Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Saturday, 26 February 2011

What is Love? "CHAPTER TWELVE"

05:55 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
Pumunta naman tayo sa school time ko, there was this one guy named Ken na super kung mangasar. Sa kasamaang palad ay seatmate ko siya. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa kukote niya dahil hindi ko naman siya pinapansin. Ka close din siya ni Vhin kaya one time ay nagsabi ako kay Eric na lagi akong inaasar ni Ken. Si Ken ay medyo chubby na guy na moreno din, mahilig mag drums dahil kahit upuan niya ginagawa niyang tambol at doon siya nagtatatambol which is minsan nakakabingi na. Hindi ko siya masyadong pinapansin dahil focus naman talaga ako sa mga lessons once nasa klase na.
"Si Ken? Yung mataba? Yung hati sa gitna ang buhok?" tanong ni Eric.
"Yup, kilala mo siya?" tanong ko.
"Oo, kaklase ko siya noong nasa grade school kami."
"T- talaga? Ibig ba sabihin nito hindi mo na ako ipagtatanggol sa kanya?"
"Hmm hindi naman, malala na ba talaga ang pangaasar niya? Gusto mo ba awayin ko siya or something? Yaan mo one time pag nagkita kami, pagsasabihan ko."
"Actually hindi naman ganoon kalala ang pangaasar niya so siguro hayaan mo na lang." Hindi ko na binanggit kay Eric and minsang pagtatago niya ng bag ko o hindi naman kaya ng sapatos ko.
"Sige sabi mo eh. Pero pag behind the belt na talaga sumbong mo sa akin ah, kaclose ko yun dati dahil naglalaro din kami ng basketball pero once he messed up with you patay yun sa akin." Kinilig naman ako sa sinabi ni Eric na naka cap ngayong magkasama kami dahil sinabi ko sa kanya it will make him look better. Nakita ko ang pagka semi kalbo niya, cute pa din naman siya pero I really don't like it. I know I judged him naman kaagad pero I just can't help it. Buti nga at hindi siya nagtatampo sa akin.

Back to Ken, one day I was singing this song habang hinihintay ang susunod na subject namin. And he's like, "Naririnig mo ba ang sarili mo?"
"H- huh?"
"Sabi ko naririnig mo ba kung gaano ka kapangit kumanta?" WTF? Kailangan ba makialam siya?
"Ano ba ang pakialam mo? Alam ko hindi ako kasing galing mo pero please wala namang laitan?" sabi ko dahil hindi ko na talaga ma take ang sinabi niya. At mula nang oras na iyon ay hindi ko na siya pinansin. Ilang oras naman ang lumipas bago maguwian, kinalabit niya ako sa balikat habang ako naman ay nagaayos ng gamit ko. "What?" Inabot niya sa akin ang isang papel, binuksan ko iyon at binasa ang nakasulat.
"Sorry na sa kanina." sabi ng sulat. "Peace."
"At ano naman ibig sabihin nito?" tanong ko sabay balik ng sulat sa kanya.
"Peace offering." aniya.
"Pwes hindi ko tinatanggap." Ibinalik niya sa akin ang sulat, iniipit sa kamay ko.
"Itapon mo na lang." At muli naginit ang dugo to the highest level, pero ayoko ng gulo, nilagay ko na lamang sa bulsa ko.

Kasama ko si Barbie, isa sa mga tropa ko nang pauwi na kami at doon siya nagsimulang magkwento na may gusto daw siya kay Ken. "M- may gusto ka sa kanya? Eh ang sama sama ng ugali nu'n eh." Si Barbie ay morena pa sa akin, maikli ang hair, maliit ng konti sa akin at laging may pera. Siya ang madalas na nanglilibre sa akin dahil kahit 3rd year high school pa lang kami ay umaabot na sa Php 100 ang baon niya sa isang araw samantalang ako naman ay Php 50 lang. Haha, kalahati lang ng kanya. Anyway walang hinanakit kay Mother dahil alam ko kailangang magtipid. Pero minsan iniisip ko kung saan nanggaling yung pera niya dahil sa pagkakaalaam ko, Teacher ang Nanay niya and tambay ang Tatay niya, plus lima sila magkakapatid, iniisip ko bakit mas mataas pa din ang baon niya kaysa sa akin na nasa Hong Kong pa ang Daddy.
"Kahit na, I think merong something sa kanya na hindi ko mawari eh. Mayabang siya pero malakas ang appeal."
"Ganoon?" Bigla akong natawa dahil hindi ko makita ang point ni Barbie. "Pero di ba meron na siyang girlfriend? Yung nasa first year ngayon? Sino ba yun, yung may dance troupe?"
"Si Rona."
"Oo siya nga." Kilala si Rona bilang isa sa mga popular sa school, medyo chubby din siya, kilalang matalino at ayun nga, may dance troupe named The Four Flowers. Arghh, para ngang narinig ko na ang pangalang yan eh. Haha! "Sure ka na ba diyan Barbs?"
"Hmm, hindi naman, crush lang naman yun ano ka ba? Not a big deal."
"Hmm talaga?"
"Uhm Jhelyn pwede mo ba ako ilakad?"

Nang sumunod na araw ay naging magkagrupo kami sa isang project sa Chemistry. Sa kasamaang palad, nangyari ang pinakaiiwas iwasan ko, naging magkagrupo kami ni Barbie at ni Ken. Kailangan ba talaga Lord kaming tatlo? I really can't stand having Ken around but then anyway kahit weekend mukhang kami ang magsasama para gawin ang wine project namin. Right, gagawa kami ng wine. Bunutan kasi yun so I guess it's just fucking fate that brought the three of us together. So what happened is magkikita kami ni Ken sa isang mall and from there we'll take the jeep to Barbie's house. It's Saturday and the sun is blazing hot. Pareho kaming naka t shirt at pantalon ni Ken. Mahaba habang biyahe din papunta kina Barbie. Habang nasa jeep kami, halos wala kaming imikan pero hindi ko maintindihan yung nararandaman ko ng panahon na yun. Nanlalamig ako na ewan, dala siguro ng pagkaasar ko kay Ken dahil damn it, he's late. "Boyfriend mo pala si Eric?" tanong niya out of nowhere.
"Oo."
"Kababata ko yun eh."
"So?" pagbabara ko.
"Wala lang, sinasabi ko lang. Kaw naman masyadong masungit. Weekend naman ngayon di ba?" Di ako nagsalita. Lakas ng trip ng lalakeng 'to, siya na ata ang pinaka unpredictable sa lahat ng nakilala ko. Parang may topak na ewan. "Ang ganda mo pala pag hindi naka uniform."
"Nangtri trip ka ba?" tanong ko, sa totoo lang kasi nakakabwisit na din ah.
"Hindi, seryosong usapan Jhelyn kaya lagi kita inaaway, alam mo kung bakit?"
"Bakit nga ba araw araw mo ko binubwisit? Hindi ko nga alam kung ano ba ang nagawa ko sayo eh."
"Well siguro naasar lang ako kasi si Eric ang boyfriend mo, alam mo yun?"
"Ano naman yun sayo? May gusto ka ba kay Eric?"
"Jhelyn, may gusto ako sayo." Walang anu- ano niyang sabi. Ugh...
"Ma, para po!" Saved by the destination! What the fuck na naman ba ang pinagsasasabi nito ni Ken? Ano ba ang problema niya? Isa ba 'to sa mga trip niya. Napagdesisyunan ko na wag na lang itong pansinin. Wala kang narinig Jhelyn. Mabilis akong naglakad at nakasunod lamang si Ken sa likod ko habang papunta kina Barbie na walking distance lang mula sa binabaan namin ng jeep.
"Teka bagalan mo naman, ang bilis mo naman maglakad eh." narinig kong tawag sa akin ni Ken mula sa aking likuran. "Sandali lang, uy!"

Habang gumagawa kami ng project napansin ko totally accommodating itong si Barbie kay Ken kaysa sa akin na kaibigan niya but I didn't mind na lang knowing na may gusto naman itong si Barbie kay Ken. I tried to concentrate na lang sa tinatype kong report sa pc ni Barbie. "O meryenda muna tayo Jhelyn." yaya sa akin ni Ken nang kumakain na sila ni Barbie.
"Hindi, sige busog pa naman ako sa biscuit kanina. Kayo muna." Ayoko talaga munang makisawsaw sa kanilang dalawa doon, humingi ng pabor sa akin si Barbie na ilakad ko siya kay Ken and as a friend I will do it. Pero di ko inaaasahan na lalapit sa akin mismo si Ken para subuan ako ng cookies na hindi ko naman tinanggap dahil nakikita ko sa peripheral view ko na nakatingin si Barbie and so kinuha ko na lang yun gamit ang aking kamay at nag excuse para bumanyo. Habang nasa loob ay naghugas ako ng kamay at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Oh no, this can't be. Imposible 'to. Hindi ako dapat magkagusto kay Ken, bakit ba naman kasi ang lakas ng appeal niya? Hindi, meron akong boyfriend at masaya kami, hindi ko hahayaang gumulo na naman ang love life ko ng dahil sa isang walang kwentang tao. I will not make the same mistakes again. Ever. Nang lumabas ako ng banyo ay nakasalubong ko si Ken at hinila niya ako while Barbie isn't looking.
"Ano ba, wag mo naman iwan kasama yang kaibigan mo, she's giving me the creeps!" sabi niya na parang takot na takot.
"Hoy, inaano ka ba ng kaibigan ko? Pasalamat ka nga at may nagkakagusto pa sayo!" bulong ko with full pressure sa kanya.
"So tama nga ako, may gusto nga siya sa akin. At ikaw naman ang kasabwat niya?" tila naaasar niyang sabi. Aakmang aalis na siya pero pinigilan ko siya.
"Please just for me, wag mo 'tong gawin. Wag mong saktan ang kaibigan ko, please." pagsusumamo ko sa kanya.
"You owe me Jhelyn, you really do." aniya at dumiretso na siya sa banyo at ako naman ay dumiretso sa sala kung saan naroroon si Barbie.
"Jhelyn, feeling ko naiinlove ako lalo sa kanya. Basta ang plano gawin mo lang yung ginagawa mo kanina ha!" Tumango na lang ako. Jhelyn you're in big trouble.

Alas singko na kami umalis sa bahay nila Barbie. Noong una ay tila wala pang imik etong si Ken, nang nagbayad siya ay ibinayad niya na din ako. Nagbayad ako sa kanya pero ayaw niyang tanggapin. "Bawi na lang ako next time." sabi ko. Suddenly I feel guilty dahil sa pagtutulak ko sa kanya kay Barbie.
"Yung sinabi ko sayo kaninang umaga, totoo yun kaya anuman yang iniisip mo na ilakad ako kay Barbie, please think twice. Kahit kailan hindi mo ko madidiktahan."
"Okay sabi mo eh." Eto naman 'tong lalaking ito kung makapagsalita akala mo walang girlfriend. Ilang minuto ang lumipas, hindi bumaba si Ken sa dapat niyang babaan which is sa mall dahil malapit lang doon ang bahay nila. "O hindi ka bababa?"
"Hatid na kita, magagabi na, we can't take the risk. Baka ano pa mangyari sayo." Nang makarating kami sa subdivision namin, ay nauna siyang bumaba at inalalayan niya akong bumaba. Hinawakan niya ang kamay ko nang tumatawid kami at ang nakakagulat doon ay humawak din ako sa kanya. Arghh Jhelyn you're doing it all wrong! Bumitaw din naman ako nang makarating kami sa kabilang banda. Bago ako sumakay ng tric ay nagpaalam na ako kay Ken. "Sige na, umuwi ka na. Salamat sa paghatid."
"Welcome, kita tayo sa Monday sa school." aniya ng nakangiti.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn