Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Friday, 29 July 2011

What is Love? "CHAPTER SIXTEEN"

07:51 Posted by Cindy Wong Dela Cruz No comments
First monthsary namin nang araw na iyon, at maaga pa lang ay nagtititipon tipon na ang mga estudyante para sa flag ceremony. Fifteen minutes bago magsimula ang flag ceremony ay dumating din si James. "O, kanina pa kita hinihintay ah." sabi ko.
"Sorry Hon." Well Hon na ang tawagan namin ngayon. "May dinaanan lang ako." aniya.
"Ano yun?" tanong ko.
"Talikod ka muna at hawakan mo ang buhok mo pataas." utos niya na siyang ginawa ko naman. May kinuha siya sa bag niya at ipinalibot sa aking leeg ang isang silver na kwintas. Makinang ito at ang disenyo ay halos kapareho sa kwintas na nawala ko na iniyakan ko pa dahil bigay yun sa akin ng akin ni Mommy. Dinama ko ito sa aking leeg nang makabit niya at saka ako napangiti.
"Ang ganda." nasambit ko. "P- para saan naman 'to?" Lumapit siya sa akin at may ibinulong.
"Happy first Monthsary, Hon." bati niya.
"Happy Monthsary din, I love you." sabi ko. "Thank you dito ah, thank you talaga. I love it."
"Wala yun, don't ever mention it and Hon, I love you too. I love you so much." And then we look each other again like there's no tomorrow. Yan ang madalas naming gawin, hindi nakakasawa. At pakirandam ko sa bawat tingin ko sa kanya ay lalo ako nai- inlove.

Hi Jhelyn,

Kamusta ka na? Sigurado galit ka na talaga sa akin dahil hindi ko nababalik itong notebook na ito. Pasensya ka na talaga, sorry, sorry, sorry. May tatanong ulit ako sayo, kayo na ba ulit ni James? Kasi madalas na kayong magkasama eh. Uhm, okay lang ba sa kanya na nagsusulatan tayo? Kasi sa totoo lang kung ako ang nasa kalagayan niya malamang ay hindi na ako papayag. Hehe. Malapit na pala ang birthday mo no? Ano pala ang balak mo? Grabe BER months na naman, di ba paborito mo ang BER months? Regalo ko sa pasko ah, wag mong kalimutan.

Nagsusulat ako ngayon habang nagre- religion class. Nakakaboring talaga mag lesson itong si Ma'am Diaz. At inaantok na din ako sa mga oras na ito. :)

Sige hanggang dito na lang, sensya na kung maikli ulit.

Martin

Dear Martin,

Wag mong sasabihin kahit kanino ah, pero oo kami na ni James. Niligawan niya kasi ulit ako. Sabi nga nila love is sweeter the second time around. Well, totoo nga yun. Hindi ko lang nasabi sayo agad kasi ayaw ko masyado i- public yun, ayokong pagsigawan kasi obvious naman. Sorry kung hindi ko din nasabi sayo ah.

Actually hindi yun ang tunay na dahil kung bakit hindi ko masabi kay Martin na kami na ni James. Ewan ko pero there's this fucking feeling na baka magalit si Martin. Duh, Jhelyn bakit naman siya magagalit? May gusto ba siya sayo? Eh di ba nga platonic nga kayo? Di ba?? Wag kang assuming. Kaibigan lang din naman ang tingin niya sayo. Hay, ang weird naman ng feeling na ganito. Kung anu- ano ang pumapasok sa utak ko. Jhelyn focus on James, siya ang boyfriend mo ngayon. Hinawakan ko ang kwintas na nasa leeg ko. Pinuri iyon ni Mommy pati na nga kaibigan ko. Kilig na kilig sila sa akin. Nanonood kami ng sine pag weekends, o di naman kaya ay kumakain kami sa labas. Wala na ang ilangan di tulad ng dati. Komportabel na din kami sa isa't isa. Isa pang buwan ang lumipas at dumating ang kaarawan ko. Sabado yun kung kaya naman ay walang pasok. Nagkaroon lang ng konting handaan sa bahay kung saan imbitado ang ilang kapitbahay at syempre si James. Hindi na nakapunta sina Leah at Barbie dahil balak kong ilibre na lang sila sa Monday. Nag pansit at nag lumpia si Mommmy at umaga pa lang ay tumawag na si Daddy. Nag siesta muna kami at kinahapunan ay dumating si James. "Happy birthday Hon!" bati sa akin ni James nang salubungin ko siya sa gate.
"Thank you!" Meron siyang inabot sa akin na isang maliit at asul na envelope. "Ano ito?" tanong ko.
"Buksan mo na lang." sabi niya. Pagbukas ko ay may nakita akong silver bracelet na may letter j na pendant. Tinulungan niya akong isuot ito at sa laking tuwa ko talaga ay nayakap ko siya.
"Thank you talaga Hon!"
"Pasensya ka na at silver lang yan ah, wala pa kasi akong trabaho pero alam mo kung may pera lang ako bibilhin ko ang pinakamahal sa lahat."
"Hindi ko naman kailangan ng mga materyal na bagay eh, nandyan ka lang sa tabi ko okay na. Kumpleto na ang araw ko. Mahal na mahal kita, hindi mo alam kung paano mo ako pinasasaya."
"Sorry nga pala kung kahapon medyo hindi ako nagsasalita ah." sabi niya. Hindi niya kasi ako kinakausap kahapon dahil nagseselos siya kay Martin. Nalaman niya kasi na nagsusulatan kami sa isang notebook. "Nagtatampo lang kasi talaga ako."
"Oo alam ko yun, kasalanan ko din naman yun kasi tayo na di ba? Sana nga hindi ko na lang pinagpatuloy yun."
"Gusto mo tayo na lang ang magsulatan." yaya niya sa akin.
"Ha? Araw araw na naman tayo nagkikita di ba? Bakit magsusulatan pa tayo?"
"Ayaw mo ba?" aniya na para bang nagtatampo.
"Gusto syempre." Actually I found it weird pero sige go ako. Lalo akong kinilig.
"Nagdala na nga ako ng notebook o." aniya sabay bigay sa akin ng isang green notebook na meron pang bookmark sa loob. Meron na din siyang sulat doon. "Basahin mo mamaya pagalis ko."
"Okay Hon." Prepared naman pala siya. "Gusto mo ba kumain ka muna? May pansit dito si Mommy." Sinabayan ko din naman siyang kumain at maya maya lang ay nagising na mula sa pagkakasiesta sina Mommy. Magkavibes na nga si Mommy at si James at minsan pa ay pinapayagan ako ni Mommy lumabas basta kasama ko si James. Matapos naming kumain at nagkwentuhan na lamang kami ni James sa may sofa habang nasa labas na naman ang lahat ng tao. Nakaakbay sa akin si James habang ako naman ay nakasandal sa kanya. Bukas ang TV at labas pasok ang aming Yaya. Pinaharap ako ni James sa kanya at saka kami naghalikan pero iba ang halikang ito dahil mas matagal, mas basa at mas may pakirandam. Hinayaan ko lang siya dahil pati ako ay sumasabay na din sa kanya. Iba ibang emosyon ang nagising mula sa aking katawan, masasabi kong mas matindi pa ito kumpara sa paghahalikan namin ni Bry sa bahay ng kaibigan niya. Alam kong hindi dapat magkumpara sa isang relasyon pero talagang hindi maiiwasan na merong mas magaling sa isang bagay na ang babaeng katulad ko ay hindi malilimutan.

Si James ang unang lalakeng nagparanas sa akin kung ano talaga ang sex. Sa murang edad ko ay nakapag check in ako sa isang motel at doon namin inilabas ang natatagong apoy sa aming mga damdamin. Oo, hindi ko alam ang ginagawa ko pero kung dumaan ka sa pagiging teenager ay maiintindihan mo ako, ang pakirandam na may nagmamahal sayo na ang kulang na nga lang ay kasal para masabing kayo na talaga, para siyang ekstasi na ayaw kong tigilan. Sa bawat pagtatapos ng pagiisang katawan namin ay nandoon ang paglalambing. "Mahal na mahal kita Hon, walang magbabago sa atin okay? Lagi tayong magiging ganito. Habambuhay." binitawang salita sa akin ni James. Yun din ang sinabi ko sa kanya, habambuhay niya akong pagmamayari. Habambuhay. Sa tuwing natatapos din kami sa aming ginagawa ay nagkakaroon kami ng kwentuhan kung saan lumalabas ang aming mga saluobin sa isang bagay o sa isang tao, doon namin lalo nakikilala ang isa't isa. Naaalala ko ang kantang "If ever you're in my arms again" parang nabigyan namin iyon ng hustisya kung sakaling kami man ang kumanta nun. Laking pasalamat ko din at binigyan namin ng isang pagkakataon ang batang pagibig namin dati. Puppy love pa kasi yun, ngayon kasi masasabi kong nag improve ang nalalaman ko tungkol sa pagibig. Ang pagibig pala hindi mae- explain ng salita o nang kahit na ano pa man. Hindi mo yun mahahanap sa diksyunaryo o sa kahit na anong libro pa. Hindi mo alam ang tunay na pagibig kung hindi mo ito naranasan.

Isang beses sa dalawang linggo lang kami nagtatalo ni James dahil magkasundong magkasundo kami sa lahat ng bagay. Lalo pa tumibay ang pagmamahalan namin dahil sa sulatang ginagawa namin sa berdeng notebook na inialok niya sa akin. Tulad ng sinabi ko kay James ay itinigil ko ang pakikipagsulatan kay Martin. Martin doesn't seemed to be bothered so okay lang din. Nakatapos na nga kami ni James ng isang notebook, take note nagkikita pa kami niyang araw araw. Doon namin isinusulat ang mga bagay bagay na hindi na namin napagkwe kwentuhan o di naman kaya ang mga nararandaman namin sa isang oras na hindi kami magkasama. Marami kaming napagkwe kwentuhan. Naroroon din ang mga pangako namin sa isa't isa, ang pangako ng habambuhay. Kailangan ko din ikwento dito na pinagaralan ni James para sa akin kung paano tumugtog ng gitara. Sabi ko kasi lalo akong nai- inlove sa mga lalakeng marunong nito. Nagulat na lamang nga ako na isang araw ay bumili siya ng gitara at nagsimulang mag practice. Kinanta pa nga niya sa akin ang unang kantang natutunan niyang tugtugin, ang kantang "Crazy for you", at tulad nga ng sinabi ko ay lalo akong nainlove sa kanya. Hindi ko namann din akalain na seseryosohin niyang magaral ng gitara para sa akin.

Isang araw ay celebration ng foundation sa school. "Sige na Jhelyn, pakasal na kayo ni James! May marriage booth sa lobby, sige na please!!!" pamimilit ni Leah sa akin. "Dali, tatawagin ko na si James sa kabilang classroom ah! Wala naman kayang klase, sayang!" Napapayag din naman niya ako kahit ba sobrang nakakahiya dahil maraming tao ang manonood. Pagdating namin doon at nagbayad si James ng Php 25 at isinuot na sa akin ang isang belo na malamang ay isinuot na ng mga nagpakasal dito, pinapili ako ng kulay ng singsing kung saan jade green ang pinili namin. Sinuklay ni Leah ang buhok ko at tiningnan kung ayos na ba ang hitsura ko. "Naku ayusin mo ah. Straight body ka dapat, and smile." aniya.
"Ano handa ka na ba?" tanong sa akin ni James bago kami nagsimula, tumango lang ako dahil pakirandam ko ay namumula na talaga ako dahil ang daming tao sa paligid at feeling ko mas kilig pa sa akin. Eto ba ang feeling ng kinakasal? Mixed emotions, masaya na naiiyak na hindi maintindihan kung ano. Ang weird. Arghhh!!

Naglakad ako ng dahan dahan habang may tugtog na wedding song, limang steps lang naman yun pero pakirandam ko ang layo ng nilakad ko. Sinalubong ako ni James sa may altar alataran ay kinuha ang kamay ko. Sinimulan na nga nila ceremonyas. Merong pang kontrata kuno kung saan kami pumirma. Wow, parang totoo. Isinuot sa akin ni James ang sing sing, ganoon din naman ako sa kanya. "And now you may kiss the bride." naghiyawan ang mga tao sa paligid pero si James lang ang nakikita ko. This should be a true wedding. Dumampi ang mga labi ni James sa akin, smack lang pero lalong lumakas ang hiyawan. Doon na ako nagising talaga mula sa pagkakahypnotize at doon ko narandaman ang sarili ko na namula. Sa tingin ko ay ganoon din si James. Nag holding hands na lamang kami na umalis sa scene na iyon habang sinasabungan kami ng mga petals ng bulaklak.

"Grabe yung kanina, hindi ako makapaniwala sa ginawa nating iyon." sabi ko sa kanya habang nakaupo kami sa catwalk. Tapos na ang klase at tumambay muna kami sa catwalk to spend some time together.
"Oo nga eh, kahit ako. Pero alam mo tutuparin ko ang pangako ko sayo na pakakasalan kita kahit saan mo gusto. Magiging masaya ka sa akin kaya please Jhelyn Chan, wag na wag mo kong iiwan."
"I wont leave, I promised. Promise ko yan sayo." At saka umihip ang malakas na hangin, malamig na kasi ang simoy nito. Mabilis na din gumabi.
"Tara uwi na tayo, ihatid na kita sa sakayan."
"Sayang wala tayong honeymoon matapos nitong kasal natin." sabi ko.
"Hayaan mo, bawi ako sa weekend, labas tayo. Alam mo na, sa dating tagpuan." aniya sabay kindat.

Lumipas ang pasko, ang bagong taon, ang valentines day. Dumating na naman ang graduation day. Isang linggo din naming pinagpra praktisan ang graduation march and all. Pareho pa nga kami ni James na may award na Best in Attendance dahil hindi naman kami nagaabsent. As in never, sa school na nga lang kami nagkikita di ba? Ayaw ko naman sabihin na paborito kaming love team ng mga teacher. Haha! Joke lang po. Anyway yun na nga, tatlong araw bago ang graduation ay napaaway pa si James. Grabe yun ang karanasan na hindi ko din malilimutan dahil yun ang panahon na hindi ko siya makontrol. Galit na galit siya sa isang classmate niya dahil inaasar siya hanggang sa mapunta sila sa suntukan. You know how boys are. Pagkalabas niya mula sa disciplinary office ay sinundo ko siya. "Kamusta ka Hon? Okay ka lang?" Hindi siya nagsalita. Kilala ko si James, pag ganito na siya kagalit, ay hindi ko na ipinipilit dahil lalala lang ang lahat. Kumain kami sa paborito naming gotohan, ang gotohan ni manong na itinayo sa harap ng aming subdivision. At tama nga ang ginawa ko dahil huminahon na din naman siya. Kinuwento niya ang nangyari sa loob ng discipline office. Pumayag si Sir Santos, ang in charge sa disciplina ng mga estudyante, na hindi alisin ang Best in Attendance na award ni James basta hindi na muulit ang nangyari. Kinuwento niya din ang pagkaplastik na pagbabati nila ni Ryan, ang nakaaway niya. "Sige ganito na lang, if you promise me that you'll cheer up, ibibili pa kita ng tokwa't baboy, ano deal?" Ngumiti siya sa akin na parang ewan at tumango.
"O sige na nga, padamihan mo ng suka at sili ah." natatawa niyang sabi. Hay sa wakas!

Dumating ang araw ng graduation. Dinaluhan ito ng Daddy, well umuwi talaga siya para dito, at ni Mommy. Iwan sa bahay sina Jhea at Ron dahil pang dalawang tao lang ang dapat na aattend sa bawat isang estudyante. Sa isang malaking colliseum sa Manila ito gaganapin at kanya kanya kami sa pagpunta doon. Sosyal nga dahil rumenta pa si Mommy ng Van para aming lahat. Sumabay naman sa amin si Leah. Proud ako dahil pwede na akong magtrabaho sa fast food chain ngayong nakagraduate na ako ng high school. LOL! Paano naman kasi, sa pagkakaaalam ko, kahit janitor ay hinahanapan ng college diploma. Pasosyal sosyal pa ito, sana lang ay may marating talaga ako sa buhay ko. Pagdating namin doon ay madami ng tao, pero hindi pa nagsisimula ang graduation march. Kumain muna kami sa isang restaurant and on our way in ay nagkita kami ni Martin. "Ano gragraduate na naman tayo?" sabi ko.
"Oo nga eh." aniya pero hindi na kami parehong tumigil sa paglalakad. Pareho na din kaming busy sa aming mga kanya kanyang appointments. Dala dala ko din ng araw na iyon ang isang scrap book na ginawa ko especially made for James. Nakalagay dito ang mga special pictures namin, ang mga short stories about sa amin, at isang sulat para sa kanya. Pinaghirapan ko din ito. Ilang oras ang ginanap na ceremony at sobrang gutom na talaga ako. Alas kwatro kami dumating doon pero alas nwebe na ito natapos. Nang pabalik nga si James mula sa stage at nang napadaan siya sa aking upuan ay tinawag ko siya at saka ko inabot ang regalo ko.
"Congrats Hon."
"Cograts din, love you."

Nang matapos ang ceremony ay hinanap namin ni James ang isa't isa. And when we saw each other ay agad kaming naglapit at nagyakap. "I will miss this." sabi ko.
"Wag kang magalala, kung dati dito tayo natapos, hindi ko na hahayaang maulit iyon. Magkikita tayo sa bakasyon at sabay tayo papasok sa college." aniya.
"Sabi mo yan ah, this will not end here." Kinuha namin ang toga cap parehong nakapatong pa sa aming mga ulo at sinabayan namin ang pagbibilang ng mga ka batch mates namin at pagkatuntong ng one ay sabay sabay naming ihinagis ito pataas. At ang langit sa colliseum ay napuno ng nagliliparang toga caps na tila mga ibon.

Nakatanggap ako ng cellphone, sa walas galing sa aking mga magulang matapos ang graduation day, yun ang premyo ko mula sa kanila. At matapos ang isang linggo ay kailangan na nga bumalik ni Daddy, nakakalungkot pero kailangan eh. Mag co- college na ako kung kaya naman ay mas kinakailangan naming magtulungan. Hindi ako nakapasa sa UP, at kahit din naman ang iba ko pang kaklase so okay lang, duguan naman pala ng utak doon, nag exam na lamang ako sa isang kolehiyo na pang flight stewardes, nakapasa nga ako pero sobrang mahal naman pala ng tuition. Hindi naman din kami ganun kayaman. Hanggang sa sinabi ko kay Mommy na gusto ko maging Accountant, hindi naman masama mangarap pero kung hindi man din lang ako magiging stewardes o di naman kaya nurse, gusto ko pa din yumaman, gusto ko lumawak ang kaisipan ko tungkol sa pera. Pumayag naman si Mommy dahil na convince ko siya na kaya ko ang kursong ito. Guess what kung saan ako nag enroll? Nag enroll pa din ako sa University of Cavite kung saan ako nag high school, meron din naman kasi silang college. Lalayo pa ba ako kung ito ang pinakamalapit sa amin. Ayaw ko din namang mahirapan sa pagbiyahe biyahe na yan, at mas lalong ayoko mag dorm dahil panigurado dagdag gastos at syempre hindi ko kaya malayo sa pamilya ko.

Noong nagkacellphone ako si Martin ang una kong tinext kasi nasa sa akin yung number niya, sakto naman na nag reply siya. Si James naman kasi, purkit hindi ako nagce- cellphone eh hindi na din nag cellphone. Kaya naghanap pa tuloy siya ng lumang cellphone na pwede niyang magamit. So tinext ko nga muna si Martin.
Buti na lang may cellphone ka na, kaso hindi naman tayo pareho ng service provider.
Importante ba yun? Well at least meron na akong cellphone, nakakatuwa, hindi ko akalain...
Saan ka pala papasok ngayun? Tuloy pa ba kayo sa Cebu?
Yun pala ang good news ko, Mom will take her time, at dahil dito na muna ako magco- college, nagbago ang isip niya. Ayos di ba?
Oo nga no, pwede pa kita mabisita diyan sa bahay niyo. Hehe..
Korek ka diyan, saan ka na pala papasok ngayon? Ako kasi doon pa din eh, sa UC
Talaga? Doon ka? Wow! Ang lapit.
Mahiluhin din ako sa biyahe so mas mabuti na ito, mas concentrate sa studies.
Dahil sa sinabi mong yan, sasama na ako kina Jake, mage enroll na din ako bukas.
Saan ka naman mage enroll?
Tulad ng sa iyo, meron din namang IT dyan eh.
Teka, pingisipan mo ba yang mabuti?
Kailangan pa ba? Okay na yun... :)

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Adventure Time - Lady Rainicorn