Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Wednesday, 10 August 2011

Best Friends and Boyfriends Series 1: Man Haters

08:03 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments

Prologue

Alyssa

Haay… nakakapagod ‘tong araw na ‘to! 9:00 na ako nakauwi at as usual sinermunan na naman ako ni Papa. Buti na lang inawat siya ni Mama. Nakakaasar di ba? Duh, mag 18 na naman ako ah! Anyway, galing kani sa triple date  kasama sina Kaynee at Catherine. Ka-date naming ang ka-text mate ko na si Teddy ang tropa niya na sina Marlon at Don. Grabe, big time! Mahigit Php. 1000 ang nagastos niya. Ibig sabihin, galante. At isa pa, di naman talaga importante ang looks di ba? Basta Masaya naman siyang kausap. Sana naman makamove on na ako kasy Michael. Siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

Kaynee

Grabe! Kakapagod! Ano ba nakita ni Alyssa sa Teddy na iyon? Eh, wala atang leeg yun eh. Pati yung mga ka-tropa niya? Si Marlon, pandak, ni di man lang nagsasalita. Si Dan naman ang payat parang saranggola, ka-partner ni Catherine pero tingin ng tingin kay Alyssa. Grr!!! Nakakaasar ‘tong date na ‘to. Kahit yung kinainan naming Japanese food ay nakaksuka. Ano ba talaga nakita ni Alyssa sa leaking iyon? Ano?!! Lord, sagutin mo ako!!!
At eto naming mga Tita ko, pagdating na pagdating ko sa bahay ay pinaghinalaan na akong may ka-date na boyfriend? As if naman no!
P.S. Man hater ako! At para sa akin, walang kwenta ang mga lalake sa mundo, I mean walang matino!

Catherine

Hindi na naman tumawag si Jaye, bakit kaya? Masyado na ba ytalaga siyang nagiging busy sa pagiging president ng student council sa school? Wala na siyang time for me… =c How sad no? Buti na lang nandyan sina Alyssa at Kaynee. Para kasing balewala na ako kay Jaye eh. Magtwo - two months na kami pero sabi niya nahihirapan pa din daw siyang mag adjust sa akin bilang first gf niya. Kaya todo adjust naman ako. Buhay nga naman.
Miss ko na sina Mommy, sana nga umuwi na sila ni Baby aaron dito. Si Jeniffer naman kasi super pasaway. Haay, buti na lang may good friends akong masasandalan. Nagenjoy din naman ako sa triple date naming kanina kahit parang mga bangag ang mga ka-date naming.
P.S. Sarap ng food.


February 14 Wed


Alyssa

Valentines day. Maganda ang panahon. Nagising akong masarap ang pakirandam. Asul ang langit, malamig ang simony ng hangin, nagliliparan ang mga ibon, and everything. “ma, alis na ako ha.’ pagpapalam ko sa akin mahal na ina nag naglilinis ng sala. “Dumaan ka muna sa office ng papa mo bago ka pumasok. Maaga naman kasi siya umalis.”
“Ang aga naman ata.” sabi ko habang sinusuot ang black nahigh heels ko. “Ay, Ma happy velentines pala.” sabay kiss sa aking Inay.
“Happy Valentines din anak.”
Hmmm.. Ano kaya ang pwedeng gawin? Para kasing may kulang eh. Hindi ko lang talaga maalala. Nasa jeep pa lang ako pero puro magjo-jowa na ang nakikita ko. Holding hands pa nga sila eh. At eto pa si manong driver? Puro love songs ang pinapatugtog. I feel so alone na tuloy. Kumpara sa mga kasakayan ko, isa lang akong asurot. Nakikita ko sa mga mata nila ang saya. Para bang wala nang bukas. Para bang wala ng ibang tao sa paligid. Nakakainggit tuloy. Buti na lang, di gaanong malayo ang university na pinapasukan ko. Ilang minuto lang at nakababa na ako. Pero mukhang nanadya ang tadhana. Pagkababa ko ba naman ng jeep ay nakita ko ang ex ko na si Gene. At may kasama siyang babae. Grabe siya ha! Sa pagkakatanda ko eh kaka break lang naming at may kapalit na ako agad?!! Nursing student din ata like him. At masayang Masaya sila.
Feeling ko hihimatayin ata ako. Paano nangyari yun? Kakabreak ko lang sa kanya ah. Akala ko ba hihintayin niya ako? Hihintayin niya ako hanggang sa makag truly move on na ako kay Michael. Sinungaling siya! Napaka-unfair niya. Hmp! Sabagay, di ko naman talaga siya gusto. Sinagot ko lang naman siya para sa katakana ko. Akala ko kasi makakapag move on na ako pag nandyan siya. Pero buti na lang nakipag break na ako sa kanya. Isa pala siyang saleswoman.
Bi gla ko naming naalala si Michael. One and one half year din naman naging kami no. Ibig sabihin siya ang first love ko Marami na din naman kaming napagdaanan. High school pa lang kami na. At dahil kay Papa kaya naging mahirap ang lahat. Madalas niya kasing paginitan si Michael eh, halos kumuha ng itak si Papa para lang Meghalaya kami. Hanggang sa dumating ang panahon na nagrebelde ako. Tinanan ako ni Michael. Yun yung mga memories na ni minsan hindi ko ni-regret.
Naaalala ko pa nga nung naglalaba ako ng mga damit ko sa bahay nila. Magisa lang ako nang hapon na iyon, malalim ang iniisip. Kusot dito, kusot doon, Tapos ay banlaw, Nang bigla ba naming may tumakip sa mata ko. “Guess who?” tanong pa niya. So, kunyari, nag sip ako. Kahit alam kong si Michael yun.
“Uhm, Michael?” Tinanggal niya ang mga kamay niya sa mata ko at sinalubong ako ng yakap at halik sa pisngi.
“Ay nahulaan.”
“Obvious kaya.” tugon ko ng Nakatawa. Tuluyan na kaming nag harutan hanggang sa makuha ko ang hose ang nangbuhusan na kami ng tubig. Slow motion paramg telenovela lang.

Ngayon alam ko na kung ano ang nawawala sa buhay ko ngayon: love of my life.


Kaynee

“Alyssa, okey ka lang?” napansin kong parang wala sa sarili si Alyssa.Naglalakad siya na parang nakatingin sa kawalan. Tumitig siya sa akin na parang isang bangkay. “Ano ba ang nayayari  sayo?” tanong ko nang bigla siyang humagulhol. Nasa lobby na kami at nakapalibot na sa amin ang mga booths: wedding booth, kissing booth at mga booth na nagbebenta ng mga roses at chocolates. Dahan-dahan niyang inangat ang mukha niya mula sa balikat ko. Namumula na sa ngayon ang ilong niya.
“Napansin mo ba ang mga tao sa paligid natin?”, tumango ako. “Feeling ko out of place ako .” At muli humagolhol siya.alam ko na love story niya, sad ending dahil last week lang nabalitaan niya na sobra daw mambabae si  Michael.kaliwa’t kanan,malaki na daw ang pinagbago nito mula na nag break sila ni Alyssa,
Hinagod ko ang liked ni Alyssa,”Tama na, ayos lang yan,hindi ka naman nagiisa dalawa tayo ni diba ? Remember? Ano ka ba?”
“Pero nahihirapan na masyado ang kalooban ko mahal na mahal ko si Michael! Sana hindi ko na nalang siya pinakawalan ”
“Shhh!! Tama na, tama na.Michael don’t deserve you. Maganda at matalino ka. At isa pa kung talagang mahal ka niya hindi ka niya gaganyanin. Tsaka, ang cheap naman! Anong sabi sayo? Kung sino-sinong babae ang dine-date niya? Grabe siya ha! Dapat lang talaga na brineak mo siya. For sure, wala siyang kwenta. Not worth fighting ba. Darating din ang leaking para sayo. Mas gwapo, mas mayaman, at mas mabait.
“Tama ka.” paghihikbi niya. “Hmp! Kakalimutan ko na nga siya.”
At iyon nga ang nangyari, nagliwaliw kami ng buong araw ni Alyssa. Sa totoo lang naaawa talaga ako sa kanya eh. Lecheng mga lalake yan! Sila ang panggulo dito sa planet earth eh. Kaya tuluyang naghihirap ang mga babae dito sa mundong ibabaw ay dahil sa kanila. Pwera lang syempre ang Papa ko. Loyal yun kay Mama eh. Pero yung kuya ko, di na bumaba sa dalawa ang girlfriend. Siguro nga matutulad  na ako sa mga Tita ko, tatandang dalaga. Forever single. HAHA!!! Wala akong iintindihin. Walang sakit ng ulo at wala sasakal. Yahoo! Alam ko na, di ako magaasawa. Oo, tama!
Naglalakad ako papunta sa library nang makasalubong ko si Troy. Ka-varsity player ko sa track and field. Ilang inches ang taas niya sa akin, medyo weird siya dahil di niya ako kinikibo sa tuwing training. HRM student siya at may pagka-rocker. Sa totoo lang, nacu-cutan ako sa kanya. I mean, crush ko siya. “Hi Troy!”, bati ko. Magte-training ka mamaya?” Unti-unti siyang lumingon sa akin at agad na tinanggal ang earphones sa tainga niya.
“Ano ulit?” Suplado niyang tanong.
“Uhm, magte-training ka ba mamaya?” Medyo naiirita kong ulit. Tumango lang siya at agad binalik ang earphones. At dumiretso na siya kung saan man siya dapat pupunta.
Ang yabang niya talaga. Akala niya kung sino siyang gwapo, eh mukha naming… HAY! Ewan! Paano ba ito? Magiging single nalang ba ako forever?

Catherine

Valentines day ang isa sa mga holidsays na pinakahihintay ko sa buong taon. Lagi ko itong sine-celebrate specially. Kaya kahit “at war” kami ni Jaye, inaasahan kong magiging special pa din ang araw na ‘to para sa amin. Kaya lang…
“Ms. Chan, di ako makakapasok sa klase, pwede bang ikaw mag check ng attendance.”
“Catherine, I-follow up mo naman yung mobile na gagamitin mamaya.”
“Favor naman Cath, patulong naman ng gagawin sa Accounting.”
“Di ba ikaw si Catherine? Ipinapautos ng dean…”

Natatanaw ko lang si Jaye na padaan daan dahil tulad ko ay busy din siya. Hindi na rin nakakasama sa pagliliwaliw nina Kaynee at Alyssa dahil puro utos ang mga sinus nod ko. Member kasi ako ng student council at responsibilidad ko din ang tumbling. So this is how my Valentines day would end up? Oh God! Why me?!!
“Cath, nakuha mo na ba yung complete program kay Edwin?” Tanong sa akin nI Jaye, at yun ang unang-una niyang nasabi sa akin ngayong araw na ‘to. Natulala ako. Boyfriend ko ba talaga ang taong ito? Wala man lang romantic bone sa katawan nitong leaking ‘to. Hindi ako makapaniwala. ‘’Catherine, nakuha mo na ba? Ipapasa pa natin ‘yon kay Director.” Napalunok ako.
“O-oo, nakuha ko naat naipasa ko na rin.” Walang emosyon kong sagot.
“Okey, good.” at dumiretso na siya sa labas ng student council office. Napabuntong hininga ako. Ito ba ang leaking minahal ko? Saan ako nagkamali? O baka naman busy lang talaga siya. Sabagay, siya ang president ng student council. Malaki talaga ang rersponsibilidad niya. Pero… Valentines day ngayon ah. Tutal girlfriend niya naman ako, how about consideration? Kamusta naman iyon?

Lumipas din sa wakas ang araw na ito. 8:00 na natapos ang program. Hindi na kasi pumayag ang direktor na tumagal ang disco party. I just feel so exhausted. Umaga pa lang naman kasi ay wala na akong pahinga. Salamat sa Diyos at natapos na din ang paghihirap ko. “Catherine,  halika uwi na tayo.” yaya ni jaye. Ngayon na lang niya ako ulit kina sap mula sa tinanong niya sa akin kanina. Sumangayon na lang ako dahil wala na akong masabi. “Successful ang program, thank God!” aniya.
“Congrats.” sagot ko.
“Ang sarap sa pakirandam, siguradong matutuwa si Mr. Caldo.” Si Mr. Calod ang supervisor ng student council, ang gusting mapahanga palagi ni Jaye. Ngumiti ako ng pilit.
“Oo nga.”
“Nakita mo ba ang banda at sayawan kanina? Sayang nga lang hindi hanggang midnight ang party. Mas Masaya sana.” Buong sigla niyang pagkukuwento na para bang di siya napagod. It strikes me, ito ang buhay ni Jaye. Dito siya Masaya. Ngumiti akong muli at hinagkan ko siya sa pisngi.
“Happy Valentines!” bati ko. Natulala siya. “Napansin ko kasing di mo pa ako binabati, kaya ako na lang siguro muna ang babati.”
“Ganun ba?” ang tanging nasagot niya. Tumango ako. “Catherine, sorry nga pala kung di kita masyadong naaasikaso. Alam mo naman na sobrang busy ako di ba?”
“A-ayos lang yun, importante sa iyo yon, maiintindihan ko.”
“Gusto mo kumain?” yaya niya at agad naman ako pumayag.

9:00 na ako nakauwi, kumain pa kasi ni Jaye sa isang pizza parlor. As in date. But the usual date. Tulad dati, tungkol sa development ng school at pinagusapan para namang di pa fully developed ang school namin. Huhuhu,,, T_T
“Uy, gabi na ah! Nakipag date ka no?” pangaasar ni Jeniffer.
Hay, actually meeting.” sagot ko. “May tumawag ba sa akin?” pagiiba ko ng usapan.
“Walang tumawag, pero may pumunta.”
“Sino?”
“Best friend mo!”
“Si Wayne?”
“Oo, at may binigay na bouquet. Nasa kama mo, sabi ko wala ka pa.” salaysay ni Jeniffer. “Uyyy…”

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn