What is Love? "CHAPTER SEVEN"
01:24"O ano, akala ko ba pumasok ka?"
"Nawawala wallet ko eh." sabay drama ko ng ganoon.
"Ayan nakarma ka tuloy. Makikipagkita ka pa kasi doon sa lalake mo." Parang gusto kong maiyak doon sa sinabi niya. I just can't hide the truth na hindi na nga ako sinipot ni Mike ay nawala pa ang wallet ko. Favorite ko pa naman yun kasi pasalubong sa akin ni Mama yun galing Hong Kong at isa pa ang ganda ng style niya, parang maong na wallet at perfect yung parang burda niyang bulsa sa labas. Hmp! Sasabayan pa ng ratatat ng bibig ni Mama, hay. Napaluha na lamang ako. At least ay binigyan pa din ako ng pamasahe at nakapunta pa din ako sa school. Ipinabot ko na lamang kay Jeff ang regalo kong unan.
"Uy birthday ni Mike ngayon ah, pupunta ka ba mamaya?"
"Susubukan ko, baka hindi ako payagan ni Mama."
"Sorry daw kung hindi siya nakapunta kanina, umalis daw kasi sila ng Mama niya eh."
"Ganoon? Sana naman ay sinabi niya sa akin agad."
Pero dahil lumamig na din naman ang ulo ko ay napatawad ko na siya. Ganoon din ang ulo ng aking Mama, kung kaya naman ay pumayag na siya na pumunta ako sa birthday ni Mike basta kasama ko si Jhea at si Yaya Laine.
Nawala na din sa isip ko ang nangyari kaninang umaga. Binati ko siya ng happy birthday at pinaupo niya naman kami sa kanilang sofa. Eto ang unang beses na nakapunta ako sa bahay nila. Ang Mama niya ang tumabi sa akin, naka spaghetti strap ito at naka shorts at kulot ang buhok. Umiinon ito ng beer sabay hithit ng sigarilyo. Malaki ang loob ng bahay nila, maganda ang mga display. Maganda ang sahig. Magisa lang ako dahil natagalan bumalik mula sa pagkuha ng pakain sina Jhea. "Alam mo maganda ka." sabi ng Mama niya. Ngumiti lang ako sabay kunyari ay sumubo ng spaghetti. Mahiyain talaga ako pagdating sa mga ganito. "Kaya pala nagustuhan ka ng anak ko, he can't stop talking about you."
"Oo nga po eh."
"Ikaw din ang kauna unahang nagbigay sa kanya ng regalo ah, I am quite impressed sa kasweetan niyo." Di ko na alam kung ano ba ang dapat kong maging reaction dito. Ayoko naman kasi maging presko masyado, feeling close, hindi naman kami close. Nagpacute na lang ulit ako at tumango, this time with matching inom ng coke. I can say I am in so much pressure right now.
"O Ma, ineeterrogate mo na agad si Jhelyn." sabat ni Mike na umupo sa kabilang side ko. "Baka matakot sayo."
"Sinasabi ko lang naman sa kanya na ngayon ka lang nagmahal ng ganito and that I am happy for both of you. Sana kayo na ang magkatuluyan." Lasing na ata 'tong Nanay niya. Nay, first year pa lang po ako, madami pa akong plano sa sarili ko. Halerr? Buti na lang hindi ako nabulunan sa sinasabi niya.
Nang gabing iyon ay naisip ko ang mga sinabi ng Mommy ni Mike. Halata namang botong boto ito sa akin. Dinagdag pa nga niya sa akin na gusto niya daw ako dahil simple lang daw akong babae. Naisip ko din na kung paano nga kung kami ni Mike ang nagkatuluyan? Jhelyn Chan Galen (apelyido niya). Hmm, bagay!
Sa mga sumunod na linggo ay nahirapan akong makipagcommunicate kay Mike. Bawal ang telepono sa amin, kung may tatawag ay nakabantay si Mama. At mata pa lang niya ay takot na ako dahil for sure ay mababato ako ng tsinelas. Nagkakaroon ng mga araw na hindi kami nakakapagusap o kaya minsan naman ay maghe hello pa lang ako sa phone ay nagbabye na agad ako. Mainit palagi ang ulo ni Mama, siguro dahil naglilihi siya. Nagkaroon pa nga ng isang beses na naririnig ko ang boses ni Mike sa labas ng bahay namin pero dahil nakabantay si Mama ay pasilip silip na lamang ako sa bintana. Nang sumunod na araw ay narandaman kong muli ang presensya niya sa labas ng bahay namin, lumabas ako this time dahil nasa banyo si Mama. Nakita ko si Jeff papalapit sa gate namin. "O nasan si Mike?" tanong ko.
"Nandoon sa may creek banda. Mahirap na baka kasi mapagalitan na naman siya ng Mama mo."
"Ano? Kailan nangyari iyon?"
"Kahapon lang, grabe nakakatakot Mama mo. Asan ba Mama mo?"
"Nasa banyo siya. Pakisabi naman sa kanya miss ko na siya at sabihin mo pasensya na talaga." sabi ko. Natanaw ko si Mike at nagkatinginan kami, kumaway siya at kumaway din ako. Nang biglang narinig kong lumabas na si Mama sa banyo, Ohm my I have to go.
"Oo nga pala, pinapabigay sayo ni Mike." ani Jeff sabay abot sa akin ng isang sulat. Mukhang balik na naman kami sa sulatan ah. Pero seeing the letter made me glad, naaalala niya pa din pala ako.
"Salamat ah, sabihin mo sa kanya magingat siya at mahal ko siya."
"Makakarating."
Nangkunyari akong masakit ang tiyan para makapasok sa banyo. Pagkalock ko ng pinto ay umupo ako sa toilet at binasa ang sulat.
Dear Jhelyn,
Kamusta ka na? Sobrang miss na kita, as in sobra. Miss ko na ang mahahabang lakaran natin, ang paguusap natin, miss na kita. Sana malampasan natin ang pagsubok na ito. Hayaan mo na isang buwan na lang din naman ay pasukan niyo na. Pwede na din tayo magkita. Sana iniisip mo din ako tulad ng pagiisip ko sayo, at lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Wag kang magalala, good boy ako dito. Lagi kong kasama 'tong si Jeff, nagbabasketball o minsan ay naglalakad lang kami para libutin ang Camella Zone.
Good girl ka din dyan ah. I love you so much.
Love,
Mhike01
Uno na ang number niya dahil yan ang monthsary namin. At syempre lagi na ding may ganyan sa mga sulat ko.
Dear Mike,
Okay naman ako dito, buong araw lang akong nagbabasa ng pocketbook dahil wala din naman akong magawa dito sa bahay. Iniisip kita palagi, alam mo ba yun? Miss na din kita at pasensya ka na kay Mama. Naglilihi lang kasi 'tong si Mama. Sana maintindihan mo. Wag kang masyadong papagabi at please lang umiwas ka sa mga gulo okay? Oo nga malapit na uli ang pasukan, pwede na ulit tayo magkita. Excited na talaga ako. Always remember that I love you too, I love you so much.
Take care,
Jhelyn01
Habang bakasyon nga ay yan ang naging way of communication namin. Excited ako palaging makakuha ng sulat mula sa kanya kahit minsan ay walang way para maibigay ang sulat, nagkakaroon pa din naman ng tyempo. And somehow, maganda pa rin naman ang tulog ko sa gabi. Minsan ay gusto ko din magalit sa Mama ko, iniisip ko bakit ba ganyan siya, ayaw niya ba akong maging masaya? Well I just keep on telling myself, nangyayari yun dahil gusto niya lang akong protektahan. Ayaw niya lang ako masaktan. Yan ang sinasabi niya pag malamig ang ulo niya eh. Hindi ko naman kasi maamin sa kanya na may boyfriend na ako at actually pangalawa na itong si Mike. (Ayoko ng isama si Isaac kasi naman laro laro lang din naman yun at hindi ko naman siya minahal or hindi naman ako nainlove talaga sa kanya. Pero kung ilan ang naging boyfriend ko, I would say tatlo na din naman, occassionally lang kung isasama ko si Isaac o hindi.)
Tulad nga ng sinabi ni Mike doon sa sulat niya ay mabilis na lumipas ang isang buwan. Magsisimula na din ang pasukan. At sa araw ng pasukan namin ay magka school bus pa dn kami ni Jeff. Sa unang araw ay may inabot siya sa aking blue notebook, yung tipong mamahalin. Hindi nga yun ang binibili kong notebook dahil konti lang ang budget for the notebook. Binuklat ko ito at nakita ko doon ang sulat ni Mike sa akin. "Diyan na daw kayo magsusulatan." sabi ni Jeff. Napangiti ako. This is one of the sweetest thing in the world for me, at this moment. At doon nga kami nagsulatan na umabot ng dalawang buwan...
Makalipas kasi ng dalawang buwan ay I have lost that lovin' feeling na. Ang bilis no? I've been busy with being a second year high school. At isa pa seatmate ko si Jerry, yung crush ko noong first year high school? Oh my God, he's just within my reach now. At dahil seatmate nga kami ay ang saya saya ng buhay ko dahil nagiging close kami sa isa't isa. Bakit? Aba palakopya siya masyado ah. Anyway mabait naman siya at dahil doon naging super duper crush ko siya.
Ang notebook lang ang way of communication namin ni Mike at kahit may pasok na hindi pa din kami madalas magkita. Isang beses lang ata, noong sinundo niya ako sa school. Nakakakilig isipin ang time na yun, naka blue pa siyang uniform habang red and white naman motiff ng uniform ko, pag magkasama tuloy kami ay para kaming watawat ng Pilipinas. Noong sinundo niya ako ay umuwi din kami agad matapos kong ipakilala kay Kristina na tuwang tuwa sa nakita. Ewan ko ba, hindi man lang ako ikinain muna, gusto ko pa naman siya makasama ng matagal. Pero anyway okay lang naman at baka magtaka pa si Mama kung bakit hindi ako nakauwi agad.
Dear Mike,
Kamusta ka na? May sasabihin ako sayo at sana wag kang mabibigla. Si Mama kasi, nalaman na boyfriend kita. Sorry kung kailangan ko 'tong gawin sayo pero kasi ayoko na siyang mahirapan sa kagagalit sa akin. Mabuti pa siguro kong mag break na tayo. Sorry talaga, sorry kung hindi ko ito kayang ipaglaban.
I wont forget you, and I hope hindi mo rin ako makakalimutan.
Always,
Jhelyn.
Wala na ang number signature ko sa sulat ko na iyon. I decided to end it, wala din namang nangyayari. Ginawa ko lang excuse si Mama pero actually wala pang nakakaalam sa bahay namin na kami na ni Mike. Ipinabigay ko kay Jeff yung notebook and I keep on telling myself na kung hindi ko pa 'to gagawin, kailan pa? Ayoko na din naman siyang paasahin pa. Sa ilang buwan na pagiging mag seatmate namin ni Jerry ay nahuhulog na din ang loob ko sa kanya. Kahit ba sabihin kong crush lang 'tong nararandaman ko, I think unfair naman kay Mike. Alam ko wala pang kasiguraduhan kung mutual ba kami ng nararandaman ni Jerry, basta gusto ko na lang tapusin ang sa amin ni Mike. Minsan din kasi nakikita ko din na wala na din naman siyang effort, siguro napapagod na din siya sa kahigpitan ng Mama ko, napapagod na din siguro siya na ipaglaban ako kung ako din naman ay hindi willing makipaglaban.
Kinabukasan ay natanggap ko ang notebook, sabi niya itago ko na lang daw ang notebook, naiintindihan niya daw at tulad ng sinabi ko ay hindi niya ako malilimutan.
Muli ay gumaan ang pakirandam ko. Thank God, it ended up peacefully... Sayang pero siguro hanggang doon na lang yun.
0 comments