Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Friday, 18 March 2011

Bedsheet (A Short Story) by Cindy Wong

09:49 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , , No comments
Bago mo ito basahin, tanungin mo muna ang sarili mo kung bukas ba ang iyong pagiisip sa mga ganitong usapin, medyo sensitibo ito, kung magfo focus, makikita mo din ang point.

Binuksan ni Jessa ang switch ng ilaw nang siya ay makarating sa kanyang inuupahang condo sa Makati. Tulad ng dati ay nakakaramdam na naman siya ng kalungkutan, wala pa man din siya sa mood makipagkita sa kanyang mga FuBu, kahit pa nakatanggap na siya ng ilang tawag kanina habang siya ay nasa trabaho, nagyayaya na makipagkita sa kanya. Magisa lang siyang naninirahan sa siyudad, ang kanyang Ina na tanging katuwang niya sa buhay ay nagasawa nang muli matapos ang halos sampung taon na pagkamatay ng kanyang Ama. Buti pa si Mommy, kahit fifty years old na, nakahanap pa din ng taong pang habambuhay na makakasama niya, ako magtre treinta na ako ah, bakit ba hindi ko pa din ulit nararandaman ang magmahal? Ang iba kong mga kaibigan ay may kanya kanya ng pamilya, samantalang ako SINGLE. Magisa na lang ata ako tatanda eh. Padabog na sinabi ni Jessa sa sarili habang siya ay nagaayos ng gamit. Kumain na siya sa labas kung kaya tanging shower na lang ang natitira niyang gawin at matutulog na siya. Ganoon lang naman ang routine niya araw araw, matapos magtrabaho, kung hindi siya makikipagkita sa mga lalake niya ay kakain siya magisa at saka matutulog. SEX. Iyon ang tanging ginagawa niya upang makatakas sa tunay niyang mundo, sa kanyang malungkot na mundo. Nandyan si Jason na may ari ng isang restaurant na iilan na din ang branches, gwapo naman ito, hindi lang magaling magluto kung hindi ay magaling din sa kama. In- offer- an na din siya nito na pakakasalan siya pero itong si Jessa ang umaayaw. Kahit kasi ilang beses na silang nagsama ni Jason sa iisang kama ay hindi niya maramdaman dito ang spark na hinahanap niya. Ganoon din ang pakiramdan niya kay Lance na isang waiter sa bar na madalas niyang tambayan. Hindi tulad ni Jason, si Lance naman ay alam niyang katawan lang ang habol sa kanya.

Bago humiga sa kama si Jessa ay pinalitan niya muna ng mas malinis na bedsheet ang kanyang kama. Ginagawa niya iyon tatlo o apat na beses sa isang Linggo, isa ito sa pinakatatago niyang sikreto. Obssess siya sa pagpapalit ng bedsheet. Gusto niya ay palagi itong malinis at laging mabango. Pinatay niya ang lahat ng ilaw at itinira ang ilaw sa banyo, hindi niya pa din kasi kayang matulog magisa na madilim ang buong kabahayan. Sa wakas ay naayos na niya ang lahat, saka siya humiga sa kanyang queen size bed na malaki para sa kanya. At dahil magisa lang siya sa condo na iyon, hindi siya sanay na magdamit. Nakakapaglakad siya sa kahit na anong parte ng bahay nang nakahubad, pero syempre sinisigurado niyang sarado ang lahat ng kanyang kurtina. Sinubukang matulog ni Jessa, pero halos magiisang oras na at hindi pa din siya mapakali. Hindi niya pa din mahuli ang tamang posisyon ng pagtulog, hindi niya akalain na kahit pala pagod na pagod ka na, may panahon pang mapagod ang tulog mo. Isa lang naman ang tanging solusyon niya pag ganitong hindi siya makatulog. Kinuha niya ang remote at Ini -on ang TV, nilipat niya ito sa isang cable channel na madalas niyang puntahan, ang playboy channel. Habang pinapanood niya ito ay bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kiliti at init sa kanyang katawan. Dahan dahan ay naglakbay na ang mga kamay niya sa parte ng kanyang katawan na alam niyang magugustuhan niya...

Matapos ang ilang minuto, natapos ang pinapanood niya sakto din ng kanyang pagtatapos sa kanyang ginagawa. Isang ipit na ungol ang kanyang pinakawalan at saka huminga ng malalim. Kinuha niya ang tissue sa bedside table at saka pinunasan ang dapat punasan.

Napangiti siya. Kani kanina lang ay masamang masama ang mood niya at napakadaming bagay ang tumatakbo sa isip niya, kung dapat pa ba siyang mag asawa, kung paano siya maghahanap ng karamay niya sa buhay, kung tatanda na lang ba siya magisa? Bigla niyang naalala ang ibang kaibigan niya, may asawa nga ito, may pamilya at may mga anak, pero ano ang mga kinukwento nito sa kanya? Na nagsisisi ang mga ito dahil sa pinili nitong lalake? Na inis na sila dahil uuwi lang ang kanilang mga asawa galing sa trabaho at kailangan pang pagsilbihan ang mga ito, when in fact may trabaho din naman sila sa umaga? Hay, puro frustration lang naman ang naririnig niya  mula dito. Siguro kaya hindi na din siya nagatubili pang ma- inlove, dahil sigurado siyang hindi niya mararanasan ang ganitong kaligayahann. Sex lang ba? Kaya naman niyang paligayahin ang sarili niya. Sa wakas ay napapikit na din siya at mahimbing na nakatulog. Bukas ay magpapalit na naman siya ng bedsheet.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Adventure Time - Lady Rainicorn