Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Wednesday, 10 August 2011

Best Friends and Boyfriends Series 1: Man Haters (Chapter Two)

09:13 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments

Alyssa

Dear Alyssa,
Happy Anniversary! Ito ang unang love letter na isusulat ko sa buong buhay ko kaya sorry kung medyo di siya ganoon kaayos. Wag kang magalala, galing naman sa puso ko lahat ng isusulat ko. Aly, umabot tayo ng isang taon at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na umabot tayo sa ganito. Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na ako ang napili mong boyfriend. Napakaswerte ko sayo. Gusto ko sanang malaman mo na mahal na mahal kita at di na magbabago yun…

Napaluha ako, ilang beses ko nang nabasa ang anniversary letter na binigay ni Michael pero di pa rin ako nagsasawa. Napakalalim ng aming pagmamahalan noon at laking panghihinayang ko ng mag break kami dahil sa walang kwentang dahilan: lack of communication. Umabot ng ilang buwan ang communication naming.
Isang exclusive na university ang pinapasukan niya. Pang mayayaman at sosyal. May nag balita sa akin na may girlfriend na si Michael. Syempre iniyakan ko ang bagay na iyon kahit walang ebidensya. Napagpasyahan kong puntahan siya sa bahay niya. Pero di ko na nakayanan ang sumunod na eksena. Nang sumilip ako mula sa gate nila ay may nakita akong babae, maikli ang buhok niya at may suot na maikling horts at make-up. Napatigil ako. Tumalikod at umalis na. Hindi ko na nakayanan. Na-shock ako. Hindi makapaniwala. Maya-maya lang, naguunahan ng pumatak ang mga luha ko. Mabigat na mabigat ang dibdib ko-
‘Alyssa, nagawa mo na yung- anak, umiiyak ka ba?” umiling ako kahit alam kong halata naman na umiiyak ako. Tinupi ko agad ang sulat at itinago sa ilalim ng aking unan. “Alyssa, you’re crying again.”
“Sorry, Ma. Ano uli yung inuutos niyo?” Ngumiti si Mama.
“Si Michael na naman no.” Muli, bumigat ang mga mata ko at saka tumulo ang mga luha. Hinagod naman ni Mama ang liked ko. “Tsk, it’s okay. Parte talaga ng buhay ang magmahal at masaktan. You’ve been in love, natural lang iyon.” May lungkot sa boses ni Mama habang sin Asabi ang mga iyon.
“M-Ma?”
“Kung may mahal ka, di mo na dapat pinakawalan.”
“Pero Ma, huli na ang lahat.. Ilang buwan na ang nakakaraannakalimuta na niya ako.”
“Then, move on. Naniniwala akong magmamahal ka ulit. No need to rush.” Tumango ako at ngumiti. “Di madali pero saying ang beauty mo.”
“Oo nga ano?” sagot ko sabay singa. “T-tama! Ba’t ba ako nagpapakalosyang? Hmp!”
“Ayan, tama yan anak.” ani Mama. “O siya, gawin mo na yung inuutos ko, maglaba ka na.”
“Okay.” ^__^

Kaynee

“O ba’t ang hahaba na naman ng mga nguso niyo?” tanong ko kina Alyssa at Catherine. Sabay kaming nag lunch ng araw na iyon. Sa ngayon, minsan na lang kami magkasabay sa paglu-lunch. Si Catherine kasi ay busy sa sa student council, si Alyssa sa pagaaral at ako naman ay busy sa kaka-training dahil malapit na ang lakad namin. Nakapangumbaba silang dalawa. Hindi sila nakasagot. Bumuntong hininga ako. “Love life na naman ba?” Nagkatinginan sina Alyssa at Catherine at sabay na tumango.
“Hang over pa rin ako kay Michael eh.” maikli at malungkot na sagot ni Alyssa.
“Si Jaye, palagi na lang busy.” mas maikling sagot ni Catherine.
“May narining na naman akong balita tungkol kay Michael, may bago na naman siyang girld=friend. And this time, hacienda daw yung babae. Yung tipong Rosalinda yung hitsura. Mangiyak- ngiyak na salaysay ni Trisha. “Bakit ba hindi ko pa rin siya makalimutan? Kagabi lang napanaginipan ko siya, papalayo na daw siya sa akin at hinahabol ko daw siya. Anong gagawin ko? Isa lang akong hamak na taga siyudad or should I say probinsyana? Arghhh!”
“Ako naman, feeling ko di na ako mahal ni Jaye.” simula naman ni Cath. “Di na niya ako tinatawagan o kahit text man lang.  Kahapon nga nagkita na naman kami at pormal pa siya makipagusap sa akin. Nakakaininis! Alam kong secret lang yung relationship namin pero…”
“Teka, teka, isa isa lang. Ikaw Cath, ba’t di mo siya kausapin di ba? Yung mainlining ba, yung seryoso. Kasi kung talagang mahal ka niya, di ka niya gaganyanin. Di ka niya totorturin ng ganyan. Yung deadma lang!” Kilala ko si Jaye, may pagka-immature pa kasi ang tanong iyon. Hindi siya showy kay Cathe at secret on lang sila dahil nga president ng student council si Jaye, baka makaapekto kuno. Pero unfair pa din yun kay Cath di ba? Si Cath kasi first gf nun eh, pero mukhang si cath pa ata ang nanligaw.
“Oo nga girl, mas nakakaasar ang sitwasyon mo. “ ani Aly. “Kayo nga pero parang di kayo.” Tumango si Cath.
“Sige, kakausapin ko siya as soon as possible.” aniya sabay lagok sa ice tea na iniinom niya. “Kailangan ko ng gumawa ng aksyon.”
“Makinig kayo, di dapat tayo magpaailipin sa mga leaking walang lwenta.” Matigas kong sabi. Naaawa na rin ako sa dalawa kong friend na ito eh. Maganda naman sila at matalino, play girls sila dati (imagine?!!) pero kung sino pa yung mga lalakeng wala namang say ,  yun pa ang nagpapalungkot sa kanila.
“Oo nga eh, super nalolosyang na nga me eh sa kaiisip kung anong klaseng babae ang sunod na ide-date ni Miheal!” Sabi ni Aly sabay iwas ng tingin. Ilang sandaling katahimikan nang biglang nasalita uli si Alyssa.  “Hey, gusto niyo sumama sa akin bukas? Tutal, sabado naman bukas eh.”
“Saan naman?” tanong ni Cath.
“Sa Cavite city, puntahan natin si Robin.”
“At ano naman ang drama ng Robin na yan? At teka sino ba sya? Tanong ni Cath.
“Si Robin yung nanliligaw sa kanya two weeks ago palang Cath. Isa sa mga naka-eyeball niya ba. Teka kayo na ba nun?”
“Well, actually…” Hanep talaga ‘tong si Alyssa.
“Kala ko ba may hangover ka pa kay Michael?”
“Naisip ko lang kasi baka eto na ang chance na mabuksan uli ‘tong heart ko at maging Masaya ako muli.” Teka, feel ko narinig ko na yun dati.
“O siya game ako dyan!”, sagot ni Cath. “Para naman makapagpahinga muna ako sa love life ko with Jaye.! Di ba may beach doon? Swimming tayo! Summer na din eh.”
“Yeah, right. Sama na din ako!” sagot ko naman.

Catherine

Maaga pa lang, guising na ako at nag impake ng mga susuutin ko para sa beach session naming nina Alyssa at Kaynee. Excited na ako dahil matagal na din akong hindi nakakaligo sa beach. Siguradong mage-enjoy ako/ ayoko mang I-mention, pero kasi tumawag ako kina Jaye para sana magpaalam kaso natutulog na daw siya. Haay.. As if he cared naman no. Well at  least, I’ve tried.
Nagkiita-kita kami sa favorite mall naming. Halos terno pa kami ni Kaynee ng damit dahil paerho kami ng taste pagdating sa fashion. Si Alyssa naman, may shades like us. Medyo conservative kasi siya pagdating sa damit kaya may manggas talaga ang upper shirt niya. Masaya kaming bumiyahae papunta sa Cavite city. May pagka-malayo yun kaya road trp talaga. (Weel, pero speaking if pollution, pollution talaga). “Bakit naman kasi ang layo ng bahay ng boyfriend mo no?” tanong ni Kaynee. Init na init na kasi siya tulad ko.
“Wait lang kayo, malapit na. Doon sila sa kuta ng mga sundalo nakatira eh. Maganda dun, promise! Di kayo magsisisi sa pagsama sa akin.”
“Okay!” sabay na sagot namin ni Kaynee. Maya-maya lang, nasa Cavite city na kami. Hindi talaga siya mukhang city eh pero kakaiba talaga yung ambience niya. Ang friendly ng surroundings. Halos lahat ng tao, Moreno! Astig, ever!
Nang bumaba kami sa jeep ay sinalubong na agad kami ni Robin. Moreno din siya and in fairness, may hitsura. “Ano kumain na ba kayo?” tanong niya.
“Actually, hindi pa.” sagot ko. May Sinai siya kay Aly na pabulong at mukhang taimtim sila nagusap. Ilang sandali lang, binulong sa amin ni Alyssa na:
“Wala daw siyang budget ngayon, umalis daw ang Papa niya. Hindi naman talaga siya nakaka-dismaya eh pero sana di na lang siya nagtanong dahil may pambili naman kami ng sarili naming pagkain.
“Don’t worry, may budget naman kami for our own food.” ani Kaynee na mukhang nairita na din. Dumiretso muna kamu sa may carinderia. Take note, mukhang wala kaming natatanaw na  restaurant o fast food man lang. Di bale, masarap naman ang mga tapsilog nina Manag. Magkatabi sina Alyssa at si robin at kami naman ang magkatabi ni Kaynee. At magkahawak sila ng kamay.
“Beh, ang ganda ng view no?” sabi ni Alyssa. Alyssa talaga, di cascading corny eh no.
“Oo nga eh, kasing ganda mo.” tugon naman ni Robin na naging dahilan na muntik ang pagkabulunan naming dalawa ni Kaynee. Buti na lang may baso ng tubig sa harap namin.
“Excuse me..” nasambit naming dalawa ni Kaynee. Per in fairness, alam mo nakakainggit sila ha. Kelan ba huking hinawakan ni Jaye ang mga kamay ko? Sa totoo lang, sweet siya sa akin nung first month namin. Nag organize pa nga siya ng kaka bang treat for me eh nung monthsary namin. Naaalala ko pa nung binigyan niya ako ng good night kiss at nung oras na hinawakan niya ang mga kamyay ko nang dumaan kami sa lugar na maraming aso.
“O mukhang tahimik ka ata?” tanong ni Kaynee.  “Akala ko ba ang usapan ay di mo iisipin si Jaye ngayon?” Oo nga pala no, di ko siya dapat na iniisip. Dapat pigilin ko ang sarili ko. Nandito ako para mag enjoy at hindi para alalahanin ang good old days na last month lang naman nangyari.
“Okay, tara! Swimming na tayo.” sabi ko habang pinipigil ang pagluha.
“Sandali, di pa ako tapos kumain ni! At saka, magpalit muna tayo!” saad naman ni Kaynee.


Alyssa

Agad na sumulong sina Kaynee at Cath sa tubig. Unay ngang maganda ang scenery. Asul ang dagat at kahit kulay puti ang buhangin, at lahat ng tao ay nage- enjoy. “Tara, ligo na tayo!” yaya ni Robin.
“Tara.” At lumusong na din kami sa beach.
“Alyssa,” tawag ni Kaynee. “Kita tayong tatlo sa ilalim ng tubig.” aniya. Hindi naman talaga ako marunong lumangoy pero sa tingin ko Masaya ‘to.
“Tara!” sgaot ko. Ilang saglit lang, nagkita-kita nga kami sa ilalim ng tubig. Naghawak kami ng kamay at saka umikot. Nagkauntugan pa kami ni Catherine dahil nakapikit siya. “Ba’t ka ba nakapikit?” tanong ko nang ilitaw na namin ang mga mukha namin mula sa tubig.
“ang hapdi kaya sa mata.” natatawa niyang sagot dahil hindi lang mata ang masakit sa kanya. Tumama kasi ang noo niya sa matigas kong mukha. Nakitawa na din kami ni Kaynee.
“Ulitin natin, last na ‘to.” yaya ni Kaynee. “Please Cath, wag mo ipikit ang mata mo.”
“Okay, fine!” Ginawa uli namin ang routine at na-perfect na din namin. Kaya nga lang pulang- pula ang mga mata ni Cath. “Ang sakit!:
“Wag mo kayang kamutin.: saway naman ni Kaynee. Etto ang mga pangyayaring gusting- gusto ko talaga. Di na baleng walang boyfriend, meron naman akong mga bebst friends.
“Beh, tara dito ka naman.” tawag sa akin ni Robin. Lumangoy ako patungo sa kanya. “Pahabaan tayo ng paghinga sa ilalim ng tubig.”
“Okay.” sagot ko na kinakabahan dahil naka-shorts lang siya at masyado niyang nilalapit ang katawan niya sa akin.
“Sige, one, two three…” sabay kaming sumisid sa ilalim ng tubig. Umabot ng ilang Segundo ang passed namin nang bigla kong narandaman na papalapit siya sa akin. OMG! Hahalikan niya ako! Papalapit siya ng papalapit. Umahon akong bigla dahil di ko malaman ang gagawin ko. Lumitaw na din bigla ang mukha niya. “O talo ka na!” natatawa niyang sabi. Gusto ko man siyang sampalin ay pinigil ko ang sarili ko. Nakakaasar!
Madaya ka eh! Hahalikan mo pa ako?”
“Eh bakit, boyfriend mo naman ako ah.”
“K-kahit na!” nasambit ko. “Di mo dapat ginawa yun.”
“Alright, di ko naman alam na ayaw mo eh.” Di na ako nakapagsalita.

Kaynee

“O ba’t umahon ka naman agad?” tanong ko kay Cath. Dumiretso na siya sa pampang matapos ang isang oras na pagbababad.
“Tama na, mane-neg neg na ako niyan eh. Pagagalitan ako ni Mama pag nakita niyang ganito ang balat ko. “ sabi niya sabay upo sa may lilim. “Gawa tayo ng sand castle.” yaya niya pa.
“Eto, magpahid ka mu na ng lotion UV 90 yan ha! Para di ka maneg neg.”
“Thanks.” aniya.
“Kelan ka ba pupunta ng Hong Kong?” malungkot kong tanong. Ang ibig sabihin kasi nun ay ilang lingo kaming di magician.
“Pagkatapos ng sem na ‘to.” sagot niya. “nakakainis dahil siguradong puro intsik ang makikita ko dun.”
“Ayos lang yan!” masigla kong sabi. “Pasalubungan mo na lang ako ng make-up at damit! Tsaka ng fafa na rin!”
“Ay oo nga maraming pogi dun ano?” aniya. “Sa tingin mo gusto nila ng morena?”
“Oo yan, maganda ata kutis nating mga pilipina.”
“Oo nga pala no, sa tingin mo ano kaya ipapasalubong ko kay Jaye?” Di ako nakasagot. Si Jaye pa rin pala ang iniisip niya. Tsk! Tsk! “Wallet? T-shirt? Keychain? Eh meron na siyang key chain eh.”
“Cath, mahal mo ba talaga si Jaye?” tanong ko dahil kahit ako naiinis na dahil masyado na siyang nagpapakababa para kay Jaye. Si Catherine nga pala ay isang play girl dati at ni minsan ay di bumaba sa dalawa ang boyfriend niya. Pero bakit ganun? Nang naging boyfriend niya si Jaye ay biglang nagiba ang ihip ng hangin. Naging stick to one na siya at sa lalake pang napaka-immature. Tumango siya sa tanong ko. Hay, lalake, lalake, lalake. Nakakaasar na ‘to ha! Problema ng dalawang best friend ko ay lalake. Sana ako na din para damayan kami. Kaya lang wala naman akong nakikitang karapat dapat na lalake eh. Lahat sila ay puro sakit ng ulo.
“Ikaw ba Kaye, wala ka pa ring nahahanap na right guy for you?” Ano ba naming klaseng tanong yan Cath? Naririnig mo ba ang pamumu-muni muni ko? Shocks! Sa totoo lang, may naging boyfriend na ako pero lahat naman sila ay di umabot ng dalawang linggo man lang. “Perfectionist ka kasi Kaynee eh. Sige ka ikaw din, baka maubusan ka ng boylet sa mundong ito. Mahirap na.”
“Hay naku, kung uugok ugok ba naman ang boyfriend ko no, never mind na lang. Magtatandang dalaga na lang ako.”
“Siya, sige tularan mo ang mga tita mo.”

Catherine

Nakakapagod! Feel na feel ko pa rin ang pag agos ng tubig sa mga paa ko. Kahit papaano ay nakapag relax naman ako. Pero sa wakas, ay nakauwi na din ako. “Kumain ka na ba Catherine?” tanong ni Manag Josie, ang kasambahay na nagaalaga sa amin ni Jeniffer habang wala sina Mama.
“Oo tapos na. May tumawag ba sa akin?” tanong ko,
“Oo si Jaye tsaka si Wayne.”
“Si Jaye, tumawag?” lumundag ang puso ko nang narinig ko ang pangalan ni Jaye dahil di talaga ako makapaniwala.
“A-anong Sinai niya? Nauutal kong tanong. “Matagal ba kayong nagusap?”
“Hindi naman, nang sinabi kong wala ka ay binaba niya din agad.” sabi ni Jen.
“Matapos kong magbihis ay kinuha ko agad ang phone at nag dial.Excited na excited akong mag kuwento kay jaye. Hindi naman kasi ako nakapagpaalam sa kanya tungkol sa outing naming tatlo. “Hello Jaye?”
“O Catherine!” buong sigla niyang sagot, “Saan ka ba galing? Tumawag ako dyan sa inyo kanina ah.”
“Nag outing ako with Kaynee and Alyssa. Pumunta kami sa Cavite city!” excited kong kwento at sinalaysay ko nga ang mga pangyayari. At hindi tulad sa inaasahan ko, nakikinig siya.
“Uhm, bat di mo sinabi sa akin, nakasama sana ako.”
“I’ve tried to call you pero nga di ba tulog ka daw. And besides it’s a girl’s day out. Medyo tanned na ga pala ako.”
“Wow, eh di Masaya naman?”
“Yah, very happy pero sana nakasama ka.”” sagot ko/
“Oo nga pala, hiragana ka ni Wayne sa akin kahapon, nakalimutan ko lang sabihin sayo.”
“Ah oo, isang lingo na din kami halos di nagkakausap, busy na kasi eh. Ite- text ko na lang siya mamaya.” agad pumasok  sa isip ko si Wayne. Oo nga pala, di ko nga pala siya nasabihan ng thank you sa bouquet na binigay niya sa akin nung valentines day. Ilang minuto pa kami nagusap ni Jaye at maya-maya lang ay binaba ko na ang telepono.
Matagal ko nang kaibigan si Wayne. Siguro grade school pa lang magkakilala na kami at naging close nung 4th year high school na kami dahil sa ilang circumstances. Nalaman ko kasi na naghiwalay na kasi ang mga parents niya at mula noon, naguusap na kami about sa mga problems naming. Takbuhan na namin ang isn’t isa.
Cath: Hi Wayne! 2mwag k dw d2 ah! Musta kn? Tenx nga pla s mga flowers mo ah, bl8ed hapi velentines na din. ^_^
Wayne: Helow cath, bel8ed hapi valentines din! D kpb n22log?
Cath: ndi p q 2log. Gling kami ngayun sa beach wid kay and aly. Pagod nga eh, musta k nga pla? Tagal din nten d naguusap ah.
Wayne: Uhm, cath may gagawin kb tom?”
Cath: Wla naman.. Y?
Wayne: Cmba tau..
Cath: Sure, wat tym?
Wayne: 9 ng umaga, bukas ok?
Cath: Ukie =D

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn