Sikot by Khenn Fegi

09:12



“Umaandar na naman sya.Di yun imahinasyon.Totoo itong nangyayari.
Nakakatakot ang lakas niya.Nagtulungan kami ng kapatid ko upang pahintuin sya.
Patawad talaga.Patawad......”


Tanong kay Gela:


Kelan ito nagsimula?

“Noong,namatay si Nanay.Dun nagsimulang gumuho ang lahat sa kanya...Nag iba bigla yung piyesa ng pagkilos niya.
Tumatahimik naman sya pero naninigaw pag may inuutos....”
“tanong ng kapatid ko na sino daw papalit kay Nanay...sagot ko..ako! aalagan kita..babantayan..”
“nagulat kami nung may kumalabog tapos pumasok sya bigla...nakakatakot..nanlilisik ang mga mata nya...”
“sabi nila parang gasolina yung iniinom nyang likido...diba kapag nilagay yung gasolina sa sasakyan ay aandar ito..?
Natataranta nga kami nung gabing nakagamit sya ng likidong iyon....umaandar sya pero hindi tama..mali ang pamamaraan?”

Ano iyong ginagawa niya sa inyo?

“sabi nya wag daw kaming magsusumbong...dapat daw sundin naming
sya kung hindi makikita naming daw ang pangalawa nyang katauhan....”

Pangalawang katauhan?

“oo,natatandaan ko nung napahiyaw sa sakit yung kapatid ko..doon naming natikman at nasaksihan yung
Sinasabi nyang pangalawang katauhan...alam mo ba yung bangungot? Parang ganun...
Sasakalin ka nya o di kaya dadaganin ka nya hanggang di ka na makahinga..at kahit anong sigaw pa
Ang gawin mo..di ka makasigaw..walang nakakarinig sa iyo...
Nakakatawa kasi sabi pa nya iba na ang galaw ng mundo namin ngayon..parang nakakulong na kami sa bangungot..
Sa sariling bangungot namin...
Kinabukasan ay naawa ako sa kapatid ko..puno sya ng pasa at paso ng sigarillyo sa binti...
Nakakapagtaka...dun lang sya nagsimulang magyosi. Nakakaawa si Julex...”



Nasaan ka nung sinasaktan nya yung kapatid mo?

“nandun ako sa kwarto...sabi nya maghintay lang ako ...tapos nakaidlip na ako...naramdaman ko na lang na
Hinihipuan nya ako...pangwalong beses na nya yung ginawa saken..di ako makapagsumbong dahil...
Papatayin nya daw kami kung magsumbong man kami....masakit man..ayaw ko man pero nagplano kami ni Julex
Na patayin si Itay....sinaksak sya ni Julex sa likod...patawad po...kasalanan ko ito...”

Pinapasok na si Julex upang tanungin rin ito sa nangyari..natagpuan ito kanina lamang sa bahay ng kanyang kaklase..
Laking gulat ni Gela nung nagkatugma ang mga mata nila..bigla na lamang to tumahimik at yumuko...




Tanong kay Julex;

Wag kang matakot,ikaw ba talaga ang sumaksak sa Itay mo?

“hindi po...(nagulat ang lahat,napatingin si Gela sa kanya)...sinungaling ka ate Gela....may sariling mundo po yan si ate..
May kinakausap sya sa kwarto nya...”

Sino ang kinakausap nya? Sya ba ang pumatay?

“dip o naming alam ni Itay kung sino kinakausap nya..Nung binuksan naming yung pinto ng kwarto nya.
Tumigil lang sya sa pagsasalita,nakaupo sa sahig at ngumiti sa amin...nakita naming na pinagpupunit nya yung bibliya...nagkalat yung mga pahina
Sa sahig...lumapit si Itay sa kanya upang pahigain sya sa kama ulit pero may nakatagong kutsilyo sa unan nya...sinaksak nya ito...sinaksak nya si Itay...”

Napansin ng lahat na nakayuko si Gela,kinukotkot ang upuan at nakangiti...

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

Follow me on Instagram

Subscribe