Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Wednesday, 8 June 2011

ISANG MAIKLING KWENTO (short story writing contest update)

07:51 Posted by Cindy Wong Dela Cruz No comments
Hindi mo talaga mapipilit ang isang tao na magbasa at magsulat, ang tingin kasi ng iba boring ito, o di naman kaya ay nakakaantok. At isa pa masyadong time consuming, hindi lahat ng tao nage enjoy, kahit ba maglupasay ka sa pakiusap sa kanila na basahin ang gawa mo, hindi pa din sila magbabasa. 


Kung mahirap magbasa, mas mahirap magsulat. Naiisip niyo ba na ang ilang minuto na pagbabasa niyo at katumbas ng ilang oras na pagsusulat? 


Kung kaya naman ay naisipan kong gumawa ng pa contest na ito, para naman magising ang mga nahihimbing na diwa, mga natatagong talento na hindi niyo alam na meron pala kayo. 


Eto nga pala ang criteria sa Short story writing contest:


Originality= 35%
Grammar and composition= 30%
Story Concept= 35%

===============

Total: 100%


Hindi ko na siguro kailangan pang i esplika kung ano ang ibig sabihin ng mga criteria na yan. Sa labing isang nagpasa tanging tatlo lamang ang makakapag kamit ng premyo, pero nais ko din po sanang iparating na ang mga lumahok dito ay panalo na, marami ka atang dapat labanan para makabuo ng isang kwento o ng isang sulatin, ilan doon ay ang katamaran, ang kritisismo, ang iyong imahinasyon. Kaya naman taas kamay ako sa mga manunulat, nakakabuo sila ng mundo gamit lamang ang mga salita. Gamit lamang ang lapis at papel. 


Dahil super busy ang mga admins natin dito sa page, at dahil kailangan din natin ng mga pananaw mula sa labas, hayaan niyo po akong ipakilala ang mga hurado.


Toni Rose Decena
A masscom graduate, former President of Campus Ministry Youth Group in UPHSD- Molino, a writer, a reader, a director. Maganda sa panglabas at panloob.
Sinasaludo ko at tinitingala ang taong ito, isa siyang malapit na kaibigan at isa sa nagturo sa akin umarte noong kami ay nagkaroon ng isang play kung saan ang mga kinita dito ay napunta sa mga kapus palad. Isa siyang inspirasyon. 


Jessie Bt
Short haired and slim. A poet, an artist. Meron siyang library sa kanyang bahay na puno ng libro. A person that helps me keep my feet on the ground. Madalas ko siyang kasama sa pagjo jogging kung saan napagkwe kwentuhan namin lahat, isama mo na ang sandamakmak na ideya na siguro makakapagpayaman sa isang tao.


At syempre ang iyong lingkod, Cindy Wong, ang prinsesa ng kalawakan. Maganda pero chubby, nangangakong mage aerobics gabi gabi, dakilang housewife sa gabi, office girl sa umaga, mahilig mag shopping at magluto. Mahilig din ako sa pink, laging nagpapalit ng bedsheet.


0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Adventure Time - Lady Rainicorn