Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Wednesday, 23 February 2011

What is Love? "CHAPTER TEN"

06:38 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
Pagkauwi ko ng bahay ay naligo na ako, kinuha ang libro at sinubukang magreview dahil may quiz kinabukasan. Pero kahit anong pilit kong magbasa, hindi pa din ako mapakali. Naiisip ko si Bry, ang mga nangyari kanina. Naiisip ko si Mike. Ano ba Jhelyn! Nasa ganoong estado ako nang nag ring ang phone. Sinagot ni Jhea at saka ako tinawag. Mabilis naman ako tumungo sa telepono at sinagot ito. "Hello?"
"Jhelyn, si Bry 'to."
"O kamusta?"
"Jhe, baby, ayaw mo na ba talaga sa akin?"
"Bry naman, wag mo na akong tanungin ng ganyan. Wag na nating pahirapan ang isa't isa." sabi ko. Ayokong sabihin na kaya ako umaayaw ngayon ay dahil nahihirapan na ako sa kanilang dalawa ni Mike, at gusto ko na din itama ang mali. Although alam ko mali ang pagsisinungaling ko pero ayaw ko din siyang saktan.
"Pero Jhelyn, ginawa ko naman lahat para masiyahan ka, ano ang pagkukulang ko? Pwede mo naman ako ipaglaban di ba?"
"Bry, we're just fourteen years old, paano ko ito ipaglalaban? Mga estudyante pa lang tayo. Siguro after ilang years, malay mo di ba?" And then sinabi ko ang isang bagay na madalas kong naririnig, a desperate phrase. "Kung tayo talaga, magiging tayo din sa bandang huli." (Which i later on realize, a very damn, lame excuse). Nakarinig ako ng buntong hininga sa kabilang linya at ako naman ay napalunok. Thank God, I wasn't standing in front of him dahil kung oo, malamang bumigay na ako sa pagmamakaawa niya. A few moments later, isa pang buntong hininga. Hindi na ako umimik.
"Okay, kung yan talaga ang gusto mo." sa wakas, sumuko na nga siya. Para akong natanggalan ng tinik sa katawan. "Pagbibigyan kita. Pero tandaan mo, maghihintay ako sayo." Iyon lang at binaba niya na ang telepono. Okay. Yun na yun. Tapos na ang kabanata ni Bry sa buhay ko. Yes, sa wakas at makakatulog na din ako ng maayos, dahil alam kong wala akong nilolokong tao. I mean, wala akong tinu- two time. Promise talaga magiging loyal na ako kay Mike. At promise din hindi na ako magiging two timer.

February nang makipag break ako kay Bry, pero makalipas ang dalawang buwan, nakatanggap ako ng tawag sa telepono, si Mike na halos isang buwan na din hindi nagpapakita sa bahay namin, tatawag lang siya paminsan minsan. Hindi ko na din napapansin masyado dahil busy din ako sa pagaalaga ng aking Baby Bro na si Harry na ipinanganak noong March. Lagi akong puyat dahil ako minsan ang pumapalit sa paghehele. Saktong umuwi pa sa probinsya ang Auntie ko at ang pamilya niya, kung kaya naman kami ni Jhea ang nagsasalitan sa pagaalaga kay Harry. we love Harry, there's no doubt about that kaya naman, willing kaming ibigay ang oras namin sa kanya lalo na at magbabakasyon na. Hindi ko na nga naiisip na may boyfriend pala ako lalo na nang magkasakit siya. So one day, hindi pa masyado magaling si Harry sa kanyang pagtatae, nakatanggap ako ng tawag galing kay Mike. Habang papalapit ako sa telepono, hindi ko alam kung bakit pero ninenerbyos talaga ako. "Hello?"
"Jhelyn, si Mike 'to."
"O Mike kamusta?"
"May sasabihin sana ako sayo." sabi niya. Napansin ko na parang napakalungkot ng boses niya na bigla kong pinagalala.
"Ano yun?"
"Meron akong friend, Grace ang name niya." Uh huh? "Ang dami kasi nangyari eh, pinalayas siya sa bahay nila and sa amin siya tumuloy muna, dahil wala namang ibang kwarto nagtabi kami pero promise may nakaharang na unan between us."
"O talaga?" nasabi ko, cause what am I supposed to say in this right? So I let him continue knowing any moment from now, sasabihin din niya ang punchline doon. I knew all along this would happen.
"And the thing is, lagi kami magkasama, tinulungan ko siya hanggang sa umayos sila ng pamilya niya." He's actually saying this very slow, so bawat words na sinasabi niya keeps on sinking in to my very soul. Oo, ganyan kalalim. So sudden, yet so deep. Arghh! "Pero hindi ko alam kung ano ang nangyari eh, Jhelyn, inlove na ako sa kanya. Mahal ko na siya." Saktong pagkasabi niya nun at tumulo na ang kanina pang namumuong luha sa aking mga mata. Eto ang unang beses na nakipag break sa akin ang isang lalake. This is my karma sa ginawa ko sa kanya. I should have known this will hurt like this. "Jhelyn, hindi mo kasi ako pinaglaban eh." Oh I heard that again. "Hindi ka pwede makausap sa phone, hindi kita madalaw sa bahay niyo. Wala kang cellphone. Kailangan ng communication sa isang relationship and yan ang wala tayo." So ako na pala ang sinisisi niya ngayon? Well, okay tama naman siya doon eh. Ayokong kalabanin ang Mommy ko, I'm just fourteen at hindi legal kung magkakaboyfriend ako. Napakadaming tumatakbo sa isip ko pero hindi ako makapagsalita. I just can't. Ayoko ding malaman niya na umiiyak ako. So bumuwelo ako at saka nagsalita makalipas ang ilang sandali.
"Mike, naiitindihan ko, cge na. Bye." Sa dami ng tumatakbo sa isip ko, yan lang ang tanging nasabi ko. I hanged up the phone not waiting for him to speak. Hindi ko na din hinintay tumawag siyang muli, I just burst into tears and went to my room. Basang basa na nga ang neckline green ko na tshirt dahil sa luha.

Ang bilis ng mga pangyayari, ang bilis ng karma.

Dahil matagal tagal pa ang bakasyon, wala akong mapagbalingan ng atensyon. Sa umaga gigising ako tapos tutulong sa gawaing bahay. Minsan nga magwawalis ako tapos may mapapatugtog na kanta tulad ng "The way you look at me" ni Christian Bautista, mapapaluha na lang ako ng wala sa oras, sakot namang nakita ako ng Mama ako at saka ako tinanong kung bakit ako umiiyak.
"Uhm, wag kang magagalit Ma."
"O sige ano yun? Halika ka dito, umupo ka muna." And so umupo ako sa tabi niya at saka sinabi na nagkaroon ako ng boyfriend at si Mike yun at sinabi kong nakipag break ito sa akin dahil sa isang babae na nakilala niya lang, inilabas ko ang lahat ng nilalaman ng puso ko and I was really impressed kasi nakinig siya at di muna nagsalita. "O tapos? Ganoon na lang yun? Lang ya talaga yung Mike na yun, hindi ko na sana siya pinadalaw sayo."
"Ma naman, kasalanan ko naman eh kasi I never go out with him man lang. Tapos bawal pa ako sa phone, talagang mapupunta siya sa iba niyan."
"Alam mo, hindi mo yun kasalanan. Natural ang magulang gusto kang protektahan, ang sabihin mo hindi ka talaga mahal ng Mike na yun. At isa pa, bata ka pa naman. You're just fucking fourteen! What you should do is collect and collect then select."- a professional advice from my own Mom, saan pa kayo?
"Ma naman!"
"I'm serious here, anak. Maganda ka, dami pa magkakagusto sayo. Pero the thing here is nandyan lang ang love love na yan. Wag kang magmadali, madami ka pag makikilala na mas higit pa sa Mike na yan, hitsura niya lang no, pandak pandak." Natawa ako sa sinabi ng Mama ko, may point nga naman siya. "Kaya ang dapat mong gawin, magaral ka para magkalaman pa lalo yang utak mo, at gamitin mong madalas ang utak mo, wag yung puro ito." sabi niya sabay turo sa puso. This is my first love lesson from my Mom, really.
"Di ba Ma, dami ka ding bf dati?"
"Oo, naku napunta na lang ako dyan sa Daddy mo, lahat ng nanliligaw sa akin noon professional, pero magaling talaga si God, you know why? Ang bait ng Daddy mo, noong nasa Hong Kong kami, siya ang nagaasikaso sa akin kahit pagod siya from work, yung mga babae nga diyan pati brief ng asawa nila sila ang naglalaba. Ako? Never ko naranasan yan. See? I feel like a queen. Ang gawin mo humanap ka ng lalake na ang trato sayo ay parang prinsesa. You deserved it and you are so worth it. Maniwala ka sa akin, madami pang magkakandarapa sayo."

Matapos ang paguusap namin ni Mommy, I feel much better na. Ang sarap sa pakirandam. Tama si Mommy, madami pang magkakandarapa sa akin.

Tama siya dahil after two weeks, may kumatok sa aming gate, nagbabadya ng bagong pagibig. Dumating naman sa buhay ko si Eric.

Pinakilala si Eric ng isa kong classmate na si Vhin. Ang kwento kasi ni Vhin, pinakita daw niya yung class picture namin sa kanya at ako daw ang unang napansin ni Eric at nangako naman si Vhin na ipapakilala niya ako sa kanya. Pumayag naman ako nang kausapin ako sa telepono ni Vhin, kailangan ko din naman ng mapagbabalingan ng atensyon lalo na at ilang linggo pa lang ang nakakaraan ay broken hearted ako dahil kay Mike. Kailangan ko 'to, sabi ko sa sarili ko and besides nang ipakita sa akin ni Vhin ang picture ni Eric ay na cutan naman ako. But let see di ba?

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn