Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Wednesday, 23 February 2011

What is Love? "CHAPTER NINE"

06:36 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
Kinabukasan, alas diyes pa lang ng umaga ay umalis na ako sa bahay namin para makipagkita kay Bry. Pagdating ko sa gate ng subdivision nila, ay naroroon na siya. "Hi babe." aniya at sabay hinagkan niya ako sa pisngi. Naglakad kami papunta sa bahay ng kaibigan niya dahil doon daw muna kami tatambay. Hindi naman ito kalayuan dahil ilang kanto lang ay nakarating na din kami. Maaliwalas ang bahay na bungalow na iyon, at nasa loob ng bahay na iyon ay ilang mga kaibigan niya na pinakilala niya naman sa akin. Dahil wala na din maupuan, I just sat on his lap. Sinubukan niya akong halikan sa labi habang walang nakatingin. "Bakit ang pait?" sabi niya.
"Uminom kasi ako ng gamot kanina, I wasn't feeling well."
"Ganoon ba?"
"Uh huh."
"Gusto mo ba magpahinga?"
"As if naman pwede? Gusto mo na ba ako umuwi? Halos isang linggo din tayo hindi nagkita di ba?"
"Pre, doon muna kami sa bakanteng kwarto niyo ah. Papahinga lang Babe ko, may sakit eh."
"Ah sige sige basta kayo na bahala sa kwarto, wag masyado magulo." sabi nito sabay kindat pa. Pumasok na nga kami sa kwarto na may isang kama sa loob kung saan ako naupo.
"Humiga ka na, magpahinga ka na." Inalalayan niya ako sa paghiga.
"Talaga bang patutulugin mo ko?" tanong ko. Nainis naman ako dahil pumunta punta pa ako dito kung matutulog naman din pala kami.
"Sino naman nagsabi sayo?" aniya. Hinalikan niya ako, halik na lagi kong naiisip gabi gabi, it's like waking up all my senses na hindi ko maintindihan. Siya lang ang nakakagawa nun. We continued snogging na para bang wala ng bukas. Labi sa labi, dila sa dila. Laway sa laway, nakakabaliw. Hanggang sa iginalaw niya ang kamay niya mula sa leeg ko pababa. Hanggang sa aking dibdib. What is he doing? Nagsimula siyang igalaw ang kanyang kamay sa aking dibdib at pinisil ito. "Okay lang ba?" tanong niya. Tumango lang ako. Ginagawa niya iyon habang hinahalikan ako. Ilang minuto pa ang lumipas nang biglang magapatugtog ang mga kaibigan niya sa sala. Isa itong sikat na rap na nasa hitcharts ngayon. Kanta ni Gloc 9, Hinahanap ng puso ang title. Pasensya na aking mahal, di naman ako magtatagal, nais ko lang masabi ang bawat nilalaman ng puso kong ito, inaalay lang sayo, pakinggan mo sana ang mga sinasabi ng awitin ko....

Huminto si Bry sa ginagawa niya at bigla kaming naupo, nagsimula siyang sabayan ang kanta habang hawak ang kamay ko. Napangiti ako. He continued doing it hanggang sa mag chorus. "Galing mo naman." sabi ko dahil maganda naman talaga ang boses nitong si Bry.
"Paborito ko yung kanta na yan eh, naisip ko lang din na bagay sayo." Ngumiti ako sa sinabi niya.
"Paborito ko din yan." sagot ko which is true. "Ang ganda ng meaning."

Ilang oras pa kaming naghalikan, nagkulitan, at nagtawanan sa loob ng kwarto na iyon. Para bang ang sarap sarap sa pakirandam. Naisip ko tuloy eto ang unang lalakeng nagpagising sa aking pagkababae. So ganoon pala yun ang ginagawa talaga ng ibang mag syota, ang maghalikan ng napakatagal na oras, feeling ko din kasi eto lang ang paraan para ma express ko sa kanya ang nararandaman ko. Ni hindi pumasok si Mike sa isip ko, para sa akin siya lang ang boyfriend ko nang mga panahon na iyon.

Hanggang alas tres kami sa kwarto na iyon hanggang sa kumatok ang kaibigan niya para sabihing parating na ang auntie niya and we have to get out of there. Pag labas namin ay mas dumoble pa ang bilang ng lalake sa sala, pinakilala niya pa nga ako sa mga iyon. And  was thinking sana walang kakilala dito si Mike. Wala ngang kakilala doon si Mike, nandoon naman ang isa kong classmate na si Ken. Baka ano ang isipin niya dahil galing kami sa loob ng kwarto ni Bry. I mean kilala ako sa school bilang conservative and he saw me here? Arghh! Balak pa sana magtagal ni Bry pero sinabi ko sa kanya na I have to go na. Sabi ko pa naman sa Auntie ko uuwi ako ng 4 pm dahil gagawa lang naman kami ng project kuno.

Hinatid niya ako sa waiting shed kung saan niya ako hinintay kanina. "Magkita naman tayo within this week, ayoko ng maghintay ng isang linggo eh."
"O sige I will try, tawagan na lang tayo okay? Mami miss kita." sabi ko na lang. And then sumakay na ako ng jeep, kailangan ko ng maghanda dahil maya maya lang ay dadating na si Mike sa bahay. Ang ilang oras nga lang ang lumipas ay dumating na si Mike and we are sitting in our garden. Mukhang tahimik si Lassie ngayon which is a good thing. Haha.

So ayon nagkwentuhan lang kami ni Mike kung ano ang nangyari sa aming mga buhay sa nakalipas na Linggo. Nagkwento naman ako about sa school and about what happened in my week minus the Bry part of course. At ayon nakikinig naman siya sabay nagpapa cute. Ngingit. It makes me guilty about what happened earlier in the afternoon pero ano ang magagawa ko? Sasabihin ko ba na kulang ako sa atensyon kaya nakipagkilala ako sa ibang lalake at actually ngayon ay boyfriend ko na? Dapat ba akong magalit dahil hindi siya araw araw nagpaparandam? I feel guilty for Bry too, oo dahil sa kanya halu- halong saya ang nararandaman ko ngayon, but I also feel guilty dahil ginagamit ko lang ang atensyon niya. And damn, I am enjoying it. Si mike ag boyfriend ko, kami ang legal, kami ang nauna. Ang hirap mag decide. Hiwalayan ko na kaya si Bry?

"Mukhang malalim yang iniisip mo ah." napansin ni Mike. Napalunok ako, so obvious na pala ako.
"Wala napagod lang ako sa pag gawa ng project kanina." Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil pisil. "Alam mo ang cute mo." sabi ko.
"Kaw talaga,nambola ka pa. Pero may gaganda pa ba sayo?" aniya naman.
Makalipas ang treinta minutos, Mike said he have to go, hinatid ko siya gate at nagpaalam. sa pagalis niya, napaisip ako. Dapat na talaga akong pumili kung sino sa kanilang dalawa ang ibre- break ko kasi nagiging unfair na ako. Sinubukan kong manood ng TV or makinig sa radyo. Iniisip ko, si Mike talaga ang boyfriend ko, he's cute, ka height ko lang, maaalalahanin at mabait, hindi nga lang madalas nagpaparandam. Si Bry naman, madalian lang ang pagkilala namin pero mabait, hmm mas maaalalahhanin, medyo pilyo, hindi pala aral na tao, (ganoon din naman si Mike), hindi gaanong cute pero matangkad, maganda ang boses at nasabi ko na ba he have awaken my senses? Parang oo. Naisip ko tuloy mahal niya ba talaga ako bilang ako, or naseseksihan lang siya sa akin at gusto niya lang ako dahil pinatulan ko siya? Arghh ang hirap magisip ng ganitong bagay lalo na kung ako ay second year high school lamang at ang nakakaalam lang na may boyfriend ako ay dalawa sa aking mga kaklase lamang. Wala akong close na close na friend talaga, hindi ko naman masabi sa kapatid ko dahil for sure ay masusumbong ako kay Mommy. No, I have decided to handle this alone.

Lumipas ang tatlong araw, nagkita na naman kami ni Bry. I have decided that morning na makikipag break na ako sa kanya. As in eto na talaga. Naisip ko na kahapon na makipag break sa phone tulad ng ginawa ko kay James but I really can't, lalo na nung nilalambing niya ako. Now I think this should be the day. Pagkatapos ng school ay pumunta ako sa waiting shed na pinagkikitaan namin at muli ay naglakad kami papunta sa bahay nila. "May sasabihin sana ako sayo." sabi ko.
"Ano yun?" tanong niya. Nakasuot siya ng ternong jersey na damit na para bang galing lang siya sa basketball practice.
"Uhm," Huminto ako sa paglalakad. "Hindi na ako pwede mag boyfriend eh, nalaman kasi ng Mom ko and she said na kailangan ko ng makipag break sayo." tuloy tuloy kong sabi.
"Paano niya nalaman? Di ba nasa Hong Kong siya?"
"Uhm, di ko nga alam eh, yung kapatid ko, si Jhea, kasi feeling ko may alam siya." Dinamay ko pa talaga ang kapatid ko dito which makes me feel guiltier even more. Pero desperadong plano na ito, kailangan na naming maghiwalay once and for all. Ayokong makarma sa kahuli hulihan.
"So nakikipag break ka na sa akin, ganoon?" aniya, his eyes hurtful.
"H- hindi naman sa ganoon." tila nasaktan din ako nang makita ko ang hitsura niya. "K- kasi, natatakot din ako sa Mama ko, pahihintuin niya daw ako sa pagaaral."
"Please Jhelyn, mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka sa akin." Hindi ako nakasagot. "Gusto mo ba mag meryenda muna tayo? Halika, pinaghanda kita ng makakakain sa bahay." Napabuntong hininga na lang ako at sumunod sa kanya. Naaawa ako na hindi ko malaman. Pero kahit ako ay naguguluhan na din, I have to do this, sabi ko ulit sa sarili ko. Nang makarating na kami sa bahay nila, at pinainom niya ako ng malamig na juice, mukhang may bumili ng yelo. At merong pansit sa mesa, pinaghainan niya naman ako agad pagkaupo ko.
"Sino nagluto?" tanong ko.
"Ako." maikli niyang sagot.
"Why? Anong okasyon?"
"Birthday ni kuya." Umupo siya sa tabi ko at tahimik lang habang kumakain ako. Hindi naman din ako makapagsalita dahil ano pa ba ang sasabihin ko? Should I supposed to be friendly matapos ng sinabi ko kanina? I don't think it's a good idea. I should also add to Bry's description, masarap magluto dahil in fairness masarap ang pansit. But then again, I told myself, Jhelyn you have to focus.

Hindi ko alam kung paano nangyari pero na realize ko na lang na naghahalikan na naman kami ni Bry at ang malala doon ay hinahayaan ko siyang gawin ang gusto niyang gawin sa akin. Nasisiyahan din naman ako, nage- enjoy din pero knowing that it is wrong doesn't matter at that moment anymore. Napatigil lang kami nang pumasok ang isa sa mga kapatid niya na may birthday. "May pansit pa dito o." aniya. "Kain pa kayo."
"Sige po." Nakakailang man na nahuli niya kaming naghahalikan, dedma na lang at napasubo na lang ulit sa pancit. Nang umalis na ang kuya niya ay pumunta ako sa kusina, sumunod naman agad si Bry at hinawakan ako sa baywang at inalalayan hanggang sa mapasandal ako sa may pader at doon ay hinalikan niya ako. OMG.

Naglalakad na kami papunta sa waiting shed para ako ay makauwi na. Naglalakad kami na walang imik. O di ba, matapos naming mahalikan ng pagkatagal, sa huli ay hindi din kami maguusap. Weird. Pero pinalampas ko na lang muna, hindi din ako handang kausapin siya. Ano pa ba ang sasabihin ko? Pakirandam ko, hindi ko na naman kayang iwanan siya, hindi ko siya kayang i break. "Ingat ka sa paguwi ah." aniya bago ako sumakay sa jeep, hindi ako umimik. "Tawagan kita mamaya." pahabol niyang sabi.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn