Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Sunday, 27 February 2011

What is Love? "CHAPTER FOURTEEN"

07:35 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
Tulad ng mga nauna kong love life walang kinahantungan ang sa amin ni Ken, matapos ng gabi ng prom ay hindi na kami nagusap. Sabagay, isang buwan na lang din kami magkaklase and buti na lang din ay pinalipat na ako ng upuan, nasa tabi na ako ngayon ni Barbie. Hindi na din ako umaasa na magkakausap pa kami, siguro para sa akin sapat na din yung nangyari sa amin ni Ken. Oo nagustuhan ko siya, nagkaroon ng feelings, pero some things are not meant to be at minsan ay mas magandang wag mo ng ipilit. Moving on is hard but then again after all the things that happened, sometimes you'll just get used to it. Ayoko na ding saktan ang sarili ko. I deserved to be happy, halata din naman na hindi niya ako kayang ipaglaban at I'm just an option. Nang tumuntong ako sa fourth year high school, alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa magmahal muli. Muntikan na nga ako lumipat ng school but then again, I'm stucked in this school, in this campus. Buti na lang at hindi ko na classmate si Ken at nang nagbakasyon, well, he has been forgotten. Narealize ko din na hindi ko kayang iwanan ang University of St Therese dito sa Cavite, hindi ko kayang iwanan ang mga kaibigan ko dito. At siguro dahil na din sa pagsasayaw namin ni Martin noong gabi ng prom ay narealize ko na isa siyang kaibigan na kailangan ako. Narinig ko din kasi kay Jake, isa sa mga close friends naming dalawa ni Martin na hiwalay na daw parents ni Martin kaya lumipat na sila ng subdivision. Nakakainis kasi hindi man lang nago- open up sa akin si Martin, so one day I gave him a notebook which I asked my Mom to buy. Isa itong peach colored notebook na may drawing na giraffe. Ako ang unang sumulat dito. Inspired by the notebook na pinagsusulatan namin dati ni Mike, lol.

Hi Martin,


Siguro nagulat ka kung bakit ko binigay ang notebook na ito sayo, eto ay para dito tayo magsulatan, at magpalitan ng kwento. You have been a best friend to me and last year na natin 'to sa high school. For sure ay magkakakanya kanya na tayo after this and I'm afraid na hindi na tayo magkita or baka magkalimutan na lang tayo. Ayoko naman ng ganoon. Ang tagal na din naman nating magkakilala, tinulungan mo ko before kung kailangan ko ng kasama. Ngayon sana turingin mo ulit ako bilang kaibigan. Matagal din tayong hindi nagusap, di ba? Super naging busy kasi tayo eh. I want you to write here all the things you wanted to say.


Miss you.


Jhelyn :)

Yes may smiley pa talaga yan. Inabot ko ang notebook na iyon na siyang ikinagulat niya nga tulad ng inaaasahan ko. Pero hindi niya ako pinagtawanan dahil sa kakornihan ko, sa halip ay nakuha niya agad ang ibig kong sabihin at nilagay ang notebook sa bag niya. Hindi niya ito binasa sa harap ko tulad ng pakiusap ko sa kanya. Totoo ang lahat ng nakasulat sa notebook. Magco- college na kami, at sigurado ako pagkatapos nang yugto na ito sa high school ay baka hindi na din kami magkikita. Kami nga nina Barbie, Ahyin at Leah ay nagaaply na sa isang sikat na kolehiyo sa Manila, balak namin kumuha ng Nursing dahil yun ang sikat na course. Hindi ko pa din kasi naiisip kung ano talaga ang gusto ko sa buhay ko. Gusto ko din naman maging flight stewardes or business woman. Pero hindi ko naman kailangan magmadali, I still have to go through fourth year high school.

Habang pabalik ako sa classroom ko nang araw na iabot ko kay Martin ang notebook, ay nakita ko si James, ang naging boyfriend ko noong grade six na tatlong taon ko ding hindi kinausap. Nagtagpo ang mga mata namin at agad ko namang binawi ang tingin. Wala akong nakita, sabi ko sa sarili ko habang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Damn, why does it have to be like this? Anong problema ko? Well anyway I ignored it at dumiretso na lang sa upuan ko.

Nang sumunod na araw ay natanggap ko ang notebook na galing kay Martin. Nag reply siya! At sabi niya:

Hi Jhelyn,


Oo naging busy ako, pasensya ka na pala ha. Totoo pala yung sinabi ni Jake na hiwalay na parents ko, si Mama kasi ewan ko ba. Natutong magsugal, akala namin magbabago pa siya pero hindi na talaga eh. Ayan hiwalay na talaga sila ni Papa.


Tama ka diyan, last year na natin 'to sa high school, saan mo pala balak mag college? Ako wala pa ding balak. Hindi ko nga alam kung anong course ang kukunin ko eh. Baka tulad na lang nina Jake, IT, tutal mahilig naman din ako sa computer eh. Tingnan na lang natin di ba? Pinagkakaabalahan ko ngayon ay etong portfolio na pinapagawa sa atin sa lahat ng subject. Grabe, tama ba ito? Hehe.


Martin

Dear Martin,


Oo nga minsan nga hindi ko makita ang point nitong portfolio na ito, cocompile mo ang mga exams, quiz etc tapos papagandahin mo. Ganoon lang, I mean what for? Sayang papel, hahaha! Anyway sabi yun ng principal so wala tayo magagawa.


Anyway ganoon ba ang nangyari? Kaya pala hindi na kita masyado nakikita these days. Hayaaan mo na, ganyan talaga ang life, well sabi nila, mahirap.


Alam mo pala magse- self study ako para makapasa doon sa University of the Philippines, malay mo naman makapasa di ba? Sina Ahyin nga dahil may mga pera sila of course, doon talaga sila sa review center. Basta wish me luck! Alam mo naman hindi naman ako ganoon katalino pero susubukan ko pa din kahit dumugo pa ang utak ko. Sayo din good luck din, isipin mong mabuti kung ano talaga ang gusto mo. Ako nga din hindi pa sure kung magnu- nursing ba talaga ako eh. Pero yun daw ang sikat ngayon so malay mo naman, pwede ako sa ospital, haha baka ako pa nga ang gamutin doon.


O siya sige na, got to go!


Jhelyn

So we were like that for quite some time. Pero nagkakaroon ng pagkakataon na isang linggo niya hindi binabalik ang notebook. Minsan nga naiisip ko, paano kung ligawan ako nito ni Martin, sasagutin ko ba? Pero naisip ko, imposible yun, at isa pa kinalikot ko na ang puso ko ng madaming beses, wala talaga eh. At ayun naman sa mga sulat niya, mukha namang wala siyang gusto sa akin. Walang sign na may gusto man lang siya sa akin. It is all a platonic relationship. Nang mga panahon din na iyon ay may nanliligaw din sa akin na isang guy, si Shiv, matangkad, moreno, payat at makulit. And guess what classmate pa namin and ex niya, si Joan na para sa akin ay maputi lang kaya nasasabing maganda at ayun, tahimik. Anyway wala na naman sila so it's really not a big deal. Gusto ko din si Shiv, ang kulit niya kasi and super boyish. Laging napapagalitan ng teacher pero nang nangsimula siyang manligaw sa akin ay medyo nagbe behave na naman siya. Isang araw nga ay practicum namin sa Management subject so naka office attire kami and all and we were assigned in some offices in the campus. Kinahapunan ay hinintay niya talaga ako at well, hinatid niya ako sa bahay. He's actually wearing a dark blue polo shirt and slocks that made him cute naman and I should say mature looking. Inalalayan niya pa nga ako sa pagbaba sa jeep. And I should say siya ang nagbayad ng pamasahe ko. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko eh, oo gusto ko siya and he made me laugh. Pero i just can't bring myself falling in love with him, sabi ko nga sa sarili ko, ayaw ko na manggamit ng tao. Masyado ding malaki ang difference namin. Naiilang din ako pag nasa school kami dahil madalas kami inaasar. Hays.

Wala na ako masyadong masabi kung kaya namann ay hindi na ako nakakapagsulat sa notebook na ito, kaya pagpasensyahan mo na ah. Yaan mo babawi din ako, hehe eto na nga yun. Oo nga pala may itatanong ako sayo, hindi naman sa nanghihimasok ako sa personal life mo, may nanliligaw ba sayo ngayon?
Hay naku alam mo hindi pa din ako nakakagawa ng portfolio, ewan ko ba tinatamad talaga ako, naguguluhan na nga ako sa buhay ko eh. Pero wag kang magalala, kabisado ko naman yung pinapakabisado sa atin na vision, mission and philosophy ng mahal nating campus ;)

Well oo, may nanliligaw nga sa akin ngayon, si Shiv pero hindi ko pa alam kung sasagutin ko ba siya o ano. Hindi ko rin maisip eh, wala din naman akong feelings sa kanya, oo masarap siyang kasama pero may something eh, hindi ko lang talaga alam kung ano. Pero one month na siya nanliligaw sa akin at natatakot ako dahil baka tanungin niya na ako ulit soon. Ikaw ba, ano ba ang naiisip mo sa kanya? Boto ka ba sa kanya? Buti naman at kabisado mo yang vission, mission etc na yan, haller?? Nireresite kaya natin yan araw araw sa flag ceremony! :>

Ako naman kasi syempre ang gusto kong lalake para sayo ay yung maayos, mabait alam mo yun? Pero ikaw naman bahala diyan, ikaw naman kasi magdedesisyon niyan eh. Oo nga pala kahapon nabigla ako sayo bigla bigla ka lumapit tapos umapir ka sa akin. Nahihiwagaan lang ako sayo. Pasensya ka na ulit kung hindi ko nabalik ang notebook na ito ng ilang araw ah, nagkasakit kasi ako eh ng dalawang araw kaya hindi ako nakapasok. Pero wag kang magalala magaling na ako ngayon. Alam mo ba si Ma'am Cruz yung teacher natin sa religion, kinurot niya ako kanina dahil palipat lipat daw ako ng upuan, tama ba yun? Kagagaling ko lang sa sakit! Kasi naman nakikipagkwentuhan ako kay Bert tungkol sa computer games na nilalaro namin. Yun lang din naman mga hilig ko. O siya sige na, quiz na naman sa classroom namin eh. Bye!

Hi,
Alam mo ba binasted ko na si Shiv kahapon sa phone. Mukha namang wala siyang reaction pero in fairness nahirapan ako doon ah. Nakakainis lang dun kasi wala ng manlilibre sa akin ng pamasahe. Haha yun ang inisip eh no? Joke lang. At least I wont feel comfortable anymore sa classroom. Busy din ako ngayon sa pagre review dahil di ba mage- exam nga ako sa UP. At malapit na din ang exam natin di ba? Ikaw din magaral ka na, wag mo kong sasabihan na masama yang pakirandam mo, uminom ka ng gamot. Alagaan mo ang sarili mo. Paano pag lumipat na kami sa Cebu? Plano pala yang ng Mama ko. Ayaw na niya dito mag stay sa Cavite dahil wala naman dito ang mga kamaganak namin. O di ba? at least may remembrance na tayo pag nagkalayo tayo, etong notebook na ito. Ano ka ba, yung apir na yun? Wala yun! Sus! Akala mo kung ano no? Trip lang, 'to naman, nagisip kaagad. :D O siya review session na ako! Bye!

Isang araw ay nagkaroon ng isang meeting de advance sa school at lahat kami ay pinatawag sa gym para makinig ng kanilang mga pinagsasasabi. Katabi ko si Leah sa bandang kanan at dahil katabi namin ang section nina James at ang pagkakataon nga naman, nasa harap ko si James. Dahil mahirap lang ang campus namin naka indian seat kami sa lapag mismo. At sobrang lapit sa akin ni James. Kinalabit pa nga ako ni Leah nang malaman namin na si James pala ang nasa harap namin. Nakwento ko kasi sa kanya ang about kay James. "Oo alam ko." mahina kong bulong sa kanya na napalakas pala dahil napatingin sa akin si James at ngayon ay alam na niyang nasa likod niya ako. Tatlong taon kami hindi nagusap, imagine. At ngayong binabalak na ng Mama ko na magce Cebu na daw kami, naisip ko hindi ko na makikita ang mga taong ito for sure. Nanlamig bigla ang mga kamay ko nang maisip kong kausapin si James. At eto namang si Leah bulong ng bulong na kausapin ko na daw itong si James, for old time's sake. Magpaalam daw ako. Pinagdidilatan ko nga siya, sabi ko AYOKO. Eto namang si bruha ay hindi mapakali. Ang ginawa niya ay nagsulat sa isang papel na hindi ko nalalaman, at ibinigay kay James. "Ano yung binigay mo?" tanong ko sa kanya.
"Basta." aniya na para bang kinikilig. Nang maya maya ay may inabot na papel sa akin si James. Ang papel na pinasa sa kanya nin Leah. Binasa ko ito.

Miss ka na daw ni Jhelyn.

Hindi ko talaga alam kung paano ko naging kaibigan itong si Leah. Ang sarap sakalin. Saka ko binasa ang reply nitong si James.

Miss ko na din siya. :)

Tiningnan ko ng masama si Leah at hindi din naman ako makapaniwala sa sinulat ni James. Ilang minuto akong hindi umimik. Nang maya maya ay nagsimula na naman itong Leah at may sinulat na naman kay James. "Just trust me okay? You're gonna thank me for this." sabi na lang niya. So hinayaan ko siya sa ginagawa niya.
"Pasalamat ka, kaibigan kita." And so ilang minuto sila nagpalitan ng sulat. Kung sila ang magkakatuluyan, actually ay okay lang. Nakinig na lamang ako sa mga nagi speech sa stage. Maya maya lang ay inabot sa akin ni Leah ang pinagsusulatan nila ni James. "Anong gagawin ko dito?"
"Basta basahin mo." At yun nga ang ginawa ko.

May gusto ka pa din ba sa kanya? Ba't kayo nag break? Liligawan mo ba siya kung alam mong may chance ka?
Ang gusto hindi naman nawawala yun eh, pero past na ang sa amin at siya din naman ang umayaw sa akin, wala naman akong magagawa doon, pero kung bibigyan niya ako ng chance, sa totoo lang ay hindi na siya nasundan pa. Siguro.
Ay talaga? Kinilig naman ako. Ano ba ang number mo? Ibibigay ko sa kanya. XD
*** **** Yan ang number ko.
Ay salamat. Uhm, alam mo ba pagkatapos ng year na ito balak na ng Mama niya na pumunta sila ng Cebu.. :(
Totoo ba yang sinasabi mo? Hindi nga?

Doon na natapos ang maikli nilang conversation about sa akin. Oo, kinilig ako. Lumipas na ang tatlong taon kaya may mga nagbago na din sa akin. Hindi na ako ang mahiyain at ang mahinhing  si Jhelyn. Naisip ko nga eh, tama pupunta na kami ng Cebu, gusto ko ba magkaroon ng regrets? Bakit hindi ko man lang siya kinausap? Bakit hindi ko man lang siya kinausap ulit? Sana naging magkaibigan pa kami di ba? Well why not, coconut? Hahayaan ko ba na ang pagiging mahiyain ko ang maging sagot sa lahat? Bakit hindi ko gawin habang may oras pa ako, habang nandito pa ako sa Cavite? Ang irarason ko lang ba sa sarili ko kung bakit hindi ko siya kinakausap ay dahil, nahihiya ako? Nakakahiya naman yun sa sarili ko. Pero anuman ang isipin ko sa mga oras na ito, I just can't put myself on that situation especially at this moment. Hindi ko pa kaya.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn