In
best friends and boyfriend series,
Cindy Wong
Best Friends and Boyfriends Series 1: Man Haters (Chapter Six)
Alyssa
Isang text ang natanggap ko kay Karla pagka gising ko nang umagang iyon, isang text na kailangan kong gawan ng desisyon para sa sarili ko.
Karla: Aly, gud am! J Good news! Laya na si Michael, kahapon lang, okay na ang lahat. Text back!
Aly: Talaga? Salamat naman sa Diyos!
Karla: Di mo ba siya tatawagan o dadalawin man lang?
Aly: Nakapag decide na ako Karla, igi give up ko na ang feelings ko para sa kanya. Ayoko ng umasa…
Karla: Aly, siguradong ka ba? Wala ka na bang feelings sa kanya?
Aly: Siguro nakapag isip isip na rin ako, sure na ako. Willing na akong mag move on, tsaka felings? Masaya na ako dahil pawala na siya, balitaan mo na lang ako tungkol sa kanya, okay?
Karla: Wow, Aly I’m so happy for you. Change topic, mall tayo sometimes.
Aly: Oo ba… J
Sa wakas ay nagising na din ako nang walang hinanakit o kahit ano pa man kay Michael. Ewan ko ba, biglaan na lang nangyari eh. Epekto ba ito ng beer kagabi? Hindi naman siguro. Pero masaya ako, ang sarap sa pakiramdam. Naisip ko lang, kung gusto kong may mag mahal sa akin ng totoo, dapat ko munang mahalin ang sarili ko. Nag unat ako at saka bumangon. Thank God, sa wakas, naka recover na ako.
Kaynee
“Kaye, agahan mo ang uwi mo mamaya ha.” paalala sa akin ni Mama nang paalis na ako papuntang school.
“Bakit Ma, anong meron?” tanong ko habang sinusuot ko ang sapatos ko. “Matagal na tayong hindi nagsho shopping eh, at isa pa next week ay pupunta na naman ako sa Nueve Ecija.” tugon ni Mama.Hinagkan ko muna siya bago ako umalis.
“Okay Ma, sige bye!” pagpapaalam ko. “Uwi ako ng maaga.”
“Hey Cath!” tawag ko kay Catherine na nakaupo sa dulo ng library, ngumiti naman siya sa akin at kumaway. “Kamusta?”
“Shh, ang ingay mo!” bulong sa akin ni Cath nang umupo ako sa tabi niya.
“Anong balita?”
“Ganoon pa rin.” sagot niya. “Kahit anong pagpapapansin kay Jaye ay deadma pa rin ako.”
“Hanga rin ako sayo no? Hindi ka pa rin sumusuko.”
“Malapit na Kaynee. Napapahiya na rin ako sa sarili ko eh.” naaasar niyang tugon.
“Lilipas din yan. Tingnan mo si Alyssa nagmo move on na rin.”
“Hmm, kamusta naman kayo ni Troy huh?”
“Shh, kaibigan niya yung nasa likod.”
“Fine, so ano na nga score niyong dalawa?”
“Uhm, basted na ata siya kay Arianne.”
“Di nga?” di makapaniwala niyang tanong. Tumaango ako.
“Dinamdam niya ata, ewan ko, wala na siya sa training kahapon eh.”
“Ang masasabi ko lang buti pa si Aly nakapag move on na.” aniya. “Hay, makapag aral na nga lang.”
“Ay oo may exam tayo di ba?”
“May gagawin ka ba mamaya?”
“Shopping kami ni Mama.”
“Hmm, alam mo may naisip lang akong idea.” sabi niya. “What if mag business tayo?”
“Huh?” Minsan talaga kakaibang ang mga naiisip nitong si Cath.
“Naisip ko lang, total mahilig tayo sa shopping at business related naman ang course natin, ba’t hindi na lang tayo mag establish ng fashion boutique?” nanlaki ang mga mata ko. OO nga ano?
“Nice idea!” tugon ko.
Catherine
Sa wakas, last day ng klase. Summer vacation na, hay salamat at makakapag pahinga na rin. Pupunta kami ni Jenifer sa Hong Kong ngayong bakasyon kung kaya naman sobrang excited kami. Buti na lang at least doon, kahit isang buwan lang ay magiiba ang environment namin which is kailangan na kailangan ko. Siguro naman doon ay tuluyan ko ng makakalimutan ang feelings ko kay Jaye. Baka tulad ni Alyssa, makakapag move on na rin ako ng tuluyan. Naaasar na rin ako sa sarili ko eh, kung ano ano na ang mga kagagahang pinagagagawa ko para lang mapansin niya ako tulad ng: (1) Kunyari hindi ko siya naririnig; (2) Kunyari papatirin ko siya; (3) Pagkakalat ng tsismis na makakasira sa kanya tulad ng bad breath siya at may athlete’s foot siya; I feel guilty na rin kasi.
Nagkaroon ng despedida dinner sa bahay namin, ivited syempre sina Wayne, Kaynee at Alyssa at mga close friends ni Jenifer. Puno ng tawanan at kwentuhan ang mesa na hindi nangyari sa loob ng ilang linggo.
Malungkot din si Manag Josie kahit papaano pero nakapagluto pa rin siya ng mga masasarap na putahe. “Manang one month lang naman kami doon eh.” sabi ko sa kanya para kahit papaano ay maibsan niya ang kalungkutan. Siya na rin kasi ang tumayong Ina namin sa loob ng ilang buwan habang wala si Mommy.
“Basta Cath, wag mong kakalimutan ang pasalubong namin ha.” pangatlong ulit nang sinasabi ni Alyssa.
“Oo wag kang magalala.” tugon ko.
“Tsaka Cath kuha ka ng mga ideas doon, wag mong kalimutan ang business natin pagbalik mo.” paalala na naman ni Kaynee.
“At ihanap mo rin kami ng pogi doon!” si Alyssa ulit. “Yung chinito.”
Nauna nang umalis sina Kaynee at Alyssa matapos ang halos hindi na matapos tapos na pamamaalam at paalala. Naiwan si Wayne. “Basta wag mong nagbabasaan ang sarili mo doon ha.” paalala niya.
“Oo naman.” tugon ko. Kanina pa siya walang imik. “Teka may problema ka ba?”
“Mami miss kita.”
“Ako rin Wayne, wag mo rin pabayaan ang sarili mo.” Napatingin ako sa mga mata niya. Walang halong biro. His brown eyes were so sincere.
“Tsaka keep in touch, check mo email mo palagi.” dagdag niya pa. For the first time in my life feeling ko, I don’t want to go anymore. Parang gusto ko dito lang ako sa tabi niya, parang ayokong lumipas ang oras. Sa pagalis ko, parang ang laking opportunity ang mawawalan kung aalis ako bukas. I just don’t want this moment to end. Nanatili lamang kaming nakatayo at nakatitig sa isa’t isa.

Best Friends and Boyfriends Series 1: Man Haters (Chapter Five)
Alyssa
“Hello Aly?”
“Kaynee?”
“Sorry kung na istorbo kita.” aniya, napatingin ako sa orasan. 8:30 pm pa lang naman, nakaidlip pala ako agad kanina pagdating ko. Buti na lang at umuwi ng probinsya si Papa. Ilang araw na rin ata ako hindi nakakagamit ng telepono dahil ayaw niyang may tumatawag sa akin.
“Okay lang, umidlip lang naman ako, at isa pa maaga pa naman. Bakit, anong problema?” tanong ko agad dahil mukhang nagpa panic na siya sa boses niya.
“Si Cath, emergency! Emergency meeting sa bahay nila!”
“Okay, okay papunta na ako.” diretso ako agad sa kwarto, nagbihis at nag iwan ng note kay Mama. ‘Ma, may emergency project kami, kailangan na tapusin. Nasa bahay ako nina Catherine, don’t worry. Uwi ako agad. J’
Agad akong inilapag ang plastic na dala ko sa may garden table. “Buti dumating ka na!” nasambit ni Kaynee. “Anong dala mo?”
“Beer.” maikli kong sagot sabay labas ng limang malalaking bote ng beer mula sa plastic.
“Good!” aniya. Natuon ang pansin ko kay Catherine. Namumula at namamaga ang mga mata at ilong niya. Wala siyang imik at malayo ang tingin. Gamit ang can opener ay binuksan ni Kaynee ang mga bote ng beer, pareho niya kaming inabutan ni Cath.
“Anong problema?” tanong ko habang hawak ang kamay ni Cath na nakakuyom at tila nanginginig.
“Wala na kami.” mapait niyang tugon. Kagat labi akong napayuko, hindi ako nakapag salita. “Wala naman akong ginagawang masama ah, ni hindi ko naman siya tinu two time. Nagpapasensya ako sa kanya dahil napaka immature niya, I have given up my boyfriends for him na kung tutuusin ay may mas hitsura, mas mature, mas caring, mas loving sa kanya.” Hindi na napigilan ni Cath ang lumuha. Humigpit ang hawak ko sa kanya habang si Kaynee ay hinahagod ang likod niya. “Akala ko nagbabago siya, na hindi magtatagal makakapag adjust din siya pero mali pala ako. Para lang laro sa kanya ang lahat, ang bilis. Napakadali para sa kanya. How could I be so wrong!?” Lumagok siya ng beer, sumunod naman kami ni Kaynee. “Sabi niya walang susuko sa amin, pero siya itong naunang sumuko.” lumagok siyang muli at nag simula kaming mag group hug,
“Cheers!” ani Kaynee at sabay sabay naming tinaas ang bote at nag cheers. “Para sa walang kwentang lalake na si Jaye!” (hagikhikan)
“Alam mo, nakalimutan ko na siya, baboy siya! Feeling niya naman ang gwapo gwapo niya, siya ata ang pinaka pangit sa mga naging boyfriend ko eh.”
“Oo nga, nagtataka nga kami ni Kaynee kung ano ang nakita mo sa kanya eh. Hay naku, ipapakilala kita sa mga barkada ni Ariel, gwapo na may mga kotse pa!” suhestyon ko.
“Oy, wag mo kong isasali diyan ah, out ako diyan.” saad ni Kaynee.
“Tsaka sino namang yang Ariel na yan?” si Catherine.
“Uhm… kapitbahay namin.” namumutla kong sagot.
“Ikaw, Alyssa ha! Play girl ka pa rin! Alam mo hindi na ako magugulat kung lahat ng lalake dito sa Pilipinas ay naging boyfriend mo na.” si Kaynee.
“Uy, hindi ah! Marunong akong pumili.”
“Ahh kaya naman pala hindi sila nagtatagal sayo. Wala pang isang linggo ang iba. Tsk tsk.” pang aasar ni Kaynee.
“So yan ba talaga ang paguusapan natin. Lasing ka na talaga Kaynee!”
“Girls, ba’t ganoon?” putol ni Catherine. “Masakit pa rin!”
Katahimikan.
“Woo! Iinom mo na lang yan!” sabi ni Kaynee. “Hindi umiikot ang mundo sa mga walang kwentang lalake. Sila ang iikot sa mundo natin.”
“Oo nga, tama ka diyan.” tugon ko. “Marami pang lalake sa mundo Cath.”
“Hindi rin, pare pareho lang silang lahat Alyssa.”
Kaynee
Kahit masakit ang ulo ko, pinilit ko pa ring pumasok. Nakakainis, sana hindi na lang ako kumuha ng unit every Saturday. Ang hirap, lalo na pag may hang over. Buti nga kagabi at tulog na silang lahat nang nakauwi ako, alas onse natapos ang session namin, buti nga at nakaiwas ako sa mga posibleng sermon. Papasok na sana ako sa HRM (Human Resource Management) isa sa mga subjects ko) nang datnan ko si Arianne na nakikipag (Ayokong sabihin ito pero iyon na iyon ang ginagawa nila eh) landian sa isa sa mga classmates namin. Nagtatawanan sila, habang magkahawak sila ng kamay, napatigil ako at napatitig.
“Hi Kaynee!” bati ni Arianne.
“H- hello!” tugon ko. “May assignment ba tayo?” umiling siya.
“Wala naman.”
“Sige.”
Totoo ba ang nakikita ko? Akala ko ba nagkakaigihan na sila ni Troy? Hindi kaya pinaglalaruan lang ni Arianne si Troy? Kawawa naman si Troy, napangiti ako ng palihim. Ha ha, hindi magiging sila. Ha ha! Teka bakit ba ako nautical? So what kung hindi magiging sila? As if naman ako ang sunod niyang liligawan, tsaka ang pangit pakinggan pag ganoon. Hindi kami bagay, one inch lang ang tangkad niya sa akin. Mahilig pa naman ako mag heels? Paano pa pag ganoon di ba? Alangan naman mag flat ako all the time? At isa pa, ano ako rebound? HA! No way!
Catherine
“Uy Cath, gising!” nagpakawala ako ng maikling ungol, arghh ang sakit ng ulo ko. “Catherine, si Wayne nandito!” bulong ni Manang Josie. Tsk Ano ba? Masakit ang ulo ko. “Ano sabihin ko ba na bumalik na lang siya?” Umiling ako, kahit nakaitim. Sige na, babangon na.
“Anong oras na?” tanong ko habang sapo pa rin ang ulo.
“Ten o clock, sige na bumangon ka na, para makapag almusal ka na.”
“Sige maghihilamos lang ako.” tumungo ako agad sa banyo, napatingin sa salamin, I look horrible oh God! Suddenly, it all came back to me, lahat ng mga pangyayari kahapon. Hindi ako pinansin ng buong araw ni Jaye, later that night nakipag break siya sa akin. Kinagabihan ay inuman sessions with my best friends to ease the pain. Namamaga ang mga mata ko, oily ang mukha ko at sabog ang buhok. For the mean time, hindi ko akalaing ako pala iyon. Humugot ako ng malalim na hininga at sinabi sa sarili kong ‘Kaya ko ito’. Agad kong binasa ang mukha ko, telling myself over and over again, I can move on.
“Good morning!” bati ni Wayne. “Sorry napaaga ako.”
“Okay lang, tanghali na naman eh. Pasensya ka na kung namamaga ang mga mata ko ah.”
“Oo nga eh.” aniya. “Di bale maganda ka pa rin.”
“Cath, mag almusal muna kayo.” yaya ni Manang Josie.
“Manang nasaan si Jenifer?”
“May practice daw sila ng sayaw, maaga pa lang umalis na.”
“Ahh.” tugon ko. “Wayne kain muna tayo.”
“Wow, mukhang masarap ito ah!” aniya.
“Syempre, specialty ko yan!” masayang tugon ni Manang Josie.

Valentines day. Nagising ako ng normal pero hindi ko akalaing magiging extra ordinary ito. Umaga pa lang, sinalubong ako ni Lance sa lobby kung saan niya ako sinigawan dati at binigyan ng blue na vase na may bulaklak. "Happy Valentines Jhelyn."
"H- happy Valentines." naiilang kong bati sabay abot sa inaabot niya. Naiilang ako dahil merong bintana ang head quarters ng ROTC, alam kong may nakasilip.
"Sana magustuhan mo yang binigay ko sayo."
"Ah oo naman, ikaw ang unang nagbigay. Thank you." Ilang buwan na ang nakalilipas mula nang nag break kami pero hindi siya tumigil sa kakatext o kaya sa pag tawag to win me back. Kinaibigan niya pa nga ang kapatid kong si Jhea. Naaalala ko din na isang araw ay pumunta siya sa bahay withh pizza on hand and sweet words in his lips, again, nagmamakaawa na bumalik na ako sa kanya. To him I have learned to say no. Okay na muna ako sa dalawa sa ngayon. Bago siya umalis ay tinaniman niya ako ng halik sa noo. Awww. But seconds later, na realize ko na si Jordan pala ang nakasilip sa bintana. Tsk! Naisip ko lang kung mahal niya talaga ako, sana lumabas na siya sa pinto at sinunggaban si Lance. Pero mukhang wala siyang bayag na gawin yun, at baka isumbat niya sa akin na hindi man lang ako umiwas. Duh? I didn't see it coming.
Hindi man lang ako kinausap ni Jordan buong araw kahit na ba valentines na valentines. Which I don't care dahil balak ko namang pumunta mamaya kina Craig, magluluto daw kasi siya at may ibibigay sa akin. Natapos na lang ang buong araw at umuwi na lang ako sa bahay ay hindi pa din niya ako kinakausap. Madalas na kaya ang hindi namin paguusap, nararandaman ko naman na binubulungan o sinasabihan niya ng mga ka ROTC namin ng dapat gawin, which is weird. Para namang hindi ako member ng ROTC. Trayduran na. LOL. Anyway wala akong pakialam. I am who I am anyway.
Pagdating ko sa bahay nina Craig at napaligaya niya na naman ako. Hindi naman din ako umaasa na magseseryosohan kami ni Craig, pero ang valentines day na ito ay iba talaga. Pagdating ko sa bahay nila ay nilutuan niya ako ng tofu and pork with chili. Ideal guy dahil magaling magluto, wala akong masabi. Meron pa siyang binigay sa akin na caramel na mukhang mamahalin, plastic na rose which I appreciated na din kahit papaano at isang silver na bracelet na sa tingin ko ay second hand. Pinaligaya niya din ako sa kanyang kama na may blue bedsheet that day. Masakit man ang katawan ko of all days work, lahat ng iyon ay pinawi niya. Alas otso na nga ako umuwi sa bahay.
Pagdating ko sa bahay ay may nakita akong isang bulaklak at may isang naka gift wrap. Akala ko naman regalo kay Jhea. Pero naisip ko kung kay Jhea yun bakit nasa kama ko? "Yung bulaklak galing kay Martin, yung naka balot galing kay Jordan ba yun? Oo Jordan ata, yung medyo mataba na kayumanggi na naka gell yung buhok."
"Oo siya nga yon. Anong oras silang pumunta?"
"Si Martin yung naunang dumating, tapos isang oras, dumating si Jordan."
"Ahhh."
"Buksan mo na yung naka wrapper, tingnan natin kung anong laman." Pagkabukas ko ng wrapper ay nakita ko ang isang rectangular na frame na merong maliit na picture ni Jordan at sa back ground ay isang picture ng falls na may nakasulat na letter. Happy Valentines daw.
"Hello, pwede ka ba makausap?" Agad kong tinawagan si Jordan dahil baka ano ang isipin niya kung nasaan ako.
"Saan ka na naman ba galing? Magkasama ba kayo ni Martin?"
"Ha? Bakit mo naman naisip yan?"
"Nakasalubong ko yung isang kaibigan niya at nireport lang naman sa akin na papunta na sa bahay niyo si Martin. Jhelyn, please wag kang magsinungaling."
"Jordan, una sa lahat hindi kami magkasama ni Martin. Okay? Itatak mo yan sa kukote mo."
"Eh saan ka galing?" pinagpraktisan ko na ito.
"Sinundo ako dito ng Ninang ko, nagpasama siya sa akin sa isang mall." Tulad ng inaasahan ko, ilang convince ko lang sa kanya ay naniwala naman siya.
Hindi na din nagtagal at dumating na din ang inaasahan ko. "Napapadalas ang pagaaway natin Jhelyn, mabuti pa solusyunan na natin ito."
"Anong solusyon?"
"Maging magkaibigan na lang tayo." Hindi ko alam kung bakit pa ako naluha at nasaktan sa mga katagang iyon. Tao lang din naman siguro ako, hindi naman siguro ako manhid. I have let him down, I knew that. Niloko ko siya, I deserve this. "Okay lang ba?"
"You know hindi ko yan maipapangako sayo. I am sorry." At dahil hindi ko na nakayanan ang mga pangyayari ay binaba ko na ang phone. Friendship with Jordan, gone as well as this fucking relationship.
"Ano ba ang iniiyak iyak mo?" si Jhea na naabutan ako sa kwarto.
"Nakipag break lang naman sa akin si Jordan."
"Oh talaga? Sus wag mo yun iyakan." Here I am pinagsasabihan ng nakababata kong kapatid na wag umiyak. This is so silly.
"Oo nga hindi dapat ako umiiyak, sino ba ang may gusto ng isang lalake na kung humalik ay parang bata? I'm just crying cause I can't accept the fact na siya pa ang nakipag break sa akin." at sa sinabi kong yun ay nadinig sa buong bahay ang halakhakan naming dalawang magkapatid. Kinabukasan pa man din ay alis ng aking Mommy papuntang Hong Kong para magbakasyon kasama ang little brother kong si Ron. Tama na muna ang love life Jhelyn, kakaloka ka. Wala na sanang sumunod pa. Dahil sa April, pagkatapos ng klase ay ako naman ang susunod doon sa Hong Kong para iapply ang residency ko. Mage- eighteen na kasi ako this year at mahihirapan na akong mag apply kapag lagpas 18 na ako. This is it. Hello to my very good future and good bye to my stupid love life! sabi ko sa sarili sabay punas ng natitirang luha sa aking mata.
There are a lot of happenings in my life right now, and if you notice, I barely post something about me anymore, although I still make it a goal to as mush as possible, post updates to stories I've started.
I've been going to a course program in Hong Kong Space University where I'm taking Literature studies, busying myself every Saturday for three hours, listening all about Witches and Wizards in Literature, it's really fun and relaxing at the same time learning about it. Very entertaining but unfortunately tomorrow's our last class about this subject. Next subject I'll be taking will be about Reading poems and analyzing it which will start in October. *My birthday month :))* I really want to have this certificate, not only as an accomplishment for me but I also wanted to learn more, hoping I can use it in my writing. I'm still in this stage where I'm figuring it out whether to concentrate either in English or Filipino writing, although for now, I would want to do both.
Second thing will be about sponsoring the Short Story Writing contest of Light Crystal Publishing, I have contributed an amount I can afford, and I'm really excited to get my free book which they said, they will ship for me. I forgot to tell them though that I live in Hong Kong. Oh well, I hope they've seen my current city in my facebook account. >_< Here's the link for the updates of this contest. And if you can see their official poster for this contest, try to find our logo. :)
Thirdly, guess who's gonna be on a vacation from 28th August to 3rd of September to Capiz/ Boracay/ Iloilo? That's going to be me with my very loving husband. Can't wait to have a break from this very busy world of mine. I'm really longing for the beach, fresh air, rest, more sleep, more food. Finally.
Lastly will be my wattpad account guys, you can download this application to your iphones/ipad by the way. You can read stories there wherever you are or whatever you do, just click this link though. http://www.wattpad.com/user/PrincessCindz
PS: There's a new series I've written here, it is actually a novel I've written four years ago, can you believe it, huh? It's the Best Friends and Boyfriends Series: Man Haters and it's based on true life events.
And one more thing, we're cooking an indie film based on the story I've written, I wont be spilling the beans for now, but stay tuned cause we're gonna rock this.
Lots of Love,
Cindy

Best Friends and Boyfriends Series 1: Man Haters (Chapter Four)
Alyssa
Nasa labas pa lang ako ng gate namin ay rinig na rinig ko na ang pagtatalo nina Mama at Papa at boses ni Papa ang nangingibabaw. Tila nagmamakaawa naman ang boses ni Mama. Ilang minuto pa ako nagisip kung itutuloy ko pa ba ang pagpasok ko sa loob. Tumingin ako sa cellphone ko para malaman kung anong oras na, 8:00 na. Patay ako nito kay Papa. Siguradong mapapagalitan na naman ako nito. Galing ako sa Mcdonalds, ikinain ako ni Mark, isa sa mga suitors ko. (Break na nga pala kami ni Robin, isang linggo na ang nakakalipas). Ilang araw na rin akong kinukulit kung kaya naman ay pinagbigyan ko na itong si Mark. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob.
“Maria Alyssa,” napalunok ako sa boses ni Papa. Mukhang tama ang hinala ko. “Ginabi ka na naman? Hindi kita pinagaral para makipaglandian! Kanina ka pa dapat nakauwi ah, imbis na umuwi ka agad at tumulong dito sa gawaing bahay, naglalakwatsa ka. Anong klaseng babae ka? Uwi ba ito ng matinong babae?”
“P- papa, may project po kasi kami kailangan tapusin sa bahay ng kaklase ko. Wala naman akong ginagawang masama.” sagot ko. Madalas na akong pagsabihan ng ganyan ni Papa, manhid na nga ako eh, sanay na sa mga pinagsasasabi niya.
“Magusap tayo mamaya.” sabi ni Papa sabay duro sa akin na para bang hindi niya ako anak. Napansin kong umiiyak na si Mama mula sa likuran ko. Hinagod ko ang likod niya at saka hinalikan sa noo.
“Nasa mesa na ang hapunan anak.” aniya habang nagpapahid ng luha, umiling ako.
“Hindi po ako nagugutom.” Yun lang at dumiretso na ako sa kwarto ko.
“Pagpasensyahan mo na ang Papa mo ha.” ani Mama, ngayong gabi ay sa kwarto ko siya matutulog.
“Ma, palagi na lang siya galit. Hindi ko na siya maintindihan.” tugon ko.
“Alyssa, may sasabihin ako sayo.” aniya.
“Ano po iyon?” tanong ko na para bang nene ulit habang yakap yakap ko siya. Katahimikan.
“Hindi ko talaga mahal ang Papa mong nang pinakasalan ko siya.
“Huh?”
“Hindi ko alam but I’ve just realized that noong gabi matapos ang kasal namin. Para bang hindi ko siya kilala. Para bang sino ba talaga ang lalakeng katabi ko ngayon?” Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung appropriate ba talagang sabihin niya ang mga bagay na ito sa kanyang anak. Paanong nangyari na pinakasalan niya si Papa kung hindi niya ito mahal? “I was broken hearted, katatapos ko lang sa college noon nang nalaman kong napikot si Andrew, ang boyfriend ko sa loob ng five years. I was so inloved with him, my world shattered. May balak pa man din kaming magpakasal pero dumating nga ang ganoong problema sa amin, hindi na kami pwede.” Napatingin ako kay Mama, tumahan na siya sa pagiyak. “Nagpakasal ako dahil akala ko magiging maayos ang lahat pero isa itong pagkakamali, napakalaking pagkakamali.”
“Ma, I’m sorry-”
“Shhh, kailanman ay hindi ko pinagsisihan ang pagdating mo sa mundo ko. You’re a blessing. Ikaw lang ang tanging nagpapalakas sa akin.”
“I love you Ma.” sabi ko. “Wag kang magalala, kaya naman nating mabuhay nang wala si Papa. Kung saan ka magiging masaya doon kita susuportahan.”
Kaynee
“Uy Kaynee!” Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig. Si Troy, nakaupo sa may lobby, magisa. “Saan ka pupunta?”
“Kakain.” maikling sagot ko. Tatalikod na sana ako nang magsalita siyang muli.
“Nang magisa?”
“Uh huh.”
“Saan ka kakain?”
“Diyan sa may Green House.” sagot ko ulit. Ayoko na sanang pahabain pa ang paguusap namin, gusto ko ng iwasan si Troy. “Sige ha!”
“Sandali!” Napalingon uli ako. “Pasabay sa pagkain, lunch break ko rin eh. Tara!” Di ako nakaimik agad, ganoon lang ba iyon kadali? Ni hindi man lang hinintay ang sagot ko? Ang kapal talaga ng mukha ng lalakeng ito.
“Okay.” tugon ko.
“Bakit hindi mo ata kasama si Arianne?” tanong ko, nasa Green House kami dahil sa late ang lunch break ko, wala na gaanong tao. Um- order kami ng kanin at ulam. Hindi ko na nga siya napigilan nang bayaran niya ang order ko.
“May klase daw sila ngayon eh.” tugon niya. “May itatanong nga pala ako sayo.”
“Ano iyon?”
“Bagay ba kami?” muntikan na akong mabilaukan sa tanong niya. Ano ba namang klaseng tanong ito? Kung sinuswerte ka nga naman.
“Hmmm, ano ang gusto mong isagot ko?” Ngumiti si Troy at muli tila ako na hypnotize. Shocks, ang gwapo niya talaga.
“Yung totoo.”
“Sa totoo lang, para kayong mag ate eh. Nililigawan mo ba siya?” Tumango lang siya na para bang ang lalim ng iniisip.
“So hindi kami bagay?”
“Well height doesn’t matter naman di ba?” Minsan talaga ay hindi ko maingtindihan ang sarili ko, halatang pinagtutulukan ko siya kay Arianne? Kaynee, ikaw na, ikaw na ang baliw.
“Sabagay may point ka. It doesn’t really matter kung bagay kayo o hindi.”
“Hi Troy!” bati ng isang babaeng napadaan sa gilid ng mesa namin, naka uniform ito ng Tourism. Tulad ni Arianne, sexy ito at matangkad. “Hindi ka na nagte text ah.” anito na para bang walang kasama si Troy. Tama bang landiin siya, sa harap ko? Woah!
“Ah pasensya ka na, wala akong load eh. Hayaan mo, sa Sabado maglo load ako.”
“Sabi mo yan ah, aasahan ko yan. Walang tulugan na naman ito.” Yuck, eww! Kadiri itong babae na ito ah, wala man lang delikadesa. At si Troy naman, sinasakyan lang ang kausap niya. Hay naku buti na lang at tapos na akong kumain. Makatayo na nga.
“Uy Troy, sige ha. Mauna na ako, may klase pa kasi ako.” pagpapaalam ko, tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko. “Salamat ulit sa libreng lunch.” Natahimik ang kausap niyang babae at napatitig sa akin, pero tumalikod lang ako at sabay irap sa kanya. Hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko na ang boses ni Troy.
“Kaynee, sandali! Sabay na ako sayo!”
Catherine
“Hello Jaye?” kinakabahan kong bati nang sa wakas ay sinagot din niya ang kanyang telepono. Hanggang ngayon ay nagdadalawang isip pa rin ako kung dapat ko ba siyang kausapin, hindi ko alam kung nagiilusyon ba ako, o talagang ayaw niya lang akong kausapin kanina habang nasa school kami.
“O Cath?” aniya na para bang nabigla sa pagtawag ko. “Napatawag ka?” Nagkaroon ako ng lakas ng loob para komprontahin siya, hindi ko na ito kayang patagalin pa.
“Jaye, we need to talk.”
“Ha? Tungkol saan?”
“Jaye, pwede ba, wag ka namang manhid this time. It’s about us, alam kong alam mo yan.” sabi ko, nagsisimula ng tumaas ang alta presyon ko. I just can’t believe him, tungkol saan? Hindi ba masyadong halata na kanina niya pa ako iniiwasan? “MInsan hindi talaga kita maintindihan, o rather ang hirap mong intindihin. Alam kong ako ang una mong girlfriend, nahihirapan kang mag adjust dahil sa pagiging presidente ng student council, pero hindi mo ba alam, nahihirapan na ako sa ugali mo. Ano ba ang problema mo? I’m doing everything pero hindi mo man lang ma consider. What’s the matter with you?”
“Cath, kasi-”
“Ano?”
“Uhm I’m sorry, pero napag isip isip ko siguro na mas maganda kung-”
“Ano? A- anong sabi mo? Anong napagisip isip mo?”
“Maging magkaibigan na lang sana tayo.” Hindi ako agad nakapagsalita, nararamdaman kong sumisikip ang dibdib ko. “Napapansin mo naman di ba? Hindi maganda ang kinakalabasan ng relasyon natin.”
“Anong hindi maganda ang kinakalabasan? Ang sabihin mo, ikaw itong may pagkukulang! Akala ko ba sabi mo dati, walang susuko? Pumayag ako sa sinabi mong maging mag secret on tayo, pumayag ako di ba? Dahil ayokong masira yang career mo!” nararamdaman ko ang pag daloy ng luha mula sa mga mata ko.
“Catherine, sorry. Pero na realize ko na we’re not meant to be. Ang dami nating differences. Parang isang malaking pagkakamali ang maging tayo. Hindi kita kayang kasamahan-”
“Hindi mo na ba ako mahal?” tanong ko ng malumanay, pinipilit itago ang pagiyak ko sa kabilang linya.
“I care for you, but love? I don’t think so.”
“Okay.” parang itak na tinaga ang dibdib ko ng mga katagang iyon. Para bang puso muna ang natamaan bago nag register sa utak.
“We can be friends, tulad ng dati.” bawi niya na para bang walang nangyari, na para bang hindi ko siya naging boyfriend sa loob ng dalawang buwan, para bang ganoon na lang kadali kalimutan ang lahat. Hindi talaga ako makapaniwala.
“Hello? Kaydee?”
“Catherine? Ako nga! Anong problema? Umiiyak ka ba?”
“Wala na kabeh!”
“Ano? Kayo ni Jaye?”
“Nagapak beyk na shaahh!”
“Anong-”
“Di dya na daw ako bahal! Brends na lang daw kabe!” (Hagulhol)

Sa wakas ay dumating na din ang araw ng cheering competition, it's foundation week at cheering ang una sa mga magco compete bago magsimula ang mga palaro ng sports. Matapos ang ilang gabi ng puyatan, it comes to this. When I was in high school, I am really the shy type, I guess I have to thank James leaving since it makes me achieve more things. Naka color gold na pangtaas kami na long sleeve na kita ang pusod at naka gold na mini palda na may stripe ng black. Pinadala pa sa akin ni Mommy ang camera na nilalagyan pa ng film. On our way, nakita ko si Martin na naka green theme t shirt (dahil team IT sila) at naka jogging pants ng school, kasama niya ang ibang tropa na close friends ko din mula pa noong high school. Talagang hindi nag iwanan ang mga ito. "Kasali ka nga pala no?" aniya ng naka ngiti.
"Haha, bagay ba ang suot ko?" tanong ko sabay feel na feel na ikot sa harapan niya.
"Oo sobrang bagay." nakangiti pa din siya na pa rin siya na para bang gandang ganda sa akin.
"Hay naku tumutulo na ang laway ni Martin dito." sabat ni Louie na payat kahit naman noon pa at kaparehas ng suot ni Martin. Natawa kaming lahat sa sinabi niya.
"Buti na lang nakita kita. Pwede bang humingi ng favor?"
"Sure ba."
"Pwede mo bang hawakan itong camera at ikaw ang kumuha sa amin?"
"Sus, yun lang pala eh. Doon ako tatambay sa stage para makuhaan ka ng magandang anggulo."
"Martin naman eh, kunan mo kaming lahat okay?" pagdedemand ko.
"Haha, sige na nga." Then I have to go, kami na ang sunod na team na magpe perform. Sobra akong ninenerbyos, pero go for the goal pa din ako. Bigay na bigay ako sa pag sayaw. Inilabas ko ang pinag praktisan ko sa loob ng ilang gabi. Wala akong ibang nakikita kung hindi ang musika na na isinasayaw ko. It feels so amazing.

Natapos ang limang minutong routine. Can't believe na ang pinag praktisan namin ng halos isang buwan ay five minute routine na pala. Sa isang buwan na iyon ay naging ka close ko ang lahat ng kasali sa cheering including Jamie, na classmate ko noong high school pero hindi lang kami ganoon ka close pero dahil sa cheering ay madalas na kaming magkasama. "Ang galing niyo ah, lalo ka na Jhelyn." si Martin na nasa likod ko na pala na hindi ko man lang namamalayan. "Eto na ang camera mo."
"Salamat ah, eto lang talaga ang tanging camera namin, wala pa din kami digi cam hanggang ngayon."
"Ayos lang yan, nasa kumukuha naman yan, kahit ano pang klaseng camera ang gamit mo."
"Hindi ka din mayabang ano?" Ilang sandali lang ang lumipas at inannounce na din kung sino ang nanalo. Limang department lang ang naglaban laban, kahit 3rd runner up, hindi namin nakuha. In short kulelat ang team namin. "Nakakainis naman, meron kasi kaming kaparehang kanta eh. I can't believe it, pati music sinabotahe."

"Kasalanan yan ng choreographer niyo."
"Tama ka, walang kwentang choreographer, galing kasi siya sa main brance ng school." natawa si Martin sa sinabi ko.
"Alam mo libre na lang kita to para umayos naman yang pakirandam mo."
"Ha ha, sige tara." Nagpalit lang ako ng jogging pants at ng goldish t shirt at kasama ang tropa ay nag lunch kami sa labas. Matapos ang tanghalian ay humiwalay na ako sa kanila dahil sasama na muna ako kay Jordan.
"Dito lang ako sa tabi tabi." pahabol pa na sabi ni Martin. "I mean kami sa tabi tabi."
Lumipas ang ilang araw nang wala akong boyfriend pero hindi naman huminto ang mga nagpaparandam. Isa na doon ay si Jordan. Hindi ko alam kung bakit ako umoo pero naguusap kami sa isang maliit na kubo noon, I guess I really need someone that time kahit ba hindi naman ganoon ka seryoso ang nararandaman ko para sa kanya. "O sige, payag na ako sa gusto mo." Ilang linggo na din kasi kami inaaasar sa ROTC. Ang akala ko nga bawal ang pakikipag relasyon doon pero rules are maybe meant to be broken kung kaya naman ay nagkaroon kami ng relasyon. Everything was so sweet, siguro naging magkaibigan kami pero siguro din hindi sapat yung binibigay niya. Being sweet is not enough in a relationship. Seeking attention is like a disease to me kung kaya naman pati si Craig ay pinapatulan ko na. "Saan ka galing kanina?" tanong ni Jordan.
"Sa bahay." tugon ko sa kanya, dahil alam ko namang walang gagawin sa school ay tanghali na ako pumasok.
"Nagsisinungaling ka Jhelyn."
"Ha?" kinakabahan kong tugon.
"Tumawag ako sa inyo kanina, wala ka daw doon." aniya. Paano nangyari iyon? Tinanggal ko ang chord ng phone, ibig sabihin ay magri ring lang ang phone. Paanong may makakasagot?
"Sino sumagot ng phone?" tanong ko.
"Si Manang, alas otso ka pa daw umalis sa bahay niyo. Sabihin mo na sa akin ang totoo. Wag mo na akong gawing tanga." Minsan gusto kong sabihin sa kanya, na kasalanan niya ang ginagawa kong ito.
"You are too busy, hindi mo mabigay ang atensyon na kailangan ko. Naaalala mo ba noong pasko, tumawag ako sa bahay niyo. Ako pa ang tumawag, pati noong new year. Pero anong sabi mo, busy ka dito, busy ka doon. Hindi ko kaya ang schedule mo sa akin."
"So what did you do huh? Akala ko ba nagbago ka na?"
"Don't judge me Jordan. Alam mo naman dati pa na ganito ako di ba? Alam mo naman na kaya din ako naghanap ng iba dati dahil hindi nila mabigay kung ano ang gusto ko, dahil selfish kayong mga lalake. Tama lang ang ginagawa ko."
"STOP IT, JHELYN!" sigaw niya sa akin. Nagtinginan ang mga tao sa loob ng canteen kung saan kami naguusap.
"Tumahimik ka Jordan."
"Alam mo kasi ang problema sayo, malandi ka."
"So what?" paganti kong sabi. "Mag break na tayo." Hindi siya umimik at sa halip ay huminga ng malalim.
"Wag mo naman itong gawin Jhelyn." Kahit nalaman ni Jordan nang araw na iyon na nakipag kita ako kay Craig ay hindi pa din kami nag break. Umabot naman kami ng isang buwan sa aming relasyon. At sa araw ng monthsary namin ay dinala niya ako sa tatlong magkaibang destinasyon. Una, dinala niya ako sa dati niyang school noong siya elementary pa lamang. Halos isang oras din ang biyahe papunta doon, puno ng mga malalagkit na bata, pero nagawa pa din naming umupo sandali at magmuni muni. Pangalawa ay sa bahay ng Tita niya kung saan sila dati nakikitira. Up and down ang bahay na iyon at puno ng kulay kapeng mga bagay. Maga alas sais na noon pero hindi pa nabubuksan ang ilaw, kaya ang tanging naaalala ko lang doon ay ang papalubog na araw na isa sa pinaka ayaw ko na pakirandam. Pangatlo, ay napunta kami sa isang malaking simbahan. Napakaganda nito, malaki at may nagmimisa sa loob kung saan kami sumandali. Binilhan niya pa nga ako ng souveneir. "Happy monthsary Jhelyn."
"Happy monthsary din Jordan." At hinalikan niya ako ng pa smack sa aking labi, na para bang halik sa akin ni Ron, oo parang halik lang ng bata. Naisip ko na pagbigyan na lamang dahil ako naman itong may madaming experience, siya naman itong wala. First time. Hindi niya alam pero sa tuwing makikita kami ng iba naming kaklase na magkasama, nahihiya ako. Ewan ko ba kung bakit, parang hindi ko masabi sa sarili ko na kami ba talaga.
Isang araw ay nilapitan ako ni Trisha, dalawang buwan na daw siya hindi dinadatnan. "Anong sabi mo?"
"Oo Jhelyn, tulungan mo naman ako, samahan mo ko bumili ng pregnancy test."
"Ha, okay sige, walang problema." Matapos ang klase ay sinamahan ko siya sa pinakamalapit na drug store at doon ay bumili kami ng pregnancy test. Pagkatapos ay dumiretso kami sa comfort room ng isang mall kung saan niya ito susubukan. Ilang mintuo ako nag hintay sa may salaminan, kunyari ay nagme make up ako o kaya ay naghuhugas ng kamay, pero hinihintay ko talaga na lumabas si Trisha sa cubicle. Ano na kaya ang nangyayari? Buti na lang talaga at meron akong blush on at lip gloss dahil panigurado kung wala ito ay baka nahalata na namumutla ako. Ano na ang mangyayari kay Trisha, sa kinabukasan niya? Maya maya lang ay lumabas na siya sa cubicle, hindi ko maiguhit ang reaksyon niya habang hawak hawak ang pregnancy test. Buti na lang at kami na lang ang natitira sa loob ng banyo. "Kamusta?"
"Positive Jhelyn." napasandal siya sa dingding habang ako naman ay napasandal sa hindi kalayuan, matagal bago nakaimik.
"O- okay lang yan, tutal nagaaral ka pa naman di ba?"
"Hindi, titigil na ako." seryoso niyang sabi. "Uuwi ako sa probinsya."
"P- paano si Daniel?"
"Bahala na siya, sumama man siya o hindi, bubuhayin ko ang baby ko."
"Okay ka lang ba?" Tumango siya.
"Wag kang magalala."
Makalipas ang dalawang araw ay napagdesisyunan ni Daniel at ni Trisha na umalis sa kanya kanyang bahay, (si Daniel mula sa kanyang magulang at si Trisha mula sa kanyang employer) para pumunta sa Bicol kung saan naroroon ang mga kamag anak ni Trisha. Hinatid naman namin sila ni Jordan sa estasyon ng bus. Tinulungan din namin sila mag buhat ng kanya kanyang bagahe. Buti na lang talaga at alam naming maga absent ang mga prof, kaya pinili na lamang namin na tulungan sila, anyway who knows kung kailan namin sila sunod na makikita. Tanghali na nang makarating kami sa estasyong ng bus sa Maynila. Matapos magpaalam sa isa't isa ay lumarga na sila sa papaalis ng bus. Nagkatinginan kami ni Jordan nang maiwan kami sa isang hindi kilalang kalsada. Napakadaming tao at sasakyang dumadaan, napakaingay pa pati kumpara sa kinagisnan naming Cavite. Agad naman kaming sumakay na sa jeep na maghahatid sa amin pabalik sa aming school. Habang pauwi pa kami ay nakasandal lang ako sa balikat niya dahil sumasakit na ang ulo ko sa sikat ng araw. Pareho kaming nasasayangan sa kinabukasan ni Trisha, hindi ko alam kung maiinggit ako o maaawa, naiinggit dahil nakadama siya ng pagmamahal na handa siyang isakripisyo lahat kahit pa ang kinabukasan niya o maaawa dahil walang kasiguraduhan ang bukas na nag hihintay sa kanya at sa kanyang anak. Wala din akong tiwala sa lalakeng Daniel na yun. Pero wala akong magagawa, ang lahat ng ito ay piniling tahakin ni Trisha. Sana lang ay magkita kaming muli, sana din tama ang desisyon niya.
In
best friends and boyfriend series,
chapter three
Best Friends and Boyfriends Series 1: Man Haters (Chapter Three)
Alyssa
Robin: Sowee talaga kanina ah! Nadala lang tlga aq dhil sa pagm2hal q sau…
Aly: Aus lng. Nbgla lang nman tlga aq =C sa su2nod kc magp2alam k, panu kng nalunod ako dhil di aq nakahinga eh di nilalamayan na ako ngayun?
Robin: Kya nga sowee na db? Yaan mu nxt tym magppapaalam na ako kng iki-kiss kita ul8.
Aly: Ok, mbuti nman. Cge m22log n aq, gud nite nah!
Robin: Cge phinga k ng mbuti ah! Gud nite, wit dreams! Luv u 4ever! Mwahhh! Take cre always! =X PS: Namiss na kta.
Napatitig ako sa kisame. May tama nga talaga sa akin si Robin. Masaya na dapat ako kaso bakit ganito? Pakirandam ko hindi ako buo. Para bang may kulang. Ang nararandaman ko sa kanya ay hindi pagmamahal. Unfair ako sa kanya at masama ito. Hindi ako nagiging tapat sa kanya.
<Message received>
Carla: Hi Aly, gcng kpb?
Aly: Gud pm Carla! OO, gcng pa aq.
Carla: Iniicp mo pb si Michael
Aly: Hmm, bat mo nman natanong?
Carla: Sana lng kc sinus nod m yung advice ko sau db?
Aly: Anung bal8a kay Michael?
Carla: Aly, sabi ko 4get him na db? D mo prin ba sya nafo-forget? Hindi sya ang nara2pat sayu..
Aly: Bkit Carla? May cnb na naman ba si Paul sayu?
Matagal bago nakapagreply uli si Carla. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Pakirandam ko, may masamang balita na naman siya dahil sa huling text niya sa akin. Si Paul ang boyfriend niya na nagaaral din sa pinapasukan ni Michael. Close friends kaming apat dati, noong high school. Pero sa di malamang dahilan, bigla na lang nagiba si Michael. Hindi na rin sila masyadong nagkakasama ni Paul at Michael. Best friend niya dati si Paul. Iba na daw ang kabarkada nito. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko buksan ang sumunod na message ni Carla.
Carla: Wag kng mabi2gla ha…
Pagkabasa ko ng message, agad na tumunog ang cellphone ko. Si Carla. “Hello Carla.”
“Aly, naisip ko kasi na dapat marinig mo to mismo sa akin eh ng personal basta wag lang sa text.”
“Ano ba iyon Carla? Sabihin mo na.” Kilala ko si Carla, hangga’t maaari hindi siya gagamit ng tawag. So ibig sabihin, seryosong bagay talaga ‘to. “Binibitin mo naman ako eh.” notation kong dagdag.
“Si Michael, nakakulong..”
“Ano?!!”
“Oo, nakakulong kasi siya ngayon, nahulihan kasi siya ng marijuana.” Di ako nakapagsalita. Pakirandam ko nanghihina ako. “Kalat na kalat sa buong university nila na isa siyang addict. Hinuli siya kaninag umaga, nakita kasi ng guard sa bag niya. Lumunok ako.
“Saan siya nakakulong?” tanong ko gamit ang natitira ko pang lakas.
Kaynee
“There are times when I just want to look at your face…”
Unti- unti kong dinilat ang mga mata ko, tiningnan ko ang orasan. Alas- nuwebe pa lang, nabulabog na ako sa ingay ng kapatid kong si Anne. “You were just a dream that I once knew…”, pakanta- kanta siyang nagsusuklay sa harap ng salamin.
“Anak naman ng tinapay Anne, o! Tumahimik ka nga! Kita mong may natutulog eh.”
“Ate naman! Di mo ba nakikita? I’m inlove!” pandidilat niya sa akin. “Palibasa wala kang lovelife! Ayoko ngang tumandang dalaga tulad nina Tita.”
“Ikaw naman ang bata-bata mo pa, kumekerengkeng ka na! Mahiya ka nga!”
“Excuse me Ate, thirteen years old na ako no. At iba na ang generation naming ngayon. Ikaw din Ate, mapagiiwanan ka na ng panahon. Kamusta ka naman no? Masyado ka kasing pihikan.”
“Umalis ka nga sa paningin ko kung ayaw mong masubunutan. Binabalaan kita!”
“Ate naman! Peace na tayo! Kaya nagkakaroon ng gyera-”
“Umalis ka na!”
Nakakaasar talaga! Linggong- linggo eh pinapainit masyado ang ulo ko. Naku naman! Grrr! Ano naman kung wala ako lovelife? Aber? Eh sa Walang matinong sa mundong ito eh. Actually, nasubukan ko nang mag boyfriend dati dahil sa pagpupursige nina Catherine at Alyssa. Una sa text text lang, yung text mate ba? Ung panay kasinungalingan. Yung mga tipong nagsasabi na kamukha nila si Piolo Pascual pero mukhang puwet naman pala pag nakikipag eyeball. Buti nga hindi ko inamin na Kaynee ang pangalan ko.
May isang bese naman na ipinakilala ako ni Alyssa sa isang drummer boy. Hmm.. Gwapo naman as in. Di nagtagal, naging kami naman dahil sabik nga ako magka-boyfriend di ba? Sweet naman siya kapag nagde-date kami. Umabot pa kami ng dalawang linggo hanggang sa malaman ko ang tunay na ugali niya. Isang beses kasi ininvite niya ako sa isang gig niya. Anak naman ng drum o! Puro babae ang sumalubong sa kanya. Iniwan niya ako sa table na puro babaeng nag kaka-crush sa kanya ang nakaupo. Halos maluha-luha naman ako dahil deadma lang nila ako. Dalawang oras natuyo ang laway ko, at eto pa nakalimutan ko ang aking cellphone kaya di ko man lang Malawian sina Aly or si Cath. Akala ko nga di na siya babalik eh pero matapos tubuan ng ugat ang mga puwet ko ay binalikan niya pa naman ako. (Ibig sabihin, mahal pa din naman ako ng Diyos di ba?) At tinanong niya pa ako kung nag enjoy ako, sabi ko “Oo grabe, gusto ko na nga makipag break sayo eh! Good bye!” yun lang at nag walk out na ako, na sana kanina ko pa ginawa. At yun na ang huli naming pagkikita.
So far, dun na nagtatapos ang lovelife ko. Naisip ko, papatulan ko ba talaga ang pagiging matandang dalaga? Bakit wala akong makitang matinong lalake sa mundo, yung magkakagusto sa akin, yung mabait, gwapo, tapat at may pera naman para naman di kami magutom kung sakaling magkatuluyan kami. Lord, bakit po? Wala naman akong balat sa pwet ah. I have checked before, wala talaga.
Catherine
“O ano, saan ka na pupunta?” tanong ko kay Wayne, katatapos lang ng misa at 11:00 pa lang.
“Gusto mo pumunta sa mall?”
“Sa Southmall?” tumango siya.
“Ayos lang, wala naman akong gagawin eh. Tsaka maggro grocery naman talaga ako.” sabi ko.
“Okay, tara na!” buong sigla niyang yaya. Pumara kami ng jeep at agad na sumakay. Matangkadi si Wayne, may hitsura naman siya, pero wala pa ring nagiging girlfriend hanggang ngayon, he’s kinda lean pero hindi ganoon ka muscular, wala gaanong exercise dahil panay sa computer games. Sabi nga ng iba, kung height ang nagbabasaan, bagay daw kami pero hindi ko pinatulan dahil kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. At isa pa, iyon lang din ang turing niya sa akin. Sa mga oras na ito ay nagkukuwento na naman siya, ewan ko ba pero siya rin ang tipo ng tao na hindi nauubusan ng kuwento. Nakakatawa, nakakatakot at kahit na anong nakakaantok. Tumungo kami agad sa super market at kahit nag gro grocery at nagkukuwentuhan pa rin kami.
“Ano pa bang kulang?” tanong ko sa sarili habang chine check ang listahan ng mga bilihin. “Okay na ang mga gulay, pineapple chunks, may chicken na rin, pork chop, beef, noodles, uhm… okay na!”
“Doon na tayo sa cashier.”
“Tara!”
“Saan mo pala gusto kumain?”
“Greenwich?”
“Sure, ililibre kita!”
“Nyak, wag na, total sinamahan mo naman ako mag grocery. Ako na ang manlilibre.”
“Ano ka ba, ako itong lalake eh. Sige na!”
“Wayne ako na.”
“Isa.”
“Dalawa.”
“Ako na nga eh!”
“Okay fine!” pagsangayon ko. “Mapilit ka eh.” sabay kindat ng pabiro na siyang kinatawa niya.
“Ang kulit mo talaga!” at humalakhak na naman siya na parang amuse na amuse sa akin. Para lang naman. Baka hindi, at baka feeling ko lang.
“Kayo na ba ni Jaye?” tanong sa akin ni Wayne, tulad ng dati ay nagkukuwentuhan na naman kami sa may garden, under the moon. Sa wakas ay natanong niya rin ang tanong na ayaw na ayaw kong sagutin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot. Tumango ako.
“Oo kami na nga.” malungkot kong saad. “It was actually a secret, secret on kami.”
“Kailan pa?” Nakita ko sa mga mata niya ang pagkadismaya na para bang gusto kong bawiin ang sinabi ko. Pero naisip ko rin na I have to be honest with him.
“Two months pa lang Wayne, gusto ko ngang maging honest sayo pero ewan ko, hindi ko rin masabi. Sina Kaye At Aly lang ang nakakaalam.”
“Okay lang yun, wag mo na isipin.”
“Sorry ha, kung nag sikreto ako sayo.” dagdag ko pa na para bang kulang pa ang expansion ko. “Ayaw niya eh.” ang tangi kong nirason. Suddenly I feel so bad. Matagal bago siya umimik. I’ve realized, hindi ko na pwedeng bawiin ang sinabi ko.
“Alam mo ikwento mo na lang yan okay?” Napangiti ako at sinimulan ang pagkukuwento ng love story namin ni Jaye. Thank God, okay sa kanya.
In
best friends and boyfriend series,
Cindy Wong
Best Friends and Boyfriends Series 1: Man Haters (Chapter Two)
Alyssa
Dear Alyssa,
Happy Anniversary! Ito ang unang love letter na isusulat ko sa buong buhay ko kaya sorry kung medyo di siya ganoon kaayos. Wag kang magalala, galing naman sa puso ko lahat ng isusulat ko. Aly, umabot tayo ng isang taon at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na umabot tayo sa ganito. Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na ako ang napili mong boyfriend. Napakaswerte ko sayo. Gusto ko sanang malaman mo na mahal na mahal kita at di na magbabago yun…
Napaluha ako, ilang beses ko nang nabasa ang anniversary letter na binigay ni Michael pero di pa rin ako nagsasawa. Napakalalim ng aming pagmamahalan noon at laking panghihinayang ko ng mag break kami dahil sa walang kwentang dahilan: lack of communication. Umabot ng ilang buwan ang communication naming.
Isang exclusive na university ang pinapasukan niya. Pang mayayaman at sosyal. May nag balita sa akin na may girlfriend na si Michael. Syempre iniyakan ko ang bagay na iyon kahit walang ebidensya. Napagpasyahan kong puntahan siya sa bahay niya. Pero di ko na nakayanan ang sumunod na eksena. Nang sumilip ako mula sa gate nila ay may nakita akong babae, maikli ang buhok niya at may suot na maikling horts at make-up. Napatigil ako. Tumalikod at umalis na. Hindi ko na nakayanan. Na-shock ako. Hindi makapaniwala. Maya-maya lang, naguunahan ng pumatak ang mga luha ko. Mabigat na mabigat ang dibdib ko-
‘Alyssa, nagawa mo na yung- anak, umiiyak ka ba?” umiling ako kahit alam kong halata naman na umiiyak ako. Tinupi ko agad ang sulat at itinago sa ilalim ng aking unan. “Alyssa, you’re crying again.”
“Sorry, Ma. Ano uli yung inuutos niyo?” Ngumiti si Mama.
“Si Michael na naman no.” Muli, bumigat ang mga mata ko at saka tumulo ang mga luha. Hinagod naman ni Mama ang liked ko. “Tsk, it’s okay. Parte talaga ng buhay ang magmahal at masaktan. You’ve been in love, natural lang iyon.” May lungkot sa boses ni Mama habang sin Asabi ang mga iyon.
“M-Ma?”
“Kung may mahal ka, di mo na dapat pinakawalan.”
“Pero Ma, huli na ang lahat.. Ilang buwan na ang nakakaraannakalimuta na niya ako.”
“Then, move on. Naniniwala akong magmamahal ka ulit. No need to rush.” Tumango ako at ngumiti. “Di madali pero saying ang beauty mo.”
“Oo nga ano?” sagot ko sabay singa. “T-tama! Ba’t ba ako nagpapakalosyang? Hmp!”
“Ayan, tama yan anak.” ani Mama. “O siya, gawin mo na yung inuutos ko, maglaba ka na.”
“Okay.” ^__^
Kaynee
“O ba’t ang hahaba na naman ng mga nguso niyo?” tanong ko kina Alyssa at Catherine. Sabay kaming nag lunch ng araw na iyon. Sa ngayon, minsan na lang kami magkasabay sa paglu-lunch. Si Catherine kasi ay busy sa sa student council, si Alyssa sa pagaaral at ako naman ay busy sa kaka-training dahil malapit na ang lakad namin. Nakapangumbaba silang dalawa. Hindi sila nakasagot. Bumuntong hininga ako. “Love life na naman ba?” Nagkatinginan sina Alyssa at Catherine at sabay na tumango.
“Hang over pa rin ako kay Michael eh.” maikli at malungkot na sagot ni Alyssa.
“Si Jaye, palagi na lang busy.” mas maikling sagot ni Catherine.
“May narining na naman akong balita tungkol kay Michael, may bago na naman siyang girld=friend. And this time, hacienda daw yung babae. Yung tipong Rosalinda yung hitsura. Mangiyak- ngiyak na salaysay ni Trisha. “Bakit ba hindi ko pa rin siya makalimutan? Kagabi lang napanaginipan ko siya, papalayo na daw siya sa akin at hinahabol ko daw siya. Anong gagawin ko? Isa lang akong hamak na taga siyudad or should I say probinsyana? Arghhh!”
“Ako naman, feeling ko di na ako mahal ni Jaye.” simula naman ni Cath. “Di na niya ako tinatawagan o kahit text man lang. Kahapon nga nagkita na naman kami at pormal pa siya makipagusap sa akin. Nakakaininis! Alam kong secret lang yung relationship namin pero…”
“Teka, teka, isa isa lang. Ikaw Cath, ba’t di mo siya kausapin di ba? Yung mainlining ba, yung seryoso. Kasi kung talagang mahal ka niya, di ka niya gaganyanin. Di ka niya totorturin ng ganyan. Yung deadma lang!” Kilala ko si Jaye, may pagka-immature pa kasi ang tanong iyon. Hindi siya showy kay Cathe at secret on lang sila dahil nga president ng student council si Jaye, baka makaapekto kuno. Pero unfair pa din yun kay Cath di ba? Si Cath kasi first gf nun eh, pero mukhang si cath pa ata ang nanligaw.
“Oo nga girl, mas nakakaasar ang sitwasyon mo. “ ani Aly. “Kayo nga pero parang di kayo.” Tumango si Cath.
“Sige, kakausapin ko siya as soon as possible.” aniya sabay lagok sa ice tea na iniinom niya. “Kailangan ko ng gumawa ng aksyon.”
“Makinig kayo, di dapat tayo magpaailipin sa mga leaking walang lwenta.” Matigas kong sabi. Naaawa na rin ako sa dalawa kong friend na ito eh. Maganda naman sila at matalino, play girls sila dati (imagine?!!) pero kung sino pa yung mga lalakeng wala namang say , yun pa ang nagpapalungkot sa kanila.
“Oo nga eh, super nalolosyang na nga me eh sa kaiisip kung anong klaseng babae ang sunod na ide-date ni Miheal!” Sabi ni Aly sabay iwas ng tingin. Ilang sandaling katahimikan nang biglang nasalita uli si Alyssa. “Hey, gusto niyo sumama sa akin bukas? Tutal, sabado naman bukas eh.”
“Saan naman?” tanong ni Cath.
“Sa Cavite city, puntahan natin si Robin.”
“At ano naman ang drama ng Robin na yan? At teka sino ba sya? Tanong ni Cath.
“Si Robin yung nanliligaw sa kanya two weeks ago palang Cath. Isa sa mga naka-eyeball niya ba. Teka kayo na ba nun?”
“Well, actually…” Hanep talaga ‘tong si Alyssa.
“Kala ko ba may hangover ka pa kay Michael?”
“Naisip ko lang kasi baka eto na ang chance na mabuksan uli ‘tong heart ko at maging Masaya ako muli.” Teka, feel ko narinig ko na yun dati.
“O siya game ako dyan!”, sagot ni Cath. “Para naman makapagpahinga muna ako sa love life ko with Jaye.! Di ba may beach doon? Swimming tayo! Summer na din eh.”
“Yeah, right. Sama na din ako!” sagot ko naman.
Catherine
Maaga pa lang, guising na ako at nag impake ng mga susuutin ko para sa beach session naming nina Alyssa at Kaynee. Excited na ako dahil matagal na din akong hindi nakakaligo sa beach. Siguradong mage-enjoy ako/ ayoko mang I-mention, pero kasi tumawag ako kina Jaye para sana magpaalam kaso natutulog na daw siya. Haay.. As if he cared naman no. Well at least, I’ve tried.
Nagkiita-kita kami sa favorite mall naming. Halos terno pa kami ni Kaynee ng damit dahil paerho kami ng taste pagdating sa fashion. Si Alyssa naman, may shades like us. Medyo conservative kasi siya pagdating sa damit kaya may manggas talaga ang upper shirt niya. Masaya kaming bumiyahae papunta sa Cavite city. May pagka-malayo yun kaya road trp talaga. (Weel, pero speaking if pollution, pollution talaga). “Bakit naman kasi ang layo ng bahay ng boyfriend mo no?” tanong ni Kaynee. Init na init na kasi siya tulad ko.
“Wait lang kayo, malapit na. Doon sila sa kuta ng mga sundalo nakatira eh. Maganda dun, promise! Di kayo magsisisi sa pagsama sa akin.”
“Okay!” sabay na sagot namin ni Kaynee. Maya-maya lang, nasa Cavite city na kami. Hindi talaga siya mukhang city eh pero kakaiba talaga yung ambience niya. Ang friendly ng surroundings. Halos lahat ng tao, Moreno! Astig, ever!
Nang bumaba kami sa jeep ay sinalubong na agad kami ni Robin. Moreno din siya and in fairness, may hitsura. “Ano kumain na ba kayo?” tanong niya.
“Actually, hindi pa.” sagot ko. May Sinai siya kay Aly na pabulong at mukhang taimtim sila nagusap. Ilang sandali lang, binulong sa amin ni Alyssa na:
“Wala daw siyang budget ngayon, umalis daw ang Papa niya. Hindi naman talaga siya nakaka-dismaya eh pero sana di na lang siya nagtanong dahil may pambili naman kami ng sarili naming pagkain.
“Don’t worry, may budget naman kami for our own food.” ani Kaynee na mukhang nairita na din. Dumiretso muna kamu sa may carinderia. Take note, mukhang wala kaming natatanaw na restaurant o fast food man lang. Di bale, masarap naman ang mga tapsilog nina Manag. Magkatabi sina Alyssa at si robin at kami naman ang magkatabi ni Kaynee. At magkahawak sila ng kamay.
“Beh, ang ganda ng view no?” sabi ni Alyssa. Alyssa talaga, di cascading corny eh no.
“Oo nga eh, kasing ganda mo.” tugon naman ni Robin na naging dahilan na muntik ang pagkabulunan naming dalawa ni Kaynee. Buti na lang may baso ng tubig sa harap namin.
“Excuse me..” nasambit naming dalawa ni Kaynee. Per in fairness, alam mo nakakainggit sila ha. Kelan ba huking hinawakan ni Jaye ang mga kamay ko? Sa totoo lang, sweet siya sa akin nung first month namin. Nag organize pa nga siya ng kaka bang treat for me eh nung monthsary namin. Naaalala ko pa nung binigyan niya ako ng good night kiss at nung oras na hinawakan niya ang mga kamyay ko nang dumaan kami sa lugar na maraming aso.
“O mukhang tahimik ka ata?” tanong ni Kaynee. “Akala ko ba ang usapan ay di mo iisipin si Jaye ngayon?” Oo nga pala no, di ko siya dapat na iniisip. Dapat pigilin ko ang sarili ko. Nandito ako para mag enjoy at hindi para alalahanin ang good old days na last month lang naman nangyari.
“Okay, tara! Swimming na tayo.” sabi ko habang pinipigil ang pagluha.
“Sandali, di pa ako tapos kumain ni! At saka, magpalit muna tayo!” saad naman ni Kaynee.
Alyssa
Agad na sumulong sina Kaynee at Cath sa tubig. Unay ngang maganda ang scenery. Asul ang dagat at kahit kulay puti ang buhangin, at lahat ng tao ay nage- enjoy. “Tara, ligo na tayo!” yaya ni Robin.
“Tara.” At lumusong na din kami sa beach.
“Alyssa,” tawag ni Kaynee. “Kita tayong tatlo sa ilalim ng tubig.” aniya. Hindi naman talaga ako marunong lumangoy pero sa tingin ko Masaya ‘to.
“Tara!” sgaot ko. Ilang saglit lang, nagkita-kita nga kami sa ilalim ng tubig. Naghawak kami ng kamay at saka umikot. Nagkauntugan pa kami ni Catherine dahil nakapikit siya. “Ba’t ka ba nakapikit?” tanong ko nang ilitaw na namin ang mga mukha namin mula sa tubig.
“ang hapdi kaya sa mata.” natatawa niyang sagot dahil hindi lang mata ang masakit sa kanya. Tumama kasi ang noo niya sa matigas kong mukha. Nakitawa na din kami ni Kaynee.
“Ulitin natin, last na ‘to.” yaya ni Kaynee. “Please Cath, wag mo ipikit ang mata mo.”
“Okay, fine!” Ginawa uli namin ang routine at na-perfect na din namin. Kaya nga lang pulang- pula ang mga mata ni Cath. “Ang sakit!:
“Wag mo kayang kamutin.: saway naman ni Kaynee. Etto ang mga pangyayaring gusting- gusto ko talaga. Di na baleng walang boyfriend, meron naman akong mga bebst friends.
“Beh, tara dito ka naman.” tawag sa akin ni Robin. Lumangoy ako patungo sa kanya. “Pahabaan tayo ng paghinga sa ilalim ng tubig.”
“Okay.” sagot ko na kinakabahan dahil naka-shorts lang siya at masyado niyang nilalapit ang katawan niya sa akin.
“Sige, one, two three…” sabay kaming sumisid sa ilalim ng tubig. Umabot ng ilang Segundo ang passed namin nang bigla kong narandaman na papalapit siya sa akin. OMG! Hahalikan niya ako! Papalapit siya ng papalapit. Umahon akong bigla dahil di ko malaman ang gagawin ko. Lumitaw na din bigla ang mukha niya. “O talo ka na!” natatawa niyang sabi. Gusto ko man siyang sampalin ay pinigil ko ang sarili ko. Nakakaasar!
Madaya ka eh! Hahalikan mo pa ako?”
“Eh bakit, boyfriend mo naman ako ah.”
“K-kahit na!” nasambit ko. “Di mo dapat ginawa yun.”
“Alright, di ko naman alam na ayaw mo eh.” Di na ako nakapagsalita.
Kaynee
“O ba’t umahon ka naman agad?” tanong ko kay Cath. Dumiretso na siya sa pampang matapos ang isang oras na pagbababad.
“Tama na, mane-neg neg na ako niyan eh. Pagagalitan ako ni Mama pag nakita niyang ganito ang balat ko. “ sabi niya sabay upo sa may lilim. “Gawa tayo ng sand castle.” yaya niya pa.
“Eto, magpahid ka mu na ng lotion UV 90 yan ha! Para di ka maneg neg.”
“Thanks.” aniya.
“Kelan ka ba pupunta ng Hong Kong?” malungkot kong tanong. Ang ibig sabihin kasi nun ay ilang lingo kaming di magician.
“Pagkatapos ng sem na ‘to.” sagot niya. “nakakainis dahil siguradong puro intsik ang makikita ko dun.”
“Ayos lang yan!” masigla kong sabi. “Pasalubungan mo na lang ako ng make-up at damit! Tsaka ng fafa na rin!”
“Ay oo nga maraming pogi dun ano?” aniya. “Sa tingin mo gusto nila ng morena?”
“Oo yan, maganda ata kutis nating mga pilipina.”
“Oo nga pala no, sa tingin mo ano kaya ipapasalubong ko kay Jaye?” Di ako nakasagot. Si Jaye pa rin pala ang iniisip niya. Tsk! Tsk! “Wallet? T-shirt? Keychain? Eh meron na siyang key chain eh.”
“Cath, mahal mo ba talaga si Jaye?” tanong ko dahil kahit ako naiinis na dahil masyado na siyang nagpapakababa para kay Jaye. Si Catherine nga pala ay isang play girl dati at ni minsan ay di bumaba sa dalawa ang boyfriend niya. Pero bakit ganun? Nang naging boyfriend niya si Jaye ay biglang nagiba ang ihip ng hangin. Naging stick to one na siya at sa lalake pang napaka-immature. Tumango siya sa tanong ko. Hay, lalake, lalake, lalake. Nakakaasar na ‘to ha! Problema ng dalawang best friend ko ay lalake. Sana ako na din para damayan kami. Kaya lang wala naman akong nakikitang karapat dapat na lalake eh. Lahat sila ay puro sakit ng ulo.
“Ikaw ba Kaye, wala ka pa ring nahahanap na right guy for you?” Ano ba naming klaseng tanong yan Cath? Naririnig mo ba ang pamumu-muni muni ko? Shocks! Sa totoo lang, may naging boyfriend na ako pero lahat naman sila ay di umabot ng dalawang linggo man lang. “Perfectionist ka kasi Kaynee eh. Sige ka ikaw din, baka maubusan ka ng boylet sa mundong ito. Mahirap na.”
“Hay naku, kung uugok ugok ba naman ang boyfriend ko no, never mind na lang. Magtatandang dalaga na lang ako.”
“Siya, sige tularan mo ang mga tita mo.”
Catherine
Nakakapagod! Feel na feel ko pa rin ang pag agos ng tubig sa mga paa ko. Kahit papaano ay nakapag relax naman ako. Pero sa wakas, ay nakauwi na din ako. “Kumain ka na ba Catherine?” tanong ni Manag Josie, ang kasambahay na nagaalaga sa amin ni Jeniffer habang wala sina Mama.
“Oo tapos na. May tumawag ba sa akin?” tanong ko,
“Oo si Jaye tsaka si Wayne.”
“Si Jaye, tumawag?” lumundag ang puso ko nang narinig ko ang pangalan ni Jaye dahil di talaga ako makapaniwala.
“A-anong Sinai niya? Nauutal kong tanong. “Matagal ba kayong nagusap?”
“Hindi naman, nang sinabi kong wala ka ay binaba niya din agad.” sabi ni Jen.
“Matapos kong magbihis ay kinuha ko agad ang phone at nag dial.Excited na excited akong mag kuwento kay jaye. Hindi naman kasi ako nakapagpaalam sa kanya tungkol sa outing naming tatlo. “Hello Jaye?”
“O Catherine!” buong sigla niyang sagot, “Saan ka ba galing? Tumawag ako dyan sa inyo kanina ah.”
“Nag outing ako with Kaynee and Alyssa. Pumunta kami sa Cavite city!” excited kong kwento at sinalaysay ko nga ang mga pangyayari. At hindi tulad sa inaasahan ko, nakikinig siya.
“Uhm, bat di mo sinabi sa akin, nakasama sana ako.”
“I’ve tried to call you pero nga di ba tulog ka daw. And besides it’s a girl’s day out. Medyo tanned na ga pala ako.”
“Wow, eh di Masaya naman?”
“Yah, very happy pero sana nakasama ka.”” sagot ko/
“Oo nga pala, hiragana ka ni Wayne sa akin kahapon, nakalimutan ko lang sabihin sayo.”
“Ah oo, isang lingo na din kami halos di nagkakausap, busy na kasi eh. Ite- text ko na lang siya mamaya.” agad pumasok sa isip ko si Wayne. Oo nga pala, di ko nga pala siya nasabihan ng thank you sa bouquet na binigay niya sa akin nung valentines day. Ilang minuto pa kami nagusap ni Jaye at maya-maya lang ay binaba ko na ang telepono.
Matagal ko nang kaibigan si Wayne. Siguro grade school pa lang magkakilala na kami at naging close nung 4th year high school na kami dahil sa ilang circumstances. Nalaman ko kasi na naghiwalay na kasi ang mga parents niya at mula noon, naguusap na kami about sa mga problems naming. Takbuhan na namin ang isn’t isa.
Cath: Hi Wayne! 2mwag k dw d2 ah! Musta kn? Tenx nga pla s mga flowers mo ah, bl8ed hapi velentines na din. ^_^
Wayne: Helow cath, bel8ed hapi valentines din! D kpb n22log?
Cath: ndi p q 2log. Gling kami ngayun sa beach wid kay and aly. Pagod nga eh, musta k nga pla? Tagal din nten d naguusap ah.
Wayne: Uhm, cath may gagawin kb tom?”
Cath: Wla naman.. Y?
Wayne: Cmba tau..
Cath: Sure, wat tym?
Wayne: 9 ng umaga, bukas ok?
Cath: Ukie =D
Sa sumunod na Linggo, matapos ang bawat klase ko ay nagpra practice ako ng cheering. Buti na nga lang at pinapayagan ako ng coach namin sa track and field na lumiban muna sa training. Halos hatinggabi na ako nakakauwi na ikinagagalit ni Mommy pero kasi wala na akong choice. Kailangang manalo ng team namin dito which consist of Accountancy and Management students. We are all under pressure.
Isang araw ay naghihintay ako sa may lobby sa may harap ng head quarters ng ROTC dahil maaga natapos ang huling klase ko. Ayoko muna pumunta sa lugar ng pagpra praktisan ng cheering dahil for sure ako pa lang ang magiisa doon na nangyari na sa akin dati. Ayoko naman na mangyari sa akin yun ulit. Mabuti pa dito sa lobby ng school kung saan madaming tao ang dumadaan. Hindi ko naman ine- expect kung sino ang sumunod na dumaan. Si Lance. Hindi na ako masyadong nagre respond sa mga text niya. I feel guilty when he sat beside me greeting me very gladly. "Uhm, hi." I said back.
"Ano ba Jhelyn," biglang pagiiba ng tono ng boses niya. "Bakit hindi ka na nagre reply sa mga text ko?" And then I realized this is the time para sabihin sa kanya ang mga pangyayari. Dapat na akong makipag hiwalay sa kanya.
"Lance, I have something to tell you." pagsisimula ko. "I met someone through text." Napalunok ako. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ang mga sasabihin ko. Pero Jhelyn, kung hindi ngayon, kailan pa? I have to do this now, ang sabi ng boses sa loob ng utak ko.
"Tapos?" aniya nang natagalan bago ako nakasagot.
"W- well, nakainom ako. Nalasing at pagkatapos, may nangyari sa amin." You should have seen the look in his eyes when I said those words. He's so hurt na hindi siya nakapagsalita. Napakuyom ang mga palad niya na naglalabasan na nga ang mga ugat dahil nakikita kong kinokontrol niya ang sarili niya na wag magalit. Malumanay pa din siya nang nagsalita.
"H- hindi mo naman sinasadya di ba?"
"Hindi ko sinasadya Lance. Kung alam mo lang, ayoko ding saktan ka, ayokong mangyari sa atin 'to." A lie. Alam ko sa sarili ko na ginusto ko din iyon. Pinili ko din na makipag meet, makipag inuman at makipag talik. Hanggang ngayon nga ay may komunikasyon pa din kami, at sa totoo lang ay magkikita kaming muli sa makalawa.
"Jhelyn, kasi..." maluha luha niyang sambit. "Kaya ko yun tanggapin. Wala akong pakialam kung nangyari yun sa inyo. Handa kong tanggapin ang lahat ng ito, basta maging tayo lang ulit."
"Lance, huwag mo naman ako pahirapan. Nagui- guilty sa araw araw na naaalala kita, na naaalala ko ang mga nangyari. Kaya hindi ko kayang sumagot sa mga text mo o sa tawag mo dahil alam kong wala akong mukhang ihaharap sayo." The truth.
"Wala na ba talagang pagasa? Itatapon mo na lang ba yun lahat, etong pinagsamahan natin? Sumaya ka naman di ba? Sumaya ka naman, pinahalagahan kita, minahal kita."
"Hindi ko itatanggi na sumaya ako. Oo Lance, sumaya ako sa mga panahong hindi ko inaaasahan. Pero hindi ko na 'to kaya. Gusto ko munang magisip isip. Gusto ko munang magpahinga."
"Jhelyn," hawak hawak na niya ngayon ang kamay ko at pinipisil ito. "Nagmamakaawa ako, bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon. Mamahalin pa kita lalo-"
"Lance, ano ba? Wag mo naman 'to gawin sa akin, please. Hindi ko na kaya-"
"Sige na, isa pang pagkakataon." Umiling ako.
"I'm so sorry-" Binitawan ni Lance ang kamay ko at ikinalat ang mga dala niyang makakapal na libro sa sahig.
"Kung ayaw mo, bahala ka!" malakas ang nagtaas niyang boses na hindi ko pa naririnig kahit kailan. Madalas kasi ay malambing ang boses niya. Sabay tayo at umalis nang walang sabi at padabog at nang hindi man lang pinupulot ang mga ikinalat niyang libro. Buti na nga lamang ay naka body bag siya dahil kung hindi ay malamang tinapon na niya ito. Nagtinginan naman ang mga nagdadaan na mga estudyante pati ang mga nakatambay lang. Ilang sandali din kaming tila isang palabas sa tv. Pero hindi ko na dinugtungan pa ang sinabi niyang iyon. Hindi ko siya hinabol at sa halip ay tumayo ako at pumasok sa loob ng head quarters. Malakas ang kabog ng dibdib ko, takot na takot dahil sa pinamalas niya. Sana nga at yun lang ang makuha kong karma mula sa mga ginawa ko sa kanya.
"Okay ka lang ba Jhe?" si Jordan na hindi ko napansin na nadoon pala sa loob. Iniabot niya sa akin ang isang panyo dahil napansin niyang umiiyak na ako. Kinuha ko ang panyo at pinunas sa aking mga mata.
"Nakipag break na ako kay Lance." tugon ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at hinagod ang likod ko.
"That's just the right thing to do Jhelyn, I'm so proud of you." aniya.
Nang sumunod na araw naman ay napagdesisyunan kong pagbigyan si Craig. Nangako kasi siyang titigilan na niya ako sa kondisyon na magkikita kami sa huling pagkakataon. "Gusto ko lang na magkausap tayo." aniya.
"Huwag mo nga lang ie- expect na magiging maayos kung ano ang meron tayo. Gusto ko lang na tigilan mo ko."
"I promise, titigilan na kita."
Hindi ako pumasok sa una kong subject na Christian Living. Paborito ako ng prof namin kaya sigurado ako na ang isang absent ay hindi makakaapekto sa aking grades. Alas nwebe pa lang ay umalis na ako ng bahay at mineet si Craig hindi malayo sa may colliseum. Doon daw kami sa isa nilang bahay na hinahanapan niya pa ng uupa. Kakarennovate lang naman daw kasi ng bahay. Hahalikan sana ako ni Craig nang magkita kami pero umiwas ako. Mukhang bagong ligo siya dahil naamoy ko na naman ang pabango niya, naka maong na shorts siya at tsinelas. Sa pang itaas naman ay naka dilaw na polo shirt siya habang sa buhok niya na naka gell ay may shades na nakapatong. Habang ako naman ay naka uniform lang dahil balak kong umalis agad matapos naming magusap. Ayoko na itong tagalan dahil sa oras na magtatagal ako sa ganitong sitwasyon ay alam ko na bibigay na naman ako sa kanya. Bakit ba naman kasi kailangan niyang maging ganito kabango? Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong mapangiti. Pumasok kami sa loob ng rennovated na bahay matapos ilang sandaling lakad lang. "Umupo ka muna." aniya. Umupo naman ako sa pinakamalapit na sofa, The house seemed really nice. Light pink ang pintura sa loob ng bahay at sa dingding ng sala ay may iilang naka frame na larawan ng bulaklak. May kakaibang sophisticated na style ang loob nito. Itinabi ko ang dala kong gamit sa tabi ko habang siya naman ay hinandaan ako ng juice na mukhang binili niya lang sa labas. "May kuryente nga pero wala man lang laman ang ref. Okay ba ang bahay?"
"Okay naman, maganda." tugon ko. Umupo siya sa tabi ko at inurong niya ang mga gamit ko sa kabilang bahagi ng sofa. Hinawakan niya ang kamay ko na hindi ko na naiwas at siya'y nagsalita.
"Totoo ba ang sinasabi mo kanina, ang mga sinasabi mo ng ilang araw? Na tigilan na kita at ayaw mo sa akin?" Kinuha ko ang kamay ko na hawak ng dalawang niyang kamay pero hindi siya pumayag at hinawakan pa iyon ng mas mahigpit.
"Alam mo naman di ba? Sinabi ko na sayo, meron akong boyfriend. Long distance lang kami. Na bored ako kaya nakipagkita ako sayo. Sana naman maintindihan mo." Nagkaroon ka pa sana ng chance kung hinatid mo lang ako sa harap mismo ng Mommy ko nang araw na nalasing ako. Walang hiya ka kasi.
"Eh wala naman siya dito ah. Napapasaya ka ba niya?"
"Aba kung makapagsalita ka naman pakriandam mo napasaya mo ako ah." pagaangas ko.
"Alam kong ginusto mo din kung ano ang nangyari sa atin nang gabing iyon. Sa tingin mo ba ay hindi ko narandaman na sinasabayan mo din ako sa ginagawa ko sayo? Gumaganti ka din naman sa mga kiss ko sayo. Niyayakap mo din ako. Sa tingin mo ba hindi ko yun narandaman?"
"L- lasing ako noon Craig!" nauutal kong sabi. Totoo nga ba ang sinasabi niya? Oh God.
"Sa isang gabi na iyon, alam mo ba na nainlove na ako sayo. Mula nang gabing iyon, lagi na kitang iniisip. Iniisip ko na sana pala ay naging magkabigan muna tayo, sana pala niligawan muna kita. Jhelyn, wag mong gawing one night stand lang ang lahat." Napailing ako, this can't be. "We can make this right Jhelyn, please."
"Sorry, hindi talaga pwede Craig-" walang anu- ano ay hinawakan na niya ako sa likod at hinila sa kanya. Naglapat ang mga labi namin. His moist lips touched my dry one. Sinubukan kong kumalas pero sadyang malakas ang pwersa niya physically and sexually. Hanggang sa ang kaliwang kamay niya ay nasa batok ko at ang kanan naman niyang kamay ay hinuhubad ang suot kong sapatos. Matapos noon ay dahan dahan niya akong ihiniga sa sofa. Masyado talaga siyang malakas. Sa lahat ata ng lalakeng na meet ko, siya itong pinaka may muscles sa lahat. Siya lang ang tipo ng tao na nako kontrol ako. Ang lakas ng kapangyarihan niya over me. Hanggang sa nagkaroon ako ng pagkakataon ay naitulak ko siya ng bahagya. "Ano ba Craig, please."
"Alam kong gusto mo din ako Jhelyn. Bakit kailangan mong pahirapan ang sarili mo."
"H- hindi kita gus-" bago ko pa natapos ang sasabihin ko ay sakop na naman ng mga labi niya ang labi ko. Narandaman ko na lang na buhat buhat niya ako at dinala niya ako sa isa sa mga kwarto. Ihiniga niya ako sa isang malambot na queen size na kama na tulad ng dingding ay light pink din ang bedsheet nito. Until his kisses started to get deep as well as his fingers. Sa sarap na nararanasan ko ay napag desisyunan ko ng sumuko at magpakalunod na lamang sa pinaparandam niya sa akin.
Isang oras bago ang susunod kong klase ay bumangon na ako at nagsimulang mag ayos. Nakahiga pa din si Craig sa kama nang matapos akong maghilamos at magayos ng sarili. Wala naman sana ako balak magpaalam pero mukhang naalimpungatan siya. Buti pa siya nakaidlip. "Saan ka pupunta?" aniya.
"Papasok na ako sa klase ko Craig. Kailangan ko din mag lunch muna kaya kailangan ko na umalis." tugon ko. "Sana eto na ang huli nating pagkikita, lahat ng nangyari sa atin, lahat kamalian at ayoko ng maulit."

"Damn it Jhelyn, nakikita ko namang nage enjoy ka sa akin. Bakit kailangan mong pahirapan ang lahat ng ito?"
"Basta, ayoko na. Hindi na ako makikipagkita sayo at sana wag mo na akong guluhin dahil yun ang kondisyon mo sa akin di ba, pag nagpakita ako sayo?" Hindi siya nakaimik, nakatingin lang siya na para bang nagmamakaawa na wag akong umalis. "Sige na, aalis na ako."
"Teka ihahatid kita sa tricycle station." aniya.
Nakipag break na ako sa dalawa kong karelasyon, anumang relasyon ang meron kami. Ang importante ay wala na ang dalawang tinik sa dibdib ko. Isa na lang ang natitra, si James. Hihintayin ko na lang ulit kung kailan siya tatawag para matapos na ang lahat ng kahibangang ito. Bago ang araw ng cheering ay tumawag na nga siya, mukha pa man din siyang masaya sa pagbati sa akin, until I tell the bad news. "James, nahihirapan na ako sa long distance relationship natin." panimula ko. "Mabuti pang maghiwalay na tayo." Hays, mukhang praktis na praktis ko na ang mga katagang ito dahil sa isang linggo, eto na ang pangatlong pagkakataon na makipag break sa isang lalake.
"Anong ibig mong sabihin? May na meet ka na bang iba?" narinig ko sa boses niya na para bang mangiyak ngiyak siya sa sinasabi niya.
"W- wala James." pagsisinungaling ko. "Walang iba, pero kasi hirap na hirap na ako sa ganitong sitwasyon, hindi ka naman madalas kung tumawag. Ni hindi ko nga marandaman kung mahal mo pa ako eh."
"Mahal na mahal kita Jhelyn, wag mo namang gawin sa akin ito. Alam kong hindi ako nakakatawag ng madalas sayo, I'm so sorry for that. Alam mo naman na hindi pa ako regular sa trabaho ko at sa susunod na buwan pa ang sahod ko. Please naman, wag mo itong gawin."
"Sorry James, hindi ko na talaga kaya. At isa pa, wala na akong nararandaman sayo."
"Anong ibig mong sabihin?" humahagulhol niyang sabi. Sumasakit na din ang dibdib ko sa ginagawa ko, sabi ko na nga ba at dadating ang panahong ito.
"Ayoko na, please."
"Please din Jhelyn!" biglang pagtaas ng boses niya. "Paano na ang mga pangako natin sa isa't isa? Itatapon mo na lang ba ang lahat ng iyon? Handa akong tuparin ang lahat ng sinabi ko sayo, magpapakasal tayo, dadalhin kita dito. Magkakaroon tayo ng pamilya." Hindi ako nakaimik agad at minasahe kong sandali ang noo ko.
"Hindi ko mabibigay ko ang ano ang gusto mo."
"Nakakatawa talaga no Jhelyn? Dito mo din ako brineak sa telepono noon eh, and now for the second time around, dito mo din ako brineak."
"I'm really sorry."
"Wala na ba talaga ko diyan sa puso mo, kahit konti lang? Yang konti na yan, kung meron man, susubukan kong buhayin. Gagawan ko ng paraan, uuwi ako sayo."
"James, kahit ano pang gawin mo hindi na magbabago ang isip ko. I'm really sorry for making you go through this. I'm really really sorry." Nagpatuloy siya sa pagiyak, sa paghagulhol, sa pagmamakaawa pero hindi ako nagpatinag. Matatapos din ang lahat ng ito, sabi ko sa sarili ko. Dumating ang oras na naubusan na siya ng barya sa payphone na tinatawagan niya at naputol ang tawag. Ilang minuto at oras ang lumipas pero hindi na siya tumawag pang muli. Salamat sa Diyos. Sa wakas at ako ay single nang muli, I feel free once again and of course, relieved. I never felt so better. Goodbye love life, magpapahinga muna ang aking puso.