagal bago siya umimik. I’ve realized, hindi ko na pwedeng bawiin ang sinabi ko.
“Alam mo ikwento mo na lang yan okay?” Napangiti ako at sinimulan ang pagkukuwento ng love story namin ni Jaye. Thank God, okay sa kanya.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn