Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 20 March 2011

Cinderella Shaine II "CHAPTER SIX"

11:08 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
         “Uhm, Ella meron ka bang hindi sinasabi sa amin?” tanong ni Tita Mabelle, isang gabi habang kumakain sila ng hapunan. Muntikan pa ngang mabilaukan si Ella. Hindi pa kasi niya sinasabi ang tungkol sa play.
         “Ano po iyon?” tanong ni Ella.
         “Ate Ella, wag mo ng itago.” sabat ni Rio na nakangisi. “Alam na namin.”
         “Ang alin?” kinakabahang tanong ni Ella.
         “Excited na akong mapanood iyon.” Excited na sambit ni Tito Michael. “Lalo na kung ikaw ang bida!”
         “P- paano niyo nalaman?” Ang totoo niyang walang balak si Ella sabihin ang tungkol sa play. Nakakahiya dahil nalaman pa ata ito sa iba.
         “Sinabi sa amin ni Annie,” tugon ni Tita Mabelle. “Nagtataka nga siya dahil hindi pa namin alam.”
         “Manonood kami!” sambit ni Rio.
         “T-talaga?” tanong uli ni Ella na hindi makapaniwala. “Wala na atang ticket.”
         “Ito o!” Ipinakita ni Tito Michael ang apat na ticket ng Cinderella. “May sobra pa kaming isa!”
         “saan niyo nakuha yan?”
         “May nagso solicit eh. Tingnan mo nandito ang pangalan mo sa cast, ikaw si Cinderella!” excited na explanasyon ni Tito Michael.
         “At gaganapin sa Spring theatre.” ani naman ni Tita Mabelle.
         “Ang sosyal!” si Rio. “Ibig sabihin maraming manonood! Ang buong Spring Trail!”
         Nang mga sandaling iyon ay gustong matunaw ni Ella sa kinauupuan. Hindi niya kayang umarte sa harap ng madaming tao. “H- hindi ko kaya…” nasambit niya.
         “Of course, kaya mo yan!” tugon ni Tita Mabelle.
         “Hindi ko alam kung bakit ako ang napili, ni wala man lang akong experience. Hindi rin ako mahilig umarte.” mangiyak ngiyak na si Ella.
         “May tiwala sila sayo kaya ikaw ang napili nila, anak.” sabi naman ni Tito Michael.
         “Bakit? Cinderella lang ang pangalan ko. I’m fake.” frustrated na angas ni Ella. “Hindi ako ang tunay-”
         “Ella, stop saying that. The more na sinasabi mo yan, the more na hihina ang loob mo. I know you’re tough.” si Tita Mabelle. Tumayo ito at hinimas himas ang buhok niya. “Isipin mo na lang na you’re doing this for the orphans. They need inspiration with you.” Sa isang iglap ay sumagi sa isipan ni Ella ang inosenteng mukha ni Mary Elizabeth pati na din ang inosente nitong pangarap sa buhay, ayaw niyang sirain iyon.
         “I’m sorry, kinakabahan lang ako.” nakangiti na niyang tugon.
         “Okay lang iyon Ate Ella, imagine mo ba naman ang dami ng tao na manonood, dapat galingan mo.”
         “Wag kang magalala, ichi cheer ka namin!” dugtong naman ni Tito Michael at tulad ng dati ay napabuntong hininga na naman si Ella.

         “Ella pasama naman sa mall.” nakasimangot na imbita ni Alicia. “Mau inutos sa akin si Mama eh. Grocery. Alam kong mahilig kang mag shopping.”
         “Di pwede busy ako.” tugon ni Ella. Nagre review ito sa library.
         “Sige na, wala naman practice sa play eh.” untag nito, hindi naman kasi ito mahilig sa shopping.Hindi tulad ni Ella na sa tuwing sumasahod ay tumutungo sa mall. At dahil sa play ay nawalan na siya ng oras para sa shopping.
         “Oo nga no! Sige sige sasama na ako, magsho- shopping din ako.” excited na sambit ng isa. “Kailangan ko din naman mag relax. Buti na lang dalawang subject na lang tayo ngayon.”
         “Okay, everything settled!” ani Alicia.

         “Black beans? Ano yun?” helpless na tanong ni Alicia na mukhang hindi sanay mag grocery.
         “It’s on that corner. Tara!” mahaba ang listahan na isinulat ng Mama nito, masakit na daw kasi ang paa nito kaya si Alicia ang nautusan, halos mapuno na nga ang dalawang cart na tulak tulak nila. Mahilig daw kasing magluto ang Mama niya at sa tulong ni Ella, isn’t Kalahating oras pa lang ay natapos na sila. Pumunta na sila sa counter para magbayad. As usual, mahaba ang pila.
         “Miss?” napatingin si Ella sa likod niya. Hindi niya alam kung namamalikmata ba siya. Si Shiena, ang girlfriend na painkiller ni Justin sa kanya. Hawak nito ang isang basket at isang batang lalake na sa tingin niya ay tatlong taong gulang na. Nabigla din ito sa nakita niya.
         “Wait a second, I know you!” anito. “Ella right?” Ngumiti si Ella, naaalala siya nito.
         “You’re Shiena!” tumango naman it. “This is Alicia, classmate at kaibigan ko.” Nagkamay naman ang dalawa, napatingin si Ella sa batang hawak nito. May hawig ito kay Shiena, cute at gwapo kahit bata pa. But there’s something in those eyes, chocolate color, just like… Justin’s.
         “Anyway, this is my baby Aaron.”
         “Hello!” bati ni Alicia.
         “Anak mo?”
         “Oo.”
         “R- really?” tinitigan uli ni Ella ang bata. Tinanong niya ang sarili kung si Justin ba ama nito. Napalunok si Ella, it can’t be.
         “Sorry kung natatakot ka. I’m sure hindi pa siya nababanggit ni Justin.” Buti na lang nakakapit si Ella sa cart dahil kung hindi at baka natumba na siya.
         “Hi there cutie?” ani Ella kay Aaron. Nakarandam si Ella na ilang sandali na lang ay maiiyak na siya. Tumikhim uli siya bago nagsalita. “Kamusta na nga pala si Justin? Nasa America pa din ba siya?”
         “Oo matagal na siyang pinapapunta doon ni Auntie pero ayaw niya talaga, at tapos ngayon biglaan na lang ang pagpunta niya, ang weird nga eh.”
         “Iniwan niya kayo?” nagsalubong ang kilay ni Shiena.
         “Anong ibig mong sabihin?”
         “Ang ibig kong sabihin… iniwan niya kayong mag ina?” tila nagliwanag ang mukha nito na ikinagulo ng isip ni Ella. Nang bigla itong napahalakhak. “M- may problema ba?”
         “Oo nga pala, muntikan ko ng makalimutan. Ipinakilala niya ako bilang girlfriend sayo.” napanganga si Ella. Naguguluhan na talaga siya, si Alicia naman ay nakatitig lang. “Okay okay naguguluhan ka na talaga, I’m sorry. Kumain muna tayo, doon ko ie- explain.”

         Napagdesisyunan nang umuwi ni Alicia kaya sina Shiena, Ella at at baby Aaron na lamang ang magkakasama. Tumungo sila sa isang sikat na fast food chain. Pagkatapos ay umorder na sila. Tahimik na kumakanta si Ella habang pinagmamasdan si Aaron na nangungulit sa Ina. Puno ng katanungan ang isip ni Ella pero pinili niya munang manahimik. “Masarap ba?”
         “Paborito yan ng asawa ko.”
         “T- talaga?”
         “Pasensya ka na ha, ganoon talaga si Justin magmahal eh. Matigas ang ulo.” Hindi umimik si Ella, nagtataka siya kung bakit kailangan pa ito sabihin sa kanya ni Shiena. “Stick to one talaga siya.”
         “Kanino sayo?” Ella asked hysterically. “Hindi ko alam kung bakit mo sinasabi sa akin yan.”
         Mommy, I want more chicken.” sabat ni Aaron, madungis na ang mukha nito sa spagethi. Agad naman itong pinagbigyan ni Shiena.
         “I’m sorry,” Ella said. “Hindi niya kasi sinabi sa akin na may asawa na pala siya.”
         “Ha?”
         “Pinilit niya lang ako magpanggap na girlfriend niya sa di malamang dahilan. Noong una ay hindi ako pumayag. But he offered me cash, I can’t resist it dahil wala pang trabaho ang asawa ko. And besides kailangan ko ng pambili ng gatas.” tuloy tuloy na explanasyon ni Shiena. “Ella, he’s in love with you at sa tingin ko kaya lang siya umalis ay dahil nasaktan mo siya ng husto.” Hindi nakapagsalita si Ella, maya maya lang ay naluha na siya.
         “It’s my fault, I don’t know.”
         “It’s alright. Bata pa naman kayo, you may never know, he might come back.”
         “Si Aaron, hawig siya ni Justin.”
         “Oo nga pala, we’re cousins, pareho sila ng mata di ba? Kilala ko ang pinsan ko na iyon, I know he’ll be back.” tumango si Ella. “Here,” at iniabutan siya ni Shiena ng tissue. “Hayaan mo na, ganyan talaga ang pagibig, malay mo it’s for the best.”
         “Thank you.”
         “May picture ka ba ni Justin?” umiling si Ella.
         “Eto kunin mo.” sabay abot ng isang litrato na hinugot mula sa wallet. “Para hindi mo siya makalimutan, para lalo mo maaalala ang mukha niya.” Natawa si Ella, muli ay nakita niya ang mukha ni Justin. Kahit papel lang ito ay pakirandam niya kaharap niya lang ito at nakangiti sa kanya.
         “Kahit matagal ko na siyang hindi nakikita, naaalala ko pa rin ang mukha niya. I know he’ll be back.”
         “Siraulo talaga yun, masyadong tino- torture ang sarili, advice ko lang pagbalik niya ay sapakin mo kaagad.”
         “Promise, I’ll do that.”
         “Ella!” napatingin si Ella. Boses iyon ni Trisha. Agad itong lumapit sa kanya kasama si Annie. “It’s Shiena!” bati ng dalawa. Pinakilala naman ni Ella si baby Aaron sa dalawa.
         “Pamangkin ni Justin.” dagdag ni Shiena, maya maya lang makakain na rin ang dalawa kahit medyo nabigla sila sa explanasyon kung bakit magkasama ang dalawa.
         “Oo nga pala, malapit na ang school play namin at si Ella ang bida.” biglang singit sa usapan ni Trisha.
         “Trisha!” saway ni Ella.
         “Talaga?”
          “Oo at ang maiipin na fund ay mapupunta sa Caroline’s home for the orphans.” paliwanag ni Annie. “Ito may dala akong ticket.”
         “Pabili ng tatlo, manonood kami.”
          “Good!” tugon ni Annie at Trisha, nasapo naman ni Ella ang noo.

         Nang gabing iyon, tinitigan ni Ella ang litrato ni Justin. Kinuha ang litrato na iyon isang taon na ang nakakaraan ayon kay Shiena. Galing ito sa America. Sabi pa ni Shiena ay malaki daw ang pinagbago nito dahil dati pa ay may pagka nerd talaga ito. Hinagkan ni Ella ang litrato. “Lagot ka sa akin pag balik mo, ni hindi mo man lang ako pinagbigyan na magpaliwanag!” galit niyang sabi. “Humanda ka, dahil sa oras na bumalik ka dito, hindi na kita papakawalan. Pagsisisihan mo ang pagiwan mo sa akin, masyado mo akong pinahihirapan.

         Malakas ang kabog ng puso ni Ella, ito kasi ang araw na panonoorin sila ng ilang critics. At syempre, ano ba ang ginagawa ng critics? Namimintas ng mga mali. Suot niya ang pangkatulong na costume ni Cinderella at kasalukuyan siyang mine make up- an ni Annie. “Huwag kang malikot!” saway nito. Nakasuot ito ng magandang gown, step sister kasi ang role nito. “Ella, nanginginig ka.”
         “I’m sorry, kinakabahan ako.”
         “Oh my God, Ella, umiiyak ka!” anito. “Sampung critics lang naman ang manonood eh at ilang prof.”
         “Annie, anong gagawin ko? Parang gusto ko ng-”
         “Shut up Ella! Magaling kang umarte, nakita ko iyon these past few weeks na nagpra practice tayo. You are improving. You’ve come too far, you can’t back out now.”
         “Sinong magba back out?” singit ni Georgina mula sa likuran. “Ikaw Ella? Sige lang para ako na ang gumanap na Cinderella, para ako na ang bida.” at humalakhal ito na mala demonyo.
         “Thank you for the support Georgina.” sagot ni Ella. “I mean it.”
         “You’re welcome!” tugon nito at tuluyan na itong tumalikod.
         “O ano papayag ka ba na makuha niya ang role mo?” tanong ni Annie.
         “Of course not!”
         “Ayan, ayan ang spirit.”

         Kaya lang hindi iniiwasan ni Ella na magkaroon siya ng maraming mali, nakalimutan niya ang script, hindi maganda ang ekspresyon niya, natapakan ang paa ni Roland habang nagsasayaw sila at nakalimutan niya pang iwanan ang sapatos niya. Kinailangan pa niyang bumalik para iwanan ang sapatos niya. Mga dahilan kaya naman mukhang comedy ang play na iyon at syempre nagtawanan ang mga manonood.
         “I think ready na ipalabas ang play.” simula ng isang critic. “Full of comedy, very original. They are very good actors, Prince Ronald is very charming, magaling at siya ang nagdadala ng scene. Cinderella naman is such a comedian. Siguradong matutuwa ang mga bata.” Nadismaya si Ella, hindi naman comedy ang play nila kung hindi drama. “Good work Trisha!” Trisha bowed, nakasagot ito ng fairy costume dahil ito ang gumanap na fairy god mother.
         “Thank you po!” tugon ni Trisha. Nakatanggap din ng puri ang iba lalo na si Alicia na gumanap bilang kaibigang daga ni Cinderella. At bago sila nadismiss ay bibigyan din sila ng masyadong palakpakan.

         “You did a good job Cinderella.” sabi ni father Don mula sa likuran niya. Nagsialisan na ang mga tao sa maliit na theatre na iyon. Si Ella na lamang ang naiwan. “Ginawa mong comedy ang play.”
         “I’m sorry Father-”
         “Cinderella, alam mo ba kung bakit ikaw ang napili ko?” Umiling si Ella. “Dahil gusto kong I challenge ka. Lagi kang nagde day dreaming sa klase ko di ba? Alam ko ang mga naiisip mo, katulad ka din ng mga bata sa ampunan.”
         “Wala rin po kasi akong mga magulang.”
         “Cinderella I also I wanted to teach you a lesson sa pamamagitang ng play na ito. Sana habang nagbibigay ka ng inspirasyon sa mga bata ay mabigyan mo din ng inspirasyon ang sarili mo.”
          “Naiintindihan ko po, maraming salamat.” ngumit ito sa kanya. “Pasensya na po kung puro palpak ang mga ginagawa ko.”
         “Cinderella walang ibang nakakapansin na hindi mo sinasadya, ikaw lang. You’ll see they’ll think you’re perfect. You are the one who is actually giving color to the show. You’ve given us a new perspective. Now, kakausapin ko si Trisha para tuluyan ng maging comedy ang show.”
         “Thank you po ulit Father Don.”

         Napalunok si Ella nang sumilip siya sa bintana mula sa backstage ng Spring theatre. Punong puno ito ng tao at halos wala ng bakanteng upuan na makikita, sa entrance door naman ay may mga taong tila nagmamakaawang pumasok.
         “Hey, okay ka lang ba?” tanong ni Ronald mula sa likuran. “Mukhang hindi ka mapakali, excited ka na no?”
         “KInakabahan ako.” tugon niya.
         “Normal lang yan. Ako din naman eh, wag kang magalala, kaya natin ito. Isipin na lang natin para ito sa bahay ampunan.” Sumagi na naman sa isip ni Ella ang mala anghel na mukha ni Mary Elizabeth at ng iba pang mga bata.
         “T- tama, para sa mga bata at sa mga pangarap nila. At para na rin sa mga pangarap ko.”
         “Ano naman ang pangarap mo?”
         “Secret.” sagot ni Ella. This time, nakangiti na siya. “Thank you, medyo nawawala na ang kaba ko.”
         “Wala iyon, galingan mo ha.”
         “Oo ba.”

         At sa wakas binuksan na ang kurtina. Magsisimula na ang first scene. Nagulat si Ella na mas madami pa ang tao ngayon kaysa sa kanina na pagkasilip niya. Masyadong maliwanag ang ilaw na nakatapat sa kanya, sa front row nakita niya ang mga bata sa ampunan. Kasalukuyan siyang may hawak na basahan, scene nila Georgina at Annie.
         “Cinderella may pupuntahan lang kami sa bayan.” sabi ni Annie sabay abot ng walis.
         “Gusto ko na malinis na ang buong bahay pag balik namin. Masyadong maalikabok!” Kunyari pang nagpapaypay si Georgina habang kunyari ay umuubo naman si Annie. “At maligo ka na rin, medyo nangangamoy ka na.” Nagtawanan ang mga audience.
         “Opo.” sagot ni Ella, nagsimula na siyang mag mop ng sahig, tulad ng nasa script ay kailangan niyang mag mukhang kaawa awa. Nang may narinig siyang kalabog at tili, napatid si Georgina sa mop na hawak niya. At kung hindi lang sana napigilan ni Ella ang sarili ay malamang natawa na siya. Nagtawanan uli ang mga audience. Mas malakas kaysa sa kanina. “P- pasensya na po, hindi ko sinasadya.” sabi ni Ella kahit wala ito sa script. Tinulungan niya itong tumayo, “Patawad po.” At nagsara na ang kurtina.
         Maayos naman ang naging takbo ng buong play. May mga nabawa at nadagdag nga lang dahil minsan nakakalimutan ng ibang cast ang ibang linya. At isa pang kapalpakan, mali ang sukat na pinasukat sa kanya kung kaya naman ang mismong sapatos ni Cinderella ay hindi nagkasya sa bida na siyang ikinatawa na naman ng buong audience.
         Sa wakas ay natapos na din ang play. Ang huling parte ay ang oras ng pagpapakilala sa lahat ng cast. Si Ella ang huling painkiller at sa unang pagkakataon, sa buong buhay niya, no’n lang siya halos mabingi sa lakas ng palakpakan. At bago uli nagsara ang kurtina, she caught a glimpse of Mary Elizabeth, smiling at her and then she smiled back.

         “Miss Cinderella,” tawag ni Mary Elizabeth mula sa back stage. Lumingon naman si Ella, lumapit sa kanya ang bata at inabutan siya ng isang hand made card at talong piraso ng daisy. “Para sayo.”
         “Thank you.” Nagyakap ang dalawa.
         “Thank you din.” tugon ni Mary Elizabeth. “Dahil sayo lalo kong napatunayan na matutupad ang mga pangarap ko.”
         “Dahil din sayo at sa inyong lahat kung kaya nagawa ko ito, you made me realize na I can still have a dream. I realized na life is good.”
         “Bakit ka umiiyak?” tanong ng bata.
         “Masaya lang ako.”
         “Basahin mo ang card ko ha!”
         “Oo naman.”
         “Magmula ngayon ay ako na ang number one fan mo.” Natawa si Ella.
         “Sure, gusto mo din ba maging president ng fans club ko?”
         “Talaga?”

         “You did a good job Ella, I’m so proud of you!” bati ni Tita Mabelle sa kanya, nasa backstage na din sila. Nag group hug ang dalawa kasama sina Tito Michael at Rio.
         “Ate Ella, prinsesang prinsesa ka na talaga!”
         “Well, she’s a real princess for me.” sabi naman ni Tito Michael. “I’m the king, you’re the queen.” sabay turo kay Tita Mabelle. “You’re the prince Rio and Ella is our princess. See we are a royal family!” Tila nadismaya si Rio.
         “Ako ang prince? No way!”
         “Anong sabi mo?” tanong ni Tito Michael.
         “Ah… ang ibig kong sahin, gusto ko hari rin ako!” At nagtawanan na naman si Ella at si Tita Mabelle.   
         “Okay, bahala ka.” tugon naman ni Tito Michael.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Adventure Time - Lady Rainicorn