Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Monday, 6 June 2011

Cinderella Shaine II "CHAPTER NINE" (Finale)

09:54 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
    "Ready ka na?" tanong uli ni Justin nang nasa sasakyan na sila. Maagang sinundo ni Justin si Ella. Sabi nito ay sabay na daw sila papasok mula ngayon.
    "Sigurado ka ba Justin? I mean kaya ko-"
    "I know kaya mo. Pero mabuti na itong sure di ba? Sure na ligtas ka dahil kasama mo ako."
    "Nagpapatawa ka ba? Di ba ikaw itong may balat sa puwet?" Natawa si Justin habang ini- start ang kotse. "Baka kasi kung ano ang isipin ng mga katrabaho natin."
    "Ano naman ang iisipin nila tungkol sa atin?"
    "Come to think of it. Wala ka pang isang linggo bilang Manager sa planning and Development Department, dine date mo na ang isa sa mga soon to be assistant manager ng same department. Ano sa tingin mo?"
    "So anong masama?" tugon ni Justin. "They should not care, remember I'm going to be the boss dahil hindi magtatagal ako na ang mangangasiwa ng kumpanyang iyon."
    "At ano ang alam mo sa fashion?"
    "Well, that's your role to me. You're going to teach me about it." Natawa si Ella.
    "Sure magaling ako diyan."

    "Yes Sir Jared? Pinatawag niyo daw po ako?" kasuwal na tanong ni Ella pagdating niya sa opisina ni Jared. Pinatawag siya nito kay Faye matapos mag lunch break.
    "Miss Shaine, napansin kong medyo malapit ka na sa manager ng PDD." anito nang nakatalikod. Ella rolled her eyes. "I know you're aware of the rules of this company na bawal-"
    "Mag boyfriend?" natatawang putol ni Ella.
    "Well, not absolutely." sa wakas ay lumingon din ito sa kanya. At tulad ng mga villain sa mga pelikulang pinapanood ni Ella, may hawak itong kopita pero wala namang laman. "As an assistant director ng kumpanyang ito, sa sobrang closeness niyo ay napapabayaan niyo na ang mga trabaho niyo." pumormal ang mukha ni Ella.
    "Uhm Mr Jared Cartney, as an assistant manager of PDD, sa tingin ko I have a valid reason. We actually discuss more about important things as strategies para lalong magimprove ang kumpanya. I'm afraid, you've got it all wrong.
    "So assistant manager ka na pala ngayon?" tumango si Ella.
    "Is there a problem regarding that Sir?"
    "Nabigla lang ako."
    "Well, why not? I've worked hard for it."
    "Tulad ng panggagayuma mo sa susunod na presidente ng kumpanyang ito di ba?" naasar naman si Ella, pinilit niyang kalmahin ang sarili. Ayaw niya ng gulo.
    "Mr. Cartney, I think you're going so far, sabi niyo nga you're the assistant director. So sa tingin ko my relationship is not a problem of yours. " pormal na proklama ni Ella. "Well kung wala na kayong kailangan, I better go. Marami pa po akong gagawin."

    "May problema ka ba?" tanong ni Justin nang patungo na sila sa parking lot. "Kanina ka pa tahimik ah."
    "May sumira lang ng araw ko." tugon ni Ella.
    "Alam mo napansin kong mas nagiging emosyonal ka na ngayon." ani Justin. "Tingin ko ako rin ang may kasalanan."
    "Hindi naman."
    "C'mon smile." sumunod naman si Ella. "Ayan, that's my girl, kaya lang halatang fake."
    "Thanks for the compliment. I appreciate it."
    "Okay, I"ve gotta take you home now." binuksan ni Justin ang sasakyan. "Kailangan mo ng magpahinga."
    "Pero seven pa lang, it's too early." sagot ni Ella habang pasakay sa passenger seat. "Tsaka sabado ngayon, walang pasok bukas. You don't have plans?"
    "Tonight wala, pero bukas meron. And it's a surprise."
    "Is it for me?"
    "No, not really."
    "Okay, uuwi na ako." padabog na tugon ni Ella.

    Hindi alam ni Ella kung ano ang nagpagising sa kanya. Para kasing may humahalik sa pisngi niya. Dahan dahang dinidilat ni Ella ang mga mata niya, it was Justin's face she first saw and it's smiling at her. Ella smiled back. "Paano ka nakapasok sa kwarto ko?" tanong ni Ella na nagiinat.
   "Ginamit ko ang bintana."
    "What?"
    "Of course, ginamit ko ang pinto." Justin replied enthusiastically. "Tawa ka naman, it's a joke!"
    "Ha. Ha. Ha." Ella said dryly. Napahiga siyang muli sa kama.
    "Ang aga mo ata." napatingin si Justin sa wrist watch nito.
    "Actually, 9:00 na. Meaning tanghali na. So bumangon ka na." tugon ni Justin sabay hila ng kumot na nakatakip kay Ella. "You lazy cow!"
    "Ano ba? Bumalik ka na lang mamaya, inaantok pa ako eh." ani Ella sabay hila ng kumot kay Justin. Hinila din ito ng Justin kaya tuluyan na silang nagagawan at nagharutan. At sa sobrang hila ni Justin bumigay si Ella at tumaob kay Justin. They almost kiss.
    "What's happe-" natulala si Tita Mabelle bago pa niya matapos ang sasabihin. Nadatnan niya si Ella na nakagadan kay Justin. Agad namang kumilos si Ella at agad na tumayo, natutop naman ni Tita Mabelle ang bibig.
    "T- tita you've got it all wrong!"
    "Okay, bumaba na lang kayo kung gusto niyong magalmusal." sabay talikod ni Tita Mabelle.
    "Sunod na ako kay Tita baka kung ano pa ang gawin mo sa akin." habol naman ni Justin palabas ng pinto. Naiwan naman si Ella sa kwarto niya, magisa, hawak ang kumot at walang imik. At syempre, salubong ang kilay.

    Hindi makapaniwala si Ella. They are now entering a mansion. Well not really a mansion. Pero malaki ang gate na nakaharang dito at isang pindot lang ni Justin sa remote control ay bumukas na agad ito. Malawak ang buong paligid nito, puno ng makukulay na bulaklak at malalagong puno. At hindi pa man nakakatapak doon si Ella ay masasabi niyang friendly ang lugar, reminds her of something. Hindi kasi ito nalalayo sa dati niyang tirahan noong buhay pa ang mga magulang niya. Pero matagal na niyang iniwanan ang lugar na iyon sa South Side, ang dating bayan na tinitirhan niya. Agad namang nawala ang pagmu muni muni ni Ella nang makita niyang ilang metro na lang ang layo nila sa isang bahay na may apat na palapag, ganito ang bahay na nakikita niya sa mga business magazine. Moderno at dark blue ang motiff ng bahay na ito. At kahit sa malayo ay natatanaw niya ang pagkislap ng sahig na sa tingin niya ay oras oras ay binubudburan ng floor wax. Sa wakas ay huminto na rin ang kotse. "A- anong gagawin natin dito?"
    "Ipapakilala ka sa buong pamilya ko."
    "T- talaga?" ninenerbyos na tugon niya. Ibig sabihin ay makikilala niya ang may ari ng kumpanyang pinapasukan niya as in hand in hand, face to face na si Troy Howell. Madalas niya itong nakikita sa mga salu salo, sa mga conference or whatsoever pero ni minsan hindi sumagin sa isip niya na magkapatid sila ni Justin, kahit pareho sila ng apelyido, hindi naman kasi sila magkamukha.
    "Shall we?" inilahad ni Justin ang kamay niya na iniabot naman ni Ella.
    "A- are you sure?" tanong uli ni Ella habang papasok na sila sa isang pasilyo. "I'm getting nervous." May lumapit na isang katulong na naka uniform.
    "Nandoon po sila sa coffee garden." anito.
    "Sige susunod na kami." tugon ni Justin. "Wag kang magalala, hindi sila mangangagat." sabi naman ni Justin sa kanya.
    "B- but I'm not prepared."  buti na lang at may fashion sense si Ella, nakasuot siya ng collared dress at naka stocking at high heels naman sa paa niya.
    "Napansin ko nga." pabirong sabi ni Justin. "Just relax and stay calm, they're not that bad."
    "Uncle Justin!" lumitaw sa harap nila ang dalawang babae na sa tingin ni Ella ay nasa teens na. Magkahawig sila pero sa mukha lamang. Isa isa itong yumakap kay Justin.
    "Kanina ka pa namin hinihintay." sabi ng isa na mukhang kikay. "Is this her? Cinderella?" tumango si Justin.
    "Hello!" bati ni Ella.
    "We finally meet you." sabi ng isa na mukhang boyish. "I'm Jackie."
    "And I'm Sussy." sabi ng isa. "We're twins."
      "I'm Cinderella Shaine." at nagbeso beso ang tatlo.
    "C'mon," hila ni Sussy at Jackie sa kanya. "Ipapakilala ka namin sa iba." At tumungo na nga ang apat sa may coffee garden. Doon ay may pabilog na lamesa at hindi tulad ng inaasahan niya, casual naman ang pakikitungo ng mga tao doon. Halatang excited na makilala siya. Walang halong pagpapanggap. Masyado na kasing apektado si Ella sa mga napapanood niya sa TV. Kaya ang akala niya ay nakakatakot ang mga ito. Ang kuya nitong si Troy na akala niya ay seryosong tao ay palabiro pala. Chubby ito at medyo napapanot na. Ang asawa naman nitong si Butter ay sexy at matangkad. Nakilala niya rin ang mga magulang ni Justin na tila walang senyales ng pagtanda. Mabait ang mga ito at palabiro. Pakiramdam niya nga ay miyembro na siya ng pamilyang ito. Ilang oras din silang nagkwentuhan at nagtawanan. Nalaman niya na totoo pala ang sinabi sa kanya ni Justin dati na mula nang una siyang makita ni Justin ay agad itong nag desisyon na sumama sa America. Doon natutunan ni Justin ang tumayo sa sarling paa at ipagtanggol ang sarili. Doon na rin siya nag transform from being a nerd to super gorgeous. Nalaman niya din na siya ang unang babae na pinakilala nito sa pamilya niya and she feel so flattered about it. Kinuwento din naman ni Ella ang istorya ng buhay niya at nagpakita naman ng simpatya ang pamilya ni Justin nang malaman na wala na siyang mga magulang. Humanga pa nga ang mga ito sa kanya dahil matatag siyang babae.
    "Well, pwede ko bang mahiram si Ella sandali?" tanong ni Justin. "May ipapakita lang ako sa kanya." Dinala siya ni Justin sa ikatlong palapag ng bahay.
    "So anong papakita mo sa akin?"
    "I said it's a surprise."
    "Where are we going?"
    "In my room." nang buksan ni Justin ang pinto, tumambad kay Ella ang isang malawak na kwarto, puti at itim ang motiff. Sa tabi ng kama ay may malaking bintana. At bago pa ma imagine ni Ella kung paano matulog si Justin ay napansin na niya ang mga litrato na nakasabit sa dingding nito. Mamahaling frame at magagandang kalidad ng mga litrato. And it is her. Her picture. "Who took this pictures?" tanong ni Ella habang pinagmamasdan ang hitsura niya, siguro six years ago. Naglalakad siya sa tulay nang nakangiti. Ang isa naman ay kuha sa isang tulay habang pinapanood niya ang ilog.
    "Me." maikling sagot ni Justin. Gosh, puno ng picture niya ang kwarto ni Justin, sampung naka frame, at isang malaking collage sa tabi ng higaan ni Justin. May picture siya nung debut ni Fella, noong valentines day, nang nag Boracay sila at kahit sa classroom nila habang nakikinig sa klase.
    "How?!" di makapaniwalang tanong ni Ella.
    "I used the camera."
    "Hell, I know pero bakit hindi ko man lang napapansin?"
    "Bata pa lang ako, I've always wanted to be a photgrapher."
    "You never told me."
    "Sa tingin mo ba pag nagpaalam ako sayo, papayagan mo ba ako?" Ella smiled.
    "I looked beautiful."
    "You are beautiful."
    "Nasiyahan ka ba?" tanong ni Justin nang makarating sila sa bahay nina Ella.
    "I'm so surprised." tugon ni Ella. "About everything, your family seemed funny, ikaw lang ata ang hindi."
    "Hey, I'm funny too."
    "Ngayon lang, but before lagi kang nakasimangot."
    "Paano, may boyfriend ka."
    "At nasurprise din ako sa pictures, thank you very much."
    "I'm the one who should thank you, hindi mo ba alam na sa tuwing gumigising ako sa umaga, ikaw ang una kong nakikita. It really cheers me up, and when I sleep at night, I feel so light, para akong lumulutang sa cloud nine."
    "Really?"
    "Yes."
    "Parang ngayon lang kita nakilala, you kept too much things from me. Things that are so wonderful."
    "Alam mo ba kung bakit ko naisipang bumalik?"
    "Meron pa bang ibang rason bukod sa ikaw ang susunod na presidente ng kumpanya?"
    "Because of you, no other reasons. Grabe five years akong nagtiis!"
    "It's my fault too, kung hindi ko sana iniwasan ang feelings ko sayo before, your mistakes wont happen."
    "Well, akala ko I could forget you. Pero hindi pala, bumalik ako dahil sa tingin ko mas maaalagaan kita kaysa sa old bf mo."
    "So balak mo palang agawin ako sa kanya?"
    "Yes, kaya lang-"
    "Shut up" putol ni Ella. "Just kiss me please." Dumukwang ito ng kaunti, si Justin ay nagsalitang muli.
    "You're full of surprises too, dati-"
    "Ang kulit mo rin ano?" walang anu ano, Ella held Justin's head to hers and kiss him in a way of passion and love. Soon enough, Ella enjoyed being kissed. It's not bad after all like she think it was before. She love the feeling. This feeling. Justin kissed her gently, caressing her lips like a precious stone. Later on, the kiss deepened and it's driving the two of them crazy.

    "What? Ipinakilala ka na niya sa pamilya niya?" di makapaniwalang tanong ni Annie. "Hindi nga?"
    "Yes! Kanina lang." kausap niya si Annie sa cellphone, dito niya muna gustong sabihin dahil baka hindi iyon maintindihan ni Trisha. At isa pa ayaw niyang lumabas na nagyayabang dito, busy din kasi ito sa bago nitong boyfriend.
    "Oh my God, that's a good sign." siwalat ni Annie.
    "What sign?"
    "Ganyan din ang ginawa sa akin ni Steven bago siya mag propose. Take note nakita ko kung paano bumagsak ang mukha ni Charles!"
    "So what's the point? Anong connect?"
    "Shocks naman Ella, ang hina mo pumick up!"
    "What?"
    "I think his next step is the proposal!"
    "Are you sure?" tanong ni Ella habang unti unting nararamdaman ang malakas ang kabog ng puso.
    "Oh yes, I'm so sure about that."
    "B- but," bumuntong hininga siya. "Hindi ko pa naririnig ang magic word."
    "Well malay mo di pa niya sasabihin, pero wait ka lang. Ang importante, napadama niya sayo."

    "Hey, ang aga mo ata ngayon." puna ni Tita Mabelle habang pababa si Ella sa hagdan. "Excited?" Napangiti si Ella. "Good for you, halika na, masarap ang almusal."
    "Palagi namang masarap ang almusal di ba? Basta ikaw ang magluto, kahit tanghalian at hapunan. tugon ni Ella. "And I wanted to thank you for everything. Hindi ako magiging ganito ngayon kung hindi dahil sayo." Napansin ni Ela na may namumuong luha sa gilid ng mata ng tiyahin. Hinawakan niya ang kamay nito. "You have given me so much, more than I could ever wish for." naiiyak niyang dagdag.
    "It's because I love you." sagot ni Tita Mabelle habang nagpupunas ng luha.
    "I love you too. I can now say that fairytales do come true."
    "They do."
    "I feel like I'm a real Cinderella now."
    "You're the real Cinderella, you're not the fake one. I"m your fairy god Mother, you have your friends and family and of course, those struggles. You even have a prince charming."
   "Tita, he's not my prince," ani Ella. "He's my knight."

    Masayang nagalmusal ang buong pamilya. Maya maya lang ay dumating na si Justin, ang sundo ni Ella. "Alis na po ako, bye sa inyong lahat!" Paalis na sana si Ella nang lumabas sa pintuan si Tita Mabelle.
    "Ella, umuwi ka ng maaga." Kumunot ang noo ni Ella. "We're having a dinner with your Grand Mother." natawa si Ella. Sa tingin niya ay hindi magtatagal at mabubuo na din sa wakas ang pamilya niya. "And of course, take Justin with you."
    "Okay, let's go!"

    Huminto ang sasakyan ni Justin sa harap ng park kung saan sila madalas mag stay.. "Ba't tumirik?' tanong ni Ella. Kagagaling lang nila sa pamamasyal sa isang mall at ilang shopping na din. Hindi na nga nila namalayan na pababa na pala ang araw.
    "Hindi tumirik, ihininto ko talaga."
    "What for?" Ella asked again. Bumaba sla sa sasakyan at hinila ni Justin ang kamay niya at dinala sa may tapat ng swing. Nasa gilid sila ng fountain na ngayon ay may ilaw na iba iba ang kulay. No'n lang napansin ni Ella na walang tao sa lugar na iyon kung hindi sila lang.
    "This place is a very special place to me." simula ni Justin. He was looking at the dark sky enlightened by the stars. "We first met here. Dito ko unang nakita ang babaeng sinabi ko sa sarili ko na pro protektahan ko habang buhay." Naco cornihan man si Ella, ayaw niyang putulin ang sinasabi nito. "I wanted to thank you for saving me from that bully. You woke my heart up, kahit mga bata pa tayo, you have made me feel that spark." Napangiti si Ella, everything's so sweet. Inilabas ni Justin mula sa bulsa ang kaliwang kamay. At may hawak ito. Nang mga panahon na iyon, Ella couldn't think straight. She's looking at the ring, which she think is a diamond ring. Napalunok si Ella, hindi siya nakapagsalita agad. Mula sa singsing inilapat niya ang tingin niya sa mga mata ni Justin.
    "W- what's that?"
    "Singsing." Nu'n napatunayan ni Ella na kahit ang matalinong tao nagiging tanga rin pagdating sa pag ibig.
    "I- I mean what for?"
    "Cinderella, I wanted to protect you for the rest of my life, I want to stay right beside you, everyday of my life. Gusto ko pag gising ko, hindi ko na kailangan pang tumingin sa mga litrato mo, dahil katabi na kita." Then it hits Ella, God is he proposing now?!!
    "N- nananaginip ba ako?"
    "This is all true Ella. Wanna bet on that?"
    "Wag na, naniniwala na ako."
    "So, will you marry me? sa wakas ay narinig din ni Ella ang cue words of proposing.
    "Only if you will say those words..." dinampian ni Justin ng halik si Ella sa noo, sa mata at sa labi.
    "Cinderella, I love you." Ella's heart skipped a beat. Those words he finally said. Finally.
    "I love you too, my Knight, Justin. And yes," Ella took a deep breath. "I'll marry you!" Parang nanalo ng jackpot prize sa lotto si Juston. Tumalon talon ito at naghihihiyaw.
    "Are you sure?"
    "Yes!!" buong pusong sigaw ni Ella.


    And finally, Cinderella and her knight got married, and they lived happily, ever after!

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Adventure Time - Lady Rainicorn