(9 jan, 2009 12:18 am)

05:54

I was scanning my saved documents when I saw this, it's been a long time since I've made a poem, I can't believe I've the one who wrote this. Well here it goes;


Hindi makatulog, ikaw pa din ang nasa isip
Naaalala mo pa ba lahat ng plano natin,
Mga plano nating lumipad ng mag kasama, 
At abutin ang langit na puno ng bituin.
Naaalala mo din ba nang ako ay umiyak,
At sabi mo magiging maayos din ang lahat,
Umiyak ka din para sa akin at saka ako niyakap,
At saka mo ako bibigyan ng halik na kay sarap.
Lagi mo pinapatawa, at pag tayo ay nakahiga,
Ayoko ng bumangon dahil tayo’y kontento na,
Sana nga tumigil na ang oras na kay bilis,
Habang ako ay nakatingin sa iyong mga mata.


You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

Follow me on Instagram

Subscribe