Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Saturday, 30 July 2011

What is Love? "CHAPTER SEVENTEEN"

08:26 Posted by Cindy Wong Dela Cruz No comments
Hindi nga nagtagal, lumipas ng mabilis ang dalawang buwang bakasyon, at nagsimula na naman ang klase. Kakaiba naman pala talaga ang college, may mga schedule ka ng mga subjects mo, at nagiiba iba ang mga classmates mo, hindi katulad ng high school na sa iisang classroom lang kayo sa buong araw. At dahil si Leah at nagaral na sa Manila, kailangan ko ng makisalamuha sa ibang tao. Nakilala ko sina Trisha at Jordan. Si Jordan ang tipo ng lalake na sobrang gentleman, na minsan nga iisipin mong bading siya, well pero hindi siya bading, laging nakagell ang buhok at laging malinis ang pagdadala sa uniform, si Trisha naman petite na babae, payat masyado at medyo maliit sa edad niyang dalawampu na mas matanda pa sa akin. Kami ang naging trio ng accountancy students, lagi kaming magkasama sa lahat ng bagay, sa kopyahan, sa quiz, sa assignments, sa kainan tuwing lunch, we are just inseperable pwera na lang kapag dumadating si James na nag take ng kursong Nursing and guess where? Same school! We were like in high school again, except we can go wherever we want and whenever we want, okay lang mag cutting classes although I don't do that so often. Minsan sumasabay din siya sa paglu lunch namin. It was all so perfect. Ihahatid ako ni James sa tapat ng subdivision, minsan sa bahay mismo, aral pag may exam, those kind of stuffs. Until one day, hindi pumasok si James sa school, tinext ko siya and asked what happened? At nagimbal ako sa nireply niya sa akin. Bakit hindi niya sinabi sa akin ito dati? Ba't ngayon lang? Parang gumuho ang mundo ko nang nalaman ko ang nangyari. Akala ko ba sabay kami magco- college, akala ko ba magtra trabaho kami dito sa Pilipinas, tapos magpapakasal pag nakaipon. Ano itong sinasabi niya na approve na daw ang application niya sa pagpunta sa US? Balak mag migrate ang buo niyang pamilya doon. At hindi man lang niya sinabi ito sa akin until now, kung kailan okay na ang lahat. Hindi na ako nagreply sa text niya. Hindi ko din naman kasi alam kung ano pa ang sasabihin ko. Nababaliw na ako any moment. Hindi ako nakapagsalita buong araw, kahit sina Trisha at Jordan tinatanong ako kung ano ang problema. Hindi ko lang talaga sila masagot. It is like betrayal on my part. Why now?

"Sinira mo lang ang mga balak natin!" sigaw ko sa kanya nang magusap kami sa aming bahay, habang nasa labas na naamn sina Mommy nang sumunod na araw. Hindi ko kasi siya kinausap sa school buong araw kung kaya naman hanggang sa bahay ay sinundan niya talaga ako. "Ang mga plano natin!"
"Jhelyn, I am so sorry, ngayon nagsisisi ako kung bakit hindi ko sinabi sa iyo kaagad, hindi pa naman kasi ganoon ka sure eh. Akala ko lang din gi- give na si Mama sa pagaapply dahil 2 years na yung application namin doon. Please intindihin mo naman ako, we can work this out. Pwede naman tayo maging long distance."
"Florida? Pilipinas? Magkaiba ang oras? Narealize mo na ba kung gaano tayo magiging malayo sa isa't isa? Naiintindihan mo ba? Hindi ko kayang maging malayo sa iyo."
"Ako din naman Jhelyn, ako din naman." nagsimula ng tumulo ang luha sa mga mata niya. "Akala mo ba ginusto kong maging malayo sayo? Hindi Jhelyn, hindi ko kaya, hindi ko din kaya." Napaupo siya sa sofa at ibinaon sa dalawang kamay niya ang kanyang mukha at doon nagsimulang umiyak. "Kaya ba natin yun? Ang long distance? Kaya ba nating wala ang isa't isa?"
"Hindi naman ako mawawala eh. Nandyan pa din ako sa puso mo, hindi ako aalis dyan." Tumayo siya at lumapit sa akin, niyakap niya ako. "Kayanin naman natin 'to o, pakiusap lang. Alam kong kaya naman natin eh."
"Yung mga promise mo sa akin, gagawin mo pa din di ba? Kasal na tayo di ba?" Tumatango lang siya sa mga sinabi ko. "Kung sino ang gumive up, magbabayad ng isang milyong kada taon. Naiintidihan mo?" Umoo lang siya ng umoo. I know stupid things lang ang mga sinasabi ko, pero gusto kong marinig mula sa kanya na hindi siya gi- give up. And he just agreed to all I said. "K- kailan ka aalis?"
"Next month." maikli niyang sagot. Lalo akong napaiyak sa sinabi niya, para akong binigyan ng taning sa aking pagkamatay. God, why? Naging honest naman ako sa taong ito, siya lang ang taong minahal ko ng ganito, bakit ilalayo mo pa siya sa akin? Ano ang nagawa kong masama? Para akong lalong nawalan ng lakas. Umiyak na lang ako sa mga natirang oras namin nang araw na iyon, hanggang sa umuwi siya at hanggang sa makatulog ako, umiiyak pa din ako na para bang wala ng bukas.

Sa loob ng isang buwan ay nag sign up ako sa mga activities sa school, nag audition ako sa school drama at nakapasa, nag try out sa track and field at naging member ng varsity team, at kahit ang pagiging ROTC officer, pinatulan ko na din. Sinalihan ko ang lahat ng iyon. Kasama ko si Jordan sa lahat ng iyon. Makakatipid na ako sa tuition, hindi ko pa masyadong maiisip si James. Pumayag naman siya sa lahat ng iyon, basta ba hindi lang ako gagala sa ibang lugar o mababarkada, okay na din sa kanya. We spent our remaining hours together learning a new song together, we made out and made love, kung wala namang klase ay nagde date kami. Nanonood kami ng bagong palabas sa sine, o di naman kaya ay kumakain sa labas tulad lang ng mga dati naming ginagawa. Nakadalawang notebook na nga pala kami sa aming sulatan at nang maubos ang pangalawang notebook we have decided na ako ang magtatago ng unang notebook at siya naman ang magtatago ng pangalawa. Lunes ng madaling araw ang alis niya kung kaya naman ay nasa bahay siya namin buong araw. "May dala ako para sayo." iniabot niya sa akin ang isang laruang eroplano na mukhang luma na pero maganda ang pagkakadisenyo, para siyang eroplanong panglaban, yung mga ginagamit ng mga sundalo. "Laruan ko yan noong bata pa ako, at gusto ko pagbalik ko, nasa sayo pa yan. Pinakaimportanteng bagay yan para sa akin, wag mong wawalain ha. Kukunin ko pa yan sayo."
"Salamat. Teka may kukunin din ako." Tumungo ako sa kwarto ko at kinuha ko ang isang manika na pinangalanan kong Jeniffer. "Eto naman ang sayo, tulad ng eroplanong ito, gusto ko din na itago mo yan para sa akin. Halos kasing edad ko na ang manikang yan at hindi ako makatulog ng wala yan."
"Sigurado ka? Ibibigay mo sa akin si Jeniffer?" Tumango ako.
"It's a part of me, it is one of the way para marandaman mo ang presensya ko."
"Okay sige itatago ko ito at itatabi ko din sa pagtulog ko."
"At tandaan mo, isosoli mo din yan sa akin okay?" Tumango lang siya. We stayed in our favorite tambayan which is our living room. Nagkukulitan lang kami at nanonood ng TV habang nagi- snacks. Pero bakit ganoon pag gusto mong bumilis ang oras sobrang bagal ng oras, at pag gusto mong bumagal ito, bumibilis naman ito? Parang kararating lang ni James kaninang tanghali pero hindi namin namamalayan na ten o clock na pala ng gabi.
"Jhelyn, pauwiin mo na si James, gabi na o. May flight pa yan bukas di ba?" sabi ni Mommy. Lumunok ako, kanina pa ako humihingi ng palugid, ng konting oras pa at alam ko hindi na ako pagbibigyan ngayon. May pasok din naman ako kinabukasan. Nagpaalam si James sa pamilya ko, at sumama ako sa kanya sa labas. Malakas ang ulan kung kaya ay kinakailangan namin mag payong. Mabagal kaming naglakad patungo sa tricycle station.
"Magiingat ka doon ah. Tumawag ka pag nagkaroon ka ng chance, okay? At lagi kang mage- email." paalala ko sa kanya. "Ako din lagi din ako mage- email, at susulat din ako sayo."
"Sige hihintayin ko ang mga sulat mo ah. Mami miss talaga kita Hon, wag ka ng iiyak ah. Prinamis mo yan sa akin. At lagi kang magpapakabait, wag kang mafo fall sa ibang lalake ah, magkikita tayo. Sisiguraduhin ko yan." Huminga ako ng malalim, ilang sandali pa kami nakatayo sa isang spot bago ako tumawag ng tric.
"Magiingat ka doon ah, mahal na mahal kita."
"Ikaw din, I love you so much Hon. Ngayon pa lang miss na kita. Kayanin natin 'to, I love you." And we kissed for the last time, it is not a long kiss but a very memorable kiss. At sa paglarga ng tricycle ay lalong lumakas ang ulan, akala ko nga sa mga palabas lang ito nangyayari. Ang may setting na ulan, someone leaving, and tears in my eyes. Talagang hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pagpatak nito.

Sa unang araw na wala si James ay sinubukan kong ituon ang sarili ko sa pagaaral. Sina Trisha at Jordan naman dahil alam na ang nangyari ay sinubukan akong icheer up. Pero whatever I do I just can't bring myself into that feeling happy, I cannot ignored the fact na wala si James sa tabi ko, na ang layo layo na niya sa akin. Umuwi ako kaagad pagkatapos ng klase. Nagbukas ako ng computer at nag check ng email, wala pang email galing kay James. "Hindi pa ata dumadating yun doon, wag ka muna mag check. Tsaka pag dating niya syempre pagod pa siya, bigyan mo muna siya ng panahon." sabi ni Mommy. Matapos kong magaral ay nakipaglaro na lamang ako sa kapatid kong si Ron at nakipagkwentuhan sa kapatid kong si Jhea.

Lumipas ang isang linggo, alas nwebe na ng gabi nang biglang mag ring ang telepono. Sinagot ko ito at nilasap ko ang pamilyar na boses na nanggaling dito, si James. "Bakit ngayon ka lang tumawag?" tanong ko.
"Wala din naman kasi akong pera eh, pasensya ka na Jhelyn. Buti nga ngayon binigyan ako ng Uncle ko ng ten dollars, eto nga at pinangtatawag ko sayo, sobrang miss na kita." aniya.
"Ako din sobrang miss na kita."
"Three minutes lang pala ito ah, kailangan kong tipirin itong pera na 'to eh para makatawag pa uli ako sayo next week, grabe sobrang boring dito. Wala man lang ako kakilala."
"Anong oras na pala diyan?"
"Alas nwebe pa lang ng umaga." tugon niya.
"Dito naman gabi." sagot ko. "Nag reply ka na ba doon sa email ko sayo?"
"Oo naman, kani kanina lang, pwede mo i check. Kanina lang ako nakicomputer din sa Uncle ko eh, buti nga pumayag."
"Talaga? Wow sige babasahin ko mamaya at magre reply na din ako kaagad." Ilang sandali pa kami nagusap hanggang sa tumunog ang hudyat na mapuputol na ang tawag na ito.
"Sige na matatapos na ito, tawag na lang ako ulit sayo Hon, okay? Magpakabait ka diyan."
"Oo naman, ikaw din. I love you."
"I love you too." At naputol na nga ang tawag na iyon.

Dahan dahan kong binasa ang email niya nang nagbukas ako ng computer. And it says,

hon....
  happy monthsary, kamusta? alam mo ba na ikaw lng nasa isip ko ngayon, ibig sabihin miss na miss na kita. Gusto na kitang makita na mimiss ko na ang kiss mo, ang hugs mo, ang touch mo, ang maganda mong mukha...... parang one month na tayong hindi nagkikita. Alam mo na mahal na mahal kita at sa sobrang pagmamahal ko sayo na hindi ako naghanap nang iba!. Ewan ko ba kung bakit kasi naman napaka-shy ko sa mga girl, at 4 years a ago ikaw lang ang nasa isip ko paminsan-minsan, at tapos bigla na lang napag-isip-isip ko na pakipagbalikgan sayo dahil may naramdaman pa pala ako sayo hindi ko kasi nailabas nung naging tayo nung grade 6 kaya ngayon ako babawi ^ - ^. Hon... I really love you at di ba sabi ko sayo na ayoko na maghanap nang iba dahil ang unang kong GF ay mamahalin ko at seseryosohin ko habang buhay at hon.. wag ka masyadong mag-isip-isip nang kung ano-anung negative sa akin dahil ikaw lang talaga ang minahal ko sa buong buhay ako at di mo ba alam na ikaw lang ang nagpapaligaya sa akin!! at kapag nagagalit ka at nalulungkot ka sa akin hindi ko papigilang tumahimik dahil nalulungkot din ako kahit simpleng tampo mo sa akin hindi ko papigilang malungkot at mag-isip nang kung ano-anu kahit na hindi ko sinasabi sayo na nalulungkot ako.... dahil i care about you at responsibilidad kita dahil ikaw lang ang unang taong minahal ko!! hon...masaya ako sayo at hindi ako nagsasawa sayo at hindi ko na kailangan maghanap ng iba! dahil na ankin mo na ang puso ko! Hon..siguro tulog ka na sa mga oras na to, at i really-really love so much and goodnight, sweetdreams, i love so much!! hon.. hindi ko mapigilang ipaalam sayo to na mahal na mahal na mahal na mahal kita bye-bye muahhhhhhhhhh!!!

Kakaibang tuwa ang narandaman ko habang binabasa ko ang email niya na yun, nararandaman ko lalo ang presensya niya sa tabi ko, parang ang lapit lapit niya na din sa akin.

Hon,...
  whats up? I really really miss you!!!!
So do you miss me na ba? dont worry, busy ako sa pagaaral ko.
as in no boys, no gimmicks!!!
It's been a month mula ng nawala ka and i can say thank God at buhay pa ako. Wag kang magalala (kung nagaalala ka man), iniiwasan ko silang lahat...
Kung alam mo lang kung anu ano ang gnagawa ko para lang di ka maicp.... i just keep myself busy, noong monday eh umiyak pa aq.. nung tuesday at wednesday nagkaroon ng workshop sa drama club., then pagauwi ko lagi ako umiiyak... nakakainis pero nung thursday and friday di na aq umiyak, guess why? ewan ko pero parang ang tagal na nating di nagkita parang one year at if you only knew i really miss you, sana miss mo na rin ako.. nalulungkot ako... you' re making me crazy oh God!!! i miss you like crazy!!!
Nga pala magkakaroon ng aquaintance party next week, late na nga eh pero sasama ako kasi sina Trisha pupunta doon. Bagong balita tumaas na pamasahe sa tric ng 2.00 kainis that means dagdag baon ng 4.00 yahooo!!!!

Ang daming changes ngayong wala ka..

*wla ng nagpapaimportante sa akin, di na mainit ang ulo dahil wla na ko hinihintay sa CATWALK ng 30 mins.
*wala na ko ganang pumasok at magaral
* di ko na nakikita ang sarili ko na ngumingiti ng kusa puro pilit...
*madalas aqumuuwi ng gabi
*di na aq makapag laro ng DOTA dahil nobody's teaching me..

Basta wag mo rin kalimutan ang sustento sa iniwan mong 1 dosenang anak at pasalubong paguwi mo... hehehe...

mwah mwah mwah!!!!!
take care hon.
love you...

Plano namin nina Trisha na magkikita na mismo sa catwalk at sabay na lang kami pupunta mismo sa likod ng gym kung saan nagaganap ang acquaintance party, excited akong pumunta dahil magkakaroon ng concert ng mga paborito naming artist. Pero hindi pa dumadating si Trisha ay nakita ko ng dumaan sina Martin, Jake at iba pa nilang kaibigan. Buti na lang at nakita niya ako dahil ayaw ko talaga ng pakirandam na nagiisa. Nagpaiwan si Martin at nagvolunteer na sasamahan na lamang ako. "Ang tagal kasi ng kasama ko eh, asan na ba yun?" Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Trisha kung nasaan na siya.
"Hindi ka ba natatakot dito? Magisa ka lang naghihintay, madilim pa dito banda."
"Oo nga eh, buti na lang dumating ka. Sigurado ka ba samahan mo ko dito?"
"Oo naman, hindi din naman ako ganoon ka interesado sa mga nagco concert doon." sagot niya sa akin. Naka jeans si Martin at naka simpleng t shirt habang ako naman ay naka mini skirt at black na blouse. Maya maya lang ay naka receive ako ng text, hindi na daw pinayagan si Trisha kung kaya naman ay hindi na siya makakapunta.
"Hindi na daw siya makakarating."
"Ganoon? Sayang naman. So ano, punta na tayo doon sa party?"
"Tara, nagugutom na din ako eh. Hindi pa ako nagdi- dinner." At pumunta na nga kami sa likod ng gym kung saan napakadaming tao at mula sa kinatatayuan namin ay kitang kita ko ang stage at ang opm artist na kumakanta. Habang nakakatitig ako sa stage at hindi ko namalayan na ibinili na pala ako ni Martin ng maiinom at burger. "Uy teka babayaran kita."
"Wag na libre ko na yan sayo." Pumunta kami sa pinakamalapit na mauupuan at masayang pinanood ang mga kumakanta o di naman kaya ang mga sumasayaw habang kumakain kami. Nang matapos naming kumain ay naglibot kami at naghanap ng mga kakilala namin, hinahanap din namin sina Jake na nang mahanap na namin ay inaasar kami.
"Oy kayong dalawa, baka kayo na ah."
"Ano ka ba Jake, wag ka ngang ganyan." sabi ko. "Manood ka na lang ng concert okay?" Nakwento ko din kay Martin ang tungkol kay James. Nakinig lang siya, hindi naman din siya nag comment pa. We just enjoyed the whole party at nang pumasok na ang main artist ay nagsitayuan ang lahat, rock pa ang kinanta niya kung kaya naman ay ginawa naming ni Martin ang lahat para doon kami sa pinakaharap. And when that said artist started to sing it was like the whole world stops spinning, time as well, stops too, and we just stared and listened to her voice. Hindi talaga ako mahilig sa ganitong kanta or should I say I just didn't listen to this kind of song before, mula kasi nang maging kami ni James ay puro melo songs lang ang napapakinggan ko, I've never appreciated this kind of song before. And with Martin mas lalo kong na enjoy ang song. And when she sang the rock part we all jump and head banged, all our hands are raised up and we are singing the song at the same time. Grabe. It's like the pain I have been having for the past weeks ay unti unting umalis sa dibdib ko. I can feel the freedom it is giving to my body. And for some moments, I felt like a bird. Nang matapos ang kanta, Martin and I smiled to each other.
"Ano nag enjoy ka ba?"
"Sobra." tugon ko. Nang gabing iyon, matapos akong ihatid ni Martin sa bahay ay nakatulog ako ng mahimbing. For the first time mula nang umalis si James, naging masarap ang tulog ko.

  Happy Anniversary!! kamusta? alam mo ba na miss na miss na kita!! Gusto na kitang makita, gusto na kitang yakapin, gusto kitang hawakan at gusto na kitang ikiss nang marami at Hon.. mahal na mahal kita 1 year na tayo hon at marami rin nangyari sa isang taon- nagatawanan, iyakan, tampuhan, selosan, date, may nangyari, hiya, masaya, malungkot, kilig, mga pagsubok at sa lahat na nangyari ang pagmamahalan natin sa isa't-isa ang pinakamaganda, pinaka the best at pinakamakahulugan sa lahat na nangyari sa isang taon nating magkasama..I LOVE YOU..

  Masaya ako dahil nakaabot tayo nang isang taon na break natin yung record di ba?? at syempre mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita.. ikaw lang ang mahal ko wala nang iba.. masaya ako dahil ikaw lang ang naging first and last GF ko at masaya akong kasama ka at napakaseryoso ko sayo at syempre ayaw na kitang mapapunta sa iba, at ikaw ang first love ko and I know will be my last.. I LOVE YOU SO MUCH

  Thank you minahal mo ako at sayo ko lang naranasan ang tunay na pag-ibig.. I miss you so much at I really love you so much!

James

Hi Hon,

Gabi na ako ng umuwi ako mula sa acquaintance party, hindi na kasi nakaattend si Trisha pero nandoon naman sina Jake at Martin at yung mga iba pa nating friends. Grabe ang saya. Oo nga pala panay ang training ko ngayon sa track and field every Tuesday and Thursday tapos pag M-W-F naman Drama club ang pinagtutuunan ko ng pansin. Malapit na kasi yung show namin and yung proceeds ng presentation namin ay mapupunta sa less fortunate, are you proud of me now? Hehehe, ikaw kamusta ka naman diyan? Buti ka nga ang dami mong free time, at oo nga pala hindi ko pa name mention sayo na last Saturday ay training din sa ROTC, gumulong ako sa putik Hon, hindi ko akalain na magagawa ko yun sa buhay ko. Buti nga at hindi nagalit si Mommy na puro putik ang damit ko. Well at least papayat na ako nito, hehe.

Wish me luck Hon, I love you so much and I miss you too.. :)

Jhelyn

Hindi ko na binanggit ang tungkol kay Martin dahil for sure ay magaalala lang siya, magseselos o di naman kaya ay magagalit dahil alam kong ayaw niyang makisama ako sa ibang lalake. Pero iba si Martin, he's the closest friend I have at magkaibigan na kami bago pa naging kami ni James. So kung may pagkakaibigan na ipaglalaban ko, yung sa amin ni Martin yun. 

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Adventure Time - Lady Rainicorn