Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Saturday, 5 February 2011

What is Love? "CHAPTER SIX"

01:21 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
Nag siesta ako agad pagkatapos kong kumain ng tanghalian. Ihahanda ko na ang sarili ko sa review ko para sa Algebra exam namin bukas. Ang sarap na sana ng tulog ko nang biglang ginising ako ng aking Yaya Laine na nasa mid forties na, matagal na din niya akong inaalagaan na nagsimula noong grade three pa ako. "May tao sa labas, hinahanap ka." Isang tao lang ang pumasok sa isip ko. At hindi nga ako nagkamali, si Mike nga. Agad akong naghilamos at saka nag powder at nagsuklay. Pag nakakapag siesta pa naman ako ay lalo akong gumaganda. I feel so confident. Lumabas ako ng bahay at binuksan ko ang gate. Kumahol tuloy ang aso naming si Lassie. "Lassie, shut up." utos ko pero mukhang hindi niya ako naintindihan. Kung tao lang siguro si Lassie ay malamang bipolar na ito dahil hindi siya tumitigil sa kakakahol, nabubulabog na ang mga kapitbahay. Kaya napilitan akong labasin na lamang si Mike at umupo na lamang kami sa may bermuda grass namin sa labas. "O, napasyal ka ata. Pasensya na kay Lassie ah, medyo sensitive yun eh."
"Okay lang yun, naiintindihan ko." Ngumiti siya. Nagiba ata ang aura niya ngayon. Feeling ko crush ko na siya. Hahaha! "Ang cute mo pala ngumiti. Kahapon kasi hindi ka masyado nangiti." Oh my, napansin niya yun? Paano naman kasi ang daldal daldal mo.
"Naaasar kasi ako dun sa friend ko si Martin eh, hindi ko tuloy magawang ngumiti din kahapon."
"Oo nga eh no, ba't kasi hindi mo pinaalam na pupunta ka?"
"Surprise nga eh."
"Ohhh. Ang swerte naman niya kung ganoon."
"Nasabi mo pa."
"Uhm natanggap mo ba yung sulat ko?"
"Ah oo natanggap ko. Salamat ah."
"Anong salamat? Hindi ka magre reply doon?"
"Required ba akong mag reply doon?" tanong ko. Napansin ko naka blue na naman siyang shirt at maong na shorts. Favorite outfit niya? Hmmm.
"Hindi naman." malungkot niyang tugon. Bigla naman akong na konsensya.
"Joke lang sige magre reply ako." Hmp, makabili na nga ng stationary set mamaya at demanding ang isang 'to.
"Sige ah, aasahan ko yan." aniya na bumalik na sa magandang timpla ang pagmumukha. "Gusto mo maglakad lakad?"
"Hmm sige pero balik din tayo agad, magre review pa kasi ako."

And so naglakad nga kami na umabot din ng dalawang oras. Alay lakad? A walk to remember? Gosh. Anyway, habang naglalakad kami ay nagkwe kwentuhan kami ng kung anu ano. Sinabi ko sa kanya na nagkaroon na ako ng boyfriend at sabi niya siya din daw, nagkaroon na. Okay na sana ang lahat nang magkamali siya sa pangalan ko. Tawagin ba naman akong Grace? WTF?
"Mike, Jhelyn po." sabi ko sa kanya habang nagswi swing kami. "Halatang ibang babae ang naaalala mo ah."
"Ay sorry. Hindi ko talaga sinasadya." Mukha naman siyang sincere pero ayaw ko yung palampasin. Bakit ba Jhelyn, nanliligaw na ba siya sayo?
"Sus, okay lang no." Sabi ko sa kanya babalik na ako sa bahay namin dahil kailangan ko pang magaral. Naaasar din naman ako sa fact na ibang name ng girl ang tinawag niya sa akin. Anong tingin niya sa akin, tanga?

Alas sais na nang makarating kami sa bahay namin. Sa labas ng gate ay nagpaalam na ako sa kanya baka naman kasi mag amok na naman si Lassie.
"Sige na dito na lang, alam mo na."
"Uhm Jhelyn, sorry ulit sa nangyari kanina ah. Di ko talaga sinasadya. Yaan mo hindi na yun mangyayari."
"Ano ka ba? Okay lang yun. Wag kang magalala."
"Uhm Jhelyn, alam ko medyo mabilis 'tong tanong na ito pero pwede ba ako manligaw sayo?" Kumabog bigla ang dibdib ko. Ano daw? Manligaw?
"Uhm s- sige. Pwede. O- okay lang." nauutal kong tugon. Jhelyn bakit naman ngayon pa?
"Wow talaga? Sige. Uhm pwede ba tumawag sa inyo mamaya?"
"Okay lang." Jhelyn, wala ka na bang ibang masabi?
"Okay ka lang?" tanong niya.
"Okay lang."
"Sige, alis na ako."
"Sige ingat."

Sinipag akong magaral sa Algebra kung kaya naman ay sisiw na sisiw ang exam. Ganito ba pag inspired? Parang iba 'tong feeling na ito kumpara doon sa kiligan session namin ni James before ah. Nang umaga kasi na iyon ay may natanggap akong sulat mula kay Mike at this time ay nag reply na din ako. May kalakip pa nga na grade six graduation picture niya. Ano ba yun? Haha! Sa Sulat niya ay nag sorry ulit siya sa pagbanggit niya ng name ng ibang girl kahapon. Sinabi din niya kung gaano siya kasaya na kasama ako kahapon.

Please keep this picture as a remembrance. Nagiisang copy na lang yang wallet size so sana ingatan mo. Pahingi din pala ng picture mo ah, ayoko kasing makalimutan ang mukha mo.

Miss you, mwah!
Mhike21

Hi Mhike,
Musta ka na? Wag ka ng magalala doon sa nangyari kahapon. Alam ko naman na madami ka lang kilalang girls.

(What I mean to say here is babaero ka pero bakit ganoon crush pa din kita?)

Yung about sa picture try ko magdala bukas at ipapaabot ko na lang kay Jeff.

(Gusto ko din naman tanungin kung bakit hindi siya tumawag kahapon pero wag na lang. Hindi rin naman ako naghintay dahil busy din ako kakanood ng TV.)

Salamat pala doon sa pic mo ah. Mukhang bata ka pa nga dito kahit a year ago mo pa lang siya pic. Oo nga pala alam mo ba na dadating na si Mama sa April, excited na nga ako eh. Pero medyo strict yun kaya binabalaan na kita ah. Hahaha. Sige hanggang dito na lang muna.

Always,
Jhelyn

Hay naku buti na lang pinaraktis na ako ni Isaac kung paano mambola or whatsoever sa isang sulat. Pero in fairness kinikilig ako ng to the highest level. Tatlong araw pa lang pala kami magkakilala. Grabe ano? Feeling ko tagal na din. Siguro dahil madalas kaming naguusap. Dami ko na nga din alam tungkol sa kanya eh. Nalaman ko din na Mama's boy siya dahil one time ba naman ay pinapakinggan kami sa paguusap sa telepono? Nalaman ko lang yun kinabukasan noong sumulat siya sa akin.

Kagabi pala ay pinapakinggan tayo ng Mommy ko sa kabilang linya. Sorry ah, huli na din nang nalaman ko. Pero sabi niya masaya daw siya at kinikilig para sa akin. Gusto ka na daw niya makilala eh. Salamat pala doon sa picture na pinadala mo sa akin kahapon ah. Ang cute mo nga doon eh, siguro madaming lalake ang nagkakagusto sayo. Naiinsecure nga ako pag magkasama tayo eh.

Ganoon? Hahaha! Kinikilig ako. Kinikilig ako. Kinikilig ako.

Nagaalay lakad session kami ni Mike nang hapon na iyon around 6 pm nang harangin kami ng ilang teenage boys. Yung tipong dadaragin ang dating, alam mo yun? Bigla akong kinabahan, kani kanina lang ang basang kili kili ko ang pino problema ko, sabay ngayon eto naman. What is this all about? Feeling ko naman ilang saglit siyang nakikipag nagotiate at ang mga tanging narinig ko lang is, "Wag naman ngayon mga 'pre, may kasama akong babae. Sige na naman." Tapos naririnig kong bumubulong ang mga teenage boys. "Salamat, salamat pre, salamat talaga."

Nang makaalis na ang mga teenage boys, tinanong ko siya kung sino ang mga yun? "Member kasi ako ng gangster sa street namin at isa sila sa mga kaaway." Aba, may ganoon?
"Ano naman pinagaawayan niyo?" tanong ko.
"Minsan kung kaninong teritoryo yung bakanteng lote tapos pag may nakakaaway na isa sa mga member namin, ayun kaaway na din namin."
"Hindi ba delikado yun?"
"Delikado."
"O eh ba't ka pa sumasama?"
"Ewan ko ba pero masaya ako sa ganito eh. Parang pagkatao ko na din 'to, sana maintindihan mo. Hayaan mo, iiwas na muna ako sa mga ganyan mula ngayon. Natatakot din akong mapahamak ka."
"Buti naman kung ganoon."

Nakarating na din kami sa wakas sa bahay namin. At muli ay hindi ko siya pinapasok dahil for sure ay tatahol na naman itong si Lassie. "Sige papasok na ako." sabi ko.
"Sandali lang. Jhelyn, may sasabihin ako sayo." Napaharap ako sa kanya sabay hawak sa kamay ko. Malamig ang kanyang mga kamay na mas malaki pa sa akin. Medyo kalyado ito, malamang dahil sa pagba basketball na kinahihiligan niya. "M- mahal na mahal kita."

Ano daw? Hindi ako nakapagsalita agad. Feeling ko natutuyo na ang wet kong kili kili sa sinasabi niya. Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok bigla sa isip ko at nagsalita ako na hindi ko naman inaasahan.
"Uhm, mahal din kita Mike."
"Talaga?" Tumango lang ako. Sabay pinakita niya ang cute smile niya na para bang hindi makapaniwala sa naririnig niya. Napahawak pa siya sa ulo niya na siguro ay bumigat sa sinabi ko. Feeling ko lang naman yun. My heart melts by that smile that he have shown. Ngatog na nga ang mga tuhod ko. Ilang sandaling pa twitams pa kami nang magpaalam na siya. "Tatawag ako mamaya ah." aniya.
"Sige, ingats."

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn