Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 27 February 2011

What is Love? "CHAPTER THIRTEEN"

07:34 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
Isang araw habang nagle lesson sa classroom ay may inabot na namang sulat sa akin si Ken, gamit ang graphic paper mula sa kanyang math notebook and here's what's written.

Musta? Yes, yan lang ang nakasulat sa papel, at gusto niyang sumulat ako doon. Well it wont hurt, does it?

Ano na naman bang trip to?
Wala lang, masama bang ma miss ka?
Hello? Magkatabi lang tayo o!
Free ka ba this Friday?
Why, anong meron?
Date tayo. :)
Saan naman tayo pupunta? At para saan ang date?
I just wanted to know you better...
Hoy Ken! Kung makapagsalita ka, para kang walang girlfriend, no? Hindi ka naman nahiya niyan?
Para sayo kakapalan ko ang mukha ko.. :) tsaka break na kami ni Rona, nakipag break na ako sa kanya.
Ha? Why?
Para maligawan kita..
Nagpapaligaw ba ako?
Well, pwede ba ako manligaw?

Napabuntong hininga ako. And after a few moments I started to write again, bakit ba naman kasi ang boring ng subject na ito? kasalanan ng subject na ito ang lahat!

Eh kung oo, ano ang gagawin mo? Narinig ko siyang napangisi and muling nagsulat.
Eh di liligawan kita, so is that a yes? Ano ba Jhelyn, papasukin ko na naman ba ito? Ganitong buhay na naman ba ang pipiliin ko? Okay na naman kami ni Eric ah, Eric is a good person, busy na siya ngayon sa basketball career niya kung kaya naman siguro eh nababaling dito kay Ken ang atensyon ko. Ilang araw na ang lumipas mula nang nagtapat siya sa akin at mula noon ay napapadalas ang pangungulit niya sa akin, inaaasar niya pa din ako pero sa isang malambing na paraan. I should have seen this coming. I think I'm falling for him. Oh Jhelyn, you're such a flirt! Malandi kang babae ka! Gusto mo lagi lahat ng atensyon ay sayo! Gusto mo inaangkin mo lahat ng lalake! Patuloy kong pinapagalitang ang sarili ko nang sumagot ako kay Ken.

yes.

Oo ganoon lang ako kabilis utohin. Kumokontra ang utak ko pero sa huli ay nanaig pa din ang sigaw ng puso ko. Yes I am now a certified playgirl but believe me, I can't live either of the two. They just balance the situation right now. They balanced my life. Selfish na kung selfish I will just try to do it again kahit alam ko sa huli ay makakarma na naman ako.  I love feeling love and pain at the same time. Anyway si Ken naman ay parang nanalo sa lotto na nakuha niya pa ang atensyon ng prof namin sa harap na kasalukuyang nagle lesson. Napatingin sa amin si Barbie at saka siya nag thumbs up, nag thumbs up din ako sa kanya. Oh my gosh, how am I going to explain this to her?

"O ano na ang balita? Binibida mo na ba ako kay Ken?" tanong ni Barbie habang kami ay naglu lunch break.
"Uhm medyo." sagot ko which is half true, lagi kong binabanggit pangalan ni Barbie. But everytime I do it, hindi siya masyado nagre react. "Pero Barbie, hindi siya masyadong nagsasalita about you. Ayaw niya pagusapan, alam mo yun? Hindi ko naman din kasi hawak ang nararandaman niya sayo, alam mo yun?"
"Oh Jhelyn, you're so mean. Pero sabi mo nga hindi mo hawak ang nararandaman niya, ano pa ba ang magagawa ko di ba?"
"But Barbie, may pagtatapat ako sayo."
"Ano yun, c'mon say it to me baby!"
"Sabi niya may gusto daw siya sa akin."
"What?!!!" Tumayo siya bigla at hinampas ang libro sa upuan. "Meaning inakit mo siya?" Nagtitinginan na ang iba naming classmates sa amin.
"Barbie, please calm down." I hushed. "Wala akong ginawa I swear! At hindi ko din 'to ginusto." Bumuntong hininga siya na para bang super disappointed.
"I just can't believe this is happening." She turned her back and leave. She has the right to be mad at me, kung ako din ata ang nasa kalagayan niya for sure ay magagalit din ako. Pero pinili kong wag siyang sundan. It's better to give her time.

Isang gabi nakatanggap naman ako ng tawag mula kay Eric tulad ng gabi gabi niyang ginagawa. Nag sumbong daw sa kanya si Vhin na nakita daw si Ken na nakaakbay sa akin. "Yes totoo yun pero naman, akbay lang yun. Wala yung ibig sabihin." Hindi na siya nakipagtalo pa. Tutal sa oras na nakipagtalo pa siya sa akin ay io- open ko din sa kanya ang nalalaman ko na meron din namang nagkakacrush sa kanya sa school nila, Victoria ang pangalan at balita ko, sabi ni Vhin ay sabay sila kumain minsan. Di ba? I'm kind enough not to confront him. Ayoko siyang mapahiya.

Nang sumunod na araw ay half day lamang kami sa school dahil exam, papalabas na ako ng campus namin ng makita ko si Ken na naglalakad, at hindi siya nagiisa, kasama niya si Rona and they are holding each other's hand. Kumabog bigla ang dibdib ko but I acted that nothing happened, kunyari'y di ko sila kilala at wala akong nakita, sumakay ako ng jeep pauwi. Ilang beses kong sinubukang bawiin ang paghinga ko, bakit ba lagi na lang ganito ang nangyayari sa akin? Akala ko ba wala na sila... Pinilit kong pigilin ang mga luha na gustong mamutawi sa mga mata ko. Ang sakit sakit...

Galit ka ba sa akin? Sumulat na naman ang mokong but instead of replying to it, tinapon ko ang sulat sa may bag ko dahil walang basurahan na malapit. Pumunit siya ng isa pang papel sa notebook niya at sumulat ulit and this time hindi ko na binuklat ang papel at sa halip ay tinapon na lang ito. Pinaglalaruan niya lang ang damdamin ko at hindi na ako papayag na paglaruan niyang muli ito. Ilang beses pa siyang sumulat pero hindi ko na talaga inaabot ang sulat. Pagdating ng lunch break pagkagaling ko sa toilet ay napansin kong nawawala ang bag ko, hinanap ko ito sa kung saan sulok pero hindi ko talaga mahanap. "Barbie nakita mo ba yung bag ko?" tanong ko kay Barbie na hanggang ngayon ay di pa din ako kinakausap.
"Nakikita mo bang hawak ko?" pagtataray niya. Muntikan na akong umiyak nang mga oras na iyon. Nilapitan ko pa ang iba kong tropa, tulad ni Ahyin na tumulong sa akin sa paghahanap. Ilang minuto ang lumipas ay dumating na din si Leah, isa ko pang kaibigan.
"O anong nagyayari sayo?" tanong niya nang makita akong windang na windang.
"Nawawala ang bag ko."
"Ano ba ulit ang kulay nu'n?"
"Yellow na may gray." sinabi ko din ang tatak sa kanya.
"Yun ba yun? Yung hawak na bag kanina ni Ken!"
"Nakita mo na hawak niya?" tanong ko desperado na talaga akong mahanap ang bag ko.
"Oo, teka." Pumunta siya sa lugar kung saan naroroon ang locker namin at dumapa. At mula sa ilalim ay kinapa ang bag ko. Ayun nga ang nawawala kong bag. "Akala ko bag ng isa sa mga classmates natin, sorry hindi ko kabisado ang bag mo. Sayo pala ito."
"Alam niyo guys tingin ko kailangan na nating isumbong si Ken sa Discipline at sa galit ko ay pumayag ako sa sinabi ni Ahyin and we went to the Discipline office kung saan nakaupo ang nakatokang officer. Doon ko nilahad ang mga pangyayari, ang pagtago ni Ken sa bag ko at kung paano nakita ni Leah si Ken sa pagtatago nito.

"Lagi niya pong ginagawa iyon, kung hindi bag ko, sapatos ko, at kung anu ano pang gamit ko. At hindi lang po iyon, araw araw niya din po ako inaaasar na sobra na talaga, it bothers me cause I'm supposed to be studying." sabi ko. "For me he is a distraction." pagtatapos ko. Sa huli ay pinatawag si Ken at ang kanyang Mother dear na medyo stout, maikli ang buhok at feeling ko ay kahit anong oras ay sasabunutan ako. Buti na lamang ay nakatoka ako sa pagbabantay ng isang exhibit ng oras na iyon. Leah saw the whole scene. Matapos daw ma office ni Ken kung saan napagdesisyunan na one day suspended ito sa klase, ay galit na galit na hinanap ako ng nanay nitong si Ken. I'm just lucky enough na wala ako sa scene na yun, though later on tinawagan ko ang Mom ko and ask her to pick me up, baka naman kasi tambangan ako ng war freak na nanay nito. So my tall, slim and beautiful Mom arrived later on at para bang susugod sa gyera.
"Asan ang Nanay niya? Kami ang magtuos?"
"Ma, kanina pa umalis hayaan niyo na." pagkakalma ko. "Samahan niyo lang ako umuwi."
"Ikaw naman talaga oo, sayang sa pamasahe. But anyway sa oras na may gawin iyong masama, makikita niya ang dapat niyang makita. Baka hindi niya alam may lahi ako ni Lapu Lapu."

Dumating ang oras na naputulan kami ng telepono dahil hindi kami agad nakabayad. And that took two or three weeks. Meaning hindi kami nagkakausap ni Eric. I didn't bother to call him on a payphone although may one time na tinext ko siya saying na wala kaming phone na hindi naman siya nagreply. Lumipas ang isa pang Linggo ay kinausap ako ni Vhin. "Break na daw kayo sabi ni Eric." Wow hanep, nakaranas ako na i break ako ng isang lalake gamit ang phone pero ang ipasabi sa isang kaibigan is just... oh how am I going to descirbe this? I'm happy though dahil at least I have avoided those breaking up process. I would have to describe our relationship, it is kinda gentle and sweet but it has to end. Sayang nga lang dahil hindi man lang ako nakapag thank you sa kanya. He helped me move on sa from Mike. It doesn't hurt at all and it didn't surprise me. I'm just happy to be free. Well about Ken, lagi pa din siyang nangungulit, there is actually one time na umupo siya sa tabi ko at kinuha ang palad ko. Gamit ang daliri niya ay sumulat siya ng mga letrang I-L-O-V-E-Y-O-U na ikinangiti ko naman. Kinilig ako, oo. Sino bang manhid ang hindi? Dito ko napatunayan ang the more you hate, the more you love theory. Gusto ko kung paano niya ako paiyakin at kung paano niya ako amuhin. Masakit na hindi ko siya pagmamayari but maybe it is for the better.

Dumating ang JS Prom! And guest what, sa isang sikat na hotel sa Makati kami magpro- prom. Yes, sosyal! Mom brought me a pink gown with a shawl and pina straight niya pa ang buhok ko kung saan may nakalagay na korona. Ready na ready na nga ang beauty ko, kasabay kong pumunta sina Leah at Ahyin sa hotel. Kasama din ang aming mga mother dear syempre. Pagdating namin doon ay nakita ko din si Barbie na nakasuot ng green at mabulaklaking gown. Hindi ko talaga balak lumapit but the night is just right. I went to her and hugged her. "Barbie, can we be friends again?" Narandaman kong yumakap din siya sa akin.
"C'mon Jhelyn this is not the time for drama, don't waste our make ups, ngayon lang tayo maganda." sabi niya. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi, at saka niya ako hinagkan sa pisngi. "I miss you Jhelyn."
"I miss you too Barbie."
"Now let us all enjoy the night girls!" Leah cheered.

Sinerve na ang mga pagkain while we all chatted and laugh and take pictures. At habang inaannounce and king and queen of the night. We all cheered and clapped nang matapos ang seremonyas. And so the party started. Una ay isang love song ang pinatugtog, while me and Barbie stayed at our table dahil may mga nagyaya na kina Leah at Ahyin, we just watched everyone enjoying the night. Nang mapalitan ang kanta at naging disco ay nagkayayaan na kami ni Barbie at saka namin tinira ang dance floor. We danced like there's no tomorrow, ang dami ding tao sa dance floor while kalahti ng ka batch namin ay nakaupo lang dahil nahihiyan din sumayaw. After three disco songs ay bigla na lang nagiba ang tugtog. Ang kantang It might be you ang biglang pumalit. Bigla akong nagpanic dahil lahat sila, sina Barbie, Leah at Ahyin ay nakahanap ng maisasayaw. Uupo na sana ako nang bigla akong harangin ni Ken. "May I have this dance?" Tatanggi pa sana ako pero I still grabbed the chance, ano naman ang masama kung magsayaw kami. Tumingin ako kay Barbie and she got this thumbs up sign so no problem I supposed. Ipinatong ko ang dalawang braso ko sa balikat niya habang siya ay humawak sa aking baywang. "Galit ka pa din ba sa akin?"
"No."
"Talaga?"
"Uh huh."
"Sorry sa lahat ng sakit na dinulot ko sayo. Kelan ko lang na realize na mali talaga ang ginagawa ko. I'm sorry. I really like you but I'm back with Rona. Matagal na kaming mag boyfriend and I don't wanna be the one to break it."
"Naiintindihan ko naman yun eh, don't worry about me, I can move on. Basta wala ng taguan ng bag okay?"
"Okay, ayoko na din masuspended."
"Balita ko galit sa akin ang Mama mo."
"Hayaan mo siya, over protective lang siya since first time ko masuspended." natatawa niyang tugon. "Pero sa totoo lang Mama's boy talaga ako." aniya.
"Yuck." nasabi ko na lang. Iyon na ata ang huling salitang sinabi ko sa kanya dahil nagtatapos na ang kanta.

It's telling me, it might be you, all of my life...

Nang matapos ang kanta ay hinatid niya ako sa table ko habang kami ay nakahawak kamay. Pagkaupo ko ay bumitiw na ako at saka siya nagpaalam. Ilang sandali din ako nabakante nang biglang may lumitaw na lalakeng nakagolden suit at neck tie, matangkad at pamilyar na lalake. Mas matangkad na siya ngayon at binta na. "May I have this dance?" Si Martin. Oh Thank God! Akala ko magiging bulaklak na lang ako sa pader buong gabi.
"Tara! Akala ko hindi ka makakarating."
"Pwede ba yun? I wouldn't miss this for the world, ang makasayaw ka."
"Sus, nambola pa." Tumungo kami sa dance floor at doon nag simulang sumayaw. Unang kanta ay wherever you are by South Border, isang sikat na banda. Ang kanta ay isang ballad at dahan dahan. Sinasabayan pa nga namin ng pagkanta. "Bakit nga pala hindi kita mahagilap noong isang linggo sa school? At actually hindi kita madalas makita, alam mo yun?"
"Well last week kasi may sakit ako, nilalagnat ako."
"Ganoon? Magaling ka na ba?" Dinama ko ang leeg niya, seemed normal na naman.
"Wag kang magalala, magaling na talaga ako."
"Kamusta ka na? Hindi na tayo masyadong nagkikita ah." sabi ko.
"Oo nga eh, mukhang busy ka din naman."
"Dami na din nangyari mula noong gradeschool tayo." sabi ko. "Hindi ko kayang ikwento sa loob ng isang gabi."

The wind that blows the dark is the wind that blows my love, hoping to find its way to you wherever you are... Nagpatuloy pa ang magandang aura ng prom. Nakapaligid din sa amin ang ilang estudyante na nagsasayaw, finifeel ang kanta. Ang iba nga ay magkayakap na samantalang kami ni Martin ay nagmaintain ng distance. Namiss ko din naman ang mokong na ito kahit papaano. Kahit nasa iisang school lang kami ay talagang hindi magtagpo ang landas namin, well siguro minsan lang pero hanggang tunguan na lang dahil madami na din kaming mga inaasikaso na bagay bagay. But thank God for Martin, matapos kasi ang tagpo namin ni Ken, para sa akin ay isang super hero si Martin, tamang tama ang dating niya. He saved me from a situation I don't wanna be in. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang sinabi sa akin ng isang ka school bus ko na may gusto daw sa akin si Martin na inignore ko lang kasi, naman kung meron mang platonic relationship, kaming dalawa ni Martin ang magpapatunay nu'n. I never saw him as a material boyfriend siguro dahil kahit anong galugad ko sa damdamin ko sa mga oras na ito ay hindi ko mahanap ang love. Well siguro dahil hindi pa din ako handa. Grabe ka talaga Jhelyn, kakaranas mo lang ng isang matinding heartache ayan ka na naman. Hindi ka naman nagsasawa niyan.

"Anong iniisip mo?" tanong ni Martin nang iplay ang pangalawang love song.
"Wala naman." Hindi naman gaanong malamig sa loob ng hall kung saan ginaganap ang prom pero nahawakan ko ang kamay ni Martin, medyo nilalamig ito. "Mukhang may lagnat ka pa ata, malamig kamay mo eh."
"H- hindi ah, medyo kinakabahan lang ako."
"Ha? Bakit naman?"
"Kasi ngayon lang ako nakipagsayaw sa isang babae." sabi niya.
"Wow naman Martin ngayon ka pa ba magpapaka virgin ng ganyan?" biro ko sa kanya sabay kilito sa tagiliran niya. "Sus!" Natawa naman siya.
"Jhelyn, wala namang ganyanan. Alam mo naman na keyboard lang ang madalas kong hawakan eh."
"Okay fine, whatever."
"Dito ka pa din ba papasok next school year?"
"Ewan ko nga eh, iniisip ni Mama na ilipat ako ng school."
"G- ganoon? Wag naman sana."
"Sana nga eh."

"Calling Jhelyn Chan, Ahyin Dominguez and Leah Marie, your Mothers are all waiting outside, please head to the exit door. I repeat Jhelyn Chan, Ahyin Dominguez and Leah Marie, your Mothers want you to go outside. Thank you." Nagkatinginan kami nina Ahyin at Leah, totoo ba ito? Sinasabotahe ni Ina ang aking prom at hindi pa nga tapos ang prom ay pinapauwi na kami. Napatingin ako sa orasan sa bracelet na suot ko, it is almost midnight but is it really necessary to call our names in the microphone? I just can't believe it. Nagpaalam na ako kay Martin matapos kong magpa picture sa kanya and then I grabbed my bag. Si Barbie naman ay sumabay na din sa amin palabas. Nagmamaktol sina Leah at Ahyin tulad ko, malamang magiging usap usapan na naman 'to sa school, ang pagtawag sa aming mga pangalan in loud speakers. Anyway at least the night have ended. Thinking din naman na si Mama ay nasa labas naghihintay while I'm dancing and having fun here is unbearable.

"Alam mo ba pumunta pa kami sa mall para bumili ng shoes na 'to. Paano naman kasi nasira pa yung sapatos ko di ba?" kwento ni Mama. I looked at her black elegant shoes na medyo sparkling ang dating and asked kung magkano.
"One Thousand lang naman, kaysa naman wala akong suutin. Teka nakita mo ba ang Mommy ni Ken doon? Nandoon siya kanina and she's looking at my shoes!" kwento niya. "Tinaasan ko nga ng kilay." Taray talaga ng Mama ko anyway nakinig na lang ako sa mga kwento niya and I decided to remove my high heels while heading to the parking lot. Too tired from dancing dahil nakaapat na love songs ata kami ni Martin plus the disco part. Should I mention the heartache? I think I should. Isama mo pa ang lahat ng paghahanda kaninang hapon, so when we arrived after a one hour drive, naghilamos lang ako at nagpalit ng damit and then I headed to my bed, my very lovely bed.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn