Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Saturday, 4 June 2011

Cinderella Shaine II "CHAPTER EIGHT"

10:04 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
    Muntik nang mahulog ang puso ni Ella nang makita niya kung sino ang bisita niya. Si Justin. At... naka coat and tie ito. "Gosh, he's so handsome." bulong ni Ella sa sarili. "Ella, mag hulus dili ka, si Justin lang yan, remember? Yung taong hinintay mo for five years, na hinusgahan ka kaagad." "Okay, anong kailangan mo?" casual na tanong ni Ella. Ngumiti ito sa kanya, may I say, killer smile?
    "May I invite you for a coffee?"
    "M- may trabaho pa ako eh." tugon ni Ella. "Mamaya na lang." Gosh Ella, bakit ka ngumingiti? Remember that you're mad at him. Tumigas ang mukha ni Ella. "I mean I'm a very busy person, wala akong oras para mag kape."
    "So ganito na lang, sabay tayong uuwi. Tutal dito na rin naman ako nagtratrabaho."
    "Anong sabi mo?"
    "Kuya ko ang nangangasiwa ng kumpanyang ito, bale dito muna ako kukuha ng experience."
    "No way!"
    "What?"
    "I'm sorry, m- may aasikasuhin pa kasi ako." ani Ella na natataranta. "Got to go."

    Ilang beses bumawi sa paghinga si Ella. "This can't be, this can't be happening to me! I love this job but I can't work with him around.  No way, mababaliw ako-" Nang may narinig siyang may kumatok na siyang kinataranta niya. "Oh my God, sino naman ito?" Pigil ang hininga ni Ella nang buksan niya ang pinto.
    "Ella may kausap ka ba?"
    "Oh Cookie, ikaw pala!" Bakit ba lagi na lang ako nahuhuli ni Cookie na kausap ang sarili ko? "Oo Cookie, meron akong kausap." she added stupidly.
    "Uhm you have to sign these papers."
    "Uhm okay." Ella finally calmed down. "Ano yan?"
    "Last month's report. Medyo nag increase ang sales."
    "Good, I'll check up the performance later, pakisabi kay Judy." ani Ella habang pinipirmahan ang mga documents na dala ni Cookie.
    "Ella, you're sure you're okay?"
    "Y- yes, epekto lang ata ng kape."

    "Cinderella, I'm sorry." ani Justin kay Ella. They are having a dinner in Catherine Cafeteria na nag improve na, madaming nabago dito, pati motiff ay moderno na.
    "Ba't ka nagso sorry?" tanong ni Ella habang sumusubo ng cake. Kanina pa niya kino kontrol ang sarili. Gusto niya itong yakapin at halikan, pero pag sa tuwing naaalala niya ang hinala nito, naiinis siya.
    "You know," mukha itong guilty. "I just don't know, nagdesisyon ako agad. N- nakita ko kasi kayo ni Tristan, s- sa may tulay." Inalala ni Ella ang huling gabi na nagkita sila ni Tristan. Yes they have kissed, a break up kiss.
    "Ano ngayon?"
    "I'm sorry kung hinusgahan ko kaagad ang nakita ko." tugon nito. "Pinagsisisihan ko na."
    "Apology denied." sabi naman ni Ella na para bang isang makina. "Please try again." Natawa si Justin.
    "Excuse me, may nakakatawa ba?" Tumayo si Justin at lumapit sa tabi ni Ella, niyakap siya nito ng mahigpit. Nabigla si Ella sa pangyayari, maya maya naman ay ramdam na ni Justin na yakap na din siya ni Ella. Ella felt so warm, how long does she longed for this moment? How many times she ever dreamed of being embraced again by this man? She can say a million times, and now it's finally here. It finally happened.
    "I know, I have hurt you so much, please forgive me, babawi ako I promise."
    "P- paano?"
    "It's a secret."
    "Alright, apology accepted."
    "May I kiss you now?"
    "Uhm..."
    "Excuse me?" putol ng isang pamilyar na boses. Napatingin ang dalawa sa nagsalita. "Bawal po ang PDA dito."
    "Leo, kamusta?" masayang bati ni Ella sa dating katrabaho. Ngumiti naman ito sa kanya.
    "Eto manager na." pagyayabang nito. "Well at last, you're back!"  anito kay Justin.
    "Oo nga eh."
    "Lagot ka, madami kang atraso kay Ella." pananakot nito na natatawa.
    "I know." sagot naman ni Justin. "Sinisimulan ko na nga ang pagbawi, dumating ka lang." Natawa ang dalawa.
    "That's great. Good luck!" kumindat ito kay Ella at saka tumalikod.

    "Ihahatid na kita." Justin offered matapos nilang kumain.
    "No thanks." sagot ni Ella habang pinipindot ang code ng automatic door ng kotse niya. "Kaya ko na magisa."
    "Are you sure?"
    "Justin, alam kong may balat ka sa pwet so I think medyo lubayan mo na ako, I'm going to drive."
    "Okay, kita tayo bukas?" tumango lang si Ella. "Ikamusta mo na lang ako kina Tita Mabelle, I'll visit them next time."

    "Tita, are you alright?" tanong ni Ella sa tiyahin. Nagmumukmok na naman ito sa sala, patay na ang lahat ng ilaw at nakaupo si Tita Mabelle sa berdeng sofa. Nakaamoy si Ella ng beer, tumabi siya sa Tiyahin at niyakap ito.
    "You seemed blooming today. Kahit walang ilaw, halatang masaya ka." puna nito. "What's the good news?"
    "He's back." natawa ang matanda.
    "Finally, so kayo na?" Umiling si Ella.
    "We're still friends, hindi pa namin napaguusapan."
    "Take it slow, okay? I'm happy for you."
    "Sa totoo lang may kasalanan siya sa akin."
    "Ano yun?"
    "Kaya pala siya umalis dahil akala niya wala na siyang pagasa sa akin. He thought I'm inlove with Tristan."
     "Well you were. I can still remember kung paano mo siya iniyakan nang malaman mong magma migrate na siya sa Paris."
    "And you told me that times would change. And tama ka, they did." ani Ella. "Noong una, nagalit ako nang malaman ko ang dahil sa pagalis niya. He's so unreasonable. But seeing him now, hindi ko magawang magalit ng matagal. God, I missed him so much."
    "Sana ganyan kadali patawarin ang... ni hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanya!" desperadong sabi ni Tita Mabelle. "Nang mamatay si Papa, iniwan na niya kami, hindi siya bumalik sa tagal naming paghihintay. Ni tawag o sulat man lang, wala. Nagtataka ako kung paano niya nagawa iyon, gayong madali namang magmahal ng anak.
    "Naramdaman ko rin na minahal mo rin ako na parang isang tunay na anak." nakangiting tugon ni Ella. "But this woman, I don't know."
    "It's going to be alright Tita, j- just take it slow."


    "Oh my God Trish, you wont believe this!" mabilis na salubong ni Ella kay Trisha, kasunod nito si Annie. Nagkita sila sa isang restaurant dahil meron daw importanteng isasawalat si Ella.
    "Teka, relax ka lang! Hindi kita maintindihan!" sabi ni Trisha na kahit limang taon na ang nakalilipas ay wala pa ring pagbabago pwera na lang sa hitsura nito. They are on their twenties now. More fashionable. May ari siya ng isang love shop kung saan nabibili ang kahit na anong may kinalaman sa pag ibig. At syempre, papalit palit pa din siya ng boyfriend. Katwiran niya, they're not just meant to be.
    "So anong balita?" masayang tanong ni Annie. Naging optimistic na ito mula nang naging sila ni Steven, sa katunayan ay hinihintay na niyang mag propose ito. Isa na itong manager sa isang sikat na mall sa spring rail.
    "He's back!" exagerated na siwalat ni Ella. Hindi naman natinag ang dalawa. "I mean bumalik na si Justin!!!"
    "What?!!" sabay na sambit ng dalawa.
    "Yes!!!" Ella hissed. At kinuwento niya nga ang mga pangyayari.
    "So kayo na?" tanong ni Trisha.
    "N- no, I actually decided to take it slow-"
    "What are you talking about? Five years of waiting, and now you're saying that you'll take it slow?
    "Annie, palibasa ikaw sanay ka sa mabilis. Sa fast track, well me, I'm trying to savour every moment." madramang tugon ni Ella. "Tutal nararamdaman kong siya na."
    "What, you feel the spark?" tanong ni Trisha.
    "Matagal na no! Pinatay ko lang agad because of my stupidity."
    "Paano kung hindi pala? Paano kung ikaw lang ang naga assume? Hindi pa nga niya sinasabi ang magic word di ba?" Natigilan si Ella, Trisha's right. Hindi pa ito nagsasabi ng 'i love you'.
    "Ano ka ba, ilang araw pa lang kami nagkikita.
    "Kahit na!"
    "Hay naku, basta dumating si Justin. Tapos!" sabat naman ni Annie. "Still, we can call it a celebration."
    "Annie-" putol ni Ella
    "Besides, Steven already proposed to me!"
    "Talaga?" di makapaniwala si Ella.
    "Hay, buti pa kayo." ani Trisha. "You already found the one. Akala ko pa naman, ako ang unang ikakasal."
    "Whatever! Siguro, hindi mo pa time." tugon ni Ella.
    "Nakakainis naman, well, pagplanuhan na natin ang celebration."
    "What if we travel? Tutal matagal na nating pinagpaplanuhan ito di ba?" suhestiyon ni Annie.
    "Hindi ko alam, pero paano kung may gawing masama si Jared? Baka matanggal ako sa trabaho."
    "Oo nga no? Bakit naman kasi pinatulan mo pa?" desperadong tugon ni Annie.
    "Wait, sabi mo kuya ni Justin ang may ari ng company di ba? Sa tingin ko ngayong nandyan na si Justin, hindi ka magagawan ng masama ni Jared." paliwanag ni Trisha. Tumango naman si Ella.
    "Tama, tama!" aniya.
    "So saan niyo gusto? Out of the country?" tanong ni Annie. "How about Hong Kong, shopping escapades?"
    "Or Thailand?" suhestiyon ni Trisha. "Tutal maraming beach doon."
    "How about Korea?" tawag ni Ella.
    "Masyadong mahal diyan." sagot ni Annie. "Next year na lang tayo pumunta sa Korea." Ilang minuto silang nagusap nang biglang mag ring ang cellphone ni Ella. Nanlaki ang mata niya nang sagutin niya ito.
    "Oh my God, I forgot! May meeting pala ako ngayon. Shit, shit!" Nagmadaling tumayo si Ella. "Kita kits na lang okay?" Agad agad siyang lumabas at sumakay ng taxi.

    "Ano ka ba, kanina pa sila naghihintay sayo!" ani Cookie habang binibigay sa kanya ang files ng presentation niya. "Naroroon na silang lahat sa conference room." Halos hindi naman magkandaugaga si Ella, lakad takbo siya papunta sa conference room. Napangiti siya sa mga superiors na naroroon. Siya na lang pala ang hinihintay, halatang asar na ang mga tao doon. Ni hindi sila matingnan ni Ella ng diretso.
    "I'm sorry, I'm late." aniya.
    "Ten minutes kaming nag hintay." pormal na proklama ni Jared. "There should be an explanation behind this." Napalunok si Ella.
    "Jared, wag naman ngayon." bulong ni Ella sa sarili.
    "Suit yourself, miss Cinderella Shaine, I'm giving you time to prepare." narinig niyang sabi ni Justin na nasa VIP seat pala Natigilan si Ella.
    "T- thank you, Sir." napahiyang sagot ni Ella. "I'm a- alright now." nauutal niyang dagdag. Nakagat niya ang labi. Ito na marahil ang pinakanakakahiyang araw sa buong buhay niya. "Sana nananaginip lang ako." sigaw niya sa sariling isip.
    "Are you sure?" tanong ni Justin.
    "Y- yeah." nanginginig ang boses na sagot ni Ella, pinilit niyang ngumiti. "I'm sure."

    Napabuntong hininga siElla habang palabas ng building. Sa wakas, natapos rin ang halos limang oras na diskusyon, at ang desisyon? Pagiisipan pa daw nila kung ia- apply ba ito sa kumpanya. Kasalanan niya ito, kung hindi sana siya na late, everything would have been alright. At kung wala ba doon si Justin, hindi siya madalas mauutal. It's just that Justin keep on staring at her, hindi tuloy siya makapag concentrate. "Good bye promotion." madrama niyang banggit bago pa siya sumakay ng sasakyan. It was such a bad day. Napagdesisyunan niyang umuwi na agad para makapag pahinga, pero bago iyon ay bumili siya ng Recruit Magazine para makapaghanap ng trabaho. Masyado ng masikip ang mundo nila ni Justin. Pero pagdating niya sa bahay, napansin niyang may nakaparadang sasakyan sa labas. "Sino kaya ang bisita?" Nakarinig siya ng tawanan sa loob at pamilyar na boses. Pag tingin niya sa sapatusan, nandoon ang isang pares ng leather shoes. Huli na para umatras, narinig na nilang dumating si Ella. Bumukas ang pinto at sumilay ang mukha ni Tita Mabelle. Ngumiti ito sa kanya.
    "Ella, nandito si Justin!" proklama nito. "Pasok na, dali!"
    "Maganda ang pinakita mo kanina," simula ni Justin. "Ilang araw mo yun ginawa?" Naiwan sa sala ang dalawa while the others are in the kitchen, so much for playing cupid.
    "Actually linggo, hindi araw." mapaklang sagot ni Ella. Hindi pa rin siya nakakarecover sa kahihiyan sa mga pangyayari sa opisina.
    "You deserve the best kaya pinaboran ko ang presentation mo. It's a wonderful idea."
    "I know thank you."
    "Hmm... okay lang ba sayo na we're working on the same company?"
    "Of course."
    "You sure?"
    "Yep."
    "Bakit-"
    "Ella, Justin kain na! Dali!" tawag ni Tita Mabelle sa kusina.
    "Look Justin, I was just-"
    "Dalian niyo, lalamig na ang specialty ko."
    "Okay." sagot ng dalawa.

    "Hay naku Kuya Justin," simula ni Rio nang tanungin siya ni Justin kung kamusta si Ella nang nakaraang limang taon. "Kung makikita mo lang ang kwarto niya, may pic-"
    "Rio shut up!" putol ni Ella, agad naman itong tumigil.
    "Okay whatever." anito sabay subo ng lasagna.
    "Justin, bakit hindi ako ang tanungin mo?" sarkastikong tanong ni Ella. "Mas mabibigyan pa kita ng konkretong sagot."
    "Are you sure?" pangaasar nito.
    "Ano sa tingin mo?"
    "Pwede ba kumain ka na lang diyan, sayang ang lasagna."
    "Iyon naman pala eh. Sino ba ang nagsimula ng usapan?"
    "Ako, pero ikaw lang nagpahaba."
    "Anong sabi-"
    "Pwede ba," putol ni Tita Mabelle. "Ngayon na nga lang kayo nagkita, ngayon pa kayo magtatalo. Di umimik ang dalawa, sabay silang sumubo na tila napahiya. "Come to think of it, five years? Limang taon ang nasayang sa inyo."
    "It's his fault." mahinang tugon ni Ella, "Hindi man lang siya nagparamdam sa akin, ni sulat, ni tawag, wala."
    "Cinderella, I didn't mean to, I felt betrayed, devastated and heart broken. Walang nagsabi sa akin."
    "Of course, sabi ko nga di ba? You shut me out of your world, di ba nagpalit ka ng number? Saan ka namin maco contact? Sabihin mo nga. We didn't even know the reason why, malay ba namin. Kanino ka ba nagpaalam? Sa Dean? Okay ka lang?" Ella said hysterically.
    "Cinderella, I didn't mean to, Okay? Naiintindihan mo ba? I am very very sorry."
    "Sa tingin mo-"
    "Ano ba naman kayong dalawa?" putol na naman ni Tita Mabelle. "Saka na kayo magtalo, ubusin niyo muna yang kinakain niyo, okay?" mas malakas niyang dagdag.

    Pagkatapos kumain, tumungo ang dalawa sa park na madalas nilang puntahan dati. Tahimik silang nag swing  at dahil limang taon na din ang lumipas, masasabing marami na ding pinagbago ang park na iyon. Dati ay play ground at ilang benches lang, ngayon ay na rennovate na, mas malawak at nadagdagan ng agel fountain sa gitna. Ang mga playground naman ay mas matibay na. May iilang taong naroroon pero nananatili pa din ang peaceful ambience nito. "I'm sorry for shouting at you." simula ni Ella na hindi man lang natinag sa pagkakatitig sa kanyang paa. Nanatili lamang itong nakayuko.
    "I'm sorry too. Ako ang may kasalanan ng lahat." tugon naman ni Justin. Nakatitig na ito ngayon kay Ella.
    "Forget it, tama si Tito Michael, ngayon na nga lang tayo nagkita ulit, ngayon pa tayo magtatalo." Their eyes met. "Di ba? I think we should forget all the mistakes, naiinis lang ako."
    "Yes, let's start over." Tumayo si Justin at inilahad ang kamay kay ella. Iniabot naman ito ni Ella at saka tumayo. Hinapit ni Justin ang baywang ni Ella at niyakap ito. "Please forgive me for being such a jerk." Napangiti si Ella. The embrace is just too good to be true. Niyakap niya din si Juston and she had proved to herself that she's not dreaming. It's true. Sinamsam muna ni Ella ang pakiramdam na iyon bago siya nagsalita.
    "Ang sarap ng yakap mo." Ella said chidlishly. "Sana palaging ganito."
    "Nagustuhan mo ang hug, so I assumed mas magugustuhan mo ang kiss." ani Justin na nakangiti.
    "I think so."
    "Talaga? You're not afraid of my kiss anymore?"
    "Teka, parang nagbabago ang isip ko."
    "Cinderella naman eh, I'm just asking. Baka sampalin mo ko ulit." Natawa si Ella, naaalala niya ang first kiss nilang dalawa that happened in a love ball on a Valentines day. It just happened.
    "Well I've been dreaming about that kiss for five years." tugon ni Ella. Ella caressed Justin's face while looking into his eyes dreamily. Dahan dahan namang lumiliit ang distansya sa pagitan ng mga labi nila. "This is it." Ella told herself. She gently close her eyes and waited for that magic to happen. They kissed gently under the stars once again. And this time, there are no barriers anymore. It's just the two of them and no other.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Adventure Time - Lady Rainicorn