Filipino Author. Traveller. Dreamer.

Hello Bookworms!

Saturday, 26 February 2011

What is Love? "CHAPTER ELEVEN"

05:46 Posted by Cindy Wong Dela Cruz , No comments
Kumatok si Eric sa gate namin at sinagot naman ng Auntie ko (na bumalik galing probinsya ilang araw lang ang nakakaraan) ang gate. Alam kong kanina pa sila sa labas pero alangan naman ako ang unang mag approach di ba? Sa wakas naman at afer thirty minutes ay napagdesisyunan na nilang kumatok. Ewan pero bigla akong kinabahan. Ano ba, maiinlove na naman ba ako? Worth it ba ito? Lumabas naman ako agad nang tawagin ako ng Auntie ko and moments later I am face to face with Eric na I think ang pinakamatangkad sa lahat ng naging crush or date ko. Moreno, medyo singkit ang mata, spike at naka gell ang buhok, nakasuot ng itim na jersey na may number seventeen, matangos ang ilong, at pula ang mga labi. Okay, at this moment I can say, I'm so over with Mike. Ang cute ni Eric. Ideal face of a guy. Parang si Enchong Dee. Ha! Jackpot!
"Uh, ikaw si Jelyn?"
"Yup, it's me, and you are Eric right? Napakilala ka na sa akin ni Vhin. Nasaan na nga pala si Vhin? Hindi mo kasama?"
"Andoon sila sa may malapit sa creek." aniya. Saka ko lang na realize na bakit ba hindi ko siya paupuin? And so niyaya ko siya sa garden kung saan kami madalas mag usap ni Mike. Awww.
"Tara pasok ka." Buti na lang walang kumakahol ngayon, paano naman kasi ay pinamigay na si Lassie, ang aming dog, doon sa katulong ng kapitbahay namin. Masyado na kasi siyang marahas and natatakot kami dahil baka makagat pa ang aking kapatid na si Ron. Agad namang pumasok si Eric at umupo sa terrace. Doon naman ako umupo sa may kabila kung kaya ay magkaharap kami. At nagsimula na nga kami magpa autograph verbally. Nagtanong ako, sasagutin niya,, ganoon din naman siya. At dahil doon nalaman ko na pangalawa siya sa tatlong magkakapatid meaning panggitna, pareho kaming second year high school, nagaaral siya sa St Joseph highschool na fifteen minutes away lang from school namin, he play basketball pero hindi pa nakakapasok bilang varsity sa school nila, matagal na silang magkakilala nila Vhin noong nasa gradeschool pa lang ata sila, favorite color niya is black and blue and favorite band is 6 cycle mind.
"Uy, ako din. Lalo na yung bago nilang song ngayon, yung biglaan."
"Oo favorite ko din yun, kaya ko yung tugtugin sa gitara."
"Nagigitara ka?"
"Oo, wag kang magalala, one time tutugtugan kita."
"O talaga? Sige sige sabi mo yan ah." Bigla naman ako kinilig doon.
"Nagkaboyfriend ka na ba?" tanong niya.
"Oo, dalawa na sila pero ayun nag break din kami."
"Bakit naman?" Aba nagtanong pa?
"Not meant to be eh."
"Ahh."
"Ikaw, nagkagirlfriend ka na ba?"
"Hindi pa." sabi niya na umiiling.
"Talaga?"
"Oo naman, magsisinungaling ba ako?" ngumiti siya na lalong nagpa cute sa kanya.
"Ah, okay fine."
"Uhm pwede ba ako manligaw sayo?" tanong niya. Bilis naman ng lalakeng 'to!
"Hmm, bakit mo ko naman ako liligawan?"
"Kasi mula nang makita kita sa class picture niyo, ewan ko ba, na inlove na ata ako eh." Ahahah! Para naman akong nasa cloud nine nito, thank you Lord!
"Hmm sige na nga payag na ako na manligaw ka." tugon ko sa kanya, feeling ko naka smile din ako eh sa super kakilligan.
"Talaga? Wow salamat!" Mukha naman siyang na thrill. Haha! "May bibigay nga pala ako sayo."
"Ano yun?"
"Inabot niya sa akin ang isang nakalaminate na graphic papel na may nakalettering na pangalan ko na 'Jhelyn' tapos may nakasabit itong chain. Isa itong personalized keychain. "Gawa ko yan, para sayo."
"T- thank you." sabi ko, buti na lang medyo madilim dahil kung hindi ay nakita na niya sana ang pamumula ko. Awwww. Cloud nine, cloud nine!

Madalas na kung dalawin ako ni Eric dahil one month pa bago magpasukan. Nakatira siya isang subdivision sampung minuto ang layo sa subdivision namin at kahit mahal ang pamasahe dalawa o tatlong beses siyang pumunpunta sa amin. Minsan nga sinabi niya sa akin na gusto niya pumunta sa amin araw araw pero sabi ko sa kanya magagalit si Mama kaya pumayag siya na minsan na lang kung pupunta. Magkanungpaman, lagi naman siya tumatawag, dalawa hanggang sa apat na beses sa isang araw. Buti nga wala akong cellphone dahil for sure magkatext lang kami ng magkatext if ever. Isang araw nga napundi ang ilaw namin sa garahe, walang nakakaabot nu'n hangga't di ka aakyat sa grills which is delikado, aboslutely it is a man's job. And siya ang nagpalit ng ilaw na yun. I guess nagpapalakas din siya kay Mommy and Mom is impressed naman. Sa tuwing pumupunta siya sa aming bahay ay madalas lang ang kwentuhan namin, at pag nandyan siya lagi na lang nagpapawis ang kamay ko. And syempre panay ang pa cute ko. Hanggang sa isang linggo bago magsimula ang klase ay tinanong na niya ako kung pwede na ba maging kami. Nasa sala kami nu'n dahil umuulan sa labas. Nagkataon naman na si Mommy kailangan umalis at kami lang ni Jhea ang maiiwan sa bahay so while Jhea is nasa kusina, naiwan kami ni Eric sa sala at doon niya tinanong ang killer question. "Alam mo mahal na kita kahit saglit pa lang tayo nagkakilala, kung pwede sana maging tayo na." aniya.
"Kung maging tayo man would you promise na hindi mo ko sasaktan?"
"With all my heart."
"Okay, go. Eh di tayo na." Lalong lumakas ang ulan sa labas kung kaya medyo hindi kami magkarinigan.
"A- ano?"
"I mean gusto din kita. Oo."
"Mahal mo din ako?"
"Hmm, uh huh." sabi ko na parang di pa sigurado pero I like him din naman eh so why not try it with him? Nasilayan ko ang ngiti sa mga labi niya at bigla siyang napayakap sa akin. Naisip ko lang ganito din nung sinagot ko si Mike ah. Sinagot ko siya and then natuwa siya. Same reaction. Siguro nga ganoon talaga, normal lang yun, alangan namang umiyak siya sa tuwa, OA naman ata yun. Bigla niya akong hinawakan sa kamay at may nilabas siya mula sa bulsa niya. Isang singsing. "P- para sa akin yan?"
"Oo, binili ko para sayo."
"Kung hindi ba ako umoo, ibibigay mo pa din sa akin yan?"
"Hmm depende kung tatanggapin mo." aniya. "Sana lang magkasya sayo." Isinuot niya ang silver sa singsing sa aking palasingsingan, tulad iyon ng singsing na binigay sa akin ni James na nakatago na sa aparador, pero iba ang design nito. Ang ganda. Sumakto naman ang sukat sa akin at muli ay nalagyan ng palamuti ang aking kamay.
"Wow ang ganda, salamat."
"Bagay sayo." aniya. "May hihingin sana ako sayo eh."
"Ano yun?"
"Pwede bang pa kiss sa pisngi?" Wow naman nagpaalam pa siya, tumango naman ako. Kasunod nun ay ang paghalik niya sa akin pisngi. Lalo akong kinilig. Sa lakas ng ulan sa labas at sa lamig ng panahon, naisip ko tama lang ang desisyon ko. Ang sarap ng pakirandam ko ngayon, dahil may taong nakaakbay sa aking balikat, keeping me warm.

Nagsimula na nga ang klase ko bilang isang third year high school at nagkaroon ako ng iilang barkada. Sabi nila kung masaya ang high school, pinakamasaya doon ay ang pagiging third year high school dahil mas kakaiba ang experience. At tama nga sila (kung sinoman sila) dahil unang linggo pa lang nakabuo na ako ng tropa, at hindi ko na kailangan mag school bus dahil ako ay commuter na! Haha! At minsan hatid sundo pa ni Eric. Minsan naman ide date niya ako sa isang fast food malapit sa school or minsan sa tapat ng school. At saya sa feeling tapos pag uwi ko sasabihin ko lang gumawa ng project or something dahil hindi naman yun papayag. Hindi ko din naman inamin sa kanya na may boyfriend na ulit ako dahil sabi niya bawal pa din ako mag boyfriend. Isang araw nagde date kami sa may mcdo na malapit sa school namin and he said, "Alam mo may good news ako sayo."
"Ano yun?"
"Nakapasa ako sa try out ng basketball kanina, varsity na ako!"
"Wow talaga! Ang galing talaga ng boyfriend ko!" pagmamalaki kong sabi sabay subo ng fries sa kanya. "So kailan simula ng training?"
"Every Tuesdays and Thursdays lang naman eh and kailangan ko magpa semi kalbo."
"W- what?"
"Required kasi na dapat semi kalbo so papagupit ako this weekend. Wala namang problema sayo right?"
"Uhhh..." Sa totoo lang one of the reasons why I love him is because of his hair, shiny straight hair tapos lalagyan niya ng style. Tapos ngayon papakalbo siya? "Oo naman go! I know how you love basketball so I will say congratulations and go. I'm just here to cheer you."
"Thank you." sabi niya. "At dahil diyan may ice cream ka sa akin!" sabi niya.
"Yeheyyyy!"

I really don't wanted to make it a big deal na nagpagupit si Eric pero hindi ko talaga maiwasan ang nararandaman kong iyon. It bothers me so much no matter how much I hate bothering about it. Pero ang good news doon ay super varsity na nga si Eric, at ayun sa kwento niya sa akin ay napapaimpress niya daw ang coach nila.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo

I love traveling and being immersed with different cultures. It has cultivated my love for learning and has exposed me to different perspectives. I'm a travel specialist during the day, while writing has always been my first love (considering my love of books, of course). I am an editor of Lapis sa Kalye (Hindi ito ang normal mong nababasa)**a Facebook page which promotes Philippine Literature, one of the writers of the published book - **PENDULUM. I was also the Editor in Chief of our online magazine which published free literary works. I also post my works in Wattpad reaching more than 70k reads.

And when I need a real breather, I take pictures and edit them. I'm still developing my style in this area, I don't usually follow Photography rules, I just try to have fun along the way.

Blog Archive

Adventure Time - Lady Rainicorn