Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Friday, 29 July 2011

What is Love? "CHAPTER FIFTEEN"

07:44 Posted by Cindy Wong Dela Cruz No comments
Natapos na ang meeting de advance, natapos na ang klase at nakauwi na ako. Iniisip ko pa din kung tatawagan ko ang number na nakalagay sa lukot na papel na ngayon ay nasa bulsa ng uniform ko. Paulit ulit ko na nga sinasabi sa sarili ko na wala akong mapapala sa pagiging ganito. Kailangang may gawin ako. Kailangan ko siyang kausapin. Okay this is it, sabi ko. Kinuha ko ang telepono at nagsimulang mag dial. Babae ang nakasagot sa kabilang linya. "H- hello, good afternoon po, pwede po kay James?"
"Sandali lang." Ilang kalabog muna at maya maya lang ay narinig ko din ang malaki niyang tinig. Ang pagbabago lang sa boses niya ay lalong mas naging malalim ito.
"Hello?"
"J- james? Si Jhelyn ito." Sandaling katahimikan. Mukhang nabigla din siya. Kaya mo yan Jhelyn, kaya ko 'to.
"Nakita ko yung number doon sa pinagsusulatan niyo ni Leah, may sasabihin lang sana ako sayo. Wag mo masyadong pagpapansinin ang sinasabi niya, ah. Ewan ko ba dun tinotopak kasi eh. Pasensya na sa istorbo namin kanina."
"Ha? Wala yun no. Ano ka ba? Para namang wala tayong pinagsamahan dati. Okay lang yun, walang problema."
"Okay, sige yun lang naman ang sasabihin ko."
"Teka lang, ano yun telephone number niyo? Yung dati pa din ba?"
"Oo yung dati pa din, walang pagbabago."
"May gagawin ka pa ba? Kwentuhan muna tayo." aniya na para bang sabik na sabik, omg, I didn't expect this.
"Ah sige, kamusta ka na pala?"

I just can't believe it. Thirty minutes din kami nagusap ni James. Hindi yun nangyayari dati. Hindi na kami conscious, hindi na kami mahiyan tulad ng dati. Ang dami din naming napagkwentuhan. Kung di lang ako sinaway ni Mommy, siguro naguusap pa kami. Napagusapan namin ang tungkol sa kung sino ang iboboto namin sa student council, kung okay naman ang adviser namin ngayon, sino sino na ang nakakasama ko ngayon, at siya naman nagkwento na adik na siya ngayon sa computer games, at sabi niya din sa akin, ayun nga may telepono na sila. Hanggang sa napunta sa kung ano ang ulam namin at natapos sa pagyayaya ko sa kanya sa birthday ni Barbie na classmate niya ngayon. Sinabi ko din sa kanya na naging close din kami ni Barbie. Hanggang ngayon di naman. It's gonna be a date, I think. Kinilig ako sa inisip. Jhelyn, ano ka ba? Ex mo na siya, mga ex hindi na dapat binabalikan? Kaya nga siya naging X. Pero sabi nila first love never dies daw? Baka eto na yun? Siya yung first love ko, siya nag first boyfriend ko. Hmmm... nakatulog na lamang ako na may ngiti sa labi.

Dumating ang araw na mismong birthday ni Barbie, sixteen years old na siya sa wakas. Umuulan ng malakas nu'n at makulimlim ang panahon, ang plano, susunduin ako sa bahay ni James. Binigay ko na din naman sa kanya ang direction. 4:30 pm, may humintong tric sa labas, siya na yun. Nagpaalam na ako sa Mommy ko na alam ang mga pangyayari, at saka ako umalis. Lumabas muna siya at saka ako pinauna sa tric. Sunod naman siyang pumasok. And suddenly we are so close to each other. Naka red na tshirt siya, ako naman ay red blouse at black skirt. Sabi naman kasi ni Barbie dapat daw mag pula kami lahat. Yun din naman ang ginawa namin. Haha! Pero ba't ganoon, hindi ako mapakali. Ang bango niya kasi eh. "Ang lakas ng ulan, grabe."
"Oo nga eh." tugon niya. "Sana huminto na." Napansin ko lang, ganoon pa din pala ang style ng buhok niya, hati sa gitna pero ngayon mas bumagay naman sa kanya. Gosh. Medyo malayo pa naman ang bahay ni Barbie. Nang papunta kami doon, naisip ko lang, si James ang pangalawang lalake na kasama ko papunta sa bahay nila Barbie. Deja vu? Nice one, Ken! Nagusap din naman kami on the way to Barbie's house. Pero buti naman mabilis lang ang oras, nakarating na kami agad sa bahay ni Barbie. Sinalubong niya kami sa gate at niyaya sa loob.
"Happy birthday Barbs!" bati ko sa kanya sabay abot ng regalo ko sa kanya.
"Thanks Jhe! Sige pwede na pumasok, haha! Pasok pasok, nandito na silang lahat." Pagpasok namin ay puno na nga ang sala nila ng mga taong ang iba ay pamilyar, ang iba naman ay hindi. Ang mga kakilala namin ay binigyan kami ng mga titig na makahulugan. Nakita ko si Leah sa di kalayuan na nilapitan ko naman kaagad.
"Uy, kayo na no?" pangaasar niya.
"Ano ka ba, purkit kasama lang dito, kami na agad. Lokaret ka talaga!"
"Hay naku, teka lang ah, kukuha muna ako ng pagkain doon." aniya sabay kindat, hindi ko na lang namalayan na nakalapit na pala sa akin si James. Iniabot niya sa akin ang isang baso ng juice.
"Thank you."
"Ano, tara punta tayo doon sa mesa. Kuha na tayo ng makakain, nagugutom na ako eh."
"Tara, ako din nagugutom na." Si James mismo ang nagasikaso sa pagkain, kahit tumanggi ako, siya na mismo ang nagsasandok. Kumuha kami ng spaghetti at lumpia, pati fried chicken. Tapos nu'n ay umupo na kami sa bakanteng sofa.

Hinatid niya ako pagkatapos ng birthday party sa bahay namin, alas siyete na din natapos ang birthday, maaga tinapos dahil may klase pa bukas. Nakaabang naman si Mommy sa labas hawak hawak ang payong. Umuulan pa din kasi, hindi man lang ito tumigil kahit sandali. "So siya pala si James?"
"Opo, ako nga po. Hinatid ko lang po si Jhelyn para siguradong ligtas siya." tugon naman ni James.
"Mabuti naman, ayoko kasing sa labas lang kayo nagliligawan nitong anak ko."
"Ma, hindi pa niya ako nililigawan. Walang ligawan na nagaganap dito ngayon." depensa ko which is totoo naman.
"Sigurado ka?" tanong ni Mama sabay tingin kay James.
"Ma naman. Tara papasok na ako, umuwi ka na James. Sa susunod na lang ulit." pagpapaalam ko.
"Sige po alis na ako Tita. Pwede po ba ako tumawag mamaya kay Jhelyn?"
"Sige pero hanggang alas nwebe lang ang palugid, calls after that time will not be welcome."
"Sige po, salamat. Mauuna na po ako."
"Teka, wala kang payong di ba?" naalala ko lang bigla.
"Wala nga eh, yaan mo na may jacket naman ako-"
"Ay naku iho, eto dalhin mo na itong payong na ito. Isoli mo lang bukas kay Jhelyn."
"Salamat po, Tita. Sige po, una na ako." Pagkaalis ni James ay binulungan naman ako kaagad ni Mommy.
"Hmm, in fairness magalang siya." sabi niya. "Ganoon ang gusto kong lalake, nakikipag usap sa magulang ng babae."
"Mabait talaga yun." tugon ko naman. "Pero Ma, feeling ko pinagtutulakan mo pang ligawan niya ako, ikaw talaga."
"Sus para namang ayaw mo." Ayaw ko nga, hahaha, Joke!

Nang sumunod na araw ay pinuntahan ako ni James sa classroom habang lunch break at habang kausap ko si Leah. Niyayaya kasi ako nito ni Leah sa dance presentation nila sa Friday. "Uy James piilitin mo namang itong kaibigan mo na pumunta sa celebration, maganda yun promise! Para naman may mag cheer sa akin." pangungulit ni Leah.
"Ano pupunta ka ba Jhelyn? Sa akin okay lang, sasama ako Leah." tugon ni James. "Sumama ka na please." nangungulit na din ngayon si James, tama ba yun?
"Well, magpapaalam muna ako kay Mommy okay?" Hindi naman ako makapaniwala na pumayag si Mommy na pumunta ako sa collesium na actually ay nasa loob lang naman ng subdivision namin. Dumating ang Friday, nagkita kita na lang kami sa collesium pagkatapos ng klase. Umuwi pa din kasi kami para naman makapagpalit. Makakasama ko na naman itong si James, hay. Naka simpleng jeans and shirt lang ako at step in, ganoon din naman siya. Pumasok na kasi si Leah sa loob kaya wala na akong kasama, kaya laking tuwa ko nang dumating si James. "Buti naman at dumating ka na!" Nakasuot siya ng blue shirt and jeans at rubber shoes at mukhang bagong suklay ang kanyang hati sa gitna na buhok.
"Pasensya ka na kung medyo late ah, medyo traffic din eh."
"Rush hour na din kasi, tara pasok na tayo sa loob." Pagkapasok namin sa loob ay umupo na kami sa upuang nakalaan para sa amin. Reserved iyon para sa dalawang taong magche- cheer para kay Leah. Inalalayan ako ni James sa pagupo at tutal hindi pa naman nagsisimula ang presentation ay bumili na muna ng makakain si James. Pagbalik niya ay may dala na siyang chips and coke. Nagsimula na din ang presentation ilang sandali lang ang lumipas. Isang lalakeng mukhang jejemon ang nagsasasayaw sa gitna na sinundan naman ng lima pang kalalakihan. "Hmm di ba sumasayaw ka din dati?" tanong ko dahil naaalala ko noong talent time noong grade school ay sumayaw siya kahit matigas ang katawan niya.
"Ano ka ba, ipaalala daw ba yun?" natatawa niyang tugon. "Embarassing moment ko nga yun eh."
"At least may talent ka!" sabi ko.
"Ikaw nga itong mas talented diyan eh. Sumasayaw ka, kumakanta, nagdra drama. Ang dami mong alam." Kumuha siya ng isang chip at isinubo sa akin at sa ganoong akto kami nagkatinginan. Ngayon na lang uli ako nakatingin sa mga mata niya, para ngang hindi ako makapaniwala na si James, ang mahiyaing ex ko noon ay nakaupo sa tabi and guess what, komportable na kami sa isa't isa. Narandaman ata niya na nakatitig din ako sa kanya, kung kaya naman kunyari ay inabot ko ang softdrinks ko at uminom mula doon. Ayoko munang makagay sa alanganin pero bakit ganoon, feeling ko madalas na kong kiligin ngayon. Lumakas pa bigla ang kabog ng dibdib ko. Naman!

Ilang presentation pa ang napanood namin bago ang mismong presentation ni Leah. Isa itong group interpretative dance kung saan mga kamay lang nila ang makikita. Madilim ang paligid at yun lang talaga ang makikita mo. Wow, paano naman namin siya iche- cheer ng ganyan, papalakpakan lang naman namin siya. Para namang nakikita ang mukha niya na sa tingin ko ay nakatakip ng stockings. Okay, we were set up by Leah. Feeling niya siguro may mangyayari sa amin ni James. Hmp. "Ang galing mo Leah!" pagche cheer ko.
"Shhhhh" sabi naman sa akin ng ibang tao habang natatawa lang si James sa tabi ko.
"Sige pagtawanan mo ko." kunyari'y naaasar ako sa kanya.
"Oops, sorry." aniya. "Biro lang eh." kunyari naman ay nilalambing niya ako. Oh, this is just getting better.

Hi Martin,

Tagal din nating hindi nakapagsulatan ah, tagal mo naman kasi ibalik itong notebook na ito sa akin. Na miss ko din ang notebook na ito ah. Kasalanan mo ito, bine break mo yung cycle. Pinapahinto mo, heheh. Anyway may ichi chika ako sayo. Naaalala mo pa ba si James? Yung classmate natin noong grade six? Well pinapansin na ulit niya ako ngayon, I mean nagpapansinan na kami. Naguusap na kami, akalain mo yun? Parang 3 years din kami hindi naguusap. Wala lang gusto ko lang share sayo.

Well bukod doon kay James thingy, busy din ako sa pagre review. Pag nagkaroon ng time yun lang ang pinagagagawa ko. Sa darating na Sunday na yun eh, well wish me luck ha! Sana makapasa.

Always,
Jhelyn

Jhelyn,

Talaga nagkakausap na kayo ni James? Hmm maganda yan. Uhm, nililigawan ka ba niya? Good luck sa darating mo na exam ah. Magaral kang mabuti at dapat magpahinga ka bago ang araw ng exam, alam ko hindi ako magaling sa mga exam exam na yan pero anuman ang maging resulta niyan, tandaan mo, nandito lang ako. Kaya mo yan, ikaw pa. Panigurado para lang yang seat work sayo.

Martin

Dumating na nga ang exam ko sa UP na naka base lang sa isang malapit na public school. Malakas ang ulan, as in grabe at ang tagal ko pang naghintay. Kalahating araw ata dahil saka ko lang nalaman na panghapon pala ako. Damn. Nakakainis dahil nawala ang beauty rest ko noong isang gabi. Pero nang oras na mismo ng exam 50% ay madali ay familiar 50% is the otherwise. Hay bahala na nga. Wala namang mawawala sa akin. For the experience di ba? Umuwi tuloy ako ng hapon na iyon na nananakit ang leeg at parang basang sisiw. Agad naman ako pinaligo ni Mommy sa maligamgam na tubig para hindi ako magkasakit. Tulad ni Martin, wala ding pakialam si Mommy kung pumasa ako o hindi. I am just so exhausted and the moment na umupo ako ay biglang nag ring ang phone. "Hello?"
"Jhelyn, ikaw ba ito?" si James.
"Kamusta ang exam mo?" tanong niya.
"Ang tagal kong naghintay at ang sakit sakit ng leeg ko." Kinuwento ko sa kanya ang mga naganap nang araw na iyon. Pati ang part na kasama ko sa isang classroom ang mga nanay nang nag take ng pangumaga na test at kalahating araw akong nakikinig sa tsismisan nila tungkol sa kaninong anak ang mas matalino etc etc etc. Nagkwento din siya sa akin sa nangyari sa araw niya, nagsimba daw sila noong umaga at kumain ng lunch sa labas. Matagal tagal din kami nagusap at tulad ng mga paguusap namin, napuputol lang dahil sinasaway na ako ni Mommy.
"Jhelyn, tama na yan."
"Yes Ma." tugon ko. "O siya sige na. Sa susunod na lang ulit, salamat sa pakikinig sa kwento ko."
"Wala yun, ano ka ba, di mo na kailangan magpasalamat. Nakinig ka din naman sa kwento ko."
"Okay bye."
"Bye."

Isang araw ay napagdesisyunan naming mag mall, ako, si Leah at si James. Nanood kasi kami ng isang mall tour ng isang babaeng singer na nanalo sa isang talent search sa TV. Pagkatapos naman nun ay humiwalay na sa amin si Leah dahil may pupuntahan pa siya. Ako naman kasi kailangan ko ng umalis dahil meron akong curfew. Malalagot talaga ako pag hindi ako umuwi kaagad. Nagdesisyon na din na sumabay ni James. "Traffic pala." nagaalalang sabi ko. Ayoko naman kasi talaga ng napapagalitan, lalo na, hindi pa uso sa aking cellphone. Hindi ko rin matatawagan si Mommy para sabihing male late ako.
"Oo nga eh, grabe." tugon niya. Tumitig na naman sa akin etong si James na nakapagpakaba sa akin. Umiwas ako sa tingin niya at tumingin na lamang sa labas. "Uh, pwede ko ba mahawakan ang kamay mo?" aniya.
"Ha? Bakit?" tanong ko sabay abot ng kamay ko sa kanya. Hinawakan niya ako at parang dinama lang ang mga daliri ko saka nito hinawakan ang buo. Now are hands entwined each other, OMG! Tama ba ito?
"Hindi ko ito nahawakan dati, alam mo yun?" sabi niya.
"Oo nga eh."
"At ang sarap pala ng feeling hawakan ang kamay ng ganito katagal." Para namang pumayag ako sa gusto niya no? Anyway hinayaan ko na lang din na magkahawak ang mga kamay namin, it feels good on my side din naman. "Ang tanga tanga ko kasi dati. Hinayaan lang kita."
"Bata pa naman kasi tayo nun." tugon ko which is true.
"Jhelyn, pwede ba kita ulit ligawan?" Hindi na ako nabigla sa tanong niya, sa halip ay napangiti na lang ako. "Is that a yes?"
"Well o sige na nga. Ligaw lang ah." sabi ko. Tumamis naman ang ngiti niya at kahit traffic sa labas at kahit siksikan sa sinasakyan naming jeep, narandaman ko talaga ang simoy ng pagibig. Napapatingin na din sa amin ang ilang pasahero ng jeep, hindi naman din kasi kami nagbubulungan kaya rinig na rinig din ang mga boses namin, natawa tuloy ako sa pagiisip kong yun. Ngayon ko lang din na realize na nasa pampublikong sasakyan pala kami.

Ang saya saya ng mga sumunod na araw, lagi kaming nagkukulitan, sabay na kami kumain ng tanghalian sa canteen at madalas ay nagkikita muna kami bago ako umuwi o di naman kaya minsan ay hinahatid niya ako sa gate ng subdivision namin. Pigilan ko man, pilit pa din akong nahuhulog kay James. Bumalik ang kilig sa buhay ko at ginanahan ako lalo magaral. Eto ata ang tinatawag nilang inspired. Parang ang tagal ko ding kinilig ng ganito. Ang saya saya ko. Ang sarap ng may nagke- care sayo, yung may nagtatanong kung kumain na ba ako, kung ano ginagawa ko? Yung partner in crime ko. Mga ganoong klaseng bagay. Excited na din ako pumasok palagi sa school. Lumipas ang isang buwan ng pagpapa cute ay sinagot ko din siya sa sala ng aming bahay, habang nakaupo kami sa sofa. Umoo ako ng tanungin niya kung pwede na maging kami. At habang nasa labas sina Mommy, Jhea at Ron ay nahagkan ako sa unang pagkakataon ni James sa aking mga labi. Aww, kilig to death.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Adventure Time - Lady Rainicorn