Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 3 April 2011

Cinderella Shaine II "CHAPTER SEVEN"

06:46 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
             KRINGGGG!!! KRINGGGGG!!!

    Napaungol si Ella sa tunog na iyon ng alarm clock niya.

    KRINGGGGG!!! Nag ring ulit iyon, dinilat niya ang isang mata. Maliwanag na. Kinuha niya ang orasan at pinatay ang alarm. Alas siyete na pero tinatamad pa din siya bumangon. Kagabi kasi ay alas onse na siyang nakauwi. Nag over time siya sa trabaho niya bilang supervisor dahil may kinailangan siyang tapusin na report. Pinaghirapan niya ang presentation no’n dahil dito mababase kung siya ba ay mapro promote bilang manager.

    Nag unat muna si Ella saka bumangon. Binuksan niya ang bintana at sumilay sa kwarto niya ang magandang sikat ng araw. Lalabas na sana siya ng kwarto nang masilayan niya ang pamilyar na litrato na naka pin sa dingding niya. Ang litrato ni Justin na limang taon nang nasa kanya. Hindi pa rin ito bumalik tulad ng nakita niya. Lumipas ang limang kaarawan, limang pasko at limang bagong taon, ni sulat, ni tawag ay wala siyang natanggap mula kay Justin. Sa puso niya ay gusto niyang magalit pero wala siyang magawa, naging busy din naman siya sa ibang bagay tulad ng career. At ngayon ay nakikita na niya ang bunga ng tatlong taon niyang pagtratrabaho sa isang malaking kumpanya sa Spring City. Meron na siyang second hand na kotse at account sa bangko, not to mention linggo linggo siyang nagsho shopping. Isa na rin siya sa mga sponsor ng Caroline’s Home for the Orphans.
    “Ella magalmusal ka muna bago umalis.” yaya ni Tita Mabelle na ngayon ay napunta na sa forties nito, tumigil na din siya sa pagtra trabaho sa Catherine Cafeteria dahil gusto niyang maging housewife na lamang. “Kahapon nakalimutan mong mag almusal.”
    “Pasensya na po, kahapon po kasi ay male late na ako.” magalang na sagot ni Ella.
     “Masyado ka kasing workaholic eh, mag relax ka naman anak.” sabi naman ni Tita Mabelle na kahit magfo forty na rin ay hindi pa rin nawawala ang kakisigan nito. At syempre ay hindi pa din nagbabago ang magandang trato nila kay Ella na para ng isang tunay na pamilya.
    “Good morning!” bati ni Rio habang pababa ng hagdanan. Nasa kolehiyo na ito ngayon sa kursong Nursing at sa loob ng limang taon ay mas naging lalake ito. Pinagkakaguluhan nga ito ng lahat ng babae sa Universidad na pinapasukan nito pero wala pa itong nagiging nobya. “Anong almusal?”
    “Yung paborito mo!” sagot ni Ella na medyo tumangkad pa, kulot na ang mahaba nitong buhok at lalong naging balingkinitan ang katawan niya.
    “Wow fried rice and fried hotdog!” Excited itong umupo at sumubo. “Ang init!”
    “Dahan dahan lang.” sabi naman ni Tita Mabelle.

    Matapos iparada ni Ella ang kanyang kotse sa parking lot ay dumiretso na siya sa loob ng isang International fashion company. Nag elevator siya papuntang 9th floor kung saan naroroon ang opisina niya. Nadatnan niya doon ang secretary ni Jared na si Faye. Mataba ito at kulot na kulot ang buhok, napabuntong hininga si Ella. Alm niya kung bakit ito nandito. “Ms Shaine, pinapabigay po ni Mr Cartney.” sabay abot ng isang bouquet ng pulang rosas. Si Jared Cartney ang anak ng isa sa mga board of directors ng kumpanyang ito. Gwapo naman ito kaya lang hindi ito type ni Ella. Masyado kasi itong mayabang at arogante. Binasa ni Ella ang card na kalakip ng bouquet. Niyayaya siya nito mag dinner sa labas.
    “Pakisabi hindi ako pwede.”
    “Ma’am naman, sige na naman po. Pumayag na kayo.” pagmamakaawa ni Faye. “Pag hindi kayo pumayag ngayon, baka masesante ako.”
    “Anong ibig mong sabihin?”
    “Ilang beses niyo na po siyang tinatanggihan, hindi niyo po alam pero sa tuwing tinatanggihan niyo siya ay ako po ang napapagalitan. In-explain ko na po sa kanya ng mabuti na wala talaga kayong interes sa kanya, pero hindi daw siya papayag.”
    “Ang taong yan! Wala siyang kaluluwa!” Sa loob ng limang taon ay walang naging ibang boyfriend si Ella, at minsan lang siya makipagdate. “Kung ako sayo Faye, mag resign ka na lang, pangit talaga ang ugali nang boss mo na yan, maghanap ka na lang ng ibang papasukan.”
    “Pero-”
    “Secretary ka niya, hindi match maker.”
    “Sige po aalis na ako.”
    “May alam akong pwede mong pagtrabahuan kung sakaling tanggalin ka niya.”
    “Talaga po?”
    “Akong bahala sayo.”

    “Hi Ella!” bati ni Jared sa kanya. Nasa Cafeteria siya dahil lunch break na, kasama niya habang naglu lunch ang kaibigang si Cookie. “Nagustuhan mo ba ang mga bulaklak na pinadala ko?”
    “Nasaan si Faye?”
    “Relax ka lang, hindi ko pa siya tinatanggalan ng trabaho.” tugon nito. “Oo nga pala isa ako sa mga judges ng presentation mo, in fact maganda ang ginawa mo, I’m impressed.”
    “Thank you.” wala sa loob na sinabi ni Ella.
    “Ella lets have a date.”
    “Jared, sinisira mo ang araw ko.”
    “Sige na, after this ay titigilan na kita.” anito. “Hindi na kita guguluhin.”
    “At paano mo naman nasisiguro yun?” tanong ni Ella.
    “Sige na, promise hindi na talaga.”
    “Masama ang kutob ko eh, I’m sorry.”
    “Please, just this once.” sagot nito. “Gusto lang kitang makilalang mabuti at para makilala mo na din akong mabuti. At kung hindi mo ko magugustuhan, I promise it’s gonna be the first and the last.”

    At iyon nga ag dahilan kaya nasa Rainbow bar siya kasama ang pinakaaroganteng tao sa buong mundo. Umorder lang ng ice tea si Ella at nag red wine naman ang isa. Five star ang bar na iyon at puro mayayaman lang ang naroroon. May umiinom at may iba na sumasayaw sa dance floor. “Sayaw naman tayo.” yaya ni Jared.
    “Ayoko, pagod ako.”
    “Ang boring mo naman palang kasama.”
    “Don’t say I didn’t warn you.”
    “Siguro nabigo ka na sa pag ibig mo no?”
    “Bakit mo naman nasabi iyon?”
    “Wala kang interes sa kung sinong lalake, wala ka namang boyfriend.”
    “Wala kang pakialam, okay?”
    “Sabi ko na nga ba, alam mo kung habambuhay kang ganyan, tatandang dalaga ka!”
    “Who cares?” tugon ni Ella kahit naiinis siya sa sinasabi nito na tatandang dalaga siya. Naisip na din naman naman niya iyon, paano kung hindi na bumalik si Justin? Paano kung mapunta sa wala ang paghihintay niya?
    “Buksan mo na ang puso mo.” Lumapit ito sa kanya, nalanghap niya ang nakakasukang hininga nito. Sigurado siya na lasing na ito, kinabahan siya bigla. “Magmahal ka na ulit.” Bahagyang lumayo si Ella, ngayon ay gusto na niyang magsisi na sumama pa siya dito.
    “Gusto ko ng umuwi Jared.” Tumayo na si Ella at kinuha ang bag. Hinawakan siya sa braso ni Jared ng mahigpit .
    “Sumayaw muna tayo, sige na.” Aakmang hahalikan na si Ella buti na lang ay naunahan niya ito ng sampal. “Ano ba, bakit mo ko sinampal?” nanggigigil na tanong nito. Lumakas ang tugtugan sa bar kaya walang nakakapansin sa kanila. Napalunok si Ella, maskulado ang katawan ni Jared. At nakikita na niya ang ugat sa ulo nito dahil sa sobrang galit. Ngayon lang ata ito nasampal sa buong buhay nito, hindi pa nangyayaring ni- reject siya ng kahit na sinong babae. Magwo walk out na sana siya pero mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Jared.
    “B- bitawan mo ko Jared.”
    “Matapos mo kong sampalin?” Masama na ang timpla ng mukha nito. Ayaw niyang matakot pero sa mala demonyong hitsura nito, nararamdaman niya ang nanginginig ng tuhod nito. “Sinuswerte ka ba?” nagtangka uli itong halikan siya pero agad na lumayo si Ella.
    “H- help…” mahinang sigaw nito pero ni isa ay walang lumingon sa kanya.
    “Walang nakakarinig sayo dahil ako ang may ari ng lugar na ito. I’m the boss.” sabay ngisi nito.
    “Sabi ko na nga ba, masama kang tao. Parang awa mo na, bitawan mo ko.” Humalakhak si Jared.
    “Hindi pa ako nade deny sa buong buhay ko. Bakit ba masyado kang hard to-”
    “Sabi niya bitawan mo siya.” sabi ng isang tinig. Huminto sa paghinga si Ella. Kilala niya ang boses na iyon. Dahan dahan niyang inangat ang mukha niya. And there he is, standing in front of her is Justin Howell na limang taon na niyang hinihintay ang pagbabalik. Tumigil ang oras. Everything seemed to freeze. Nagkatitigan silang dalawa. Kumurap si Ella, baka kasi nananaginip lang siya pero pagdilat niya ay naroroon pa din si Justin. Taller, still Moreno and more handsome. Nakapolo ito kung kaya naman ay bakat na bakat ang muscles nito, mas malaki ito kay Jared. Halu halong emosyon ang kanyang nararamdaman niya, she is in shocked. Inabot ni Justin ang braso niya habang ang kamay naman nito ay pinapalayo si Jared. Dahan dahang bumitaw si Jared dahil mukhang nasindak ito kay Justin.
    “E- excuse me, date namin it.” sa wakas ay nagsalita din si Jared.
    “Sorry but I’m not allowing her to date a bastard.” tugon ni Justin. Nakaakbay na ito sa kanya, a sign of security Ella have never felt so relieved before. “Next time kung magkikipagdate ka, make sure na gusto ka din ng ka date mo.” Hindi nakaimik agad si Jared. Halatang nanggigil na ito. Alam ni Ella na natatakot si Jared sa kahatap niya ngayon. At kung magsusuntukan man, hindi niya papaya gang madungisan ang mukha nito. Kinuha ni Ella ang baso ng ice tea at binuhos sa mukha ni Jared.
     “Walang modo.” aniya. Tahimik silang lumabas sa bar, parehong magulo ang isipan. Akaka pa rin sa kanya si Justin hanggang sa makarating sila sa parking lot. Pumiglas si Ella sa pagkakaakbay ni Justin, nagkatitigan ang dalawa.
    “Bakit hindi mo kasama ang boyfriend mo?” seryosong tanong nito.
    “B boyfriend?” Wala akong boyfriend, gusto niyang idagdag. Ano ang pinagsasasabi nito?
    “Don’t tell me hindi ka nagpaalam sa boyfriend mo? Nakikipag date ka sa lalakeng ganoon?” Hindi umumik si Ella. Si Tristan ba ang tinutukoy nito, bulong ng isipan ni Ella. Namayani ang katahimikan. Kumyom ang palad ni Ella na siyang insinuator niya sa pagmumukha ni Justin. Ni hindi ito nakaiwas dahil sa bilis ng pangyayari. Nabalot ng galit ang puso ni Ella, hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas niya, pero sinunggaban niya ito ng sapak. Sapak, suntok, sampal at tad yak. Hindi man lang nakapalag si Justin.
    “Anong boyfriend? Wala akong sinabing boyfriend, limang taong wala! (sapak) “Anong sabi mo?” (sapak) “Hindi nagpaalam?” (sampal) “At kanino ako magpapaalam?” (suntok)
    “T- tama na (Aray!) Masakit! Ano- (Awww!) Tumigil ka na nga- (Ouch) Masakit yun-(aray)” Nang nagkaroon na ng pagkakataon ay hinawakan ni Justin sa dalawang balikat si Ella at agad niya itong niyakap.
    Nalanghap ni Ella ang cologne ni Justin, matagal na panahon na din niya itong hindi naaamoy. Justin’s arms are around her, maya maya lang ay napaiyak si Ella.
    “Walang hiya ka, mas masahol ka pa kay Jared! (hikbi) Limang taon (hikbi) Limang taon akong naghintay sayo. At yan lang ang sasa (hikbi) sasabihin mo? Nakipag break ako kay Tristan para sayo. Tapos (hikbi) aalis ka din pala? Hindi ka man lang nagpaalam sa akin. (Hagulhol) Nagimbal si Justin sa narinig.
    “D- di ko alam…”
    “I’m not wondering why. Hinusgahan mo ko agad. You shut me out of your life. You, you didn’t even ask for my explanation. Pumiglas si Ella kay Justin, bumitaw naman si Justin na may dugo na sa ilong nito at namamaga na din ang mukha niya. “I- I hate you!” sumakay agad si Ella sa sasakyan niya at mabilis niya itong pinaandar palayo.

    “Ella may problema ka ba?” tanong ni Tita Mabelle kinabukasan. “Bakit parang hindi ka nakatulog?” Lumagok muna si Ella ng gatas bago siya nagsalita.
    “Nahirapan po akong makatulog eh.” Ang totoo niyan ay hindi ata siya nakatulog. Magdamag niyang inisip ang mga pangyayari. Hindi niya inakalang mangyayari iyon, matagal na niyang hinihintay si Justin, dapat ay masaya na siya ngayon. Pero nang malaman niya kagabi ang dahilan ng pagalis nito, umusbong ang matinding galit sa puso niya. Hindi niya akalaing ganoon kakitid ang pagiisp nito. Naputol ang pagmumuni muni niya nang sunod sunod na doorbell.
    “Ako na.” presenta ni Rio. Tumayo ito at binuksan ang pinto. “Uhm sino po sila?” Parang nakakita si Tita Mabelle ng multo, lumingon naman si Ella para tingnan kung sino ang dumating. Ganoon din si Tito Michael. Isa itong babaeng nasa sixties na, manipis ang kilay nito at may kulay kapeng mga mata, kahit payat ito ay hindi halata dahil sa kapal ng damit nito. Naka high heels ito at nakalugay ang kulot at tulad ng mga mata, ay kulay kape nitong buhok na umabot sa balikat nito. Napapalibutan din ito ng sari saring alahas.
    “Maribelle?” paniniguro ng matanda. “Ikaw ba yan?”
  “Anong ginagawa mo dito?” malamig na pakikitungo ni Tita Mabelle. Nakita naman ni Ella ang namumuong luha sa mata ng matanda.
   “Hindi mo lang ba ako yayakapin?”
    “Oo nga pala, twenty five years na rin tayong hindi magkikita.” Lumapit si Tita Mabelle sa pintuan. “Bukas ang pinto, pwede na kayo umalis.” Nananatiling nakatitig ang tatlo, walang kumilos at nakialam.
    “Maribella, anak-”
    “Wag mo kong tawaging anak, dahil ni minsan ay hindi kita pinangarap maging ina. Nagulat ang tatlo, ito nga ba ang Lola ni Ella? “Get out of here.” Sandali siyang tinitigan nito ng mga matang nangungusap, pagkatapos ay nakayukong umalis.

    Life is still a big joke, ani Ella sa sarili. Papasok na siya ngayon sa trabaho at pasakay na ng elevator. Kagabi ay lumitaw si Justin and she have heard the most stupid and unreasonable reason kung bakit ito umalis five years ago. Kaninang umaga naman ay nasaksihan niya ang disgusto ni Tita Mabelle sa “Lola” ata niya. Nakaramdam siya ng awa pero mas pinili na lang niya ang tumahimik dahil sa matinding tensyon na nangyari. At ngayon naman ay kasama niya si Jared sa elevator, ang pinaka huling tao sa mundo na gusto niyang makita at lalong lalo na ang makasama. Pareho silang mukhang bangag ngayon. Napansin iyon ni Ella dahil nababaliw ng salamin ang buong elevator. Naghari ang katahimikan at sa wakas, after what seemed an hour nakarating na rin si Ella sa ninth floor, narandaman niyang kasunod na lumabas si Jared. "Hey Ella!" tawag nito "Sandali!" Lumingon naman si Ella. "Please, I'm so sorry sa nangyari kagabi, I was-"
    "Drunk, I know." putol ni Ella. "Sana hindi na lang ako pumayag."
    "I'm sorry, I really am. Sana hindi maapektuhan ang trabaho natin."
    "Mr Cartney, masama ang kutob ko sa sinasabi mong yan. Sigurado akong may masama kang plano. I'm sorry pero kahit ikaw ang anak ni Mr Andrew Cartney, I want you to know that I'm not afraid of you." Tumalikod si Ella.
    "Ano ba, ako na nga ang nagso sorry eh." naaasar na tugon nito. "Okay let's see."
    "Get out of here you evil!" At tuluyan ng naglakad palayo si Ella, just then she realized something, hindi niya dapat sinabi iyon. "Oh my God, mawawalan ako ng trabaho. And my promotion... Haay! Ano ba itong ginagawa ko?" bulong ni Ella sa sarili habang pinupukpok ang noo. "Kung matatanggal ako dito, masasayang ang ginawa kong presentation. Pinaghirapan ko pa naman iyon." Napaupo si Ella sa glass table niya, maganda at fashionable ang office niya na black and white ang motiff. Napatingin siya sa bintana na maganda ang scene. Kahit nasa ninth floor lang siya ay kitang kita niya ang buong siyudad. This is her dream job. Being a boss in a fashion world. Pero sa oras na may gawing masama si Jared na alam niyang malakas sa board of directors, mawawala sa kanya ang karangyaang tinatamasa niya ngayon. "Hindi ako papayag."
    "Ella, may kausap ka ba?" Hindi napansin ni Ella ang pagpasok ni Cookie kaya bahagya siyang nagulat. "Gosh you're talking to yourself."
    "What do you need?" tanong niya para maiba ang usapan, nagiba ang mukha ni Cookie, tila excited.
    "Well there's a gorgeous guy looking for you. Take note, he's drop dead gorgeous!" Cookie said madly.
  

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Adventure Time - Lady Rainicorn